You are on page 1of 6

Ugnayan ng Kolaboratibong Pagkatuto sa Akademikong Pag unlad at Ugnayang

Sosyal sa mga mag-aaral ng Ikalabing-isang Baitang sa Naujan Municipal

Highschool: Isang Pagsisiyasat

GARIBAY, Chesca Camille V.

ACEDILLO, Alexis

DE GUZMAN, Airon Paul

MAGSISI, Alex

APOC, Angelica

MORTEL, Charmlet
KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Bawat guro ay may kani-kaniyang mithiin, layunin, metodo, istratehiya at instruksyon upang

mapunan ang mga kinakailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral bilang sentro ng karunungan. Isang

paraan sa pagkamit ng tunguhin ay kailangang matutunan at matuklasan ng guro ang iba’t ibang metodo

sa pagtuturo dahil ito ang nagsisilbing daan sa pagkamit ng isang tiyak na layunin.

Ang pagtuturo ay isang hamon, kaya nakaatang sa balikat ng guro ang mahusay na pagganyak,

pagbabalak at pagpapasiya sa pamamaraang gagamitin na angkop sa bungang pagkatuto ng asignaturang

itinuturo. Ang isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo’y humahamon sa mga mag-aaral upang sila ay

makikiisa at tumulong sa mga gawain.

Hinihingi ng pangkasalukuyang kalakarang pang-edukasyon ang higit na pagbibigay-tuon sa

paglinang ng mga kasanayan at kakayahang makatutulong sa mga mag-aaral upang higit na maging

produktibong indibidwal at magkaroon ng masaya at makabuluhang buhay sa hinaharap. Nakaangkla ang

ganitong pananaw sa nangingibabaw na kalakarang global sa edukasyon na pinaniniwalaang dapat

nakatulong sa paglikha ng mga mamamayang may kakayahang umagapay sa mabilis na nagbabagong

kapaligiran, makabagong teknolohiya, rebolusyong intelektwal at interdependent na ekonomiya.

Dahil sa isang penomina sa kasalukuyan ang globalisasyon at ekonomiya ay nakadepende sa

teknolohiya, ang nangingibabaw na kalakaran sa daigdig na paggawa ay interaksyon. Inilarawan ni Kagan

(1992) na sa ngayon, ang mga lipunan sa daigdig ay binubuo ng mga pangkat na umaasa sa isa’t isa o

interdependent na nagtutulungan sa pagbibigay solusyon sa mga kompleks o masalimuot na problema

na hindi maaaring lutasin ng isang tao lamang (Villafuerte & Bernales, 2008, p.173)
Dahil dito, kailangang bigyan ng prayoridad ng mga paaralan ang paglinang sa mga mag-aaral ng

mapanuri at mataas na antas ng pag-iisip at mga kasanayang pangkomunikasyon at interaksyong sosyal

na kakailanganin para sa epektibong paglahok sa lipunang patuloy na nagiging masalimuot at

interdependent at sa pagtugon sa mga larangang kanilang tatahakin sa hinaharap. Sa ganitong konteksto,

kailangan ang pagreistruktura sa mga klasrum sa kondisyong makapagbibigay sa mga mag-aaral ng

pagkakataon upang maranasan ang pagtutulungan sa proseso ng kanilang pag-aaral at pagkatuto.

Kailangan din ang paglalaan ng mga gawaing makapagpapatibay ng kanilang oryentasyong sosyal nang

may pagpapahalaga sa kontribusyon at magagawa ng bawat isa sa pagtatamo ng iisang layunin o

hangarin. Samakatuwid, kailangan ang kolaboratib/ kooperatib na mga pamamaraan sa pagtuturo upang

maihanda ang mga mag-aaral para sa matalino at demokratikong paglahok sa lipunan- may kakayahang

makipag-interaksyon, makabuo ng kolaboratib na pasya at makipagtulungan para sa kapakanan ng

nakararami.

Batay sa tiyak na karanasan at obserbasyon ng mga mananaliksik, napapansin na kadalasan sa

mga guro ngayon ay limitado na ang istratehiya na gawing buhay ang pagtuturo. Ang pagtuturo ng

asignaturang pinagdalubhasaan partikular sa Filipino ay maituturing na isang napakasalimuot na gawain

sa buhay ng isang guro, dahil sa kaunting pagkakamali lamang nito’y mawawala na ang interes ng mga

mag-aaral na matuto. Ang pagkakabagot sa aralin ay isang dahilan kung bakit nahihirapan ang isang mag-

aaral na matuto. Naniniwala ang mga mananaliksik na mas magagamit ng bawat mag-aaral ang taglay na

talino sa aktibong pakikilahok, pagkumpleto ng mga gawain at paghanap ng solusyon sa mga problema

kaugnay ng mga aralin. Ginawa ang pananaliksik na ito upang mapag-aralan at mabigyang tuon ang

kahalagahan ng kolaboratibong pagkatuto kaugnay sa akademikong pag-unlad at ugnayang sosyal ng

mga mag-aaral sa Filipino.


