You are on page 1of 11

EPEKTO NG KAKULANGAN SA PASILIDAD SA PAG-AARAL NG MGA

ESTUDYANTE SA PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Isang Pamanahong Papel


Iniharap sa Kagawarang ng
Senior High-School
Pangasinan State University- Bayambang Campus
Bayambang, Pangasinan

Bilang Bahagi ng Kahingian sa Asignaturang Filipino


Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat-Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
11 - STEM

Eric Francis S. Cabanayan


Yna Lynne P. Frias
Kervin Joshua Peregrino
Jewel A. Capudoy
Alloysius Jessearl S. Macam

2019
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang edukasyon o pagtuturo ay ang sistema at proseso ng paghahatid ng kaalaman,

karunungan, kultura at magandang pag-uugali sa isang tao. Kadalasang nagaganap ang

pagtuturo sa loob ng mga pasilidad pang-edukasyon na tinatawag na paaralan. Kilala sa

pangalan na "Guro o Propesor” ang mga taong mayroong karanasan at kuwalipikadong

magbigay ng mga bagong kaalaman. Nagsisimula ang edukasyon o pagkatuto ng isang

tao sa murang edad hanggang sa paglaki nito ay babaunin ang kaalamang naangkat sa

paaralan. Ang edukasyon ay binubuo ng iba’t ibang mga antas o lebel. Ang pagkakaroon

ng isang mataas at matatag na edukasyon ay isang saligan upang mapaunlad ang takbo ng

isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Ang paaralan ay

yaong mabisang pinaggagamitan ng libreng panahon—talakayan, lektyur, pag-aaral, at

pagkatuto.

Sa paaralan nagsisimula ang mga aral na nadadala sa mga estudyante sa pang

araw-araw na kanilang pamumuhay. Dito unang nasusubok ang mga pamamaran at kilos

na dapat gawin ng mga taong nabubuhay sa henerasyon ngayon. Kung kaya ay magiging

malaki ang epekto ng kakulangan sa pasilidad ng paaralan para sa mga estudyante dahil

dito naguumpisang mahubog ang pag-iisip at pag-uugali ng isang kabataan. Ang

kakulangan sa silid-aralan, silid-aklatan, mga electric fan, mga pisara, mga upuan at iba
pa ay magiging malaki ang epekto. Isa din ito sa problemang hinaharap ng mga

pampublikong paaralan dahil sa kawalan at kakulangan sa badyet.

Ayon sa pag-aaral ni Prof. Nagel, isang akademiko sa paghahasa ng isip at

edukasyon (2014), ang pagkakatuto ng mga estudyante ay umuunti at nagbabago ang

takbo ng utak patungong Survival Mode o ang tinatawag nating Flight or Fight. Dito ay

gumagamit sila ng maraming enerhiya sa silid aralan para sa kapanatilihan, hindi ang

subukang mag-isip ng may kalinawan. Kanya ring sinabi na ang utak ay may lubhang

sensitibidad sa temperatura at ang pag-init ng katawan ay naghahantong sa pagiging

agresibo ng tao. Kung ang uunahing isipin ng mag-aaral ay ang kanyang kaligtasan at

hindi ang leksyon, wala lang matututunan ang mag-aaral. Nawawalan ng saysay ang

pagpunta sa paaralan at ang pagtuturo ng mga guro kung magpapatuloy ang ganitong

problema.

Isang malaking hamon ang mga nabanggit na sitwasyon. Ito ay pilit na inaalam ng

mga eksperto kung talagang nakakaapekto ang kakulangan ng pasilidad sa pag-aaral ng

mg estudyante. Ang gana sa pag-aaral ay hindi mawawala sa kadahilanang kumpleto ang

gamit at pasilidad na maibibigay ng paaralan sa mga estudyante.

Sinasabi man na walang hadlang sa taong gustong makapag–aral ngunit may

malaking epekto sa mga mag–aaral ang kakulangan sapasilidad, silid–aralan, libro at mga

upuan. Ang pagkakaroon ng maganda at mabuting kalidad ang mas importante. Dahil ang

layunin ng isang paaralan ay makapag bigay at maipakita na kayang makipagsabayan ng

mga estudyante sa buong mundo sa mga aspeto ng kakayahan, katalinuhan, talento, at

kaalaman. Kabilang rito ang paghubog sa kagalingang taglay ng bawat isa kung saan

lalong mahahasa ang sariling disiplina at respeto na meron sa isang bata.


Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto sa mga estudyante maging

sa mga guro ang Kakulangan sa Pasilidad sa Pag-aaral ng mga Estudyante sa Pangasinan

State University Bayambang Campus (PSU-BC).

Sumakatuwid, layunin din nito na masagot ang mga sumusunod na mga

katanungan: Paano nakakaapekto ang kakulangan sa pasilidad sa pag-aaral ng mga

estudyante?

