You are on page 1of 38

KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE SCIENCES AND TECHNOLOGY

ANG EPEKTO NG KOLABORATIBONG PAGKATUTO SA UGNAYANG SOSYAL NG


MGA MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON SA BATSILYER NG SEKONDARYANG
EDUKASYON MAYORYANG FILIPINO SA KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE
SCIENCES AND TECHNOLOGY

Isang Tesis na Iniharap sa


Guro ng Gradwadong Paaralang Dalubhasaan ng
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology
Municipalidad ng Kapalong

Bilang Bahagi sa Katuparan ng mga kinakailangan para sa


Kursong Introduksyon sa Pananaliksik

GABAY, HANNA MAE G.

PEBRERO 2021
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT i

Kabanata

1 INTRODUKSYON 1

Rasyunale 1

Layunin ng Pag-aaral 3

Haypotesis 4

Mga Kaugnay na Literatura 4

Batayang Teoritikal 19

Batayang Konseptwal 20

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 23

Kahalagahan ng Pag-aaral 23

Katuturan ng mga Terminolohiya 24

Kabanata

2 METODOLOHIYA 25

Disenyo ng Pananaliksik 26

Lokal ng Pananaliksik 26

Populasyon at Sampol 28

Paglikom ng Datos 30

Statistikal Tritment ng Datos 31


Kabanata 1

INTRODUKSYON

Rasyunale

Sinasabing ang ugnayang sosyal ng isang mag-aaral ay kailangang mahubog ng

maayos sa loob o labas man ng klasrum. Ayon sa pananaliksik, maraming mag-aaral ang

may kakulangan sa ugnayang sosyal dahilan upang magkaroon sila ng takot pagdating sa

pakikisalimuha sa iba. Natatakot silang ipahayag ang kanilang mga ideya sa kapwa nila

estudyante maging sa kanilang guro kung kaya’t mas pinipili na lamang nilang manahimik

at hayaan na lang na ang iba ang sumagot at makilahok sa mga aktibiti (Chylinski, 2018).

Samantala, ang kolaboratibong pagkatuto ay isa sa mga paraan ng pagtuturo na

gumagamit ng maliliit na grupo upang mapaunlad ang ugnayang sosyal ng mga mag-aaral

sa loob ng klase. Ang mga mag-aaral na natututo sa pamamagitan ng aktibong

pamamaraan ng pag-aaral ay hindi lamang mas mahusay na natututo ngunit nakakakuha

rin ng higit na kasiyahan mula sa pag-aaral at mas napapalago ang kanilang ugnayan sa

kapwa nila mag-aaral. (Azarian, 2017).

Sa Australia, partikulkar na sa University of Western Sydney pinag-aralan na ang

ugnayan ng mga kabataan sa kanilang mga magulang, kaibigan, at guro ay may malaking

impluwensya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa paaralan at sa kanilang mga desisyon na

huminto o manatili sa pag-aaral. Batay sa pananaliksik, malaking porsyento ng mga mag-

aaral sa University of Western Sydney ay nahihirapang makipaghalubilo sa iba at maki-

ugnay sa kapwa nila mag-aaral dahilan kung bakit hindi sila nagiging aktibo sa talakayan

at mga aktibiti. Katibayan mula sa malawak na pagsusuri sa panitikan ay nagpapahiwatig

na ang mga ugnayang sosyal ay mayroong malaking na epekto at impluwensya sa

performans ng mag-aaral sa loob o labas man ng klasrum (Margaret Vickers et al. 2014).
2

Sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National

High School napag-aralan na kadalasan ang mga mag-aaral doon ay may kakulangan sa

pakikipag-ugnay sa bawat isa kung kaya’t pagdating sa pakikisalamuha sa iba ay

nahihirapan sila maging ito ay sa loob o sa labas ng klasrum man. Batay sa nasabing

pananaliksik, ang kanilang pakikipag-ugnay ay mapapaunlad lamang kung tulong-tulong

ang bawat isa kaysa sa paggawa ng trabaho ng nag-iisa. Ang mabuting pagkatuto gaya

ng mahuhusay na trabaho ay kolaboratib at sosyal at ito’y hindi kompetitib at pang-isahan.

Ang pagbabahagi ng sariling ideya at magbigay reaksyon sa ibang kaisipan ay

mapapaunlad sa pag-iisip at sa malalim na pag-iisip (Gerdy, 2011).

Sa Kapalong, ayon kay G. Jobell Jajalla isa sa mga guro sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology, sinabi niya na minsan ang mga mag-aaral ay may

problema sa pakikihalubilo o sa kanilang pakikipag-ugnay. Kadalasan, ang hindi

pagkakaintindihan ay nangyayari dahil sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. May mga

pagkakataon na hindi sila nagkakaunawaan dahil iba-iba ang kanilang mga opinyon at

pananaw sa loob ng klase. Halimbawa nito, ang dalawang mag-aaral na may iba’t ibang

sagot sa tanong ng guro at wala kahit isa kanila ang gustong magpatalo. Kadalasan, ang

mga pangyayaring ito ay nagiging personal na at ang pagkakaiba-iba sa pag-uugali nila

ang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang ibang mag-aaral

naman ay nagkakaroon ng galit sa kapwa nila mag-aaral kung kaya’t sila ay

nagpapasimuno ng gulo at away sa loob ng klase.

Ayon sa pag-aaral, maging sa kasulukuyan ay maraming mga mag-aaral ang

nakararanas ng kakulangan ng tiwala sa sarili dahil na rin sa kakulangan nila ng ugnayang

sosyal. Maraming mga kabataan ang nawawalan ng kumpyansa sa sarili sa kadahilanang

sila’y natatakot makipag-usap o makipaghalubilo sa ibang tao.


3

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang tuon ang kahalagahan ng Epekto

ng Kolaboratibong Pagkatuto kaugnay sa Ugnayang Sosyal ng mga mag-aaral sa

Ikalawang taon sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino sa Kapalong

College of Agriculture Sciences and Technology

Sa katiyakan, nilalayon ng mananaliksik na matugunan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Para malaman ang lebel o antas ng Kolaboratibong Pagkatuto batay sa:

1.1. Interes

1.2 Interaksyon

1.3 Partisipasyon

2. Para malaman ang lebel o antas ng Ugnayang Sosyal batay sa:

1.1 Pagtitiwala

1.2 Komunikasyon

1.3 Kapaligiran

3. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung may makabuluhang ugnayan ba ang

Epekto ng Kolaboratibong Pagkatuto sa Ugnayang Sosyal ng mga mag-aaral.


4

Haypotesis

Ang sumusunod na haypotesis ay susubukan sa 0.05 antas ng kabuluhan:

1. Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Kolaboratibong Pagkatuto at Ugnayang

Soyasyal ng mga mag-aaral sa ikalawang taon sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Mayoryang Filipino sa Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology.

2. Walang salik sa Kolaboratibong Pagkatuto na nakaapekto sa Ugnayang Sosyal ng mga

mag-aaral sa ikalawang taon sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang

Filipino sa Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang mga teorya, konsepto at ideya na nauugnay sa pag-aaral na ito ay tinalakay sa

seksyong ito upang magbigay ng isang malakas na mga sanggunian tungkol sa mga

baryabol na ginamit sa pag-aaral

Kolaboratibong Pagkatuto. Ang kolaboratibong pagkatuto ay isang personal na

pilosopiya, hindi lamang isang teknik na pangklasrum at sa lahat ng sitwasyon kung saan

ang mga tao ay napapangkat. Iminumungkahi nito ang isang paraan na pakikitungo sa

kapwa-tao na rumispeto at naghihiyat sa abilidad at kontribusyon ng indibidwal na

myembro ng grupo. Mayroon itong pagbabahagi (sharing) ng awtoriti at pagtanggap ng

responsibilidad ng mga myembro ng grupo para sa kanilang pagkilos. Ang nasa likod nito

ay nakabase sa pagbubuo ng consensus sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga

myembro ng grupo na taliwas na kompetisyon kung saan ang mga indibidwal ay

nakikipagtunggali sa ibang myembro (Harding-Smith, T, 2017).

