You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(formerly Ramon Magsaysay Technological University) San Marcelino Campus
San Marcelino, Zambales

KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGKAGURUAN

MGA GAWAIN AT PAGSASANAY SA ESC7: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1

Pangalan: Coniendo Abegail B. Petsa: 10/28/2020


Kurso at Pangkat: BEED II Iskor:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa isinagawang talakayan sa mga
paksang: "Ang Pagpaplano sa Pagtuturo" at "Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Iba't ibang
Antas ni Pat V. Villafuerte"

1. Bakit isang napakahalagang gawain ang Pagpaplano sa gagawing pagtuturo ng isang guro?
Pangatwiranan. (10 pts)

Isang napakahalagang gawain ang Pagpaplano sa gagawing pagtuturo ng isang guro


sa kadahilanan nga ay ang pagpaplano ay isinasabuhay na sa lahat ng mga guro. Ang
pagpaplano nga ay tumutukoy sa mga gawain na nagbibigay direksyon sa pagbubuo ng
ugnayan ng mga gawaing pang-mag-aaral at gawain ng guro. Sa pagkakaintindi ko, sabihin
nalang natin na bilang ako ay isang magiging guro sa hinaharap kinakailangan ko talagang
pagpaplanuhan ang mga dapat na gagawin dahil sa lahat naman ng bagay o kung anuman
ang ating gagawin ay dapat na pinagplanuhan. Sa pagiging guro ay kailangang pagplanuhan
ang paggawa ng banghay aralin na dapat naiproseso na ito ng maayos upang hindi
magkaroon ng problema, dapat gamay na ang isang aralin na itatalakay sa buong klase. Ang
pagpaplano ay nakabatay din sa ating pisikal na katayuan katulad na lamang sa ating sarili
kung tayo ba ay kaaya-ayang tingnan na bilang guro o kung maayos ba ang ating pananamit
na dapat pagplanuhan. Napakahalangang gawain ang pagpaplano sapagkat kinakailangang
paghandaan ang mga posibleng mangyare bilang isang guro na dapat kailangan ding aktibo
sa lahat ng gawain upang hindi matambakan sa paggawa ng mga banghay aralin. Ito nga ay
ang ekstensiyon ng katauhan at istilo ng isang guro. Bakit? Dahil kung walang pagpaplano
walang saysay ang lahat, hindi ka matatawag na magaling na guro o walang mag-aaral ang
magkagusto sayo. Ito din ay sumasalamin sa ating sarili at kung paano tayo nakikilala ng ating
mag-aaral. Halimbawa: kung ako lamang ay laging nagbibigay ng aktibidad, laging
nagpapasulat o laging nagpapareport ay maaring sabihin ng mag-aaral na ay yan si ma’am
nagpapasulat lang yan, nagpapareport lang yan. Kaya kung sa gayon ay dapat talagang
pagplanuhan ang paggawa ng banghay aralin para may natutuhan ang mga-aaral at para mas
mapalawak pa ang kanilang kaalaman.
2. Pumili ng sampung (10) estratehiya sa pagtuturo ng Filipino na tinalakay sa aralin at ilahad
ang benepisyo ng bawat isa sa pagkatuto ng mga mag-aaral at maging sa iyo bilang isang
guro sa hinaharap. (50 pts)

Ang sampung estratehiya sa pagtuturo ng Filipino na aking napili:

