You are on page 1of 2

Modyul 2

ARALIN 3: Pananaw Mo, Ibahagi Mo

Pangalan: Kemberly Joy C. Lora Baitang at Kurso: 11 HUMSS


Guro: Bb. Melissa B. Abejar Marka:

Panuto: Isulat ang iyong sariling opinion batay sa pahayag sa bawat bilang.
1. Ang wikang pambansa ay tinaguriang pambansang sagisag ng ating pambansang pamahalaan.
Pangatwiranan ang iyong sagot.
Ang wika ang siyang kaluluwa ng isang bansa na sumasalamin sa mga kultura at tradisyong
nagpapabukod-tangi nito tulad ng Pilipinas. Dahil sa wikang pambansa, maayos ang daloy ng
komunikasyon na isa ring sangkap sa pag-unlad ng isang bansa.
2. Sa papaanong paraan nagiging bigkis ng pagkakaisa nating mga tao ang wika? Ipaliwanang.
Nagkakaiba man tayo ng lugar o bansang pinagmulan at kinalakihan, hindi pa rin nalalayo ang
maraming posibilad na ang tao ay magkaisa gamit ang pinamalakas na instrumento ng
komunikasyon, ang wika. Ang wika ang nagiging daan upang tayo ay magkaintindihan sa kabila ng
mga pagkakaiba. Tulad na lamang sa pagkakaroon ng international language na Ingles kung saan
naipapabatid ng lahat ng tao sa mundo ang mga hinaing at mensahe. Ang isang wika ay kayang
pagbuklurin ang milyong tao sa mundo.
3. Gaano kahalaga ang mga itinalagang batas upang mapaunlad at mapagyaman ang wikang
pambansa?
Ang mga ipinatupad na batas Pangwika ang nagsilbing instrumento upang ang wikang Tagalog ay
malinang at ang paggamit nito sa lahat ng antas ng lipunan maging sa pamahalaan at paaralan ay
maisakatuparan. Dahil dito, naging malawak ang pagpapatupad sa mga alituntunin na ang wikang
tagalog na ang magsisilbig wikang pambansa na siyang simbolo nating mga Pilipino at dapat lamang
pagyamanin at paunlarin.
4. Ano-ano ang dahilan kung bakit pinagsumikap ng ating mga ninuno na magkaroon tayo ng sariling
wika? Pangatwiranan ang iyong sagot.
Nagsumikap ang ating mga ninuno na magkaroon tayo ng sariling wika. Una, upang magkaroon tayo
ng kasarinlan, pagkakakilanlan, at tunay na kalayaan. Pangalawa, upang ang mga Pilipino ay
magkaisa at magkaintindihan sa kabila ng pinagmulan.
5. Gaano kahalaga ang gampanin ng Surian ng Wikang Pambansa sa ating wika? Ano ang kanilang
maiaambag upang mapanatili at mapaunlad ang wikang pambansa?
Ang Batas Komonwelt Blg. 184 ang naglayong bumuo ng samahang pangwikang Surian ng Wikang
Pambansa o SWP. Ang Surian ng Wikang Pambansa ang gumawa ng resolusyong nagsasabing Tagalog
ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral kung kaya’t tagalog ang naging batayan ng wikang
pambansa. Gampanin ng SWP ang magsaliksik at maglatag ng mga plano upang mapanatili at
mapaunlad ang wikang pambansa.

Panuto: Ilahad ang sarili mong opinion o pananaw kaugnay sa nabasa mo hinggil sa wikang
pambansa. Ito ay buuin mo sa tatlong talata. Isulat mo ang iyong sagot sa malinis na papel.

Wikang Pambansa
Taong 1937 ng tinawag ang Tagalog bilang wikang pambansa, pinalitan itong Pilipino sa
taong 1959, at taong 1987 hanggang sa kasalukuyan ang wikang pambansa ay tinawag na Filipino.
Tagalog ang naging basehan ng wikang pambansa at mula nuon mas pinaigting pa ang
pagpapalaganap at pagpapaunlad dito. Dala ng wikang pambansa ang pagkakakilanlan ng mga
Pilipino, sinasalamin nito ang kultura at tradisyon ng bansa, at dahil dito nagkakaroon ng pagkakaisa.
Sinakop ang Pilipinas ng mga dayuhan at lubos na naapektuhan dito ang ating kasaysayan,
kultura, at mga pananaw. Napilitan ang ating mga ninuno na pag-aralan ang ibang wika at maging
alila sa wika ng ibang bansa. Ang kolonisasyon ay lumipas na ngunit bakas pa rin dito ang pagkaalipin
natin sa mga bagay na iniwan nila. Dahil sa wikang pambansa, nagkaroon ang mga Pilipino ng
pagkakakilanlan at kalayaan. Sa pakikipagtalastasan gamit ang sariling wika mas nababatid natin na
tayo’y malaya.
Sa kabila ng mga pagkakaiba nating mga Pilipino sa paniniwala at pananaw, mas pinatibay pa
dito ang pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil sa wikang pambansa. Pinagbubuklod nito ang mga
Pilipino saan mang panig ng mundo. Ikaw man ay maging Cebuano, Davaoeño, Ilokano, o Manileño
lahat pa din tayo ay mga Pilipino na pinagbigkis ng wikang pambansa na tinatawag na Filipino.

You might also like