Hinihingi ng pangkasalukuyang kalakarang pang-edukasyon ang higit na pagbibigay tuon sa paglinang ng mga kasanayan at kakayahang makatutulong sa mga mag aaral upang higit na maging produktibong indibidwalat magkaroon ng masaya at makahulugang buhay sa hinaharap. Inilarawan ni Kagan (1992) Ang mga lipunan sa daigdig ay binubuo ng mga pangkat na umaasa sa isa't isa o interdependent na nagtutulungan sa pagibigay solusyon sa mga kompleks o masalimuot na problema na hindi maaaring lutasin ng isang tao lamang. Ang Kalikasan ng Kolaboratib na Pagkatuto David at Donelly (1999) isang prosesong transaksyunal na may bukas na pagpapalitan ng mga ideya ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa mag- aaral at mag-aaral sa kanilang guro na nagsisilbing pasiliteytor. Anim na Simulaing Gumagabay sa Proseso ng Kolaboratib na Pagkatuto ayon kay Galbaraith (1991)
A. Ito'y isang pilosopik na oryentasyon na tinitingnan
ang mga mag-aaral bilang katuwang o partner na may parehong responsibilidad sa proseso ng pagkatutu.
B. Ito'y isang rekognisyon o pagkilala sa nagagawa ng
daybersifayd o pagkakaiba-iba ng proseso ng pagkatuto. C. Ito'y nagibigay ng isang sikolohikal na kapaligiran ng paggalang sa isa't isa, pakikipagtulungan, pagtitiwala, pagsuporta, at pagiging bukas sa hamon at kritisismo, pagharap sa anumang maaaring bunga ng ginawang pasya, pagkalugod at pakikipagkaibigan. D. Ito'y isang set o kabuuan ng plinanong interaksyon na humahamon sa mag-aaral upang mag-iisip nang malalim at makipagpalitan ng ideya. E. Ito'y isang proseso na naglalaan ng kritikal na pagninilay o repleksyon.
F. Ito'y isang proseso na kapwa nagsusulong at
umaasa sa pagiging independent ng mag- aaral. Mga Palagay Ukol sa Kolaboratib na Pagtuturo