You are on page 1of 3

1.

Para sa iyo, ano ang pinaka epektibong teknik o pamamaraan sa


pagtuturo?

SAGOT:

Sa tagal ng aking pagtuturo, sa totoo lang, wala tayong matukoy


na pinaka epektibong estratehiya. Ang mahalaga kailangan mong kilalanin
ang antas o lebel ng iyong mag-aaral at kung ano yong angkop na
estratehiya sa kanila. Halimbawa, magtuturo ka sa baitang siyam (9), hindi
isang estratehiya lang ang puwede mong gamitin sa kanila. Bagkus,
tingnan mo yong kakayahan ng mga bata, yong mga gawain ba ay angkop
sa kanilang kakayahan? Maaaring angkop sa isang baitang, pero sa ibang
pangkat o seksyon ay hindi angkop.

Para sa akin, ang pinaka-epektibong teknik ay kilalanin mo ang


kakayahan ng iyong mag-aaral, para magiging makabuluhan ang kaalaman
hinggil sa kanilang matututuhan sa iyong ginagawang pagtuturo.

2. Paano mo matutukoy kung may natutuhan ang mga estudyante o mag-


aaral?

SAGOT:

Matutukoy yan actually sa madaling paraan lamang. Halimbawa


sakalagitnaan ng iyong pagtalakay ng aralin ay magbibigay ka ng tanong,
magbabato ka ng tanong at don mo makikita kung nauunawaan ng iyong
mga mag-aaral ang iyong itinuturo na aralin o hindi. Maaari ring
magsagawa ng formative test, pagkatapos ng aralin. Puweding ganon yong
estratehiya. Maaaring sa kalagitnaan, isang simpleng pagbibigay ng mga
katanungan na may kaugnayan sa aralin. Makikita mo naman o malalaman
mo naman ang isasagot na ibinigay ng mag-aaral. Maaari ring pagkatapos
mong talakayin ang iyong aralin, magbigay ka ng isang maikling pagsusulit.
Isa sa mga estratehiya para masiguro mo na talagang natututo ang mag-
aaral sa aralin na iyong ibinigay.
3. Paano mo pinanatili ang kontrol sa iyong silid aralan?

SAGOT:

Para magiging maayos ang takbo ng talakayan at masisiguro ko na


nakikinig ang mga mag-aaral, bago ako magsimula ng aking klase ang
nangyayari sa unang ginagawa ko sa unang araw pa lang ng pagkikita
namin sa pagbukas ng klase. May ibinibigay lang akong mga alituntunin o
tuntunin sa klase. Halimbawa, sasagot ka lamang kapag tinatanong, kung
nais mong magtanong magtataas ka ng iyong kamay. Bawal ang maingay
sa klase, kung nais mong sumagot magtaas ka ng kamay, kung may
katanungan ka magtaas ka rin ng kamay. Magtatanong ka lang kung may
kaugnayan sa klase. Kailangan magbigay ka ng iyong tuntunin sa loob ng
klase para malaman mo ng mga bata kung ano yong mga dapat hindi nila
dapat gawin.

Bilang isang guro, siguraduhin mo rin na nakikinig ang mga mag-aaral.


Wag lang turo ng turo sa gitna, talakay lang na talakay ng aralin sa gitna,
kailangan mo ring tingnan ang estado ng mga mag-aaral kung nakikinig
talaga sila o hindi. Kung nakita mo na hindi ka nais -nais ang kanyang pag-
uugali, halimbawa, nakikipag-usap sya sa kanyang katabi pagsabihan mo.
Labas pasok sya, paaalalahanan mo na hindi tama ang kanyang ginagawa.
Pero, pahapyaw lamang wag mong tutukan yon kasi mauubos ang iyong
oras sa pagpapaalala sa kanila. Kailangan din na magiging consistent, ang
pagiging consistent ay mahalaga. Kung ano yong binigay mong tuntunin
dapat panatilihin mo mo yon para malaman ng mga bata na seryuso ka sa
mga tuntunin na pinapalakad mo sa loob ng klase.

4. Ano ano ang mga dapat isasaalang-alang ng isang guro upang maging
mabisa ang pamamaraan ng pagtuturo?

SAGOT:

Ang mga dapat isa alang-alang, isa doon ay ang kahandaan.


Kailangang handa ka sa mga materyales na gagamitin sa iyong klase.
Kailangan din ang sapat na kaalaman mo sa paksa. Huwag umasa sa mga
natutuhan mo. Bagkus, kailangan mo ring magsaliksik pa, para
madagdagan ang iyong kaalaman. Kailangan din sa panahon ngayon, ay
gumagamit tayo ng ICT. Ang mga mag-aaral ngayon, generation z ngayon
ay mas nakukuha mo ang kanilang atensyon kapag gumagamit ka ng ICT
na approach. Sapat na kaalaman sa paksa, magsagawa ng pananaliksik,
gumamit ng ICT at angkop na estratehiya. Tingnan mo rin ang
pangangailangan ng mag-aaral, huwag ka lang turo ng turo. Titingnan mo
kung ano ang mga kailangan din minsan isa alang-alang para makuha mo
ang kanilang interes sa pagtuturo. Halimbawa, inaantok sila, huwag ka
lang turo ng turo, magalit ka mawawalan lalo sila ng interes. Ang gagawin
mo magsasagawa ka ng pamukaw sigla, kasi yon yong kailangan nila.
Magsasagawa ka ng enegizer, para mawala ang kanilang antok. Kahit
gaano pa kaganda ang estratehiya mo, tingnan mo ang pangangailangan
nila. Mahalaga din ang classroom management, kapag nakakita ka ng bata
na hindi ka marunong humawak ng klase, hinahayaan mo lang sila kung
ano ang gagawin nila, talagang susukatin ng bata ang galing mo sa
paghawak sa kanila. Kaya kailangang marunong ka ring sa classroom
management para organisado maayos ang talakayan na nangyayari sa
iyong klase.

You might also like