You are on page 1of 20

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

Saint Joseph’s College of Baggao, Inc.


Baggao, Cagayan, Philippines
Transforming Lives, Shaping the Future
MODYUL 5
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Course KONTEKSTWALISADONG Course FIL 1


Title: KOMUNIKASYON SA Code:
FILIPINO
Instructor: Mary Joy L. Lattao, LPT
Term & 1st Sem, AY
AY: 2021-2022
Facebook BSBA-HRM, BSCRIM, Cellphone 09754111540
Page & BEED, AB-ECON, BSSW no.:
Messenger : (BSSW&BSTM), BSED-
ENG, BSED-MATH
(MATH, VAE.
ED.SCIENCE)
FIL 1-
Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino

I. Pangkalahatang Ideya
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-
araw na pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng
kakintalang maaaring magdulot ng karanasang magpapatakbo ng
kanyang buhay. Ang mga sumusunod na paksa ay mga gawaing
pangkomunikasyon karaniwan subalit sa mahalagang buhay ni Juan:
Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay, Pulong-bayan,
Komunikasyong di-berbal at Mga Ekspresyong local.

II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto


Sa pagkumpleto ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
inaasahang:
a. Nagmamatuwid sa saysay ng komunikasyon sa sariling buhay
at pagka-Pilipino.
b. Nakasusuri sa ugnayan ang mga element ng komunikasyon.
c. Nakabubuo ng makabuluhang pagsusuri sa komunikasyon
bilang isang Pilipino sa karanasang wikang Filipino.

III. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral at Sanggunian


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 1 | 8
Dr. Mario H. Maranan (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa
Filipino. MINDSHAPERS CO., INC.
Intramuros, Manila
Melvin Orio Mortera (2019). Pantulong sa
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon) (Pinaunlad na Bersyon).
Book Atbp. Publishing Corp.
Madaluyong City
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-
pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino
doku.pub_kontekstwalisadong-komunikasyon-sa-akodemikong-
filipino.pdf

IV. Nilalaman/Buod ng Aralin

PAGBABAHAY-BAHAY
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino kung saan naglalakbay o dumadayo ang isang tao o
grupo ng tao sa isang partikular na lugar kung saan iniisa-isa nila
ang mga kabahayan upang kumuha ng mga impormasyon o datos na
kinakailangan nilang makalap para sa isang partikular na gawain. Ang
halimbawa nito ay ang census, oplan tokhang, pangangampanya at
marami pang iba.
Census
Ito ay isang gawain kung saan isinasagawa ang pagbabahay-bahay
upang makakalap ng mga mahahalagang impormasyon. Halimbawa
nito ay ang 2015 Census of Population. Ito ay isinasagawa tuwing
Agosto upang magkaroon ng angkop na datos ng bolang ng populasyon
sa bawat barangay sa buong bansa.
Oplan Tokhang
Ito ay hango sa salitang cebuano na toktok-hangyo o ang ibig sabihin ay
katok at pakiusap. Gawain itong isinasagawa ng mga pulis alinsunod sa
programa ng administrasyong Duterte kung saan nagbabahay-bahay sila
upang madakip ang mga gumagamit at nag bibinta ng mga
ipinagbabawal na gamot o droga.

Pulong Bayan
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang
mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring
sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 2 | 8
pagkakataon makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan
ng mga Pilipino.

Ito ay karaniwang isang paraan na kung saan ang mga tao ay


makakagawa ng mga demokratikong desisyon. Sa isang pulong ng
bayan dapat tiyakin ng lahat ng tao na nakikilahok sila sa mga legal na
gawain ng negosyo. Nakatalaga sa mga pulong bayan ang mga agenda
na dapat pag-usapan.

