You are on page 1of 30

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagmamahal at Paggalang
sa mga Magulang
Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagmamahal at Paggalang sa mga Magulang
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Rosario D. Gantang
Editor: Carmelita E. De Guzman
Jocelyn DR. Canlas
Tagasuri: Carmelita E. De Guzman
Reynaldo B. Pacleta
Tagaguhit: Ma. Rosario D. Gantang
Tagalapat: Ma. Rosario D. Gantang
Tagapamahala: Norma P. Esteban EdD CESO V
Leonardo C. Canlas EdD CESE
Fatima M. Punongbayan
Arnelia R. Trajano PhD
Salvador B. Lozano
Nora C. Lising
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division Office of City of
Malolos
Office Address: Govermnet Center, Bulihan, City of Malolos, Bulacan
Telefax: (044) 812-2006/ 812-2007
E-mail Address: malolos.city@deped.gov.ph
1

Edukasyon sa
Pagpakatao 1
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagmamahal at Paggalang
sa mga Magulang
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon
sa Pagpapakatao 1 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Pagmamahal at Paggalang
sa mga Magulang!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay
ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing
teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan
ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 1 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Pagmamahal at Paggalang sa mga
Magulang!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iv
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing
para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang

v
maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga
Pagwawasto tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa


paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

vi
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul


na ito, kayong mga mag-aaral sa unang baitang ay
inaasahang magagawa ang mga sumusunod na
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies).

Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang


sa mga magulang
K to 12 CG Code: EsP1P-IIa-b-1

Mga Tala para sa Guro


Patnubayan ang mga mag-aaral sa unang
baitang upang matutong magpakita ng
pagmamahal at paggalang sa mga magulang.
Gayundin ay maisabuhay ang wastong pakikitungo
sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng
pagkakataon.

1
Subukin

Panuto: Gaano mo kamahal ang iyong mga magulang?


Lagyan ng tsek √ ang hanay kung gaano mo kadalas
ipinakikita ang mga sumusunod sa iyong mga magulang.

Paminsan-
Palagi Hindi
minsan
1. Sinusunod ko ang utos
ng aking mga
magulang.
2. Gumagamit ako ng
“Po” at “Opo” sa
pakikipag-usap sa
kanila.
3. Yinayakap ko sila at
sinasabihan ng
“Mahal ko po kayo!”
4. Iniiwasan kong
masaktan ang
kanilang damdamin.
5. Masaya kong
ikinukwento sa kanila
ang mga nangyayari
sa akin sa paaralan.

2
Aralin Pagmamahal at Paggalang
1 sa mga Magulang

Mahal mo ba ang iyong mga magulang? Ano ang


iyong ginagawa upang maipakita mo ang iyong
pagmamahal sa kanila?
Ang ating mga magulang ay biyaya sa atin ng Diyos
upang tayo ay alagaan at makamit natin ang ating mga
karapatan tulad ng makapag-aral at lumaking malusog
at masaya. Bilang pagpapasalamat sa kanila ay
ipadama natin ang ating pagmamahal at paggalang sa
ating mga magulang.
Tandaan natin ang mga sumusunod upang
maipakita natin ang pagmamahal at paggalang sa ating
mga magulang:
1. Sundin natin ang kanilang mga utos ng bukal sa
ating kalooban.
2. Magalang tayong sumagot kung tayo ay kanilang
kinakausap.
3. Gamitin natin ang magagalang na salitang “Po” at
“Opo” sa pakikipag-usap sa kanila.
4. Makinig tayo sa kanilang mga pangaral.
5. Tulungan natin sila sa mga gawaing bahay.
6. Mag-aral tayong mabuti.
7. Masaya nating ikuwento sa kanila ang mga
nangyayari sa atin sa paaralan.

3
Balikan

Sa nakaraang aralin, natutuhan mong tukuyin ang


mga kilos at gawain na nagpapakita ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya tulad ng
pag-aalala sa mga kasambahay at pag-aalaga sa
nakababatang kapatid at kapamilyang maysakit.
Iguhit ang 😊 kung ang kilos o gawaing isinasaad ay
nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa
mga kasapi ng pamilya, at ☹ naman kung hindi.