Sa katunayan, ang isang klasrum na kooperatibo ang mga mag-aaral ay

nagtutulungan sa isa’t isa, humihingi ito ng impormasyon upang makamit ang layunin.
5

Patunay nga lamang na ang kolaboratibong pagkatuto ay epektibo sa pagsagawa ng

aralin sa loob ng klasrum. Nalilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip at nagkakaroon

ng positibong atityud sa pag-aaral ang mga mag-aaral dahilam upang sila ay magkaroon

ng mataas na motibasyon. Ang Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning) ay

mahalaga sa interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi lamang pagpapahayag

ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba

pang kasangkot sa interaksyon (Kyndt et al.,2018).

Karagdagan, ang kolaboratibong pagkatuto sa konstraktibismong pananaw ni

Jerome Bruner na nagbibigay diin sa pagkatutong eksperyensyal at nagpapahalaga sa

dibersidad ng bawat indibidwal. Nangangahulugan ito na ang tagumpay ng kolaboratibong

pagkatuto ay nakasalalay sa kakayahan ng bawat indibidwal sa grupo na bumuo ng

kahulugan batay sa kanilang sariling karanasan. Mapapansin na mas madaling matapos

ang mga aktibiti kung ito’y pinagtutulungan ng mag-aaral at kung maraming ideya na

makukuha mula sa bawat kasapi ng pangkat (Dillenbourg, 2017).

Samantala, ang layunin ng kolaboratib na pagkatuto ay makabuo ng mas mataas

na lebel ng pag-unawa na katanggap-tanggap sa lahat ng kasapi ng pangkat sa

pamamagitan ng kolektibong kaalaman at inkorporasyon ng iba’t ibang karanasan,

pagpapahalaga at palagay na dala-dala nila pagpasok ng silid-aralan. Dahil naman sa

paniniwala na ang pagkatuto ng wika ay nagaganap bilang resulta ng maraming

oportunidad para sa makahulugang pakikipag-interaksyon sa ibang tao sa target na wika.

Dahil sa sa kolaboratibong pagkatuto mas nagkakaroon ng masigklang diskusyon at

masayang talakayan sa loob ng klase (Smith, B. L., & MacGregor, J. T, 2017).

Samakatuwid, ang kolaboratibong pag-aaral ay kumakatawan sa isang

makabuluhang pakikipagsalamuha ng bawat mag-aaral sa isa’t-isa upang lubos na


6

maraming ideya ang makuha at mapadali ang pagsasagawa ng mga aktibiti. Ang mga

guro na gumagamit ng mga paraan na ito ay mas kanilang tinitiyak na magiging

makabuluhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral at mas magiging masaya ang diskusyon

sa loob ng klasrum. Sapat na kaalaman naman ang makukuha ng mga mag-aaral sa

kolaboratibong pagkatuto dahil sa iba’t ibang ideya na kanilang nakukuha mula sa

kanilang kasapi sa pangakat (Gojo Cruz, G. R. 2018).

Interes. Ang interes ay nangangahulugang pagkakaroon ng labis na kasiyahan sa

paggawa ng isang bagay o isang nakahiligang gawin. Ayon sa pananaliksik sinasabing

mas napapadali ang kolaboratibong pagkatuto kung may sapat na interes ang mga mag-

aaral sa diskusyon ng guro. Lubos na mapauunlad ang kolaboratib na pagkatuto kung

may sapat na kaalaman at interesado ang mga mag-aaral mula sa simula at katapusan ng

pag-aaral. Mas nararapat na gawin ang kolaboratibong pagkatuto ayon sa interes ng mga

mag-aaral maaaring sa pamamaraan ng pagkanta, pagsayaw o di kaya’y dula-dulaan

(Abrams, L. C. et al., 2018).

Sa katunayan, mas napapadali ang kolaboratibong pagkatuto kung ito’y naaayon

sa kung ano ang kakayanan ng mga mag-aaral at kung saan sila mas interesado.

Sinasabing ang interes ng isang estudyante ay madaling makuha kung ang mga aktibiti sa

loob ng klase ay nakabatay sa nakahiligan nilang gawin o nakasanayan nilang aktibidad

habang sila’y patuloy na lumalago bilang isang tao. Marami ang nagsasabing ang interes

ay matibay na basihan sa tunay na kakayahan ng isang tao o ng mag-aaral sa loob ng

klase. Kung may sapat na interes ang isang mag-aaraal sa klase tiyak na magkakaroon
7

siya ng maraming ideya at mas malaki ang porsyento ng pakikilahok niya sa

kolaboratibong pagkatuto (Williams, S. M., 2019).

Samantala, ang interes ng isang mag-aaral ay lubos na nakaaapekto sa kanyang

akademikong performans. Ibig sabihin, mas nagiging matagumpay ang isang mag-aaral

kung ang kanyang interes ay nakaangla sa kanyang kurso o sa kanyang gustong gawin

sa hinaharap. Lubos ding nakaaapekto ito sa kanyang pakikisalamuha sa kapwa mag-

aaral, kung mayroon siyang sapat na interes mas nagiging aktibo siya mga aktibiti sa loob

ng klasrum at mas nagiging matibay ang kanyang kolaboratib na pagkatuto (Brass, D. J,

2017).

Dagdag pa, mas nagiging makabuluhan ang pag-aaral ng isang bata kung ang

kanyang buong interes ay nakasentro sa loob ng klase. Higit na nagbibigay ito ng

malaking porsyento sa markang makukuha ng bata pagdating sa katapusan ng klase.

Magiging malawak ang kanyang kaalaman at kasanayan sa iba pang aktibiti gaya ng

pangkatang gawain dahil interesado siyang matuto sa isang bagay maging ito’y mapa-

indibidwal man o kolaboratibong pagkatuto. Mas napapadali ang daloy ng impormasyon

sa utak ng isang mag-aaral kung mataas ang kanyang interes sa pag-aaral (Doise, W.,

2019).

Sa madaling salita, ang interes ng isang bata o mag-aaral ay may malaking epekto

sa kanyang kolaboratibong pagkatuto sa loob ng klasrum. Dito naibabatay ng isang guro

kung talagang pinapahalagahan niya ang pangkatang gawin o mga aktibti na

magpapaunlad sa kanyang sarili. Mas madaling makita ng isang guro ang lebel ng interes

ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pangkatang gawain dahil nakikita dito kung sino

ang lubos na nagpapahalaga at nakikilahok sa aktibiti at kung sino ang nagbabahagi ng


8

mga ideya upang mas madali at mas maayos ang magiging resulta ng gawain (Good, T,

2018).

Interaksyon. Ang interaksyon ay ang pakiklahok ng mga mag-aaral sa mga gawain.

Bumubuo sila ng maliit na pangkat, diskusyon sa isang paksa gaya ng paghahanda ng pag-

uusap, paghahanda ng buod sa isang paksa, at paghahanda ng isang kwento na

ipepresenta sa harapan ng buong klase. Ang interaksyong ito ay nagbibigay sa mga mag-

aaral ng sapat na ugnayan sa kapwa nila mag-araal na nagiging dahilan upang makabuo

sila ng maayos at masayang pagsasamahan. Pagsasamahan na magbibigay sa kanila ng

sapat na pag-uunawaan at sapat na koneksyon sa bawat isa (Liz, 2018).

Gayundin, ang pakikipag-ugnayan o interaksyon ay nasa gitna ng proseso ng

pagtuturo at pag-aaral. Kapag inilipat ang prosesong iyon sa online, nagbabago ang

paraan kung saan nakikipag-ugnayan ang mga mag-aaral at guro. Habang ang mga

aktibidad sa pag-aaral ay magkakaiba depende sa nilalaman, konteksto, at mga taong

kasangkot, mayroong ilang mga diskarte na maaaring isama sa halos anumang kurso

upang mapalakas ang pakikipag-ugnay. Maaaring ang interaksyon ng mga mag-aaral ay

maging makabuluhan sa pamamagitan ng kolaboratibong pagkatuto (Karla, 2019).