1. Ano ang ugnayan ng kakulangan sa pasilidad sa mga estudyante?

1.1 Grado,

1.2 Oras, at

1.3 Personalidad?

2. Ano ang positibong kontribusyon ng paaralan sa mga mag-aaral sa mga

tuntunin ng mga sumusunod:

2.1 Kalidad sa pagtuturo,

2.2 Silid-aralan at

2.3 Upuan?

3. Ano ang maari mong maibigay na kontribusyon sa problema ng paaralan sa

kakulangan ng pasilidad?

4. Ano ang maaaring gawin para maipahayag ang kagandahang kontribusyon ng

paaralan?

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay naka pokus sa epekto ng kakulangan ng pasilidad sa

pag-aaral ng mga estudyante sa paaralan ng Pangasinan State University Bayambang

Campus (PSU-BC). Ito ay limitado lamang sa 20 ang mga sasagot. Ito ay binubuo ng

mga piling mag-aaral sa PSU-BC.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binigyang kahulugan:

Kakulangan. Ito ay patungkol sa kawalan o walang sapat na mga rekurso upang

gagamitin para sa mga pangangailangan ng tao.

Pasilidad. Ito ay nangangahulugan na salitang hiram mula sa wikang Kastila

na tumutukoy sa mga bagay, kagamitan, istruktura, o lugar na may partikular na

gamit o layon.

Paaralan. Ito ay kung saan natututo ang bawat mag-aaral ng mga mahahalagang

aral na kailangan nilang isabuhay at kung saan mas napapaunlad ang edukasyon ng isang

bansa na kung saan ay sa edukasyon umuunlad ang isang bansa.

Guro. Nangangahulugan na pinakamahalaga sa lahat at hindi lamang isang

pangkaraniwang trabaho. Sapagkat inilalaan nila ang kanilang oras upang turuan ang mga

estudyante at itanim sa kanila ang tamang disiplina at pag-uugali.

Estudyante. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng

mga bagay.
Kahalagahan ng pag-aaral

Dahil ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung ano-ano ang mga kulang na

kagamitan sa paaralan ng PSU-BC. Ang mga sumusunod ay mabibigyan ng importansya

at benipisyo.

Ang mga Estudyante. Ang pag-aaral na ito ang magbibigay ng mga impormasyon

data na kailangan at magbibigay ng opinyon o desisyon tungkol sa kakulangan ng

pasilidad. Maaari rin itong gawing basehan sa pabibigay ng mga kulang na kagamitan.

Ang mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong na maibigay ang mga

kailangan na sagot para sa opinyon at desisyon. Maaari rin makatulong para malaman

kung ano-ano ang mga kulang na kagamitan.

Ang Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong para mapaganda at

masolusyunan ang mga problema tungkol sa mga kagamitan o pasilidad na kinahaharap.

Maari rin na maibigay ang mga positibong nagagawa nito sa mga mananaliksik.

Mga hinaharap na mananaliksik. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay

makakakuha ng mga pananaw kung paano nakakaapekto ang kakulangan ng pasilidad sa

pag-aaral ng mga estudyante sa paaralan ng PSU-BC. Ang mga impormasyon na

maipapakita o ilalahad ay maaaring gawing basehang impormasyon para sa mga

karagdagang pananaliksik, gamit ang iba’t ibang pamamaraan.


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang mga pasilidad ng paaralan ay may mahalagang papel upang matiyak ang

kalidad ng pagtuturo at pag-aaral na may paggalang upang makamit ang kalidad ng

edukasyon. Ang pagganap ng mga pasilidad ng paaralan ay malaki ang apektado sa

tagumpay ng mag-aaral. Samakatuwid, ang pag-aaral sa pagsukat ng pasilidad ng

paaralan ay mahalagang mahalaga upang maisagawa at magkaloob ng naaangkop na

kapaligiran sa pagtuturo at pag-aaral. Ang papel na ito ay naglalayong pag-usapan ang

tungkol sa balangkas sa pagsukat ng pagganap ng mga pasilidad ng paaralan sa

pampublikong primaryang paaralan sa distrito ng Batubara sa Indonesia. Ang konsepto

ng mga kundisyon ng pasilidad na tinukoy ni Schneider ay inilalapat bilang batayan

upang sukatin ang pagganap ng pasilidad sa paaralan. Ang balangkas ay nakabalangkas

sa pamamagitan ng ibinahagi na palatanungan na kumalat sa distrito ng Batubara upang

makita ang antas ng pagganap ng pasilidad ng paaralan mula sa pananaw ng stakeholder,

sa kasong ito para sa mga nagtatrabaho sa paaralan na gumagamit ng mga pasilidad. Ang

antas ng pagganap ng paaralan ay mula sa mahihirap hanggang sa mahusay.

Ang mga resulta ay inaasahang gagamitin bilang isang gabay para sa paaralan upang

mapabuti ang mga pasilidad ng pampubliko paaralan sa Indonesia na kasabay na

humantong sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Indonesia sa hinaharap.

