You are on page 1of 1

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga
sumusunod;

Sa Guro, makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro upang madagdagan ang kanilang
mga abilidad sa pagtuturo at gawing mas epektibo ang paggamit ng wastong gramatika at retorika bilang
Sistema sa paggamit ng Wikang Filipino sa ika-21 na siglo. Gayundin, ay upang tumaas ang kalidad ng
edukasyon at mahasa sila sa paraan ng kanilang pagtuturo.

Sa mga mag-aaral, Malaki ang maiaambag ng pananaliksik na ito sa mga mag-aaral sa


kadahilanang makadaragdag ito sa kanilang kaalaman, mapapagsikapan nila ang kanilang pag-aaral at
gayundin ang pagkakaroon nang sapat na kaalaman sa wastong paggamit ng gramatika at retorika sa
pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan

Sa mga mananaliksik sa susunod na henerasyon, makakatulong ito sa mga mananaliksik sa


susunod na henerasyon sapagkat maaari nila itong gamitin bilang sanggunian na konektado at maaaring
makatulong sa kanilang isasagawang pananaliksik.

You might also like