_____1. Bigyan ng maiinom ang pagod na kasambahay.


_____2. Alagaan ang bunsong kapatid kapag may
ginagawa si Nanay.
_____3. Sigawan si Lola kapag hindi narinig ang iyong
utos.
_____4. Bigyan ng prutas si Ate kapag may sakit.
_____5. Asarin si Kuya kapag may sugat ito.

4
Tuklasin

Alam mo ba kung paano mo maipakikita ang iyong


pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang?
Basahin at unawain ang maikling kwentong Mahal Ko
ang Aking mga Magulang upang matutuhan mo ang
mga gawaing makapagpapakita ng pagmamahal at
paggalang sa iyong mga magulang.

Mahal Ko ang Aking


mga Magulang
ni: Ma. Rosario D. Gantang

Ako ay si Hannah Valdez.


Mahal ko ang aking mga
magulang. Sila ay sina G. Willy
Valdez at Gng. Rose Valdez.
Ako ay nasa unang baitang
na. Kaya ko nang sumulat at
bumasa. Sa darating na Pasko
ay gusto kong maipakita sa
aking mga magulang kung
gaano ko sila kamahal at
iginagalang. Gagawa ako ng
Christmas card! Hihingi ako ng
tulong sa aking ate Hope
upang lalo kong mapaganda ang card na aking
gagawin para sa aking Nanay at Tatay. Nais kong
maipadama sa kanila kung gaano ko sila minamahal at

5
iginagalang. Sigurado ako, mapasasaya ko sila sa
darating na Pasko!

Sagutin sa inyong papel ang sumusunod na mga tanong


tungkol sa binasang kwento.
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Sino ang kanyang tatay?
3. Sino ang kanyang nanay?
4. Ano ang kaya na niyang gawin?
5. Ano ang gusto niyang gawin sa darating na Pasko?
6. Kanino siya hihingi ng tulong?
7. Bakit niya gustong bigyan ng Christmas card ang
kanyang mga magulang?
8. Sa iyong palagay, ano kaya ang mararamdaman ng
kanyang mga magulang?

Suriin

Mahalin natin at igalang ang ating mga magulang.


Ipakita natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal.
Sundin natin ang kanilang mga utos. Makinig tayo sa
kanilang mga pangaral. Tulungan natin sila sa mga
gawaing bahay. Mag-aral tayong mabuti upang
mapasaya natin sila.

6
Ngayon, alam mo na ba kung ano-ano ang iyong
magagawa upang maipakita mo ang iyong
pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang?
Umisip ng isang okasyon kung saan ay sama-sama
kayo ng inyong mag-anak. Paano mo kaya pasasayahin
ang iyong mga magulang? Iguhit mo sa kahon ang iyong
sagot. Kulayan mo nang maayos ang iyong iginuhit.

Isulat mo sa patlang kung ano ang iyong iginuhit at


ikwento mo ito sa iyong mga magulang.

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

7
________________________________________________________
_______________________________________________________.

Tandaan mo na sa iyong pagkukwento ay


kailangang maipadama mo sa kanila ang iyong
pagmamahal at paggalang.

Pagyamanin

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang Tama


kung ito ay nagpapakita ng pagmamahal at paggalang
sa mga magulang, Mali naman kung hindi.
_______1. Nanonood ka ng iyong paboritong palabas sa
telebisyon. Tinawag ka ng iyong Nanay upang alagaan
ang iyong nakababatang kapatid. Pinatay mo ang TV at
kaagad na sumunod sa Nanay.
_______2. Pagkauwi mo sa bahay galing sa paaralan ay
masaya mong ikinuwento sa iyong Tatay ang mataas na
markang nakuha mo sa inyong pagsusulit sa Matematika.
_____3. Naglalaba ang Nanay. Inutusan kang bumili ng
sabon sa tindahan. Hindi ka sumunod dahil naglalaro ka
ng game sa computer.