URI NG PULONG-BAYAN
Connecticut
Ang ganitong uri ng pulong-bayan ay nagsasangkot ng pag-uusap
tungkol sa isang nai-publish na artikulo. Ito ay may piniling bilang ng
mga taong rehistradong botante. Kasama sa mga ito ang mga taong
kumikita ng higit sa 1000USD na maaaring pagbuwisan.
Alam mo ba? Ang mga pulong-bayan ay higit nakilala sa pagkuha ng
iba't-ibang anyo. Karaniwan, ang mga pulong ng bayan ay
matatagpuan sa mga distrito ng Inglatera. Ang iba't-ibang mga pulong-
bayan ay may magkakaibang mga istruktura at nakaayos nang
magkakaiba. Ang mga pulong-bayan ay walang partikular na lugar na
sinimulan ng mga ito. Ang mga pinaka-recordable na mga pulong ng
bayan ay nagsimula mahigit 300 daang taon na ang nakakaraan. Ang
isa sa mga pinaka-kapansin-pansin na starters ng mga pulong-bayan ay
tinukoy bilang Puritans.

AGENDA
Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na
nagpupulong. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagpaplano at
pagpapatakbo ng pulong. Ito rin ay nagsisilbing gabay na nagbibigay ng
malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilisan ang
patutunguhan.

Epekto ng Hindi Paghahanda ng Agenda


 Mawawala sa pokus ang mga kalahok na nagdudulot
sa tila walang katapusang pagpupulong.
 Umuunti ang bilang ng dumadalo sa pulong.
 Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang
ang panahon ng mga kalahok.
Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 3 | 8


 Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at
ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksyon.
 Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam ng
lahat ang lugar na pagdarausan, ang oras ng pagsisimula
at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at ang
maaaring kalabasan ng pulong.

Nilalaman ng Agenda
1) Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula
at matatapos?
2) Ano ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa
bahaging ito ng agenda, sinasagot nito ang tanong na: "Bakit tayo
magkakaroon ng pagpupulong?"
3) Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
4) Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?

KATITIKAN NG PULONG
Ang katitikan ng pulong ay ang dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyong ibinabatay sa adyendang unang
inihahanda ng Tagapangulo ng lupon. Ito ay maaaring gawin ng
kalihim, typist, o reporter sa korte at karaniwang maikli at tuwiran o
detalyado.

Kahalagahan ng Katitikan
 Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
 Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-
uusapan o nangyari sa pulong.
 Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa
paglipas ng panahon.
 Ito ay magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong.
 Ito ay batayan ng kagalingan ng indibidwal.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG BAGO, HABANG AT


PAGKATAPOS NG PULONG
Bago ang Pulong
1) Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
2) Ihanda ang sarili bilang tagatala.
3) Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan
ang magiging daloy ng mismong pulong.

Habang Nagpupulong
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 4 | 8
1) Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito.
2) Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pag-talang mga
desisyon o rekomendasyon.

Pagkatapos ng Pulong
1) Kung may mga bagay na hindi naiiintindihan, lapitan at tanungin
agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang
dumalo.
2) Repasuhin ang isinulat.
3) Mas mainam na nag numero ang bawat linya at pahina ng katitikan
upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na
pulong.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 5 | 8


Komunikasyong Di-berbal ng mga Pilipino
Mahalaga ring paksa ng pagtalakay sa bahaging ito ang komunikasyog
berbal ng mga Pilipino. Kinasasangkutan naman ng mga kilos o
galaw ng katawan ang uri ng komunikasyong ito. Karaniwang
binibigyan ng interpretasyon ang nga senyas upang malsakatuparan ang
proseso ng komunikasyon. May mga paham na naniniwala na ang
komunikasyong di-berbal ay kinasasangkutan ng mga detalyado at lihim
na kodigo na hindi nakasulat subalit nauunawaan ng lahat. sa mga
pagkakataon na nahihiya ang mga Pilipino sa pakikihalubilo sa mga
taong bago pa lamang kakilala, o bagamat kakilala ay hindi gaanong
kapalagayan ng loob, kadalasan na ang pagtango at pagngiti ay
ibinibigay sa isa't isa tanda ng kagalakan kaugnay ng pagtatagpo ng
kani-kanilang mga landas.

