You are on page 1of 6

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG


PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN AT PAGPASA NG MGA
NALALAMAN NG GURO SA ASIGNATURANG
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK SA
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC,
SA TAONG PANURUAN 2023-2024.

Ipinakita sa Fakultad ng Departamento ng Kolehiyo


Quezonian Educational College, Inc
Atimonan, Quezon

Ipinasa Bilang Bahaging Pangangailangan para sa Introduksyon sa


Pananaliksik: Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik

INIHANDA NILA:

FORMARAN, DAVE R.
MIRANDA, JOHN CHRISTOPHER A.
VARGAS, IAN S.

ISINUMITE KAY:

G. JEFRIE R.GLINOFRIA
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Sa kabanatang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag aralan ng mga
mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, layunin ng mga
mananaliksik, ang sakop at delimitasyon ng buong pag-aaral, kahalagahan ng
pagsasagawa ng naturang pag-aaral.

A. SULIRANIN

Pamamaraan ng pagtuturo ang isa sa napakalaking resposibilidad ang nakaatang sa


balikat ng mga guro. Tungkuling kanilang ginagampanan upang mahubog ang
kaisipan at malinang ang katauhan ng mga mag-aaral, na siyang bubuo at magiging
pag-asa ng bansa. Isa sila sa mga itinuturing na ikalawang magulang ng mga
estudyante sapagkat sila ang magiging tagapangasiwa, tagaturo, tagapamahagi,
tagasalaylay, taga-tulong, taga-hubog ng isipan at katauhan ng mga estudyante.

Sa pamamaraan ng pamamahagi o paglalahad ng mga kaalaman ay mahirap na pag-


isipan para sa guro. Ito ay malaking dagok sa kanila lalo't hindi lahat ng mga
estudyante ay makikinig o mauunawaan ang mga kanilang ilalahad. Ang pagpukaw
ng kanilang atensyon at sarili ay suliraning kinahaharap ng mga guro. Sapagkat ilan sa
mga estudyante ay hindi interesado sa mga binabanggit ng guro o kaya naman ay may
ibang pinagkakaabalahan. May mga estudyante na nakatuon ang

atensyon sa guro ngunit wala ang diwa sa kanila. Kaya naman nahihirapan ang mga
guro na kung paano lubos na matuturuan ang mga estudyante nila.
Napakalaki at napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga guro sa pagtuturo, ang
guro bilang tagapangasiwa, tagapamahala, tagapayo, patnubay, kaibigan, at iba pa.
Dahil sa laki ng gampanin ng guro malaki ang impluwensya niya sa mga mag-aaral
lalong-lalo na sa pagkatuto at sa paghubog ng katauhan ng mga ito.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang ng iba’t ibang Persepsyon ng


guro sa asignaturang Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik mula sa Quezonian
Educational College,Inc. Atimonan, Quezon hinggil sa pagtatrabaho habang nag-aaral at
maiparating ang kanilang mga nais o suhestiyon na dapat mabatid ng mga mag-aaral na ito
habang nagtatrabaho sila kasabay ng pagtatrabaho.

C. LUNAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Quezonian Educational College, Inc. na sakop


ng isang rural na bayan ng Atimonan, Quezon, ang paaralang ito ay nagsimulang maitatag
noong 1985.

,Sanggunian: Google Maps, Wikimapia.org Pigura 1: Quezonian Educational College,


Inc.Atimonan, Quezon

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mga mananaliksik na napaka-signipikant at mahalaga ng pag-aaral na ito


sapagkat maaari itong makatulong sa sumusunod:
SA PUNONGGURO

Sa pag-aaral na ito, mahalagang papel na ginagampanan ang mga punongguro ng


bawat paaralan, sapagkat sila ang pangunahing sumisiyasat sa mga gawi, at performans ng
mga guro sa pagpapahatid ng mga kaalaman sa hinggil sa pagiging epektibong mag-aaral,
lubhang makakatulong ang pag-aaral na ito upang mas hubugin pa ang kakayanan at
magagawa ng bawat kawani sa bawat paaralan sa pagsinop sa pangangailangang
pangkaalaman ng mga mag-aaral.

SA MGA GURO

May malaking bahagi din ang mga guro sa pag-aaral na ito, sapagkat sila ang
pangunahing nakakatuwang ng mga mag-aaral tungo sa maayos at epektibong pagkatuto ng
mga mag-aaral sa kasalukuyang sitwasyon, sila rin ang pangunahing nagbabahagi ng mga
tamang paggabay Sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng salamin at motibasyon ang mga guro
ukol sa mga pamamaraan .

MGA MAGULANG

Sa pag-aaral na ito, malaki ang tungkulin at papel na kanilang ginagampanan ng mga


magulang upang maiparating at maipabatid nila ang kanilang damdamin at saloobin hinggil sa
pag-aaral ng kanilang mga anak na mag-aaral upang mapagtanto ng mga kinauukulan ang
mga dapat na aksyon o hakbang na dapat gawin upang higit na matustusan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa aspeto ng edukasyon.

SA MANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa kasalukuyang mananaliksik, sa kadahilanang


ang mga konsepto, mga datos na nakalap mula sa mga respondente, maging ang balidasyon
ng mga kagamitan sa pagkalap ng datos ay nakapagdagdag ng kaalaman hinggil sa
epektibong pamamaraan ng pagbuo ng isang pananaliksik. Gayundin naging bukas ang
damdamin ng mananaliksik sa mga perspektiba, persepsyon ng mga respondente, partikular
na ang mga mag-aaral hinggil sa mga pagtatrabaho ng mga mag-aaral habang nagtatrabaho.

SA DARAKUHING MANANALIKSIK

Ang mga darakuhing mananaliksik sa darating pang panahon ay lubhang


mapakikinabangan ang kasalukuyang pag-aaral na ito na isinasagawa, mahalaga ito para sa
kanila upang maging angkla o batayan ng mga mapapanghawakang konsepto at mga sipi na
kanilang magagamit sa darating na panahon na sila ay magsasagawa ng sarili nilang
pananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa at makabuo ng
mga dagdag pang pamamaraan o metodo na magagamit upang maging mabisa ang
pananaliksik.

E. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

F. BATAYANG KONSEPTWAL
G. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

You might also like