8
_____4. Sinabi ng Tatay na umuwi ka kaagad pagkatapos
ng iyong klase sa paaralan. Nakipaglaro ka muna sa iyong
kaklase bago ka umuwi.
_____5. Lagi kang sumasagot nang maayos at may po at
opo sa iyong mga magulang.

Lagyan ng tsek √ ang bilang ng kahon kung ang


pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal at
paggalang sa mga magulang, at ekis X naman kung hindi.

1._____ Sinusunod ko ang mga utos ng aking


mga magulang.

2._____ Lagi kong ginagamit ang mga


salitang po at opo sa pakikipag-usap
sa aking Tatay at Nanay.

3._____ Tinatakpan ko ang aking mga tenga


upang hindi marinig ang kanilang
mga pangaral.

4._____ Yinayakap ko sila at sinasabing


mahal ko sila.

5._____ Nag-aaral akong mabuti upang


matuwa sila sa akin.

9
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa
Hanay A ang bilang ng pangungusap kung nagsasaad
ng pagiging magalang sa magulang at sa Hanay B
naman kung hindi.
1. Mahal ko po kayo Nanay at Tatay.
2. Mamaya na lang.
3. Ayoko nga.
4. Opo, Nanay.
5. Susundin ko po kayo.

Hanay A Hanay B

_________ _________
_________ _________
_________ _________

Isaisip

Punan ang mga patlang upang mabuo mo ang mga


pangungusap sa talatang nasa ibaba. Kunin ang sagot sa
loob ng kahon. Isaisip mo at tandaan ang mabubuo
mong kaalaman dito.

Tandaan:
Ang ating mga magulang ay biyaya sa atin ng
(1) (2)
______________ upang tayo ay _______________. Bilang

10
pagpapasalamat ay ipadama natin ang ating
(3)
______________ at paggalang sa ating mga
(4)
_______________. (5)
Gumamit tayo ng magagalang na _____________ sa
pakikipag-usap sa kanila.

Diyos alagaan
pagmamahal magulang
salita

Isaisip natin ang mga sumusunod upang maipakita


natin ang pagmamahal at paggalang sa ating mga
magulang:
1. Sundin natin ang kanilang mga utos ng bukal sa
ating kalooban.
2. Magalang tayong sumagot kung tayo ay kanilang
kinakausap.
3. Gamitin natin ang magagalang na salitang “Po” at
“Opo” sa pakikipag-usap sa kanila.
4. Makinig tayo sa kanilang mga pangaral.
5. Tulungan natin sila sa mga gawaing bahay.
6. Mag-aral tayong mabuti.
7. Masaya nating ikuwento sa kanila ang mga
nangyayari sa atin sa paaralan.

11
Isagawa

Gumawa ng card na nagpapakita ng iyong


pagmamahal sa iyong Nanay at Tatay.
1.Kumuha ng isang malinis na coupon bond.
2.Gumuhit ng puso.
3.Kulayan mo ito.
4.Isulat mo ang pangalan ng iyong Nanay at Tatay.
5.Isulat mo rin ang iyong pangalan.
6.Ngayon, ibigay mo na ang kard sa iyong mga
magulang.

Nanay Rose at Tatay Willy

Hannah

12
Magagawa mo bang ipakita ang iyong
pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang?
Lagyan ng tsek √ ang tamang hanay ng iyong kasagutan.

Opo Hindi
Mga Gawain:
po
Sundin ang kanilang mga utos ng bukal
1
sa kalooban.
Magalang na sumagot kung ako ay
2
kanilang kinakausap.
Gamitin ang magagalang na salitang
3 “Po” at “Opo” sa pakikipag-usap sa
kanila.
Makikinig ako sa kanilang mga
4
pangaral.
Tutulungan ko sila sa mga gawaing
5
bahay.
Mag-aral akong mabuti upang
6
mapasaya sila.
Masaya kong ikukuwento sa kanila ang
7
mga nangyayari sa akin sa paaralan.

13
Gumawa ng isang liham pagpapasalamat sa iyong
Nanay at Tatay. Punan ang patlang at isulat na muli ang
buong liham sa papel. Pagkatapos ay malugod na ibigay
ito sa iyong mga magulang.