Sa kabilang banda, karamihan sa mga tao ay sumasang-ayon na ang pag-aaral ng

anumang bagay ay nagsasangkot ang interaksyon o pakikilahok. Dahil sa wika na

pangunahin na umiiral upang mapadali ang komunikasyon, ang pakikipag-ugnay sa bawat

isa ay dapat na may mahalagang papel na gagampanan sa pagbuo ng kakayahan ng

isang mag-aaral sa loob ng klase. Sa madaling salita, kailangang itaguyod ng mga guro

ang pakikipag-ugnayan ng mag-aaral upang matulungan ang mga nag-aaral na

magtagumpay. Sa ganoong paraan mas madali ang pag-unlad ng mga mag-aaral at mas

maiiwasan ang pagkamahiyain sa mga pangkatang gawain o indibidwal na aktibiti

(Campbell, 2017).
9

Sa karagdagan, ang pagkakaroon ng interaksyon sa lipunan ay tiyak na may

pangunahing papel sa kung paano natututo ang mga kabataan at mag-aaral sa

pakikisalamuha sa ibang tao. Natuklasan ng mga pag-aaral na ang pakikipag-ugnayan ng

mag-aaral ay humahantong sa higit na kasiyahan sa mataas na kurso. Malamang

sapagkat ang mga mag-aaral ay may mataas na kasiyahan kung sa tingin nila na sila ay

kabilang sa isang pangkat na may iisang tunguhin katulad ng sa kanya. Hindi na nila

naramdaman na nakahiwalay at naiiba sa ibang tao o di kaya’y sa kapwa nila estudyante

(Bean, 2018).

Samakatuwid, kinakailangang magplano ng mga guro para sa pakikipag-ugnayan

ng mag-aaral sa loob ng klase sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa

pakikipagtulungan ng mag-aaral at pagbabahagi ng impormasyon. Maaaring bumuo ng

isang pakiramdam ng pamayanan sa loob ng kapwa mag-aaral na kumukuha ng kurso.

Dapat na magkaroon ng isang kapaligiran sa pag-aaral kung saan maaari silang lumahok,

mag-alok ng tugon, gumuhit ng nakakaapekto na puna at makipag-usap sa maikli,

nakatuon na mga mensahe. Pinupukaw nito ang mga malalakas na ugnayan sa mga mag-

aaral at pinapayagan silang mas maunawaan ang isang materyal (Neisch, 2017).

Partisipasyon. Ang partisipasyon ay tumutukoy sa pakikilahok ng mag-aaral na aktibo at

nakikibahagi sa silid aralan; mag-aaral na nakakaapekto sa disenyo ng kurikulum; at

pakiramdam ng mga mag-aaral na kabilang sa isang pamayanan. Ang mga mag-aaral na

aktibong lumahok at magkaroon ng isang epekto sa disenyo ng kurikulum ay mas

madaling magkaroon ng matibay na tiwala sa sarili pati na rin ang pagkakaroon maayos

na ugnayan sa ibang tao.Sa pamamagitan ng pakikilahok nauunawaan ng mga mag-aaral

ang kahulugan ng kolaboratibong pagkatuto at ang tunay na importansya nito sa loob ng

klase (Cook-Sather, 2019).


10

Sa katunayan, ang pakikilahok sa klase ay isang mahalagang instrumento sa pag-

aaral para sa mga guro. Sa pamamagitan ng mga katanungan ng mga mag-aaral,

natututunan kung ano ang hindi nila nauunawaan, at maaaring ayusin ang tagubilin nang

naaayon. Tulad ng pagsasalita sa harap ng isang pangkat ay hindi madaling makarating

sa maraming mga may sapat na gulang. Ang pagsasalita sa klase ay isang pakikibaka

para sa maraming mga mag-aaral. Ang pakikibakang iyon ay maaaring maipakita sa silid-

aralan sa iba't ibang mga paraan gaya ng hindi nagboboluntaryo na sagutin ang mga

katanungan, hindi humihingi ng tulong, hindi nagsasalita ng mga aktibidad na maliit na

grupo, kahit na hindi talaga nakikipag-usap sa klase (Ken Shore, 2018).

Dagdag pa, magkakaroon ng higit na tagumpay ang isang guro sa pagpapasigla ng

isang mag-aaral na magsalita kung alam niya kung bakit nag-aatubili na lumahok ang

kanyang estudyante. Anuman ang dahilan para sa kanyang pagiging mahinahon, ito’y

tungkulin ng guro at hindi kailangang pilitin siyang magsalita. Ang paggawa nito ay mas

malamang na makilahok sila kaysa mag-open up. Ang tungkulin ng guro ay upang

magbigay ng isang suporta, naghihikayat na tumutulong sa kanyang mga estudyante na

maging mas komportable, may tiwala, at hindi gaanong takot sa pagsasalita sa harap ng

maraming tao at maging aktibo sa mga aktibiti (Davis, B.G. 2018).

Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral na regular na lumahok sa klase ay patuloy

na kasangkot sa talakayan at mas malamang na matandaan ang isang mas malaking

bahagi ng impormasyon. Ang aktibong paglahok sa klase ay nagpapabuti sa kritikal at

mas mataas na antas ng kasanayan sa pag-iisip. Ang mga mag-aaral na lumahok sa

klase ay napag-aralan nang mabuti ang mga leksyon at mas nakikilala na ang mga

bagong konsepto. Ang antas ng pag-iisip na ito ay lampas sa simpleng pag-unawa sa

teksto, at maaari ring mapabuti ang memorya. Makakatulong din ang pakikilahok sa mga

mag-aaral na matuto mula sa bawat isa, na nagdaragdag ng pag-unawa sa pamamagitan


11

ng kooperasyon. Maaari nitong mapabuti ang mga ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral

at sa pagitan ng mag-aaral at guro (Tyson Schritter, 2020).

Samantala, ang pakikilahok sa silid-aralan ay isang tampok ng maraming mga

disenyo ng kurso. Maaari itong magresulta sa mga mapanlikhang komento at kagiliw-giliw

na koneksyon na ginagawa ng mga mag-aaral at maaaring palakasin ang isang mataas

na antas ng lakas at sigasig sa kapaligiran sa pag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Gayunpaman, ang hindi maayos na pamamahala ng pakikilahok ay maaari ring

humantong sa pagkabigo ng guro at pagkalito ng mga mag-aaral. Ang pagsali sa mga

gawain ay maaari ring magsama ng maikling palitan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral

o sa loob ng maliliit na pangkat ng mga mag-aaral. Kailangan maging malinaw na

iparating sa mga mag-aaral kung ano ang kinakailangan nito at kung bakit nagsasama ng

isang bahagi ng pakikilahok (Hollander, J.A. 2019).

Ugnayang Sosyal. Ang pakikipag-ugnayan sa lipunan ay may mahalagang papel sa pag-

aaral. Ang pakikipag-ugnay sa ibang mga tao ay napatunayan na maging epektibo sa

pagtulong sa mag-aaral na ayusin ang kanilang mga saloobin na sumasalamin sa

kanilang pag-unawa at paghahanap ng mga puwang sa kanilang pangangatuwiran. Sa

ilalim ng malawak na pakikipag-ugnay sa lipunan at pag-aaral, ang mga pagkakaiba-iba

ay maaaring saklaw mula sa pag-aaral ng kapwa, kapalit na pagtuturo, pagkatuto sa

pamamagitan ng pagtuturo, pagkatuto sa pamamagitan ng pagmamasid, pag-aaral sa

pamamagitan ng paggawa, at iba pang pagsubaybay. Ang mga ito ay nagsasapawan at

madalas na isang pinakamainam na paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na

malaman ang iba`t ibang mga porma ng pagtutulungan (Ibarra, H., 2018).

