You are on page 1of 1

Lerado, Ronalyn B.

I – BEED

“Why the only future worth building includes everyone”

Pope Francis

(Buod)

Ang paksa ng mensaheng ipinahayag ni Pope Francis ay patungkol sa kahalagahan ng


pakikiugnay at pakikisalamuha na may kaugnayan sa pagbuo ng magandang hinaharap hindi
lamang para sa sarili kundi maging para sa nakararami. Nagbigay siya ng tatlong mahahalagang
mensahe. Una ay patungkol sa kung paano na makakamit ang hinaharap sa tulong ng iba hindi
lamang ng sarili, at maunawaan ng bawat isa na ang buhay ng isang indibidwal ay nakaugnay sa
iba. Sinabi nya rito na ang buhay ay hindi lamang basta isang paglalakbay o pagdaan, ito ay
patungkol din sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa kapwa.

Ang pangalawang mensahe ay may patungkol naman sa kung paanong ang mga
makabagong teknolohiya ay maging daan upang mas magkaroon ng pagkakapantay-pantay at
tamang pakikisalamuha at hindi maging dahilan upang hindi natin makita ang paghihirap at
pangangailangan ng mga tao sa ating kapaligiran. At ang panghuli ay ang pagiging sensitibo sa
pangangailangan ng kapwa, kung paanong ang ating mga kamay upang makatulong sa mga
nangangailangan.

Mapapansin na ang wikang ginamit sa panayam ay ang sariling wika ng tagapag-salita,


ang wikang Latin, at ang ginamit na midya sa pagpapalaganap ng mensahe ay ang makabagong
teknolohiya, ang paggmit ng TED talk o video presentation na maaaring mapanood sa social
media. Dahil hindi naman lahat ay maalam sa wikang Latin, kinakailangan na ito ay maisalin sa
sariling wika o sa wika na mas mauunawaan ng nakakarami. Ang panayam ay isinalin sa ibang
lenggwahe gaya na lamang ng Ingles na syang itinuturing na pandaigdigang wika at malaki ang
naitulong nito sa pagkaunawa ng mensahe. Malaki rin ang ginampanan ng teknolohiya sa
panayam. Naging susi ito upang hindi lamang ang mga nasa Vatican kung saan naganap ang
panayam ang maaabot ng mensahe kundi magagawa rin nitong abutin ang mga nasa malalayong
lugar. Nararapat lamang na sa pakikipagkomikasyon o pagpapahayag ng mensahe ay isaalang-
alang ang wika at midya na gagamitin dahil malaki ang epektong maidudulot nito sa mga
tagapakinig.

You might also like