1. Ang pagtataguyod ng wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at
lagpas pa Kung saan mas papalawakin pa ang kaalaman tungkol sa wikang pambansa ng mga may matataas na antas at mga kolehiyo kumbaga hindi lang ito pang edukasyon bagkus ay para na din sa pakikipatransakyon sa ibang tao.
2. Pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon
Maging masuri sa mga impormasyon na gagamitin kung saan hihimay-himayin ang mga impormasyon upang mas maging epektibo ang magiging resulta sa gagawing pakikipagkomunikasyon.
3. Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino
Kung saan dito papasok yung mga iba’t ibang paraan ng pagbabahagi ng impormasyon sa bawat tao na minsan ay may katotohanan at madalas ay walang katotohanan.
4. Mga napapanahong isyung lokal at nasyonal (unang bahagi)
Dito naman itatalakay yung mga iba’t ibang napapanahon na isyung lokal na mula noon pa man ay ito at it pa din ang ating nararanasan kahit na ilang taon na ang dumaan. Dito ay isisiyasat kung may pagbabago na nga bang nagaganap.
5. Mga napapanahong isyung lokal at nasyonal (ikalawang bahagi)
Ito naman ang napapanahong nasyonal kung saan ang mga pagbabago nga ba ay nakakatulong o nagbibigay perwisyo lang sa ating mga pilipino.
6. Mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
Kung saan aalamin ang mga kahalagahan ng komunikasyon sa bawat sitwasyon, kung ano nga bang antas ang dapat nating gawin sa pakikipagkomuniksyon halimbawa na lang ay lektyur, seminar, worksyap, kombinsyon, kongreso, atbp.