Sa madaling salita, ang papel na ginagampanan ng ugnayang soyal sa pagbabago

ng indibidwal na pag-uugali ay sentro sa maraming larangan ng agham panlipunan. Sa


12

edukasyon, isang mahalagang aspeto ay ang mabubuting kapantay na isang potensyal

upang mapabuti ang mga nagawa ng akademikong mag-aaral, mga pagpipilian sa karera,

o mga kinalabasan sa merkado ng paggawa sa paglaon sa buhay. Sa katunayan,

iminungkahi ng iilang mananaliksik na ang mabubuting kapantay ay mahalaga sa pagtaas

ng nakamit ng mag-aaral at kapwa sa sapilitan na pag-aaral sa unibersidad. Maaaring ang

ugnayang sosyal ay makatutulong sa pagiging aktibo ng mag-aaral sa loob ng klase at

makiisa sa iba pang gawaing magpapaunland sa kanyang sarili (Uchino, 2019).

Gayunpaman, Ang ugnayang sosyal ay mahalaga dahil pinahuhusay nito ang pag-

iisip pati na rin ang mga panlipunang aspeto ng isang bata. Ang pangunahing dahilan

kung bakit nakikipag-ugnay sa lipunan ang mga tao ay upang ituloy ang mga karaniwang

layunin. Ang pakikipag-ugnayan sa lipunan ay nagsasangkot ng mga paraan kung saan

kumikilos ang mga tao at tumutugon din sa iba. Samakatuwid, ito ay isang pang-araw-

araw na gawain na nagsasangkot sa mga tao na may iba't ibang mga tungkulin pati na rin

ang katayuan at maaari itong magkaroon ng anyo gaya ng berbal at di-berbal na

komunikasyon. (Haythornthwaite, C, 2018).

Sa karagdagan, ang pakikipag-ugnay sa lipunan ay nakakatulong upang mapagbuti

ang mga diskarte sa pag-aaral. Ang pakikipag-ugnay sa lipunan ay nagbibigay-daan sa

mag-aaral na matuklasan ang mga sitwasyong nakakaabala sa kanya. Sa gayon ay

nagbibigay-daan ito na baguhin ang kanyang pag-uugali upang mapagtanto ang

positibong kinalabasan. Nagbibigay-daan din ito sa isang tao na maunawaan ang pag-

uugali ng ibang tao at sa gayon ang isang mag-aaral ay maaaring mapabuti ang kanyang

mga diskarte sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang mga negatibong

pag-uugali. Pinapahusay ng ugnayang sosyal ang tagapakinig pati na rin ang pag-aaral

kung paano tanggapin ang responsibilidad na patungkol sa mga aksyon na kanyang

ginagawa (Donovan, 2017).


13

Samakatuwid, mahalag ang pakikipag-ugnay sa lipunan sapagkat hindi nito pinipili

ang mga mag-aarall hinggil sa kanilang mga layunin o pangkat etniko. Sa gayon ay

nagbibigay ito ng isang kapaligiran kung saan ang mga tao mula sa iba't ibang mga

pinagmulan ay maaaring malayang nakikipag-ugnayan sa isa't isa upang makamit ang

isang karaniwang layunin. Ito ay tumutulong upang mapagbuti ang pagtitiyaga sa pag-

aaral, ibig sabihin ang pagkamit ng mga layunin sa pangkat ay nagbibigay sa mga mag-

aaral ng isang pagganyak na magsumikap at magtiyaga. Nagbibigay-daan ito sa mga

mag-aaral na makisangkot hinggil sa pamayanan ng paaralan at ang kakayahang

mapanatili ang tiwala pati na rin pamahalaan ang mga hidwaan (Goodnow & Warton,

2019).

Pagtitiwala. Ang tiwala ay mahalagang sangkap ng kapaligiran sa pag-aaral sa loob ng

silid aralan. Kung ang isang mag-aaral ay walang tiwala sa kanyang guro o kung ang

isang guro ay hindi magalang sa mga mag-aaral at kanilang pamilya, ang kapaligiran sa

pag-aaral ay hindi magiging maganda at ang diskarte sa pamamahala sa silid aralan ng

guro ay hindi magiging epektibo. Ang kawalan ng tiwala ay magdudulot din sa mga bata

ng pakiramdam na hindi sila ligtas at hindi komportable, ito’y maaaring magbunga sa mga

bata ng mga problema sa pag-uugali (Kagan, J., 2020).

Sa katunayan, ang pagtitiwala ay isang matibay na instrumento upang matugunan

ang takot at pangamba ng isang mag-aaral sa loob ng klase. Ito ay mahalagang aspeto na

kailangang taglayin ng bawat mag-aaral upang nang sa ganoon ay magkaroon ng matibay

na ugnayang sosyal at matibay na relasyon sa kapwa mag-aaral. Nararapat na sa pag-

aaral paunlarin ang tiwala sa kapwa, guro at maging sa sariling kakayahan upang

magkaroon ng masaya at magandang diskusyon at talakayan sa klase. Ito ay magsisilbing

gabay sa lahat na maging aktibo at makilahok sa bawat aktibiti na gagawin ng walang


14

halong takot na nararamdaman sa kalooban kundi tunay na saya sa pag-aaral (Bradach,

2018).

Gayundin, ang pagtitiwala ay susi sa positibong ugnayan ng tao sapagkat ito ang

sentro sa kung paano nakikipag-ugnayan sa iba. Ang pagtitiwala ay nagiging mas sentral

at kritikal sa mga panahon dahil ito’y lumitaw bilang isang sentral na madiskarteng pag-

aari para sa mga organisasyon. Ang ilang mga tao ay maaaring isipin na ang tiwala at

respeto sa mga kapaligiran sa edukasyon ay dapat ibigay ngunit ang mga tagapagturo ay

kailangang mapagtanto na kailangan magtrabaho upang mapaunlad ang tiwala at

magbigay ng sustansya ang mga mag-aaral sa loob silid aralan. Kailangan ng oras upang

mabuo ang tiwala at respeto sa silid-aralan kung kaya’t kinakailangan na mas bigyang

pansin ng mga guro ang paglinang sa tiwala ng bawat mag-aaral sa kapwa nila maging sa

kanilang sarili (Chua, R. Y, 2017).

Samantala, ang pagtitiwala ay nagkakaroon ng magandang bunga, ito’y nagbibigay

ng positibong pananaw lalong-lalo na sa mga mag-aaral. Kung magkakaroon ng sapat na

pagtitiwala ang isang mag-aaral sa kanyang guro o sa kanyang mga kaklase maaaring

ang kanyang ugnayang sosyal ay mananatili at mas magiging makabuluhan. Ayon sa

iilang mananaliksik ang pagkakaroon ng tiwala sa loob ng klase ay isang mahalagang

bagay sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng masiglang interes ang isang

bata na makilahok at makisalamuha sa bawat aktibiti na ibibigay ng guro sa loob ng klase

(Lincoln, J., 2018).

Samakatuwid, mas nagiging makabuluhan ang pag-aaral ng isang mag-aaral kung

may sapat na pagtitiwala ito sa kanyang guro at sa ibang tao. Nagagawang makisabay ng

isang mag-aaral sa iba kung buo ang tiwalang kanyang ibinibigay dito, marahil ang

pagtitiwala ay hindi madaling gawin lalo na kung ang iyong kasama ay hindi mo ganap na
15

nakikilala subalit ang pagtitiwala sa katunayan ay isang epektibong paraan upang

magkaroon ng pagkakaisa ang bawat mag-aaral at upang maging matiwasay at masigla

ang talakayan sa loob ng klase. Sinasabi ring ang pagtitiwala ay isang mahalagang

paraan upang maitaguyod ng maayos ng guro ang kanyang pamamahala sa loob ng

klasrum (Nouby, A. 2017).

Komunikasyon. Ang pangkalahatang pagtingin sa komunikasyon ay isang pakikipag-

ugnayan sa loob ng isang konteksto ng panlipunan. Karaniwang nagsasangkot ang

komunikasyon sa pinagmulan at sa tatanggap ng mensahe. Sa siyensya, ang

komunikasyon ay nagsasangkot ng paggamit ng mga sinyalis na nagpapagaan sa mga

mata, paggalaw ng katawan o tunog na ginawa gamit ang boses. Alinmang paraan ito

gawin, palaging may isang proseso kung saan ang isang tao ay nagpasimula ng isang

kahulugan ng hangarin na ipinasa sa tatanggap ng mensahe (Kratzer, J., 2018).

