You are on page 1of 4

DAHILAN AT EPEKTO NG FAVORITISM SA MGA MAG-AARAL 1

Ang paaralan ay isang institusyong pang-edukasyon kung saan natututuhan ng


mga mag-aaral ang napakaraming mga bagay na dapat nilang matuklasan. Ito ang
lugar kung saan naibabahagi ng mga napakabuting guro ang kanilang mga nalalamang
ideya ukol sa ibat-ibang mga asignatura. Ayon kay Papham (1980), malaki ang
tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ng mga
mag-aaral. Ang kanilang impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng abilidad ng mga
estudyante ay hindi matatawaran kailanman. Sa napakalaking pananagutang ito,
nararapat lamang na taglay ng guro ang mga katangiang tunay na papatnubay sa
kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito nang lalong malinang ang
kakayahan o abilidad ng kanyang mga estudyante. Ito ay upang maging epektibo ang
mga mag-aaral hindi lamang sa silid-aralan kundi higit sa lahat, maging huwaraan,
epektibo at maging malaya sa pakikilahok sa kanilang lipunang patuloy na nagbabago.
Ang mga magulang ng paaralan ang inaasahan ng bawat estudyante subalit sa
panahon ngayon, ay hindi na maiiwasan o maiikakailang mayroong ibang mga guro na
may paboritismo sa kanilang mga tinuturuang mag-aaral. Ang “favoritism” o
paboritismo ay ang palagiang pagpapabor ng isang taong nakataas sa isa pang tao. Isa
sa kapansin-pansin na pagkiling ay sa pagitan ng guro at mag-aaral na pinaka-
karaniwang hinaing ng mga estudyante. Ayon sa teorya ng ilang bihasa sa
"psychology," mayroon ngang nagaganap na ganito at sinasabing ang mga guro ay
madalas na kumikiling sa mga mag-aaral nitong babae kung ikukumpara sa mga lalaki.
Ayon sa kanila, ang isang guro daw ay napag-uukulan ng pansin ang mga mag-aaral
nitong babae dahil mabilis silang nagtitiwala dito. Sinasabi rin na ang madalas na
nagiging paborito ng isang guro ang panakamatalino, pinakakilala, pinakamagaling sa
klase at malala ay ang mga estudyanteng nabiyayaan ng kaanyuang pisikal. Halimbawa
nito ay kung mayroong dalawang estudyante na nag-aaway at ang guro ay
magpapakita ng favoritism kung papanig at ipagtatanggol nito ang "paborito" niyang
mag-aaral at gigipitin ang kaaway nito. Mayroon ding mga pagkakataon na ang
binibigyan o pinag-uukulan lamang ng pansin ng guro ay ang kanyang favorite sa klase.

ST. AUGUSTINE ACADEMY OF PAMPANGA


DAHILAN AT EPEKTO NG FAVORITISM SA MGA MAG-AARAL 2

Nagpapakita rin ng pagkiling ang isang guro kung ang isa nitong mag-aaral ang
ginawaran nito ng parangal kahit hindi naman ito karapat dapat para doon. Ang
pagbibigay sa “paborito” ng pinakamataas na marka kahit na pareho lamang ang
isinumiteng proyekto ng kanyang ibang estudyante ay hindi makatarungan at tama sa
parte ng lahat ng mga mag-aaral. Ang suliranin na ito ukol sa pagkiling ng isang guro
ay maaaring magkaroon ng masasamang epekto sa iba pa nitong estudyante bukod sa
kanyang favorite. Ang pagkiling ng mga guro ay maaaring makapagpababa ng tiwala ng
isang mag-aaral sa kanyang sarili, maari rin na ang mag-aaral ay makaramdam ng
pagtatampo o sama ng loob. Hindi nagagawa ng guro ang kanyang tungkulin na
magbigay karunungan sa lahat bagkus ay nakatuon lamang ito sa isa niyang mag-aaral.
Bilang resulta ay hindi matututo ang lahat ng kanyang tinuturuan at mayroong
posibilidad na mawalan ng interes ang mga mag-aaral sa asignatura maging sa guro
dahil hindi naman sila mabibigyan ng pansin kung gagalingan man nila sa klase. Ang
isang estudyante ay hindi mahuhulma sa edukasyon na kanyang kinakamit dahil hindi
naman ito prayoridad ng kanyang guro. Higit sa lahat, ay maaaring mabuo ang galit ng
bawat mag-aaral kung wala silang mahanap na tama sa rason o dahilan kung bakit
nangyayari ang “favoritism” sa silid-aralan. Maaari lamang na mawala ang respeto o
paggalang sa guro at mabigyan ng duda ang abilidad nito sa pagtuturo.