Makikita sa isang bahagi ng misa na dinadaluhan ng maraming


Katolikong Pilipino na binibigyan ng simbahan ang bawat isa ng
pagkakataong magbigay ng mga palatandaan ng paghiling ng
kapayapaan para sa isa't isa. Maiuugnay din ang komunikasyong
di-berbal sa kultura ng bayanihan at pagtutulungan ng mga
Pilipino nang walang anuman na hinihinging kapalit.

Madalas na nagtutulungan ang ating mga ninuno sa paglilipat ng bahay


mula sa isang lugar tungo sa iba. Noong panahon ng kasagsagan ng
pananalasa ng bagyong Ondoy ay muli na namang nabuhay ang
kultura ng bayanihan. Ang bawat isa ay nagtutulungan upang
upang isalba ang kagamitan at maging ang buhay ng iba sa
panahon ng sakuna at panganib.

Sa kabilang dako, ang aktong ito ng mga Pilipino ay maaari rin


naman na magkaroon ng iba't ibang interpretasyon batay sa mga
balakid na nakapaligid sa nagaganap na komunikasyon. Para sa
kanya, ito ay isang uri ng panunuyo subalit sa taong tumulong, ito
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 6 | 8
ay isa lamang gawi na kanya nang nakasanayan sa kanyang
pagkabata.
Sinabi ni Albert Mehrabian (1971) sa kanyang pag-aaral na ang
siyamput tatlony bahagdan (93%) ng gawaing pakikipagtalastasan ng
tao ay kinasa- sangkutan ng di-berbal na komunikasyon.

Iba't Ibang Anyo ng Komunikasyong Di-berbal


Ang komunikasyong di-berbal ay maaaring matagpuan sa iba't iba
nitong anyo katulad ng mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay:
1. Kinesika (Kinesics) Pinatutunayan sa anyong ito ng komunikasyon
na ang bawat kilos at galaw ng tao ay kaakibat na kahulugan
maaaring bigyan interpretasyon ng mga taong nasa kanyang
kapaligiran. Kung ihahambing nga lamang sa berbal na komunikasyon
ang ganitong uri ng komunikasyon, malaki ang pagkakataon na
magkaroon dito ng hindi pagkakaunaw unawaan sapagkat ang di-berbal
na komunikasyon ay nagbibigay ng malaki diskresyon sa mga
tagatanggap (decoder) na bigyan ng palahulugan ang mensaheng
ipinahihiwatig ng tagapagdala ng mensane o encoder.

A. Ang ekspresyon ng mukha ng tao ay may kapangyarihan


magpangiti, manghalina, manakot, manindak at kung anu-ano pa
depende sa nais ipahiwatig ng taong nagpapakita nito. Maaaring
isaalang-alang ng taong nanunuyo ang kanyang mga nararapat na
hakbang kung isasaalang-alang niya ang ekspresyon ng mukha ng taong
kanyang sinusuyo. Kailangan niyang mabasa sa mukha ng kausap kung
kailan siya natutuwa o kung kailan siya nag-aalinlangan.
Sa ganitong mga kaparaanan ay makapag-iisip siya ng tamang hakbang
para sa tagumpay ng kanyang layunin. Maaaring makita sa mukha ng
tao ang kanyang mga pinagdaraanan. Kung mapagtatagumpayan natin
na makita ang mahalagang aspeto na ito, makapag-iisip tao ng angkop
na salita na maaaring makatulong sa ikakapanatag ng kanyang kalooban.
Mababatid natin na kailangan na kailangan ng ibayong pag-iingat sa
mga salitang gagamitin upang tayo ay maituring na mga solusyon at
hindi dagdag sa kanyang mga suliranin. Ang isang epektibong pinuno ay
inaasahang maging sensitibo sa nararamdaman ng mga tao na kanyang
nasasakupan. Mahalaga na malaman niya ang pulso ng bawat isa sa mga
desisyong kailangan niyang gawin upang makuha nito ang kanilang
tiwala para sa ikapagtatagumpay ng anumang

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 7 | 8


proyekto o gawain. Maaari niyang gamitin ang kakayahan sa pagbabasa
ng mukha sa bawat taong kanyang nakakasalamuha.

