You are on page 1of 5

Aralin 1:

Ang Daigdig ng Klasrum, Guro at Pagtuturo

Pangalan: DE LA CALZADA, KATE NICOLE M.


Kurso & Seksyon : BSEd Fil 2-D
Instraktor: MR. ARNEL T. NOVAL

PANIMULANG TANONG

Ano-anong mga pangyayari sa iyong buhay ang hindi mo makalilimutan sa loob


ng klasrum? Paano ka pinakikitunguhan ng iyong guro?

Ang pinakahindi ko makakalimutan ay noong nagkaroon kami ng open forum kung


saan naglabasa kami ng sama ng loob. Ito ang hindi ko makakalimutan dahil
pagkatapos ng open forum ay sobrang gaan ng pakiramdam naming lahat dahil kami ay
wala nang tinatago nahinanakit sa isa’t isa. Iyon rin ang kauna-uahang open forum na
naranasan ko. Ang aming guro ay kaswal lamang ang pakikitungo, pantay ang tingin
nya saaming lahat. At kung may nakikita siyang hindi tama at mali ay sinasabi niya ng
maayos at hindi nagagalit agad.
PAGHAHADA:

Iguhit Mo!
Panuto: Batay sa iyong karanasan noong ikaw ay nasa hiskul, iguhit ang klasrum na
masasabi mong may malaking kontribusyon sa paghubog ng iyong pagkatao.
PAGSASANAY:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga nagaganap sa loob ng klasrum, sa


anomang metodolohiya hinggil sa pagtuturo at pagkatuto ng wika? (10 pts.)

Ang nagaganap sa loob ng klasrum ay mahalaga sa kadahilanang ito ay nakakaapekto


sa mag-aaral. Upang madagdagan ang kasiyahan ng mag-aaral sa loob ng klasrum sa
pag-aaral ng wika ay mahalagang maunawaan ang iba't ibang mga diskarte at paraan
upang maengganyo ang mga mag-aaral na mas matuto pa. Dapat hindi sila
nakakaradam ng presyor na mag-aral dahil mahihirapan lamang sila matuto kung sila
ay hindi komportable sa loob ng klasrum. At upang ito ay matupad kinakailangan na
magkaroon ng interaksyon ang Guro at ang mag-aaral. Pupuwedeng gawing
metodolohiya ng Guro ang pagkakaroon ng pokus sa mag-aaral. Upang malaman niya
na mayroon itong natutunan at sapat ba ito. Halimbawa, may isag mag-aaral na hirap
umitindi ng instraksyon dahil hindi nya maintindihan ag wika, ang guro ay mag-kakaroon
ng pribadong pagtuturo sa mag-aaral na yun upang ito ay makasabay sa iba nitong
kaklase. Kinakailangang bigyang pansin ang mga mag-aaral na hirap , kaya nga sila
nag-aral ay upang may makatulong sa kanila kaya wag silang ibaliwala.

2. Bakit mahalagang masunod ng isang guro ang mga gabay sa pamamahala ng


klasrum? Magbigay ng kongkretong siwasyon kaugnay sa paksa at ipaliwanag.
Bawat bagay ay may gabay upang makuha ang nais ninanais na resulta. Ang Guro
kinailangan nitong sundi ang gabay upang mapanatiling organisado ang loob ng
klasrum. Ang gabay sa pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na maunawaan
kung paano, kailan, at bakit maaaring mapahusay ng mga partikular na pamamaraan
ang kanilang pag-aaral. Ang gabay ng mga guro ay naglalayong tulungan ang mga
instruktor sa pagbabago ng kanilang pamamaraan at pagkakaroon ng malinaw na
direksyon para sa kanilang itinuturo at kung paano nila ito itinuturo. Ang nakasentro sa
mag-aaral o, mas madalas, ang mga pagtuturong nakasentro sa guro ay karaniwang
itinataguyod sa mga lesson plan at manwal ng mga instruktor. Halimbawa, mas
nakasetro sa mag-aaral ag pamamaraan ng isang guro kaya lahat ng mag-aaral ay
nabibigyan g panahon upang ibahagi ang kanilang mga ideya. Dahil kahit mag-aaral
sila ay may makukuha ring kaalaman ang Guro sa kanila.
PAGGANAP:

Panuto: Bumuo ng plano o blue print sa iyong magiging klasrum sa hinaharap.


Magbigay ng ilang mungkahi sa pamamahala ng iyong sariling klasrum at
ipaliwanag ang mga ito. (50 pts.)