Ang isinagawang pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang dahilan at


epekto ng “favoritism” sa paraan ng pagtuturo at pagtrato sa mga estudyante ng
mga guro. Hinahangad na malaman ang mga nakakasamang dulot nito sa pag-aaral ng
mga estudyante maging sa pagtuturo ng guro, kung ito ba ay laging nararanasan ng
mga mag-aaral at upang malaman ang persepsyon ng mga napiling estudyante ukol sa
isyu, nang sa ganon ay makatulong ito sa mga makakabasa ng pananaliksik na ito. Ang
paksa ay ginawa upang magkaroon ng ideya ang mga mag-aaral sa mga maaaring
resulta ng pagpapa-apekto sa “favoritism.” Ito rin ay para sa mga guro upang malaman
kung ano ang opinyon o maaaring nararamdaman at saloobin ng kanilang mga
estudyante tuwing mayroong kinikilingan ang isang guro sa klase.

ST. AUGUSTINE ACADEMY OF PAMPANGA


DAHILAN AT EPEKTO NG FAVORITISM SA MGA MAG-AARAL 3

Hindi naman dahil sa nakalap na mga datos ay ipinapakitang ang bawat guro ay
may kanya-kanyang kinikilingan. Ang punto ng pananaliksik na ito ay hindi dapat
magpakita ng pagkiling ang isang guro at dapat nitong itrato ang bawat mag-aaral niya
ng pantay-pantay. Dapat ay patas ang pakikitungo sa bawat isa at siguraduhing
natututo ang kanyang mga tinuturuan sapagkat ang mga dahilan at epekto ng
pagkakaroon ng “favoritism” ng mga guro sa isang estudyante ay maaaring
magresulta sa pagkasira at pagbaba ng makakamit na edukasyon ng mga
mag-aaral.

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pagse-sarbey sa


mga mag-aaral ng Senior Highschool kung saan hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
“favoritism” ang mga guro. Bilang metodo sa pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin
ng pananaliksik na isasagawa ay magkakaroon rin literature search upang higit na
mapatatag ang mga datos na makakalap. Magsasagawa rin ng obserbasyon sa mga
piling silid-aralan sa Senior Highschool upang malaman ang mga nangyayari sa klase ng
mga mag-aaral at mula doon ay magkakaroon ng sapat na datos sa isinasagawang
pananaliksik.

Inaasahang makatatapos ng limampung pahinang output ukol sa pananaliksik na


isasagawa base sa isyung “favoritism” ng mga guro sa ibang mag-aaral. Inaasahan rin
na makapagpapahayag ng mga rekomendasyon ang papel upang masolusyonan ang
hinaing ng mga nakararanas sa isyu.Tutugunan ng isasagawang konseptong papel ang
lahat ng layunin na nakasaad sa pananaliksik ng sa ganon ay maging matagumpay ang
napapanahong isyu sa mga mag-aaral.

ST. AUGUSTINE ACADEMY OF PAMPANGA


DAHILAN AT EPEKTO NG FAVORITISM SA MGA MAG-AARAL 4

Talaan ng Sanggunian:

Fernandez,L.M.(2015, June 8).


Introduksyon sa Paaralan.
galing sa
https://www.academia.edu/4437797/Introduksyon_Fernandez_Lim

Vergara, M.J.& Fabro, M.J(2006, March 8).


"Mga Epekto ng Pagkiling ng Guro sa Mag-aaral."
galing sa http://arab3la.blogspot.com/

ST. AUGUSTINE ACADEMY OF PAMPANGA

You might also like