B. Ang mata bilang bahagi ng katawan ng tao ay may malaki ring


papel na gampanan sa gawaing komunikasyon ng mga Pilipino.
Naging kasabihan na nga sa atin na kung nais daw nating malaman
ang sineridad ng tao sa kanyang layunin ay nararapat natin siyang
tingnan sa kanyaie mga mata sa tuwing siya ay nakikipag-usap sa
atin. Diretso kayang makipag-eye to eye contact ang isang taong
sinseridad sa kanyang ipinapahayag at sinasabi namang mayroon
mga agam-agam at mga ikinukubli kung hindi nito kayang
tumingin ng diretso sa kausap. Malaking salik sa desisyon ng isang
job interviewer ang sinserioao ng kanyang kinakapanayam. Bukod sa
mga kwalipikasyon nitong tagiay ay maaari ring isaalang- alang paraan
nito sa pakikipag-usap na may direktang kontak sa kanya.

C. Ang galaw ng katawan ng tao katulad ng pagkumpas ay mga


salik na nakadapekto sa interpretasyon ng tao sa mga pahayag ng iba
pang indibidwal. Nakatutulong ito upang bigyang diin ang berbal na
kanuga ng mga ideya at saloobin ng isang indibidwal. Ang bukas
na palad ay maaaring tingnan sa aspeto ng bukas na pagtanggap sa
ideya o opinyon ng ibang tao.
Ang kamay na nakasunok sa kabilang palad ay
pagpapakita ng paninindigan sa isang prinsipyo o paniniwala.
Ang kamay na nakalagay sa likod ay maaaring bigyan ng
pagpapakahulugan ng takot o pagkahiya.

D. Makabuluhan din ang tindig o postura ng isang tao sa kanyang


pakikipagtalastasan. Makikita sa pamamagitan ng tindig ang
kanyang paninindigan at tiwala sa sarili. Kung masyadong malikot
ang isang tao, maaari natin itong tingnan sa punto ng kanyang mga
pagkabahala. Kung diretso at natural, masasabi nating ang tao ay
kalmado at may tiwala saa kanyang sarili.

2. Espasyo (Proxemics) Pinahahalagahan ng pag-aaral na ito ang


espasyo bilang makabuluhang sangkap ng di-berbal na
komunikasyon. Pinaniniwalaan dito na ang agwat o ang proximity ng
tao sa kapwa tao at mga bagay-bagay ay may karampatang
Kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng taong tatanggap ng
mensahe.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 8 | 8
Si Edward Hall, isang cultural anthropologist ang unang gumamit
ng terminong ito noong 1963. Ipinaliwanag ni Hall na ang pag-aaral
ng proxemics ay mahalaga hindi lamang sa paraan ng pakikitungo
ng tao sa iba sa pang- ddraw-araw nilang pamumuhay, kundi
maging dng orgdnisasyon ng tahanan, gusali at iba pa.

Pangsosyal Personal

Kilalang Kilala
Pampubliko

Ang llustrasyon sa itaas ay minodipikang bersyorn ng modelo ni Hall sa


komunikasyong di-berbal na may pagsasaalang-alang sa espasyo bilang
sanligan.
a. Ang kilalang-kilala espasyo (intimate distance) ay
kinabibilangan ng pag- akap, paghawak, pagbulong;
b. Ang personal na distansya ay makikita sa interaksyon sa
pagitan ng magkakaibigan at mga kamag-anak;
c. Ang sosyal na distansya ay ang interaksyon sa mga
kakilala;
d. Ang pampublikong distansya ay ginagamit sa mga
pampublikong pagtalakay.