Dagdag pa, ang komunikasyon ay ang proseso ng paglikha ng kahulugan pati na

rin ang paglalagay dito. Ito ay ang pagpapalitan ng mga ideya at pakikipag-ugnayan sa

mga miyembro ng pangkat. Ito ay isang aktibidad o proseso ng pagpapahayag ng mga

ideya at damdamin o pagbibigay ng impormasyon sa mga tao. Maaaring ligtas na sabihin

ng isa na ang komunikasyon ay ang kilos ng paglilipat ng impormasyon at mga mensahe

mula sa isang lugar patungo sa isa pa at mula sa isang tao patungo sa isa pa. Sa isang

kaugnay na pamamaraan, ito ay nagsasangkot ng mga kalahok na nakakaabot ng kapwa

sa pag-unawa sa mga balita, ideya at damdamin. Ang komunikasyon ay nakikita rin bilang

isang paraan ng pagkonekta sa mga tao o lugar. Ito ay itinuturing na isang mahalagang

pangunahing pag-andar ng pamamahala dahil ang isang samahan ay hindi maaaring

magpatakbo ng walang komunikasyon sa pagitan ng mga antas, kagawaran, empleyado

at maging sa paaralan (Cho, H., 2019).


16

Samantala, Ang mabisang komunikasyon ay mahalaga sa edukasyon. Kung ang

isang guro ay nagtuturo sa isang mag-aaral at kasamahan, magulang, o kabaligtaran, ang

mabisang komunikasyon ay kinakailangan upang matiyak na matagumpay na nababahagi

ng guro ang mga impormasyon sa mga nag-aaral. Kapag ang komunikasyon sa pagitan

ng guro at mag-aaral ay epektibo, marami itong benepisyo gaya ng antas ng sigasig ng

mga mag-aaral ay lalago at ang guro ay magiging pangunahing impluwensya para sa pag-

aaral ng bata. Ang mabisang komunikasyon ay tumutulong sa mga tao na matuto nang

madali, nagpapalakas ang ugnayan sa pagitan ng guro at ng mag-aaral, at lumilikha ng

isang positibong kapaligiran sa kapaligiran sa pag-aaral (Ferguson et al., 2017).

Sa kabilang banda, ang komunikasyon ay madalas na hindi maintindihan sa

pagpapalitan ng mga ekspresyon. Ang komunikasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral

bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa silid-aralan ang nangyayari sa panahon ng

talakayan. Ang komunikasyon ay higit pa sa pagsasalita at pagbibigay ng impormasyon.

Ang pakikipag-usap nang harapan sa bawat isa ay nakakatulong na tanggapin ang tugon

bilang isang normal na siklo ng pakikipagkomunikasyon. Dahil dito ay nagkakaroon ng

matibay na ugnayan ang bawat mag-aaral at nakakakuha sila ng ibang ideya o

impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagbabahagi ng kanilang mga

nalalaman sa panahon ng pagsasagawa ng mga pangkatan o indibidwal na gawain

(Danesi, 2018).

Sa katunayan, ang komunikasyon ay may pangunahing papel sa pag-aaral dahil

nagbibigay ito ng isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na makatakas sa pagtingin

sa mga bagay at itaguyod ang kanilang sariling kaunlaran. Ayon sa ibang mananaliksik

ang pagpapalinang sa komunikasyon ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa parehong

guro, kung paano nila tinitingnan ang mga mag-aaral at paano sila makisalamuha. Ang

komunikasyon ay may mahalagang papel na ginagampanan higit sa lahat dahil maaaring


17

mag-imbak ang mga mag-aaral ng impormasyon na naiparating nang maayos at maaaring

maibahagi nila ito sa iba (Trenholm, 2017).

Kapaligiran sa pag-aaral. Ang kapaligiran sa pag-aaral ay maraming kahulugan ayon sa

paraan ng paggamit nito. Bukod sa kahulugan nito bilang isang tagapagpahiwatig ng

gawain sa pag-aaral, mga kapaligiran sa klase at mga virtual na kapaligirang nabuo sa

mga teknolohiyang computer at internet. Ang mga pag-aaral sa mga kapaligiran sa pag-

aaral ay nakatuon sa pag-uugali, pamamahala, panuntunan sa disiplina at disiplina,

pagganyak ng mga mag-aaral, pagtuturo ng mga pamamaraan, ang pag-set up ng mga

kagamitan sa silid-aralan at maging ang kulay ng silid aralan (Miller, J., 2017).

Gayundin, ang kapaligiran sa pag-aaral ay may malaking ugnayan sa pagpapatibay

ng ugnayang sosyal ng mga mag-aaral. Lahat ng nakikita o nakakasalamuha ng mga

mag-aaral sa loob o labas man ng paaralan ay may malaking impluwensya sa buhay ng

isang tao. Maaaring dahil sa kapaligiran sa pag-aaral ay nagiging aktibo o di kaya’y

mahiyain ang isang estudyante. Ang motibasyon ng isang mag-aaral ay maaaring

naapektuhan ng kanyang kapaligiran halimbawa na rito ang impluwensya ng kanyang

mga kaibigan o pamilya sa kanyang akademikong perfomans, maaaring ito’y positibo o

negatibong impluwensya sa kanyang pag-aaral (Amabile, T. M., 2018).

Sa kabilang banda, ang kapaligiran sa pag-aaral ay sinasabing isa sa mga paraan

upang maging matagumpay na makamit ng isang mag-aaral ang kanyang ninanais o mga

pangarap. Kapag nmayroong positibong epekto para sa kanya ang kapaligiran na

mayroon siya maaaring ito’y maging dahilan upang magsumikap siya sa pag-aaral. Ang

kapiligiran ay may direktang epekto sa kakayahan ng mag-aaral na maging masigasig at

maging aktibo sa kahit na anong aktibiti sa loob ng klasrum maging sa kahit na anong

bagay na ninanais niyang gawin. Maaaring magdulot ito ng magandang resulta sa


18

kanyang marka at kung ang kapaligiran ng isang mag-aaral ay may negatibong epekto

maaaring ito ang maging dahilan sa pagbaba ng kanyang mga marka (Seeman, 2017).

Samantala, ang kapaligiran o ang mismong pamilya ng isang mag-aaral ay

nakaaapekto sa kanyang akademikong performans. Ang pamilya ang pangunahing

humuhubog sa isang bata bago pa man ito papasok sa paaralan at ang pamilya ang

siyang mayroon direktang impluwensya sa bata. Sa madaling salita kapag ang bata ay

walang magandang pakikitungo sa kanyang pamilya maaaring hindi siya magkakaroon ng

magandang performans sa loob ng klasrum. Ito ay maaaring magdulot ng pagiging

mapag-isa at mahiyain na ugali ng bata sa loob ng paaralan bagama’t nakikihalubilo siya

sa iba subalit ang kakayahan niyang makiugnay ay hindi gaano katibay (Rook, K. S.,

2019).

Sa katunayan, ang kapaligiran sa pag-aaral ng isang mag-aaral ay mahalagahang

aspeto upang mapalago ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang

kapaligiran ang magsisilbing daluyan ng matibay na komunikasyon ng isang estudyante

sa kanyang kapwa maging sa kanyang guro. Marahil mayroon itong positibong epekto sa

performans ng bata sa loob ng klase kaya’t nararapat na bigyang halaga ng bawat guro

ang pamilya at kapaligiran na mayroon ang kanyang mga estudyante upang magkaroon

ng sapat na kaalaman kung paano bibigyan ng magandang relasyon at pakikitungo ang

bawat mag-aaral (House, J. S., 2018).

Sa madaling salita, ang kapaligiran sa pag-aaral ay may malaking ginagampanan

sa buhay ng mag-aaral sapagkat naiimpluwensiyahan nito ang pag-uugali pati na ang

performans ng bata sa loob ng paaralan. Dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ay mas

nabubuo ang kanyang tunay na pagkatao at ang kanyang pakikiugnay sa komunidad.