BALANGKAS TEORITIKAL

Ang pag-aaral na ito ay naimpluwensiyahan ng symbolic interaction na nagbibigay diin sa

kaugnayan ng kolaboratibong pagkatuto sa akademikong pag-unlad at ugnayang sosyal ng mga mag

aaral. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa malayang baryabol.

Malayang baryabol Di- malayang baryabol

Propayl ng mga mag-


aaral sa ikalabing-isang
baitang ayon sa:
Kaugnayan ng
kolaboratibong
A. Kasarian pagkatuto sa
B. Edad akademikong pag-
unlad at ugnayang
sosyal

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang tuon ang kahalagahan ng kolaboratibong

pagkatuto sa Filipino kaugnay sa Akademikong Pag-unlad at Ugnayang Sosyal ng mga mag-aaral sa

Ikalabing-isang baitang ng Naujan Municipal High school, sa Taong Panuruan 2022-2023.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning masagot ang mga katanungan ng sumusunod:

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral sa Ikalabing-isang baitang ayon sa:

a. Kasarian

b. Edad
2. Ano ang epekto ng kolaboratibong pagkatuto sa mga kalalakihan at mga kababaihang mag-aaral

sa Filipino ayon sa:

a. Akademikong Pag-unlad

b. Ugnayang Sosyal

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may malaking maitutulong upang maging makabuluhan at makahulugan

ang pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa loob

ng klasrum. Ang Filipino ay kinakailangang maituro sa mga magaaral nang may sapat na kagalingan

sapagkat ito’y ganap na kailangan sa pagpalaganap ng kagalingan at kahusayan ng mga Pilipino,

gayunman, ang kolaboratibong pagkatuto ang magsisilbing daan sa pagkamit ng tagumpay sa pagbibigay

kaalaman nito sa mga mag-aaral. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito’y magiging tulong upang mabigyan

ng pinakaangkop na istratehiya sa pagpaunlad ng kaalaman ang mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito’y

makatutulong rin sa mga mag-aaral sa pagtaguyod ng kanilang kaalaman at akademikong performans,

lalung-lalo na sa pagtugon ng kanilang mga mithiin. Ito ay makatutulong sa pag-angat ng kanilang

retensyon at pagpapaunlad ng kaalaman nang may lubos na kasiyahan, kakayahang sosyal at

pakikipagtalastasan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa panahong papel na ito, sa pook ng Barangay Andres Ylagan Naujan, nakatuon ang

pananaliksik at pag-aaral patungkol sa kaugnayan ng kolaboratibong pagkatuto sa akademiko at

ugnayang sosyal ng mga mag-aaral. Ang Barangay Andres Ylagan kung nasaan ang Naujan Municipal High
School ay nasa lungsod ng Oriental Mindoro. Dito nakabase ang aspetong ugnayan ng akademiko at

ugnayang sosyal ng mga mag-aaral.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Kolaboratibo. Ito ay tumutukoy sa isang grupo na nagtutulungan at nagiisip para matapos ang gawain o

proyekto.

Kolaboratibong Pagkatuto. Ito’y isang pamaraang instruksyunal na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang

antas ng kakayahan at kasanayan ay nagtutulungan sa kinabibilangang pangkat upang matamo ang

layunin o hangarin

Filipino. Tumutukoy sa asignaturang nangangailangan ng isang maingat at matalinong istratehiya sa

pagtuturo at mga gawaing interaktib ng kaalamang pangwika upang mapanatili ang interes ng mga mag-

aaral.

Ugnayang Sosyal. Tumutukoy sa kakayahan at asal ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa’t

pakikipagtalastasan sa mga kaklase.

Istratehiya sa Pagtuturo. Isang paraan ng guro na maidugtong ang diwa ng asignaturang Filipino sa mga

mag-aaral, kalakip na ang mga hakbang sa pagpatnubay ng prosesong mental ng mga mag-aaral sa

pagdadalubhasa ng paksang ibibigay sa kanila, at sa pagsasagawang ganap sa kabuuan at tiyak na layunin

ng kurso.

You might also like