3. Oras (Chronemics) Ang pag-aaral sa oras ay isa ring esensyal na


paksa ng pagtalakay sa komunikasyong di berbal. Tumutukoy ito sa
interdependente at integratibong antas ng karanasan sa paggamit
ng oras.
Si Thomas J. Bruneau ang unang gumamit ng salitang ito
noong huling bahagi ng 1970 upang matukoy ang papel na
ginagampanan ng oras sa pakIKIpag-ugnayan ng tao. Ang
paggamit ng tao sa oras bilang bahagi ng kanyangbuhay ay maaaring
lumikha ng pananaw sa ibang tao na tinitingnan ito bilang akto ng
komunikasyon. Ang maagang pagdating sa pagpupulong bago
dumating ang itinakdang oras ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa oras
ng iba o maging sa paksa ng pag-uusapan; ang kahandaan na
maghintay kahit na sa loob ng mahabang oras ay maaaring nosyon
ng kahalagahan ng taong hinihintay sa taong naghihintay.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga oras na isinasaalang-alang
sa komunikasyon:
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 9 | 8
a. Teknikal o siyentipiko. Tumutukoy ito sa eksaktong oras
napagkasunduan.
b. Pormal na oras. Ito ang oras na ginagamit upang ipakita ang
kahulugan ng oras bilang kultura. Halimbawa: sa kultura ng ating
oras, nindua sa segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon.
c. Impormal na oras. Tumutukoy to sa oras na walang
katiyakan Halimbawa: Maaaring magkita sina Juan at Juana
mamayang umaga may Luneta.

4. Paghaplos (haptics) Ito ay isang uri ng komunikasyon na


Karaniwang kinabibilangan ng haplos o pagdampi. Maaaring
bigyan ng ibat ibang pagpapakahulugan ng taong tumatanggap ng
mensane ang paraan ng paghaplos sa kanya ng kanyang kausap.
Ang simpleng pagtapik sa balikat ay pagpapakita ng pakikiramay at
pagbati sa kapwa subalit kung ito ay mahahaluan ng diin ay maaaring
haluan ng malisya ng taong tumatanggap ng mensahe. Ang
pakikipagkamay na tanda ng mabuting pagtanggap ay maaaring
bigyan ng interpretasyonng paghahamon ng away kung
magkakaroon ng pwersa o diin ang pagpisil sd mga kamay ng
bawat isa. Ang bahagyang pagtampal sa mga pisngi ng isang
indibidwal na nangangahulugan ng pagkagiliw ay maaaring maging
hudyat ng away kung magkakaroong diin o lakas ang pagtampal.

4. Paralanguage ito ay tumutukoy sa mga di-lingwistikong tunog


na may kaugnayan sa pagsasalita katulad ng intonasyon, bilis at
bagal ng pagsasalita, at kalidad ng tinig.
Si George L. Irager ang unang nagsagawa ng pag-aaral
sa konsepto ng paralanguage bilang akto ng di- berbal
na komunikasyon. Ang intonasyon katulad ng pagbaba at
pagtaas ng tinig ay mga sirkumstansyang makaaapekto sa
pagpapakanulugan ng taong tumatanggap dito bilang mensahe. Ang
pagbaba ng tinig ay karaniwang iniuugnay sa pagpapakumbaba
samantalang ang mataas na tinig ay maiuugnay sa masidhing
emosyon ng damdamin katulad ng galit, poot, o maaari ring
pagkabiglao pagkatakot.

Ang bilis ng pagsasalita ay maaaring tumukoy sa mga pagkakataon


na mataas ang antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa larangan
ng kanyang pagtalakay. Sa kabilang dako, ang bagal ng pagsasalita
ay maaaring tingnan ng pagkabagabag at kawalan ng kumpiyansa
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 10 | 8
o tiwala sa paksa ng kanyang isasagawang pagtalakay. Ang
magandang tinig ay maaaring maglarawan ng kapanatagan ng
damdamin samantalang ang garalgal na tinig ay maaaring
magpakita ng takot at pangamba.

5. Katahimikan Ang katahimikan katulad ng pagsasawalang kibo,


pagbibigay ng blangkong sagot sa isang text message ay
maituturing na mga mensahe sa isang akto ng komunikasyon. Ang
mga ito ay mga di- berbal na komunikasyon na ang kahulugan ay
nakabatay sa pananaw ng taong tumatanggap nito. Ang katahimikan ay
isang ingay na ang pinag-ugatan ay maaaring ang nakaraang
ugnayan o mga sigalot sa buhay.
Matapos ang pag-aaway ay ang pananahimik ng dalawang panig at
pagpapakiramdaman Kung sino ang magsisimulang ayusin ang naging
pag-aaway.
Ang pagbibigay ng blangkong mensahe ay maaaring tingnan sa aspeto
ng aksidenteng pagkakapindot sa telepono. Maaari rin itong tingnan sa
anggulo ng kawalang pagpapahalaga sa nakaalitan.