Para sa aking Nanay _______ at Tatay _______,

Salamat po sa ________________ na ibinibigay

ninyo sa akin. Mahal na ______________ ko po kayo. Simula

po ngayon ay magiging ______________ na po ako.

Susundin ko pong lagi ang inyong mga utos.

Lubos na nagmamahal,

___________________________

14
Tayahin

A. Ang mga sumusunod kayang gawain ay


nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa
magulang? Isulat sa patlang ang Opo o Hindi po.
________1. Si Elsa ay mahilig sa popcorn. Araw-araw ay
pinipilit niyang magpabili nito sa kanyang
Nanay.
________2. Laging pinapakinggan ni Christian ang payo
ng Mommy niya.
________3. Bago matulog ay yinayakap muna ni Maxene
ang kanyang mga magulang at
nagpapasalamat sa kanilang pag-aalaga sa
kanya.
________4. Tuwang-tuwa sina Boyet at Junior. Naglalaro
sila sa tubig baha sa kalye kahit na
pinagbabawalan sila ng kanilang Tatay.
________5. Nag-aaral na mabuti si Francene upang
mapasaya niya ang kanyang Mommy at
Daddy.

15
B. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagmamahal at paggalang sa mga magulang? Piliin
ang titik ng tamang sagot.

______1. Nakakuha ka ng mataas na marka sa iyong


proyekto sa Sining. Ikukwento mo ba ito sa iyong mga
magulang?
a. Opo
b. Hindi po
c. Ewan

_____2. Tinatawag ka ng iyong Nanay upang bumili ng


suka sa tindahan pero nakikipaglaro ka pa sa iyong
kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo papansinin ang iyong nanay.
b. Uuwi ka muna sandali upang bumili ng suka.
c. Sasabihin mo sa Nanay na ang kapatid mo na lang
ang utusan.

_____3. Malapit na ang kaarawan ng iyong tatay, pero


wala kang pambili ng regalo. Ano kaya ang magandang
gawin?
a. Wala kang gagawin.
b. Manghihingi sa tatay ng panregalo sa kanya.
c. Gagawa ka ng birthday card para sa iyong tatay.

16
_____4. Bakit kaya kailangan mong mag-aral na mabuti?
a. Upang maipagyabang mo sa iyong mga kaklase
b. Upang mapasaya mo ang iyong mga magulang
c. Upang mainggit ang iyong mga kapatid

_____5. Ang sabi sa iyo ng iyong mga magulang ay


masusustansiyang pagkain ang bibilin mo sa kantina ng
inyong paaralan tuwing reses. Ano kaya sa mga
sumusunod ang dapat mong bilhin upang maipakita mo
na sinusunod mo ang kanilang payo?
a. Kendi at softdrink
b. Sorbetes at lollipop
c. Sopas at tinapay

17
Karagdagang Gawain

Maglista sa iyong papel ng tatlong mga gawain na


nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa iyong
mga magulang. Tandaang ipakita sa mga magulang
ang iyong pagmamahal at paggalang sa lahat ng
pagkakataon.

1. ___________________________________________________
___________________________________________________.
2. ___________________________________________________
___________________________________________________.
3. ___________________________________________________
___________________________________________________.

18
19
Subukin Balikan
1. Palagi 1. 😊
2. Palagi 2. 😊
3. Palagi 3. ☹
4. Palagi 4. 😊
5. Palagi 5. ☹
Pagyamanin Isaisip Tayahin
1. Diyos
1. Tama 2. alagaan A.
2. Tama 3. pagmamahal
3. Mali 4. magulang 1. Hindi po
4. Mali 5. salita 2. Opo
5. Tama 3. Opo
4. Hindi po
5. Opo
Hanay A Hanay B
1 2 B.
4 3
5 1. a
2. b
3. c
4. b
5. c
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Hidalgo, Fe. Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng


Mag-aaral—Unang Baitang, Unang Edisyon, 2012.

K to 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes, Edukasyon sa
Pagpapakatao 1.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like