Sinasagisag ng paaralan ang tagumpay ng sistema ng edukasyon, di-tuwiran ang

impluwensya ng paaralan at binubuo ang mga pagkakakilanlan ng mga taong nakatira

nang isa-isa at sama-sama (Proshansky, Fabian, at Kaminoff; 1995) at ito ay magdadala


ng isang makabuluhang papel sa buhay ng mga bata habang sila ay lumalaki at bumuo.

Para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa Indonesia, samakatuwid ang pasilidad

ng paaralan ay kinikilala bilang makabuluhang bahagi sa pagbibigay ng mabuti

kapaligiran sa pagtuturo at pag-aaral, ang ilang mga pagsisikap upang mapabuti ang

pagganap nito ay kailangang gawin, tulad ng gawin ang unang pagsisiyasat sa pagganap

ng pasilidad ng paaralan na nagawa pa sa Indonesia, lalo na sa Batubara distrito. Sa papel

na ito, aming iminungkahi at tinalakay ang balangkas sa pagsukat ng antas ng pasilidad

ng paaralan at para sa higit pang inaasahang hahantong sa pagpapabuti ng kalidad ng

edukasyon sa Distrito ng Batubara ng Indonesia.

Ayon sa National Statistics Office (NSO) sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000 na

mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang

dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong

paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng

silid, ang ratio ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t dalawang

estudyante. Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sa sinasabing

subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na basic tool subject katulad

na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa, at pagsulat nito. Ang Sibika at Kultura

naman ay nagtuturo ng kasaysayan, pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral

sa sarili at bansa bilang Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya

upangmaging mabubuting mamamayang Pilipino sa loob at labas ng bansa. Ngunit kung

madaliang pagtuturo ang gagamitin nito sa kanila, hindi malayong walang pinag-aralan

din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mga sarili. Bukod pa rito, kailangan ding ma-

retrain ang mga guro dahil sa sinasabing pagsasama-sama ng mga aralin. Kailangan ding
maglabas ng bagong babasahin at educational aides na aakma sa tinaguriang revised

subject nomenclature. Ito ay ilan lamang sa kagyat na makikitang problema sa solusyong

ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sabadyet para sa edukasyon at

malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng pamahalaan dito (Bro. Eddie Villanueva,

2009). Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansa ang tig-isang

taong dagdag sa elementarya at high school kundi ang pagdagdag ng silid-aralan at mga

guro. Hindi rin umano natututukan ng isang guro ang kanilang mga estudyante dahil

umaabot sa 65 mag-aaral sa isang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat.

Dahil dito, kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na ang

mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-aralan at mga

guro (Bernard Taguinod, 2010).


Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

METODOLOHIYA

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay kwantitatibong diskriptib. Tinutukoy dito

kung mayroon bang koneksyon ang mga kakulangang pasilidad at kagamitan sa kanila

bilang isang mag-aaral. Ginamit din ng mga mananaliksik ang metodong sarbey upang

mangalap ng kakailanganing datos para sa pagaaral na ito.

Bawat respondente ay binigyan ng sarbey na sasagutan sa loob lamang ng maikling

panahon. Ang mga datos na makukuha mula sa kanila ay iniayos upang mas malinaw na

maipakita ang opiniyon ng mga mag-aaral at ang relasyon ng dalawang baryabol na

kinokompara: (1) ang mga kakulangang kagamitan at pasilidad at (2) epekto nito sa

kanila bilang mga mag-aaral. Mula sa mga nakalap na impormasyon, inanalisa ng mga

mananaliksik kung paanong ang dalawang baryabol na ito ay nagkakaugnay at

nakaaapekto sa buhay ng mga mag-aaral.

Kasama na din sa mga inayos na datos ang mga salaysay ng mga respondente sa

mga panayam na ginawa ng mga mananaliksik.

Instrumento

Ang sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik ay mayroong limang (5) katanungan

na may kinalaman sa kung paano nakakaapekto sa mga sa mag-aaral ang mga kakulangan

sa pasilidsad at kagamitan ng paaralan. Naglalayon din ang sarbey na ito na malaman

kung mayroon bang epekto ang mga kakulangang ito sa kanilang pag-aaral.
Respondente / Sabjek

Mula sa kabuuang populasyon ng mga mag-aaral na Senior High School sa

PSU- BC na humigit kumulang (650), ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng bente

(20) na mag-aaral mula sa mga iba’t ibang seksyon o strand ng bawat antas para sumagot

sa sarbey.

Tritment ng Datos

Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga mag-aaral na tumugon sa

talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong bilang

ng mga mag-aaral ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing

kasagutan sa mga katanungan inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay inalisa at

ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga tumugon.

Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang (ano ilalagay ditets) upang

makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at

medaling pag-unawa sa mga nag nanais na makabasa ng nasabing pag-aaral.

You might also like