6. Kapaligiran Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaaring


bigyan ng pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin dito.

Ang pisikal na anyo ng pagdarausan ng isang palihan ay pagpapaalala


kung gaano pinaghandaan ng mga tagapangasiwa ang mahalagang
okasyon sa araw na iyon. Ang kaayusan ng lugar na pagdarausan ng
gawain ang makatutulong upang malaman kung ang magaganap na
talakayan ay pormal o impormal.

MGA EKSPRESYONG LOKAL


Ibig sabihin, ang mga ekspresyong lokal ay nangangahulugang mga
salitang ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga
saloobin o damdamin. Ito ay maaaring sa isang lugar lamang
sapagkat ito ay “lokal” lamang.
Katulad halimbawa ng mga bakla o ng mga tambay sa kanto na may
sariling pamamaraan ng pagpapahayag ng kanilang saloobin na
kakaiba ang lenggwahe at hindi agad na maiintindihan sapagkat ito
ay sarili nilang mga salita.
Alam naman natin ang mga panibagong salita na sumikat sa
kasalukuyang panahon gaya ng mga sumusunod:

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 11 | 8


 lodi  petmalu  werpa  amats  kalerky  shunga  erpat 
ermat  sisteret
 ngitpa  olats  chaka

Ang mga halimbawa sa itaas ay mga salitang tambay o pang-kanto at


maaaring mga salitang balbal na ang ibig sabihin ay mga salitang
panlansangan. (TAGALOG LANG, 2002)
Ilan din sa mga halimbawa nito ay:
“Patola” - ginagamit upang ilarawan ang isang tao na mainitin ang
ulo at pumapatol sa issue.
“Hopia” - Isang tao na patuloy na umaasa sa isang bagay na
imposible ng mangyari.
“Anak ka ng tokwa” - Isang ekspresyon na nababanggit na
nagpapahayag ng pagkamangha o galit.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ito ay gumagamit ng ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at
salitang hindi maiintindihan ng taga-pagkinig. Mahalaga ang di- berbal
na komunikasyon sapagkat:
1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng
isang tao,
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe, at
3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala
at tagatanggap ng mensahe.
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-
berbal:

1. Oras (Chronemics). Mahalaga ang oras. Ito ay ang isang bagay na


kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay
maaaring kaakibatan ng mensahe.

2. Espasyo (Proxemics). Maaaring may kahulugan din ang espasyong


inilalagay natin sa pagitan n gating sarili at ng ibang tao.
a. Public Distance (12 ft or more)
b. Social Distance (4-12 ft)
c. Personal Distance (1 ½- 4 ft)
d. Intimate Distance (up to 1- ½ ft)

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 12 | 8


3. Katawan (Kinesics). Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan
pa nga’y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating mga bibig. Kaya
nga may tinatawag sa Ingles na body language. Ito ay maaaring Makita
sa ating mga mata. Hindi rin maitatago ang ating mga damdamin at
tunay na intensyon sa ating mukha. Makikita sa mukha ng tao kung
siya’y masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin,
nahihirapan o galit. Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring
may mensahe rin. Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita
para sa atin. Maaaring ang kumpas ng kamay din (1) regulative, (2)
descriptive, at (3) emphatic.

4. Pandama (Haptics). Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of


touch sa pagpapahatid ng mensahe sa ating wika, may iba iba tayong
tawag sa paraang paghawak sa tao o bagay at sa bawat paraan may iba
ibang kahulugan. Ito ay ang mga: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik,
batok, haplos, at hipo.

5. Simbolo (Iconics). Sa ating paligid ay marami kang makikitang


simbolo na may malinaw na memsahe.