Masasabi na ang isang mag-aaral ay naimpluwensiyahan ng kanyang kapiligiran kung


19

direktang makikita ng guro ang mga pagbabagong ipinapakita ng estudyante pati na sa

mga pakikilahok niya sa mga aktibiti pangkatan man o indibidwal na gawain. Ang

kapiligiran sa pag-aaral ay maaaring ang klasrum mismo, ang pagkakaayos ng mga gamit

sa loob ng klasrum, ang guro, ang kapwa mag-aaral at pati na rin sa pamilya ng mag-

aaral. Lahat ng ito ay nabibilang sa kapiligiran ng mag-aaral na direktang nakakaapekto

sa kanyang pagkatuto bilang mag-aaral (Padello, F. 2017)

Batayang Teoritikal

Ayon sa pag-aaral nina Tsay at Brady (1995) na “A case study of cooperative

learning and communication pedagogy: Does working in teams make a difference?”, ang

mga mag-aaral na tunay na nakikilahok sa pangkatang gawain na nagpapakita ng asal sa

pakikipagtulungan, pagbibigay ng makabuluhang fidbak at pakikipagtulungan sa kanilang

grupo ay may mataas na pakikipamuhay sa pagtanggap ng mataas na iskor sa mga

pagsusulit at marka sa katapusan ng semestre. Ang resulta ng kanilang pag-aaral ay

sumusuporta sa diwa na ang kolaboratibong pagkatuto bilang isang aktibong istratehiya

na nagpapayaman sa pakikipagsalamuha at pakikipag-ugnay ng bawat mag-aaral. Ito ay

lubos na nagpapaunlad sa kanilang ugnayan sa kanilang kapwa mag-aaral lalong-lalo na

pagdating sa mga pangkatang gawain.

Ang pag-aaral na ito ay nakaayon sa teoryang “Collaborative Learning Theory” na

nag-ugat sa ideya ni Lev Vygotsky sa Zone of Proximal Development kung saan kanyang

ipinaliwanag na malaki ang naging kauganayan ng pagkakaroon ng mas matibay at

maayos na ugnayan ng mga mag-aaral sa kolaboratibong na pagkatuto. Direktang

nakaiimpluwensya ang kolaboratib na pakatuto ng isang mag-aaral sa kanyang pakikipag-

ugnay sa iba sapagkat ito ay isang instrumento upang mas maging malalim ang
20

pagkakaroon nila ng tiwala sa kanilang sarili at lubos na maipakita nila sa iba ang

magandang relasyon at pakikitungo (Lev Vygotsky, 1978).

Ayon pa kina Beatty, et al, (2017), magiging epektibo lamang ang kolaboratib na

pagkatuto kung naniniwala ang guro na ang kolektibong kaalaman sa shared knowledge

at kooperatibong paglutas ng suliranin ay nagbibigay-daan sa higit na mataas na kalidad

ng pagkatuto kaysa sa pagkatuto sa pamamagitan ng paglilipat lamang ng impormasyon

mula sa paniniwalang ang karunungan ng guro ay naipapasa patungo sa mag-aaral.

Ayon kay Gerdy (1998) na binanggit sa pag-aaral ni Safhire (2011) na “Tradisyunal

at Kooperatibong Pagtuturo sa Filipino I sa Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial

National High School”, ang pagkatuto ay mapapaunlad kung tulong-tulong ang bawat isa

kaysa sa paggawa ng trabaho ng nag-iisa. Ang mabuting pagkatuto gaya ng mahuhusay

na trabaho ay kolaboratib at sosyal, ito’y hindi kompetitib at pang-isahan. Ang

pagbabahagi ng sariling ideya at magbigay reaksyon sa ibang kaisipan ay mapapaunlad

sa malalim na pag-iisip sa pamamagitan nito magiging mas mailalahad ng mga mag-aaral

ang kanilang mga saloobin. Gayundin, mapapaunlad ang kanilang relasyon sa bawat isa

dahil nagkakaroon sila ng sapat na interaksyon lalo na pagdating sa mga gawaing

pangkatan at kolaboratib.

Batayang Konseptwal

Ipinapakita ng Tambilang 1 sa susunod na pahina ang balangkas konseptwal ng

pag-aaral. Ipinapakita nito ang ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pagkatuto sa

ugnayang sosyal ng mga mag-aaral sa ikalawang taon sa Batsilyer ng Sekondaryang

Edukasyon Mayoryang Filipino sa Kapalong College of Agriculture Sciences and

Technology
21

Ang malayang baryabol ng pag-aaral ay ang kolaboratibong pagkatuto na isang

pamamaraan sa pagtuturo upang maihanda ang mga mag-aaral para sa matalino at

demokratikong paglahok sa lipunan na may kakayahang makipag-interaksyon; ito ay may

tatlong indekeytors ayon kina (Dillenbourg et al. 1995). Ito ang Interes o pagkakaroon ng

sapat na kasiyahan sa klase, interaksyon o pakikisalamuha sa loob ng klase at

partisipasyon o pakikilahok sa mga aktibiti sa loob ng klase

Ang di-malayang baryabol ng pag-aaral ay ang ugnayang sosyal na

nangangahulugang pakikipag-ugnayan sa lipunan o sa ibang tao at ito ay may tatlong

indekeytors ayon kina (Lange et al. 2004). Ito ay ang pagtitiwala o matatag na tiwala sa

isang tao o bagay, komunikasyon o pakikipagpalitan ng ideya at kapaligiran sa pag-aaral

o ang pisikal na kapaligiran at mga taong nakaaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral.


22

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Kolaboratibong Pagkatuto Ugnayang Sosyal

 Interes  Pagtitiwala

 Interaksyon  Komunikasyon
 Partisipasyon  Kapaligiran sa pag-aaral

Tambilang 1. Balangkas ng Konseptwal ng Pag-aaral


23

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang Ang Epekto ng Kolaboratibong Pagkatuto

sa Ugnayang Sosyal ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon sa Batsilyer ng Edukasyon

Mayoryang Filipino sa Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology. Ang

mananaliksik ay kumuha ng 33 na mga respondenteng galing sa Ikalawang Taon sa

Batsilyer ng Edukasyon Mayoryang Filipino upang sumagot sa talatanungang ibibigay ng

mananaliksik at maging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang ang resulta ng pananaliksik na ito ay napakaimportante lalong-lalo na sa mga

mag-aaral sapagkat ito’y makakatulong sa kanila upang sila ay magkaroon ng kamalayan

tungkol sa epekto ng kolaboratibong pagkatuto sa kanilang ugnayang sosyal. Ang resulta

ng pananaliksik ay magagamit bilang isang mahalaga at mabisang impormasyon para sa

mga mag-aaral upang magkaroon ng bagong perspektibo na may makabuluhang antas ng

pagkakaugnay ang kolaboratubong pagkatuto sa ugnayang sosyal (Fritwch, 2018).

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong partikular na sa

Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd), ang

pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan sa paggawa ng mga bagong estratehiya,

pamamaraan at programa upang matulungan ang mga mag-aaral kung paano paunlarin

ang kanilang ugnayang soyal sa pamamagitan ng kolaboratibong pagkatuto. Dagdag pa

rito, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng bagong kaalaman at impormasyon sa mga

susunod na henerasyon ng mga mananaliksik at magiging batayan ng mga mas

malalaking pag-aaral sa hinaharap.


24

At saka, ang pag-aaral na gagawin ay makatutulong sa mga Guro na tutulong sa

mga mag-aaral upang mas maging aktibo at magkaroon magandang ugnayan sa bawat

isa sa pamamagitan ng kolaboratibong pagkatuto. Bukod pa rito, ang mga Opisyales o

Tagapangasiwa ng Paaralan ay tutulong din sa mga guro upang makabuo ng

panibagong mga estratehiya na magagamit sa pagtuturo upang mas bigyang pansin ang

kahalagahan ng kolaboratibong pagkatuto ng mga mag-aaral na tiyak na makatutulong sa

kanilang pagkikipagsalamuha sa iba. Gayundin, ang resulta ng pananaliksik ay

makakatulong sa mga Guro at Mag-aaral sa pagpapanatili sa maayos na ugnayang

sosyal ng bawat mag-aaral sa loob ng klasrum. Dagdag pa rito, ang pag-aaral na ito ay

makakatulong din sa mga susunod na mananaliksik, maaari nilang gamitin ito bilang

gabay sa kanilang gagawing pag-aaral at sa pagdebelop ng iba pang pag-aaral na may

kaugnayan sa epekto ng kolaboratibong pagkatuto at ugnayang sosyal ng mga mag-

aaral.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Kolaboratibong Pagkatuto. Ang kolaboratibong pagkatuto ay isang pamaraang

instruksyunal na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ng kakayahan at kasanayan ay

nagtutulungan sa kinabibilangang pangkat upang matamo ang layunin o hangarin at ito ay

mayroong tatlong indekeytors ang interes, interaksyon at partisipasyon.

