You are on page 1of 7

Mabuti at masamang epekto ng group study sa pag-aaral

Pangangailangan sa Asignaturang Filipino

Iniharap ni:

10-Pearl

Iniharap kay:

Gng. Jocelyn B. Aldrete

Petsa:

Pebrero 23, 2018


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignatura pagbasa at pagsulat tungo sa


pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang “Mabuti at masamang epekto ng group
study sa pag-aaral” ay sinuri ng lubos, pinagbuhusan ng atensyon, pinaggigilan ng oras at panahon,
maging ng pananalapi upang aprubahan ng kinauukulan.

Ito ay ginawa bilang kumplisyon sa isa sa mga gawaing pang-asignatura na ang nakapaloob sa
pananaliksik na ito ay maingat na isiniayos at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-sampung baitang sa
mataas na paaralan ng Silangan ng Dasmariñas, lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite.

Ang iyong lagda ay nagsisilbing patunay na ang pananaliksik ay dumaan sa inyong pagsusuri at
pag-aprubahan.

Iniharap ni:

10-Pearl

Pinagtibay ni:

JOCELYN B. ALDRETE
Guro sa Filipino

Petsa:
Pebrero 23, 2018
PASASALAMAT O PAGKILALA

Walang hanggan ang aking pasasalamat sa mga taong tumulong at nagsilbing gabay at
inspirasyon sa akin upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang pananaliksik na ito.

Una, nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na laging nasa aking tabi at walang sawang
sumuporta sa aking pangangailangan.

Pangalawa, sa aking mga respondante na malugod na tumugon sa survey-questioner na


nagsilbing malaking tulong na impormasyon sa aking paksa.

Pangatlo, sa aking mga kaibigan at kamag-aral na nagsilbing aking mga inspirasyon upang
maisagawa at matapos nang maayos ang pananaliksik na ito.

Pang-apat, sa aking guro sa asignaturang Filipino na si Gng. Aldrete na nagbigay gabay sa aking
pananaliksik at nagbigay ng mga ideya upang mas mapalawak ang pamanahong papel.

Panghuli at higit sa lahat, malaki ang aking pasasalamat sa Panginoon dahil hindi ko ito
magagawa at matatapos kung wala ang Kanyang patnubay. Binigyan Niya din ako ng lakas ng loob at sa
lahat ng aking ginagawa, nandoon ang Kanyang presensya.

Lubos ang aking pasasalamat dahil kung wala ang mga taong ito, hindi magiging epektibo,
kasiya-siya, makabuluhan, maayos at organisado ang pamanahong papel na ito.
KABANATA I:
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Panimula o Introduksyon

Bawat mag-aaral ay may kaniniyang uri ng pagkatuto. Ayon sa Wikipedia, ang pagkatuto ay ang
pagkuha ng bago pagbabago at pagpapalakas sa kasalukuyang kaalaman, gawi, kakayahan, kaugalian, o
kagustuhan at maari ring may pagsama-sama ng iba't ibang uri ng impormasyon. Ang abilidad na matuto
ay maaari lang gawin ng mga tao, hayop at ilang mga makina. Ang pag-unlad sa loob ng isang panahon
ay sumusunod sa kurba ng pagkatuto. Hindi ito nangyayari nang sabay-sabay, ngunit ito ay lumalaki at
nahuhulma mula sa lumang kaalaman. Ang pagkatuto ay isang proseso imbis na koleksyon ng
katotohanan at prosidyural na kaalaman. Ang pagkatuto ay lumilikha ng pagbabago sa mga organismo at
ang mga pagbabagong ito ay nagiging permanente. Ang pagkatuto ng tao ay maaaring bahagi ng
edukasyon, pansariling pag-unlad, pag-aaral, o paglinag ng kakayahan. Ito ay maaaring nakatuon sa
layunin at maaaring may kasama na motibasyon.

Ang ibang mag-aaral ay nais mag-aaral nang mag-isa at ang iba ay mas nais ang pag-aaral ng
sabay-sabay bilang grupo o ang tinatawag na group study. Ang group study ay binubuo ng dalawa o
higit pang tao na nagtutulungan at nagkakaisa upang mag-aral at matuto ng sabay-sabay o
magkakasama. Ito ay matatawag din na “kooperatibang pagkatuto” sapagkat nagtutulungan ang bawat
isa sa mga leksyon, diskusyon, pagsagot sa mga tala-tanungan at iba pa upang matamo ang iisang
layunin – ang maunawaan nang lubos at makapasa sa asignatura.

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nabibigay ng impresyon hinggil sa mabuti at masamang epekto
ng group study sa pag-aaral at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

a. Saan mas pabor ang mga mag-aaral, sa pag-aaral nang mag-isa o pag-aaral bilang grupo?
b. Ano ang mas epektibo sa pag-aaral nang mag-isa o pag-aaral bilang grupo?
c. Anu-ano ang mga mabubuting epekto ng group study?
d. Anu-ano ang mga masasamang epekto ng group study?
III. Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang mananaliksik ay lubos na naniniwala na ang pananaliksik na ito ay mahalaga lalo’t higit sa
kapakanan at ikabubuti ng mga mag-aaral. Ito ay magsisilbing hakbang upang malaman ang tunay na
mga mabubuti at masasamang epekto ng group study sa pag-aaral.