6. Kulay (Colorics). Ang kulay ay maaaring magpapahiwatig ng


damdamin o oryentasyon. Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-
bagay ay nilalapatan natin ng kahulugan.

7. Bagay (Objectives). Ito ay may kahulugang ipinahihiwatig na


minsan ay hindi napapansin ng mga tao na minsan din ay
minsang makikita. Ang gamit ng isang bagay ay isang
mensahe na pinapakita nito.

8. Kapaligiran. Malinaw na ipinapakita sa ating kapaligiran ang


kahulugan kung ito ay malinaw, maayos, hindi magulo, o di kaya’y
magandang bakasyonan o puntahan.

9. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang


salita. Halimbawa nito ay ang pagsasalita ng isang pipi. Hindi
masyadong maiintindihan ng isang tagapagkinig ang mensahing
ibinabahagi ng isang pipi, maliban na lamang kung ika’y isang eksperto
o may kaalaman sa mga pananalita o kumpas ng kamay ng isang pipi.

Ang mga halimbawang mga salita ay nagsasaad ng pagpapahayag ng


saloobin o damdamin o mga ekspresyon na ginagamit sa isang lugar at
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 13 | 8
kapag mayroong dayuhan ay hindi ito agad na mabibigyan ng kahulugan
o tamang interpretasyon sapagkat ito ay maaaring espesyal lamang sa
isang eksaktong pook na ang mga salita ay maaari rin namang
lumaganap dahil may posibilidad na ang dayuhang titira sa lugar na iyon
ay makakasanayan ang salitang kaniyang nakagisnan sa lugar.

Ayon din sa isang ulat, may iba’t ibang mga wika o dayalekto na
ginagamit ang bawat pangkat-etniko lalo na sa ating bansa na tinatawag
na mga ekspresyong lokal. Itatak natin sa ating isipan na ang mga
ekspresyong ito ay mula sa isang “lokal”. Ibig sabihin, ang mga
nakaugalian ng mga tao sa iisang lipunan o pangkat.

Batay sa Census of Population and Housing (Census 2000) ng


National Statistics Office, ang populasyon ng Dabaw ay 1,147,116.
Cebuano ang wika ng karamihan. Isa sa bawat tatlo ay Cebuano
(33.32%). Ang iba ay mga Bisaya (31.69%), Dabawenyo (7.84%),
Boholano (6.61%), Ilongo (3.7%) o kasapi ng ibang grupong etniko
(16.01%) at mga etnikong dayuhan.

Sa kabilang dako, nailathala naman sa pangturismong websayt,


http://davao.islandsphilippines.com/davao_dialect.html, ang listahan ng
iba’t-ibang katutubong wika ng mga taga-syudad ng Dabao:
● Cebuano, 74.56%; ● Tagacaolo, 2.38%; ● Mandaya, 2.01%;
● Tagalog, 3.86%; ● Bilaan, 1.67%; ● ibang wika,
● Hiligaynon, ● Ilocano, 1.01%; 2.04%;
3.43%; ● Waray, 0.55%; ● hindi tiyak,
● Bagoboo, ● Manobo, 2.15%; 0.01%.
● Guiangao, 3.16%; ● Maguindanao,
● Davaoeño,1.26%; 1.91%;

Mga Piling Ekspresyon


Samanatala, kung susuyurin naman ang mga tiyak na ekspresyong local
sa iba’t ibangpanig ng Pilipinas, maitatampok ang pagkakahawig o
pagkakaugnay ng mga ito. Dagdag pa, ang angking paraan ng
komunikasyon ng mga Pilipino.