1. Active Learning – ang benepisyo nito sa pagkatuto ng isang mag-aaral ay ang


pagiging aktibo ng mag-aaral na hahayaan silang gawin ang limang makrong
kasanayan na ang; pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at ang panononood
na kung saan maipapakita nila kung saan sila mahusay o magaling at sa
pamamagitan ng limang makrong kasanayan ay dito sila mas matututo at
magkaroon ng mas marami pang kaalaman at ang benepisyo naman sa akin
bilang isang maging guro sa hinaharap ay ang kung paano nailalahad ang mga
aralin sa pamamagitan ng limang makrongkasanayann , kung nauunawaan ba
ng mag-aaral ang aking tinalakay.
2. Critical Thinking – ito ay ang koleksyon ng nga gawaing pangkaisipan na
hahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral na magbabahagi ng sagot o kaisipan.
Ang benepisyo nito sa pagkatuto ng isang mag-aaral ay ang pagkakaroon ng
malawak na pang-unawa sa isang aralin o makapagbahagi siya ng sariling
kaalaman sa buong klase kung siya ba ay natututo. Halimbawa na lamang ay
ang paggawa ng isang repleksyon na kung saan ibabahagi nila ang kanilang
mga natutuhan. Bilang isang guro ang benepisyo nito para sa akin ay ang
pagkakaroon ng mas maraming kaalaman na pwede kong maibigay sa mag-
aaral na kung sa gayon sila ay natututo.
3. Experiential Learning – na sa salitang “experience” dito pumapaloob na ang
kakayahan ng mag-aaral ay mas madaling matuto kung sa isang aralin ay
iniugnay sa mga karanasan ng bawat isa na pwede din nilang gawin sa
pakikipagbahagi sa ibang kaklase. Halimbawa dito ay ang nagpakita ka ng
isang gawain o proyekto katulad na lamang ng isang “painting” ipapagawa mo
din ito sa kanila upang maranasan nila at ng sa gayon ay natuto pa sila at
nasisiyahan pa ngunit depende sa mga bata ay dapat kailangan ding siyasatin o
alamin o kilalanin ang mga bagay na ghsto nila para hindj sila mabagot. Ang
benepisyo naman nito para sa akin ay yon nga ang pagbahagi ko ng isang
bagay upang mas lalong magaganahan ang mga bata sa pag-aaral at natuto pa
sila sa pamamagitan ng pagbahagi ko ng isang bagay.
4. Collaborative/Cooperative Learning – ito ay ang ipinapangkat ang mag-aaral
sa gawaing pagkatuto na kung saan ang benepisyo nito para sa mag-aaral ay
nagiging mas mahusay sila o mas mabilis silang natututo. Halimbawa kung ang
isang mag-aaral ay sobrang tahimik, laging nag-iisa na akala mo’y mayrooong
problema na dinadala pero oo’ minsan may mga batang ganoon kaya bilang
isang guro ay magpapagawa ako ng isang gawaing pangkatan na kung saan
ang batang sobrang tahimik na iyon ay ipapangkat ko sa grupong maingay
ngunit maralino, madaldal ngunit magaling upang siya naman ay mahawaan ng
kagalingan ng grupo na ito. Kaya ang benepisyo din ito para sa akin bilang guro
ay ang natulungan ko ang isang mag-aaral na mas madaling matuto at
nagkakaroon siya ng maraming kaibigan.
5. Humor in the Classroom – sa pamamagitan ng humor in the classroom dito
napapahusay ang pang-unawa at pangmatagalang pagkatuto sa masiglang
pagtuturo. Ang benepisyo nito sa pagkatuto ng mag-aaral ay mas madaling
nakakasabay sa kung anong aralin ang tinatalakay ng guro kapag mayroong
pinagbabasehan na isang bagay. Halimbawa dito ay ang salitang pag-ibig dahil
ang pag-ibig ay isa sa mga mas alam ng mga kabataan na kung saan sa
pamamagitan din ito nasisiyahan din sila nakakasabay agad ngunit ang
ibabahagi ko naman ay syempre pumapatungkol sa aralin an aking itatalakay at
pero kailangan hindi din sosobra na dapat alam ang limitasyon na hanggang
doon lang at panatilihin padin ang interes ng mag-aaral sa isang aralin. Ang
benepisyo naman nito para sa akin ay ang mas mapadali kong maturuan ang
mag-aaral at sa pamamagutan nito mas tatak pa ito sa kanilang isipan sa
kadahilanang aking ibinahaging kaalaman.
6. Learner-centered Teaching - ito ay ang mga mag-aaral ang nasa sentro ng
pagkatuto, at ang mga guro ang tagapagdaloy. Sa pamamagitan ng learner-
centered teaching ito ay ang guro lamang gumagabay sa mag-aaral na kung
saan papangunahan natin silang bigyan ng kaalaman na pumapatungkol sa
aralin ngunit kailangan din na sila ang tumuklas ng una. Hindi natin hahayaang
tayo lagi ang nagbibigay kaalaman sa kanila dapat sila din ang magbigay dahil
tayong mga guro ay ang gagabay lang sa kanila kung tama ba ang kanilang
ginagawa o sinagaot. Ang benepisyo nito sa pagkatuto ng mag-aaral ay ang
pagiging pagkakaroon ng malawakang isipan na marunong magbahagi sa buong
klase kahit na hindi kailangan ng gabay ng isang guro at bilang isang guro ang
benepisyo nito para sa amin ay ang tinitignan kung wasto ba ang ginawa ng
isang mag-aaral kung may kaugnayan ba ito sa aralin o wala ng sa gayon ay