Ugnayang Sosyal. Ito’y tumutukoy sa kakayahan at asal ng isang mag-aaral sa

pakikipagkapwa’t pakikipagtalastasan sa mga kaklase, guro at ibang tao. Ito ay may

tatlong indekeytors ang pagtitiwala, komunikasyon at kapaligiran sa pag-aaral.

Mga Respondente. Tumutukoy sa kumpletong bilang ng mga mag-aaral sa Ikalawang

taon sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology.


25

Kabanata 2

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga paraan na ginamit sa pag-aaral ng

mananaliksik. Nahahati ito sa disenyo ng pananaliksik, lokal ng pananaliksik, populasyon

at sampol, instrumento ng pananaliksik at pagkolekta ng datos. Binigyang-diin din sa pag-

aaral na ito ang pagsaalang-alang sa paniniwalang moral upang mapangalagaan ang

kapakanan ng mga partisipante at maipakita ang respeto sa kanila bilang mga kalahok sa

pananaliksik na ginaw.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang non-experimental quantitative sa

pamaraang deskriptibong korelasyunal kung saan sinusukat ng mananaliksik ang

dalawang baryabol at sinusuri ang ugnayan sa pagitan nila. Sapagkat nilalayon ng pag-

aaral na ito na matuklasan ang antas ng pagkakaiba ng epektong hatid ng kolaboratibong

pagkatuto sa sosyal ng mga mag-aaral gumamit ang mananaliksik ng sariling gawang

talatanungan bilang instrumento sa paglikom ng mga datos na kinakailangan ng

pananaliksik (Paul, C. 2017).

Ginagamit ang non-experimental quantitative design kung ang label na ibinigay sa

isang pag-aaral ay hindi makontrol o mabago ng isang mananaliksik ang baryabol o mga

paksa, ngunit sa halip, umaasa sa interpretasyon, pagmamasid o pakikipag-ugnayan

upang magkaroon ng isang konklusyon. Karaniwan, nangangahulugan ito na ang di-pang-

eksperimentong mananaliksik ay dapat umasa sa mga ugnayan, mga sarbey o pag-aaral

at hindi maaaring magpakita ng isang tunay na ugnayan ng sanhi-at-epekto (Bushman,

B.J., 2018).
26

Ang pagsasaliksik na hindi pang-eksperimento ay may kaugaliang may mataas na

antas ng panlabas na bisa, nangangahulugang maaari itong gawing pangkalahatan sa

isang mas malaking populasyon na disenyo. Mayroon itong mga kasamang disenyo ng

pagsasaliksik kung saan inilarawan ng isang eksperimento ang isang pangkat o sinusuri

ang mga ugnayan sa pagitan ng mga nag-iisang pangkat. Ang mga disenyo na hindi

pang-eksperimento ay ginagamit lamang upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa

mga pangkat o tungkol sa kung mayroong mga pagkakaiba sa pangkat (Neil, J., 2017).

Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay gagawin sa Kapalong College of Agriculture Sciences and

Technology. Ang mga partisipante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

Ikalawang taon sa Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino na may kabuuang bilang

na tatlongpu’t tatlong mag-aaral.


27

Tambilang 2. Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology


28

Populasyon at Sampol

Ang mga kalahok ng pag-aaral ay ang mga mag-aaral na nasa Ikalawang taon sa
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino sa Kapalong College of
Agriculture Sciences and Technology. Ipinakita sa Ibaba ang populasyon, sampol at
porsyento ng mga mag-aaral, sa pamamagitan ng Solvin’s Formula, ang bilang ng mga
kalahok ay nalaman.

Table 1
Tsart ng Frequency Distribution ng mga Respondente

Tsart ng Frequency Distribution ng mga Respondente

Departamento Populasyon Sampol Porsyento

BSEd Filipino 2A 33 33 100%

Instrumento ng Pananaliksik

May dalawang pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Una, ang talatanungan sa

malayang baryabol na Kolaboratibong Pagkatuto at ito ay pinag-aralan ng miyembro ng

panel at saka ng research adviser upang makuha ang kabuuang antas na very

satisfactory. Sinukat ng talatanungan ang Ugnayang Sosyal sa pamamagitan ng

Kolaboratibong Pagkatuto. Ang pangalawang baryabol ay ang Ugnayang Sosyal, ang

talatanungan nito ay ginawa rin ng mananaliksik.

Ang Likert Scale ang gagamiting panukat upang malaman ang lebel ng mga

kalahok ayon sa Kolaboratibong Pagkatuto at Ugnayang Sosyal. Ang Likert Scale ay

nangangailangan ng indibidwal na pagsulat ng tsek sa kahon bilang tugon sa mga bilang

ng pag-uugali, bagay at stimulus.


29

Sa pag-interpreta sa lebel ng Kolaborating Pagkatuto, ang sumusunod na panukat

ang ginamit:

Saklaw ng Kahulugan Interpretasyon


Paglalarawan

4.20-5.00 Napakataas Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay laging
sinusunod.

3.40-4.19 Mataas Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
madalas na sinusunod.

2.60-3.39 Katamtaman Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
sinusunod kung minsan.

1.80-2.59 Mababa Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
bihirang sinusunod

1.00-1.79 Napakababa Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay hindi
sinusunod.

Sa kabilang banda, aa pag-interpreta sa lebel ng Ugnayang Sosyal, ang sumusunod na

panukat ang ginamit:

Saklaw ng Kahulugan Interpretasyon


Paglalarawan

4.20-5.00 Napakataas Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
laging sinusunod.

3.40-4.19 Mataas Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
madalas na sinusunod

2.60-3.39 Katamtaman Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
minsan lang na
sinusunod
1.80-2.59 Mababa Ang antas ng pananaw
30

sa oras ng hinaharap ay
bihirang sinusunod

1.00-1.79 Napakababa Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
hindi sinusunod

Pagkolekta ng Datos

Sa pagkolekta ng datos, ang mananaliksik ay ginawa ang sumsusunod na hakbang:

Paghingi ng pahintulot na magsagawa ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay

hihilingin ang pahintulot mula sa OIC-College of the President na may kasamang sulat ng

pahintulot na magsagawa ng pag-aaral sa mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa

Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology.

Pamamahagi at Koleksyon ng Palatanungan. Kapag inaprubahan ng OIC-

College of the President ang pahintulot na magsagawa ng pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay personal na ipamamahagi ang instrument ng pananaliksik. Sa tulong ng

OIC-College of the President tiyak na maayos na maipamamahagi ang palatanungan sa

mga mag-aaral.

Koleksyon at Tabulsyon ng mga datos. Sa pagkakataong ito, ang instrument ng

pananaliksik ay makukuha at mai-tabulate at ibibigay sa statistician upang makuha ang

resulta ng palatanungan.

Statistical Tool. Ang sumusunod na pamamaraan na pang-istatistika ay gagamitin sa

pagkalkula ng data tulad ng sa pagsubok ng teorya sa isang 0.05 antas ng kabuluhan.


31

Pearson r. Gagamitin ang pamamaraan na ito para sa layunin ng pagsasaliksik

upang matukoy ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pagkatuto at

ugnayang sosyal ng mga mag-aaral.