Piling Ekspresyon Lokal


Tag Kapamp Wara Iloca Iba Bico Surig Ilong Cebu
alog angan y no nag lano anon go ano
Mayap Dios
Mag a abak Mau Nai Mak marh Maraj Maay Maay
anda mpay mba asta ay ao na ong ong
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 14 | 8
ng na g na nga na bunta aga bunta
Uma aga bigat Agg aga g g
ga aw

Mayap Dios
Mag a Mau Nai Mak marh Maraj Maay Maay
anda aldo mpay mba asta ay ao na ong ong
ng na g na nga na hapon udto udto
Tang udtu alda Tau alda
hali w gng w
a
naga
w

Mayap Dios
Mag a Mau Nai Mak marh Maraj Maay Maay
anda bengi mpay mba asta ay ao na ong ong
ng na g na nga na duyo Gab-i Gab-i
Gabi gab-i rabi- gabi bang m
i gi
Kay
Baki Bakit Kay- Apa Nga nano Kay Ngaa Ngan
t ano y tta , uno oman
nyat man
a
Saan Nukari Diin Idiay Sita Diin, Hama Diin Asa
w Saen n dapit
Hind Ali Dire Haan Arir Dae Dili Indi Didi
i i ko

Ano Nano Nano/ Inya Ann Nan Uno Ano Unsa


Anya i o na

Oo Wa Oo Wen Wan Nan Oo Huo Naa


o

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 15 | 8


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 16 | 8
V. Aktibidad
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 17 | 8
Itala sa kahon ang TOP TRENDING na paksang pinag-uusapan ng
sambayanan ngayon.

TOP TRENDING
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

VI. Pandagdag sa Nilalaman

Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang
lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring
makakuha ng impormasyon. Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang
background investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng
malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang makakuha ng
iba pang impormasyon, at ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong
isinulat sa kanilang application form. Katulad na lamang, halimbawa,
ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang barangay upang
magsagawa ng random drug test. Naging kalakaran din noon ang
pagbabahay-bahay upang magpakilala at magbenta ng mga bagong
produkto.

Pulong-bayan
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang
pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan
nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga
kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon
makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga
Pilipino.
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino
ay ang Pulong Bayan. Karaniwan itong isinasagawabilang isang anyo ng
konsultasyon sa mga mamayan o particular na pangkatuparan ng
tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lidera ng pagtalakay sa isang usapin na may
kaakibat napagpapahalaga sa opinyon at mga mungkahing mga taong

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 18 | 8


kabahagi sa pag-uusap. May pagkapormal ang mga pagtalakay na
nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na
ito ang pulong bayan.

Inilarawan ni Dr. Jose P. Rizal ang kahalagahan ng gawaing ito sa


Kabanata 20 ng Noli Me Tangere, bagamat nakatuon ito sa pagpupulong
lamang sa isang tribunal. Sa bahaging ito ay ipinakita kung paano
pinahahalagahan sa bansang Pilipinas ang kapistahan. Dito nagbigay ng
kani-kanilang mga panukalaang mga kalahok sa pulong kung paano
mapagaganda ang selebrasyon ng kapistahan sa Bayan ng San Diego. Sa
kabilang dako ay nawalan ng halaga ang pagpupulong na ito sapagkat
bago pa man ito isagawa ay mayroon ng desisyon na nabuo ang kura
paroko na si Padre Damaso. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya. Malaki ang papel
na ginagampanan ng mga pagpupulong bayan upang mabigyan ng
katwiran at ngipin ang lahat ng regulasyon at batas na nais nilang
ipatupad lalong higit kung ang mga ito ay may direktang epekto sa
kanilla bilang mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Bahagi ng
proseso ng pagbuo ng mga regulasyong ito ang konsultasyon sa tao at
publiko. Inbalido o walang bias ang anumang batas na maaaprubahan
kung walang isinagawa ng mga pagsangguni ang mga mambabatas na
nag-isponsor nito.

VII. Pagtatasa/Ebalwasyon

Ano-anong paksa ang madalas niyong pag-usapan sa iba-ibang


konteksto ng komunikasyon?
Magtala ng tigtatlo sa bawat kanon.

Sa Kontekstong
Pantahanan
1.
2.
3.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 19 | 8


Sa Kontekstong
Pampaaralan
1.
2.
3.

VIII. Takdang Aralin

Magbigay ng mga sampung ekspresyong lokal na maririnig sa inyong


lipunan at gamitin ito sa pangungusap.
1. 6.
2. 7.
3 8.
4. 9
5. 10.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino- FIL 1 Pahina 20 | 8

You might also like