You are on page 1of 2

Ventura, Elaine B.

Sanson, Gemma Rose S.


BEED 3-B
Gawain 4: Teoryang Makatao

Positibong halimbawa ng Teoryang Makatao


1. Ineenganyo ng guro ang kanyang estudyante sa isang bagay o gawain.
➢ Halimbawa: Ang guro ay pinupuri ang Gawain ng isang estudyante gaya ng pagsabi nang " Ang
galing mo naman sa pag-drawing" na kung saan nag-uudyok sa bata na ipagpatuloy nito ang
kanyang nasimulan at ipagyabong ang kanyang kakayahan.

2. Nabibigyang halaga ang pagsisikap ng isang estudyante kaysa sa kalalabasan ng isang gawain.
➢ Halimbawa: Ang isang bata ay bago pa lang sa larangan ng paguguhit, hindi dinidismaya
ng guro ang kanyang estudyante sa pagbibigay ng mababang marka sa halip binibigyang
halaga nito ang pagsisikap ng estudyante sa paggawa ng awput kaysa sa kung ano man ang
kinalabasan ng awput.
3. Ang mag-aaral ang siyang nagkokontrol sa kanyang edukasyon o pag- aaral.
➢ Halimbawa: Kung nais ng mag-aaral na mag-aral ng sikolohiya, ang kanyang pag-aaralan
ay tungkol sa sikolohiya upang mapayabong ang kanyang kaalaman tungkol dito at hindi
mawawalan ng gana sa pag-aaral sa pagkat interes nito ay ang sikolohiya.
4.Nagkakaroon ng positibong pagsasama ang guro at estudyante.
➢ Halimbawa: Ang guro ay nakikinig sa mga problema ng isang estudyante upang mabigyan
ito ng solusyon o payo na kung saan nakakatulong upang magkaroon ng mabuting
pagsasama Ang guro at estudyante sa halip na ito ay matakot o ma-intimidate sa kanyang
guro.
5. Tinitiyak ng teorya na ang kaalamang ibinibigay ay magamit sa totoong buhay.
➢ Halimbawa: Ang guro ay hindi lamang nakapokus sa pagyabong ng kakayahan ng isang
estudyante kundi kung papaano rin ito magagamit kung sakaling hahanap na sila ng
trabaho.
Negatibong halimbawa ng Teoryang Makatao
1. Nakadepende sa mga mag-aaral kung ano ang nais nilang pag-aralan.
➢ Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay naka pokus lamang sa kanilang gusting matutuhan ang
masamang epekto nito sa kanila ay maaring hindi nila mapag-aaralan ang mga leksyon o
asignatura na ayaw nilang pag-aralan.
2. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang
panturo at mga gawain sa pagkatuto.
➢ Halimbawa: Nakabatay sa kung ano ang gusto ng mga mag-aaral ang nilalaman at ang
kagamitang panturo na sa tingin nila ay mas madali nilang maiintindihan ngunit hindi natin
maisisiguro na angkop ang pipiliin nila dahil ang iisipin lamang ng mag-aaral ay kung ano
lamang ang madali para sa kanila at hindi mahahasa ng guro ang kanyang mga mag-aaral
dahil kailangan nilang isaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral.
3. Binibigyang-pansin ng teoryang ito ang kahalagahan ng damdamin at emosyon ng mag-aaral.
➢ Halimbawa: Kung lahat ng mga aktibidad at kasanayan na ibibigay ng guro ay nakasentro
para sa mga mag-aaral maaaring hindi maranasan ng mga mag-aaral ang iba pang mga
stratehiya na maaring makatulong upang mas mahasa ang kanilang kahusayan.
4. Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa anumang proseso
ng pagkatuto.
➢ Halimbawa: Kung ang pagtutuunan natin ng pansin ng mga guro ang gusto ng mga bata at
kung saan lamang sila komportable, mawawalan sila ng puwang para matuto ng mga
bagong bagay.
5. Ang teoryang makatao ay nagbibigay ng kalayaan sa mga mag-aaral sa pag-pili.
➢ Halimbawa: Hinihikayat ng mga guro ang mga mag-aaral sa pagpili ng gusto nilang
asignaturang pag-aralan at nakadepende sa kanila ang haba ng oras ng na ilalaan nila. May
Mabuti itong dulot para sa mga mag-aaral ngunit ang masamang dulot naman nito para sa
mga mag-aaral ay nakapokus lamang ang mag-aaral sa isang asignaturang gusto nila at mas
pagtutuunan nila ng pansin ito kaysa sa ibang asignatura kaya maaaring hindi nila pag-
aralan ang iba pang asignatura dahil nahihirapan sila dito kung kaya’t mas lalo silang
madedehado kapag ganito ang mangyayari.

You might also like