maitama namin o gagabayan namin sila sa mga kaalaman na dapat nilang
taglayin.
7. Lecture – ang lecture ay ang mas nakababatay sa pagbabahagi ng imlormasyon
o kaalaman. Ang benepisyo nito sa pagkatuto ng mag-aaral ay ang mas
nahahasa silang sumagot na makibahagi sa kung ano man ang kanilang
natutuhan. Sa pamamagitan nito dito natin malalaman kung may natutunan ba
sila sa isang aralin na kung anuman ang nabubuong impormasyon na maari
nilang ibahagi sa buong klase at para naman sa akin ang benepisyo nito ay
nabigyan ko ng sapat na kaalaman ang mag-aaral na kung saan mas
nauunawaan nila at kung sa gayon mas natuto sila at mas napalawak nila ang
kanilang kaaalaman patungkol sa isang aralin na aking itnalakay.
8. Pamahalaang Pangklase (Classroom Management) – ito ay may malaking
salik sa pagkatuto ng mag-aaral ang maayos na pamamahalang pangklase.
Dahil pamahalaang pangklase ay nagiging mas risponsable sila sa kanilang
ginagawa at sa gayon natuto nadin at mas napapadali ang gawain. Halimbawa
dito ay ang paggawa ng isang gawain (routine) na mamumulot ng basura katulad
na lamang ng mga maliliit na papel o plastik o kaya aayusin ang mga upuan. Sa
isang pamahalaang pangklase ay maraming gawain ang maaring gagawin sa
pagchecheck ng attendance ngunit sa pagchecheck ng attendance ay maaring
kinakailangan ng katulong dahil hindi mo naman matatapos agad kung mag-isa
ka lang, halimbawa ikaw ang magcheck ng attendance sa boy’s o lalaki at ako
naman sa girl’s o mga babae nang sa gayon madaling matapos ang isang
gawain. Dahil minsan hindi natin alam may sira-sira din ang mga upuan na
maaring makadistrak sa buong klase na yong sirang upuan nalang ang pag-
uusapan kaya dapat na siguraduhing maayos ang isang klasrum ng sa gayon
magaganahan din ang mag-aaral na mag-aral at makinig. Ang benepisyo nito
para sa mag-aaral ay ang pakikinig ng maayos sa guro na walang iniisip na iba
na kung kaya ay nakapukos siya sa isang aralin o nakatuon ang kaniyang pansin
sa buong klase at para sa isang guro o para sa akin ay ang pagkakaroon ng
maaliwalas na paningin na magnda ang paligid, walang nakakasagabal at
maayos ang daloy ng aking tinatalakay na aralin.
9. Writing Assignment – so bakit kinakailangan ang pagkakaroon ng pagsusulat
ng isang takdang aralin? Kinakailangang magsagot ng takdang aralin ang isang
mag-aaral dahil sa pamamagitan dito natin malalaman kung mayroon ba silang
natutunan sa araling na tinalakay at upang matutong magbahagi ng malawak na
kaisipan. Ang pagbibigay din ng isang takdang aralin ay isa sa pinakamahalaga
dahil kung hindi ka magbibigay ng takdang aralin paano mo malalaman kung
natuto ba ang jsang mag-aaral o hindi, kaya kinakailangang magbigay ng isang
takdang aralin upang malaman mo kung sino ang mas natututo at kung sino ang
hindi ngunit sa pagbibibgay ng takdang aralin ay may nakalaang oras kaya nga
dinadala ito sa bahay upang doon sasagutan at para mas mapalawak pa ang
kaisipan o kasagutan na isinasagawa. At ang benepisyo nito para sa pagkatuto
ng mag-aaral ay ang mas lumalawak pa ang kanilang kaisipan o mas
nadadagdagan pa ang kanilanag kaalaman at bilang guro ang benepisyo nito
para sa akin ay natulongan ko silang mag-isip pa ng pinaka-malawak na
kasagutan para mas nahahasa yong kaisipan nilang mag-isip pa ng marami na
patungkol sa aralin upang mas lalong mapalawak pa.
10. Team Teaching – ang team teaching ay ang pakikipag komunikasyon sa kapwa
mga guro na kung saan dito papasok ang pagkakaroon ng pagpapalitan ng
ideya sa kapwa guro upang mas mapalawak pa ang kaisipan o kaalaman. Dito
nahahasa ang kaisipan na taglaying mag-isip pa ng maraming kaalaman at sa
pamamagitan nito nakikibahagi ka na nga sa ibang guro at nagkaroon kapa ng
ideya kaya mas lalong lalawak pa ang kaalaman na taglay ng bawat isa.
Kinakailangan na taglayin ang pakikipagbahagi sa kapwa guro dahil kung
minsan kapag hindi ka nakikibahagi sa kapwa guro ay maaaring sabihin ng iba
na nagmamagaling ka o marunong kana, kaya ang mga pangyayareng ito ay
iniiwasan din nating mangyare dahil ayaw nating mapag-usap-usapan sa labas.
Minsan din kasi kahit na sasabihin nating ay tapps ko na yan, ay alam ko na
yan, ay meron na ako niyan ngunit sa sobrang kampante natin sa isang bagay
at dumating ang araw na tayo ay naturo na at nagkamali-mali na ang tinuturo,
mali ang proseso na ginamit at hindi na nauunawaan ng mag-aaral, yon ang
problema at maaaring pagtatawanan nalang din tayo sa ating kapwa guro dahil
nga sinabi nating ay alam ko na yan o nagmamagaling tayo. Para hindi
mangyare ang ganting sitwasyon kailangan nating makibahagi sa mga kapwa
guro natin.

You might also like