Ito ang
aking mga palatuntunan sa loob ng aking magiging klasrum sa hinaharap.
1. Bawal ang mahuli sa klase
Ang paaralan ang magbibigay aral sa mga estudyante at isa na dito ang
pagbibigay ng respeto sa oras ng klase sa guro at sa kapwa mag-aaral. Dahil
kung ikaw ay nahuli sa klase magugulo mo ang leksyon at pagtatalakaky dahil sa
iyong pagpasok ng huli.
2. Magpaalam sa Guro
Kaugalihing magpaalam sa Guro kung may gagawin o kung mag-aabsent man
ay magpadala ng liham upang magkaroon ng alam ang Guro at ng ikaw ay
mabigyang patawad upang hindi mahuli sa klase at mabigyan ng mababang
marka.
3. Panatilihing malinis ang klasrum
Ang klasrum ang pangalawang tahanan ng mga estudyante. Walang estudyate
ang gugustohing mag-aral sa isang lugar na hindi organisado at malinis.
4. Iwasang magsira ng gamit na pagmamay-ari ng paaralan
Dapat matutunang ng estudyante ang pagrespeto ng gamit ng iba lalo na at
madami pa ang puwedeng makinabang nito.
5. Wag matakot makipag-interaksyon sa iba
Trabaho ri ng Guro ang bigyang motibasyon ang mga mag-aaral upang
magkaroon sila ng lakas ng loob na humarapsa ibang tao. Dahil magagamit nila
ito sa hinaharap , lalo na kung sila ay magtatrabaho na.
Aralin 2:
Motibasyon, Guro at Mga Mag-aaral
PANIMULANG TANONG:

Batay sa iyong karanasan, sino-sino ang may mahahalagang gampanin sa loob


ng klasrum? Ano-ano ang kanilang mga gampanin?

Ang Guro at ang estudyante ang may mahalagang gampani sa loob ng isag klasrum.
Ang Guro ang nagsisilbing pinagkukuhanan ng impormasyon at ang estudyante naman
ang tagatanggap at kumakalap ng impormasyon. Ngunit may pagkkataon na ang Guro
ang nagkakaron ng impormasyon na nanggagaling sa kanyang mga estudyante dahil
kahit ikaw ay Guro na mayroon ka paring kinakailangang matutunan. Sa atig buhay
patuloy tayog natututo ng mga bagay na makakatulong saatin sa hinaharap.

PAGHAHANDA:

Panuto: Isulat sa grapikong pantulong ang mga salitang may kaugnayan sa


motibasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

BAON
MATAAS NA
MARKA

PAGIGING
KOMPORTABLE
PREMYO
MOTIBASYON SA LOOB NG
KLASRUM

PANGARAP PAPURI MULA SA


GURO
PAGSASANAY:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang mga uri ng motibasyon? Ipaliwanag ito nang masinsinan at


magbigay ng kongkretong halimbawa.
Ang kauna-unahang motibasyon ng isang mag-aaral ay ang kanilang pangarap. Kaya
lahat ng mag-aaral ay nagsusumikap upang matupad ag kanya-kanyang mga
pangarap. Iba ay pangarap para sa pamilya at iba naman ay pangarap na
magtagumpay sa buhay. Pagtanggap ng mataas a marka, baon, premyo at papuri mula
sa guro ay isa sa nakakapagbigay motibasyon sa mag-aaral dahil dito nagkakaroon sila
ng gaan sa pakiramdam nanagkakaroon ng magandang kinalalabasan ang kinalang
pinaghirapan. Kaya nagiging komportable rin sila sa isang klasrum dahil dito. Isa sa
halimbawa ay si Mharl ay isang estudyante na malapit nang sumoko sa buhay dahil
puro maliliit na marka ang kanyang nakukuha ngunit pagkauwi nya ay nakita nya ang
kanyang mga laruang eroplano , kaya naisip nya ang kanyang pangarap na maging
piloto kaya mula noong hapon na yun ay nagsipag na siya sa pag-aaral niya at
nagkakaroon na siya ng matataas na marka.

2. Ipaliawang ang ugnayang inilalahad ng grapikong pantulong na nasa ibaba.

GURO MOTIBASYON MAG-AARAL

Bawat mag-aaral at Guro ay may kanya-kanyang motibasyon. Nagkakaisa ang guro at


mag-aaral sa isang klasrum dahil sila ay may motibasyon at pangarap na ninanais. Ang
Guro ay nakakaapekto sa estudyante at ang estudyante ay nakakaapekto sa isang
Guro dahil sila ay nagbibigayan ng ideya at naghaharap at nakikipag-ugnayan sa isa't
isa. Halimbawa, ang Guro nakakapagbigay motibasyon sa isang estudyante sa
pamamagitan ng pagbibigay ng papuri at mataas na marka, mas gaganahan ang
estudyante na mag-aral at makapasa. Ang guro naman ay nagkakaroon ng motibasyon
kapag nakikita niya na nag eenjoy ang kanyang mga estudyante sa pag-aaral. Ang
hangad ng isang Guro ay ang magkaroon ng kaalaman ang kanyang estudyante at
hindi ito napipilitan na mag-aral. Kaya may malaking epekto ang Guro at Mag-aaral sa
isa't isa.

You might also like