You are on page 1of 2

Lerado, Ronalyn B.

I – BEED

Ang Kooperatibo at Kolaboratibong pagkatuto

1. Kahulugan ng kooperatibo at kolaboratibong pagkatuto.

Sama-samang Pagkatuto (Kooperativ at Kolaborativ na Pagkatuto)

Sa Kooperatibo at Kolaboratibong pagkatuto, ang mga gawain sa loob ng klasrum ay


nakatuon sa sama-sama at tulong-tulong na pagsisikap ng guro at estudyante upang matamo ang
itinakdang gawain. Layunin ng dulog na ito na mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang
kooperasyon ng mga mag-aaral

2. Pakinabang na makukuha sa paggamit ng dalawang dulog.

A. Malaki ang maitutulong ng kooperatibog pag-aaral sa paghubog ang magandang pag-


uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral.
B. Napapataas din nito ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang mga sariling
kakayahan.
C. Mataas na pagsulong sa pagkatuto.
D. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip.
E. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na motibasyon,
F. Mas mabuting relasyon ng guro at estudyante, at estudyante sa kapwa esttudyante.

3, Kaibahan ng Collaborative Online Learning.

Ang Collaborative Online Learning ay isang e-learning approach, kung saan ang mga
mag-aaral ay maaaring makipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral at maging sa guro sa pamamagitan
ng mga makabagong teknolohiya at internet. Dito, maaari nilang magawa ang mga takdang
gawain na hindi na nangangailangan pa ng personal na interaksyon kumpara sa tradisyunal na
paraan, magagamit ang online platforms upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman.
Nagsisimula ito sa ang pag-unawa at pagproseso ng mga impormasyon na nakukuha kung paano
ito epektibong maipapahayag at maipapasa sa iba sa pamamagitan ng internet.

4. Ang bentahe ng paggamit ng collaborative online learning.

Ang paggamit ng Collaborative Online Learning ay epektibong paraan na maaaring


makahikayat sa mga mag-aarala na makipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran upang makabuo ng
ideya at kaalaman., gumawa o dumiskubre ng mga bagay. Isang halimbawa ay ang paggamit ng
Online Discussion Forums o Asynchronous Online Discussion kung saan ang mga aralin ay
hindi lamang nakabase sa berbal o oral kundi sa mga sulatin (text based) kung kaya’t maaari ang
mga mag-aaaral ay madali makakapagbalik-aral. Gayundin, dahil online ito, ang mga mag-aaaral
at guro ay maaaring makapag-ugnayan anumang oras o nasaan man sila. Higit sa lahat, sa
pamamagitan nito, mas magkakaroon ang bawat indibidwal ng mas malawak na koneksyon
hindi lamang sa mga taong na makakahalubilo, kundi lalo na sa mga iba’t-ibang opinyon at
impormasyon.

Ang Collaborative Online Learning may mga positibong resulta para sa ibang mga mag-
aaral, ngunit sa iba naman ay hindi lalo na ang mga mag-aaral na nangangailangan ng mas
pagtuonan ng pansin gaya ng mga mag-aaral sa elementarya. Hindi lahat ay maalam sa paggamit
ng teknolohiya at nangangailangan ng gabay ng kanilang mga magulang, at kung wala ay
mahihirapan lamang sila, gaya na lamang ng mga mag-aaral na nasa baitang 1 hanggang 3.

You might also like