You are on page 1of 2

Saint Mary’s University MALAYUNING KOMUNIKASYON

Bayombong, Nueva Vizcaya


PAASCU ACCREDITED LEVEL 3 ACTIVITY 1

PANGALAN: Kimberly D. Juan TAON/PANGKAT: _________ PETSA: 08-20-2020

A. PANUTO: Sagutin ng mahusay ang mga sumusunod na katanungan kaugnay ng videong “Wika” ng Tres
Marias.

1. Ano ang hinaing o gustong iparating ng persona sa awitin?


Para saakin ang awiting iyon ay nangangahulugang sa panahon ngayon ay patuloy na nararanasan
natin ang pagbabago hindi lamang sa kapaligiran ngunit sa wikang mayroon tayo. Marami na sa atin
ang mas pinipiling gamitin ang wikang banyaga sa kadahilanang sosyal ito pakinggan. Hindi nila
iniisip na ang patuloy na paglimot nila sa sariling wika ay maari itong mawala o mamatay na
lamang. Isa rin itong pahiwatig sa mga gaya naming milenyal na patuloy na ngang nalilimot ang
sarili nating wikang pambansa. Ang awaiting ito ay isang hinaing sa mga magulang na maspinipiling
ituro ang salitang banyaga kaysa sa sarili nating wika.
2. Magbigay ng tatlong layunin ng wika at ilahad kung kalian natin maaaring sabihin na ang wika ay
nagtagumpay sa kanyang layunin?
Unang layunin ng wika na magpalaganap ng kaalaman, sa panahon ngayon ay marami na ang mga
libro, websites, mga applications sa internet, dyaryo, komiks at iba pa. Sa ngayon ay hindi na
lamang ang pagpapalaganap ng impormasyon gamit ay papel ngunit mayroon na ring telebisyon na
maaring magpalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang lugar. Pangalawang layunin ay linilinang nito
ang isipan ng bawat isa. Sa panahon ngayon gamit ang iba’t ibang makabagong teknolohiya ay
madali na lamang tayong gumaya ng mga bagong uso gaya na lamang ng paggawa ng mga
pangdesenyo sa bahay, pagluluto ng mga pagkain at pagrerecycle ng mga basura. Ang huling
layunin ay ang wika ang nagsilbing instrumento upaang maipahayag ang iyong saloobin, ang mga
bagay na iyong nalalaman ay maari mong maibahagi upang makapagbigay ng karagdagang
impormasyon sa ibang tao.
3. Ang pagiging daynamiko ba ng wika ay tanda ng pag-unlad? Bakit oo, bakit hindi?
Oo, dahil kung napapansin natin ay gaya ngayon sa paglipas ng panahon ay madami ang mga
wikang na debelop sapagkat sumasabay ito sa pagbabago ng mga tao. Sa patuloy na pag-unlad
natin ay nakaka-apekto ito. Halimbawa na lamang ang mga bata ngayon dahil sa mga gadgets
natuto na silang magsalita ng salitang banyaga at tila ba mas naiintindihan pa nila ito kaysa sa sarili
nating wika. Ang mga makabagong teknolohiya ay isa lamang sa mga nakaka-apekto sa ating wika.
4. Ano ang ibig sabihin ng persona sa awitin na “kailangan nating magising sa pagkakahimbing
sapagkat baka hindi lang wika ang maaaring mailibing”?
Sa aking palagay, ang wika at kultura ay hindi pwedeng maghiwalay dahil ito ang pagkakakilanlan
natin bilang isang Pilipino. Ang ating wika ay nakabatay sa ating kultura kaya naman kung patuloy
nating kakalimutan ang ating pagkakakilanlan ay maaaring mag-iba na o mahirapan ang ibang tao
na tukuyin agad kung sino at ano tayo. Kailangan na rin nating unti-unting ituro sa mga susunod na
henerasyon na ang wika natin ang siyang bumubuo sa ating pagkatao. Huwag nating hayaan na
kainin tayo o ilayo sa kung sino talaga tayo ng makabagong sistema.

BB. MYLA MARCOS MANGMANGON


Saint Mary’s University MALAYUNING KOMUNIKASYON
Bayombong, Nueva Vizcaya
PAASCU ACCREDITED LEVEL 3 ACTIVITY 1

5. Sa paanong paraan mo mapatutunayan na ang wika ay higit pa sa makapangyarihan?


Ang wika ay higit pa sa makapangyarihan dahil una hindi tayo magkakaroon ng tahimik at
mapayapang kapaligiran kung tayo ay hindi magka-intindihan dahil hindi naayos ang wika ng bawat
isa. Pangalawa, hindi tayo magkakaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay dahil sa walang wika
hindi natin maipapalaganap ang impormasyon at wala ring libro, dyaryo, telebisyon at iba pang
makabagong teknolohiya. Pangatlo, kung walang wika ay hindi nito malilinang ang ating kaiisipan
dahil walang mga libro na pwedeng magbigagy ng karagdagang kaalaman. Sa huli ay kung walang
bansa marahil tayo ay makakaranas na ng kaguluhan o digmaan dahil sa hindi pagkakaintindihan ng
bawat bansa. Kaya ang wika ang nagsilbing tulay upang maabot natin ang mga bagy na mayroon
satin ngayon.

BB. MYLA MARCOS MANGMANGON

You might also like