Mean. Gagamitin ang pamamaraang ito sa pag-aaral na nagpapahiwatig ng

pamantayan at ito ay ang kabuuan ng isang hanay ng datos na hinati. Maaari itong

patunayan na maging isang mabisang pamamaraan kapag inihambing ang iba't ibang

mga hanay ng datos at upang makuha ang kabuuang resulta ng instrumento sa

pagsasaliksik.

Standard Deviation. Gagamitin ito sa pag-aaral bilang isang sukatan ng

pagpapakalat ng isang pamamahagi ng dalas na ang square root ng arithmetic mean ng

mga parisukat ng paglihis ng bawat isa sa mga frequency ng klase mula sa arithmetic

mean ng pamamahagi ng dalas.

Statistikal Tritment ng Datos

Ang mga sagot sa talatanungan ng mga mag-aaral sa Ikalawang Taon sa Batsilyer

ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino sa KCAST ay pinag-aralan ng istatistika

gamit ang mga kailangang datos sa pag-aaral. Ang mga respondente ay pinag-aralan ng

mabuti base sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga deskriptibong Statistika

gaya ng Statistical Tool, Pearson r. Mean at Standard Deviation ay kinonsidera.

Upang mabigyan ng kaalaman kung may makabuluhang relasyon ang Malaya and

Di- Malayang Baryabol ginamit ang 0.05 bilang antas ng kabuluhan.


32

TALASANGGUNIAN

Abrams, L. C. et al. (2018). Nurturing interpersonal trust in knowledge sharing networks.


Academy of Management Executive, 17(4), 64–77.

Amabile, T. M., (2018). Assessing the work environment for creativity. Academy of
Management Journal, 39(5), 1154–1184.

Azarian, (2018). "Social Ties: Elements of a Substantive Conceptualisation." Acta


Sociologica 53(4):323–38.
Baldwin, T. T., Bedell, M. D., & Johnson, J. L. (1997). The social fabric of a team-based
MBA program: Network effects on student satisfaction and performance.
Academy of Management Journal, 40(8), 1369-1397.

Bradach, (2018). Price, authority, and trust: From ideal types to plural forms. In W.R. Scott
(Ed.), Annual Review of Sociology (Vol. 15, pp. 97-118). Palo Alto, CA: Annual
Review.
Brass, D. J. (2017). Being in the right place: A structural analysis of individual influence in
an organization.
Chylinski, (2017). "Collaborative Learning Around the World". Faculty Matters- Phoenix
University.

Chua, R. Y. (2017). From the head and the heart: Locating cognition and affect-based
trust in managers’ professional networks. Academy of Management Journal,
51(3), 436-452.

Danesi, (2018), Dictionary of Media and Communications. M.E.Sharpe, Armonk, New


York.

Dillenbourg, P. & Schneider, D. (1995). Collaborative learning and the Internet.


Procedings of the International Conference on Computer Assisted Instruction
(ICCAI) (pp. S-10-6 - S-10-13). Hsinchu: Taiwan, 7-10 March 1995.

Doise, W. (2019). The social development of the interest Oxford, England: Pergamon
Press.

Donovan, (2017). How people learn: Bridging research and practice. Washington, DC:
National Research Council Committee Learning Resources and Educational
Practice.

Ferguson et al.,(2014). Communication in Everyday Life: Personal and Professional


Contexts. Canada: Oxford University Press. p. 464. ISBN 9780195449280.

Gojo Cruz, G. R. (2018). Ang bago sa luma at ang luma sa bago paggamit ng
istratehiyang kolaboratibo sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
http://angtitserngbayan.multiply.com/journal/item/1/Ang Bago-sa-Luma-atAng
33

Luma-sa-Bago-Paggamit-ng-Istratehiyang-Kolaboratibo-sa-Pagtuturo –ng
Asignaturang-Filipino.

Good, T. (2018). Educational psychology: A realistic approach (4th ed.). White Plains, NY:
Longman.

Harding-Smith, T. (2017). Learning together: An introduction to collaborative learning.


New York, NY: HarperCollins College Publishers.

Haythornthwaite, C. (2018). Learning relations and networks in web-based communities.


International Journal of Web Based Communities, 4(2), 140-158. doi: 10.1504/
IJWBC.2008.017669

House, J. S. (2018). Structures and processes of social support. Annual Review of


Sociology, 14, 293–318.

Huisman, J., Kaiser, F. & Vossensteyn, H. (2003). The relations between access, diversity
and participation: Searching for the weakest link? In M. Tight (Ed.), Access and
evaluation: International perspectives in higher education research (pp. 1-28).
London: Elsevier

Ibarra, H. (2018). Race, opportunity, and diversity of social circles in managerial networks.
Academy of Management Journal, 38(3), 613–703.

Kagan, J., (2020). What is trust? https://www.investopedia.com/terms/t/trust.com

Kratzer, J. (2018). Communication and new product team creativity: A social network

Kyndt et al. (2018). A meta-analysis of the effects of face-to-face cooperative learning. Do


recent studies falsify or verify earlier findings? Educational Research Review.

Lange et al. (2018). Social Relationships that supports learning. Study of social
relationships among students on knowledge building using a moderately
constrcuttivist learning model.

Levin, D. Z., & Cross, R. 2004. The strength of weak ties you can trust: The mediating
role of trust in effective knowledge transfer. Management Science, 50(11), 1477
1490. Doi: 10.1287/mnsc.1030.0136

Lev Vygotsky (1978). Collaborative Learning Theory. Zone of Proximal Development.


https://tophat.com/glossary/c/collaborative-learning

Lincoln, J (1979). Work and friendship ties in organizations: A comparative analysis of


relational networks. Administrative Science Quarterly, 24,181-199.

Margaret Vickers et al. (2014). Measuring the impact of students’ social relations and
values: Validation of the Social-Relational Support for Education instrument.
Australian Journal of Educational & Developmental Psychology. Vol 14, 2014, pp.
71-92
34

Miller, J. (2017). Friendship ties in Schools andComparative analysis of relational


networks. Administrative Science Quarterly, 24, 181–199.

Nouby A. (2017). Effectiveness of a blended e-learning cooperative approach in Egyptian


teacher education program. Computers & Education 51(3), 988-1006. doi:
10.1016/j.compedu.2007.10.001

Padello, F. (2017).The behavior problems among grade five pupils in relation to their
academic achievement basis for remediation. Di-nalathalang Tesis Masteral.
Bohol Institute of Technology

Rook, K. S. (2019). Social support versus companionship: Effects on life stress,


loneliness, and evaluations by others. Journal of Personality and Social
Psychology, 52, 1132–1147. House, J. S. (2018). Structures and processes of
social support. Annual Review of Sociology, 14, 293–318.

Safhire, L. (2011). Tradisyunal at kooperatibong pagtuturo sa Filipino I sa Cebu City


Don Carlos A. Gothong Memorial National High School.
http://lemsafhire.blogspot.com/2011/09/tradisyunal-at kooperatibongpagtuturo.htm.

Seeman, (2017). Social environment effects on health and aging. Integrating


epidemiologic and demographic approaches and perspectives. Annals of the
New York Academy of Sciences, 954, 88–117. PubMedCrossRefGoogle Scholar

Smith, B. L., & MacGregor, J. T. (2017). "What Is Collaborative Learning?". National


Center on Postsecondary Teaching, Learning, and Assessment at Pennsylvania
State University.

Trenholm, (2017). Interpersonal Communication Seventh Edition. New York: Oxford


University Press. pp. 360–361.

Tsay, M. & Brady, M. (June 2010). A case study of cooperative learning and
communication pedagogy: Does working in teams make a difference? Journal of
the Scholarship of Teaching and Learning, Vol.10,No.2.
http://sites.google.com/site/bibliography2inquiryaspedagogy/cooperativelearning.

Tyson Schritter, 2020. How to Participate in Class and Why it’s Important. College
Distinction. https://collegesofdistinction.com/advice/how-to-participate-in-class
and-why-its-important.

Uchino, (2018). The relationship between social support and physiological processes: A
review with emphasis on underlying mechanisms and implications for health.
Psychological Bulletin, 119, 488–531..

Williams, S. M. (2019). Student’s interes: Why we need it and how technology can help
students
35

You might also like