Mahalaga ang masinsin na pagtalakay sa paksang ito upang sa gayon ay mas maging epektibo
ang lebel ng edukasyon ng mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging konkretong basehan sa pagtatag
ng isang mas maayos at magandang paraan tungo sa pagtuklas ng mga kaalaman.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ding malaman ang mga kakulangan at dapat
paunlarin para sa mas ikabubuti ng bawat mag-aaral.

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa mga mabuti at masama epekto ng group study.
Saklaw nito ang mga mag-aaral Mataas na Paaralan ng Silangan ng Dasmariñas mula ika-pitong
hanggang ika-sampung baitang.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa dalawampung (20) respondante. Naniniwala ang mga
mananaliksik na dapat ay bigyang pansin ang ganitong paksa upang mas mapatibay ang pundasyon ng
mga mag-aaral sa pagkatuto.

V. Depinisyon ng mga Terminolohiya

a. Group study
b. Procrastinator
c. Perspektibo
d. Teamwork
e. Social gathering
f. Synapses
KABANATA II:
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa isang artikulo sa Target Study, isang website na nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral
ng mga impormasyon tungkol sa kursong nais nilang tahakin, ang group study ay maaring pormal o
impormal. Ang pormal na group study ay isinasagawa ng mga propesyonal upang mabuo ang isang
proyekto na may kinalaman sa kanilang trabaho. Ang impormal na group study naman ay binuo ng mga
estudyante upang mag-aral ukol sa isang mahirap na paksa o maghanda para sa isang pagsusulit.

Ang isang group study ay binubuo ng mga mag-aaral na kalimitan ay galing sa iisang seksyon o
baitang na nagbabahagi kani-kanilang pananaw sa iisang edukasyonal na paksa. Ang mga makikiisa sa
group study ay palagiang nagkikita sa lugar at panahon na itinakda upang mag-diskusyon.

Sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo, marami ang mas pabor sa group study. Nakadepende
sa bilang ng mga miyembro at kapaligiran kung ang isang group study ay makakatulong sa mag-aaral o
mas lalo siyang mahahatak pababa dahil dito. Ayon sa isang blog ni Annie Taylor, isang guro sa Lahore
University at blogger sa online website na Classroom (blog na mapagkukunan ng mga edukasyonal na
materyal para sa anumang edad), narito ang mga mabubuti epekto ng group study:

a. Kung ang isang estudyante ay isa sa mga maituturing na procrastinator na ipinagpapaliban


ang pag-aaral hanggang gabi bago ang itinakdang araw ng pagsusulit, maaaring maging
solusyon sa kanya ang group study na nagsasagawa ng pag-aaral ilang araw bago ang
eksaminasyon.
b. Mas napapabilis ang pagkatuto sa group study kaysa sa pag-aaral ng mag-isa. Halimbawa,
kung may isang parte ng teksto ang hindi lubos maunawaan ng isa, maaaring magtanong at
magpaturo sa kasapi sa group study na nakakaalam. Imbis na gugulin ang oras sa pag-iisip ng
malalim, mas napapadali ang proseso.
c. Sa tulong din ng group study, maaaring makakuha ka ng bagong perspektibo na
makakatulong na mabatid nang lubusan ang inaaral na paksa. Hindi tulad kapag mag-isang
nag-aaral na lagi mong nakikita ang teksto sa iisang pananaw.
d. Mas naaayon sa mga mag-aaral na mas natututo sa pakikinig kaysa sa pagbabasa.
e. Nakaka-ayuda sa pakikipag-kapwa tao na siyang magagamit pagdating sa kolehiyo at lalo na
sa trabaho na siyang nangangailangan ng teamwork.

Ayon pa kay Taylor, ang pagsasalita ng malakas o ang pagpapaliwanag ay nakakatulong sa


pagpapatibay ng ating utak. Habang mas inuulit ang isang bagay, mas nagtatagal ito sa memorya.
Nabubuo ang maraming synapses sa utak na siyang nakakatulong sa pagpapadali ng pag-alala ng mga
impormasyon.

Kung mayroong mabuti o magandang epekto, mayroon din hindi maganda o masasamang epekto
ang group study sa pag-aaral. Ang sumusunod ay ayon naman sa Linn-Benton Community College
(LBCC) – isang unibersidad sa Oregon:

a. Liban na lamang kung ang lahat ay seryoso, kalimitan ang group study ay nauuwi sa isang
social gathering kung saan mas madami pa ang kwentuhan kaysa sa naaral.
b. Kung ang mga kasama ay mas mabilis na nakakaunawa kaysa sa isa, maaaring mapag-
iwanan ang isa o maaaring maubos ang oras dahil sa isa.
c. Maaaring laging dumepende sa nabuong grupo na hindi makakapag-aral kung mag-isa.
d. Kung ang isa sa mga kasapi ay tamad, maaari niyang maimpluwensyahan ang mga kasama
na huwag na din mag-aral,

Ang group study ay isang nakasisiyang gawain ngunit kailangang tandaan na dapat ay nakapokus
ito sa diskyusyon. Ayon pa sa LBCC, dapat magkaroon ng isang pinuno na siyang magpapanatili ng
disiplina at kaayusan sa group study. Mayroon ding dapat nakaatas na siyang masasagawa ng plano sa
oras, lugar at mga paksang importanteng talakayin.

You might also like