You are on page 1of 3

Aralin 12- Sanaysay

I. Isagawa

Panuto: Bumuo ng sanaysay tungkol sa paksang


nakasaad. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Paksa: Dapat ba o hindi dapat ituro ang Wikang


Filipino sa Kolehiyo?

Pamantayan sa pagsulat Puntos


Nilalaman 5
Kahusayan sa paglalahad ng ideya 5
Wastong gamit ng bantas 5
Kabuuan 15
Filipino wikang atin
panatilihing wikang pagkatuto
‘Mama’ ‘Papa’. Mga salitang simula noong sanggol pa lamang tayo ay nais
na marinig ng ating mga magulang. Simula pagkabata, wikang Filipino na ang
ating kinagisnang wika. Ito ang wika na ginamit natin upang makipagusap,
maipahayag ang ating sarili at matuto. Sa pagbabasa ng mga kwentong bayan,
pagsusulat ng mga katinig at patinig at panimulang mag-aral, kaagapay na natin
ang asignaturang Pilipino. Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng ilang
taong pag-aaral at pagsasaliksik ng mga estudyante sa asignaturang Filipino ay
hindi pa din nagiging bihasa ang karamihan dito. Wikang Filipino ang naging
kaagapay natin simulat sapul ng ating pag-aaral. Nakakadismayang isipin na nais
tanggalin ng mga dalubhasa sa pag-aaral ang asignaturang ito sa Kolehiyo. Ang
pag aaral sa asignaturang ito ay sumisimbolo sa pag-aaral at pagpapalago natin sa
ating kultura. Sa kapanahunan ngayon, maraming kabataan ang nais isulong ang
pagpasok ng kurikulum kung saan itinuturo ang iba’t-ibang wikang banyaga,
halimbawa na rito ang wikang koreano. Kadalasan sa Kolehiyo lumalabas ang
husay ng mga kabataan pagdating sa sining ng literature. Kung tatanggalin at
isasawalang bahala ang pagtuturo ng ating wika sa kolehiyo, paano na lamang
yayabong ang angking kaalaman at talento ng mga kabataan sa pagpapalaganap ng
mga literaturang atin? Ang pagtanggal ng kurikulum ng pagtuturo ng Filipino sa
kolehiyo ay parang pagtutol sa pagyabong ng kawikaang Filipino. Bilang isang
estudyanteng gumagamit sa wikang filipino, bilang isang mamamayan na
nagmamalakasit sa kultura ng bansa, ‘wag natin hayaang mawala ang kaalaman na
maipapasa natin sa mga susunod na henerasyon.

II. Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng maaaring maging paksa sa sanaysay na sumasalamin sa kalagayang


panlipunan ng ating bansa sa kasalukuyan.
1. Pandemya, hindi nga ba seryosong isyu na dapat pagtuunan ng pansin para sa gobyerno?

2. Same Sex Marriage, dapat bang gawing legal o isang isyung moral?

3. Lumalagong bilang ng mga nabubuntis na menor de edad

Paalala sa Pagsulat ng Sanaysay:

1. Isulat ang pamagat sa gitnang bahagi


2. Wastong gamit ng malaki at maliit na letra
3. Hindi bababa sa 3 talata at ang bawat talata ay hindi bababa sa 5 pangungusap

You might also like