You are on page 1of 6

Pangalan: Tiffany Luv B.

Adrias Baitang at pangkat: BSN II – Orlando Puntos: ______

Module I

Wikang pambansa

Unang wika Wikang panturo

Barayti ng wika Wikang opisyal

Bilinggwalismo
Linggwistikong
Multilinggwalismo
komunidad

Nabuong Talata:

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong
isda.” - Jose P. Rizal. Ito ang nakatatak sa ating mga isipan noon tayo ay musmos pa
lamang at hindi natin ito binigyang pansin, at halaga kung paano ito nakakatulong sa
ating lipunan at bansa. Ang wika ay may kaayusan upang maipahayag ng tao ang
kaniyang kaisapan at damdamin sa malinaw na paraan o layunin. Sa ating henerasyon
ngayon ay makikita mo na hindi na ito masyadong ginagamit ng mga pilipino, bagkus
hindi ito naging sanhi para hindi natin gamitin ang wikang Filipino para sa pananaliksik
at edukasyon. May mga paaralan na mas binibigyang halaga ang wikang Filipino
sapagkat alam ng mga guro na ito ay mas nakakatulong sa paglaganap ng ating kultura
at bilang isang Pilipino. Ito rin ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang mas
payabungin ang kanilang kaalaman tungkol sa ating wikang pambansa. May isang
asignatura kung saan wikang Filipino ang ginagamit lamang halimbawa, sa
asignaturang pananaliksik hindi lamang ang asignaturang Ingles ang may pananaliksik
kundi rin sa Filipino, para mas magkakaroon ng malalim na pag-unawa ang mga mag-
aaral at malawak na kaisipan. Hindi lamang sa iisang asignatura na kanilang
kinabishan. Ang wika ay nagiging tulay sa wikang pagkaunawa, edukasyon at
pananaliksik dahil sa kanyang mga konsepto at hakbang na nakakatulong sa
pandaigdigang aspeto, tulad ng conference, paggagawa ng proyekto, pagbabaliktanaw
sa nakaraan, at maraming pang iba. Hindi lang dito natatapos ang nagagawa ng wika
kundi nakapag-bibigay din ito ng karangalan sa ating bansa, katulad ng pagkakaroon ng
paligsahan sa dayuhang bansa at wikang Filipino ang ginagamit nila na medyum,
panigurado tayo ang mananalo sa palighasan na iyon. Hindi lamang sa isang pormal na
aspeto nagagamit ang wikang Filipino maari din itong gamitin sa pang araw-araw natin,
katulad ng pakikipag-usap sa kapwa mamamayan o dayuhan sa ganitong paraan mas
lalo pa nating pinapalaganap ang wikang Filpino sa buong mundo.

PAGSUSULIT :

1. Ipaliwanag ang definisyon ng Filipino na nakasaad sa Artikulo XIV, Sek. 6 ng


Konstitusyon ng Pilipinas mula 1987 hanggang ngayon.

Answer: Ayon sa Artikulo XIV, Sek. 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas 1987, ang wikang
Filipino ay ang tatanghaling wikang Pambansa ng Pilipinas at sa ating paglilinang nito,
dapat ring payabungin at pagyamanin pa ito kasabay ng mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Karagdagan, nararapat din magsagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang maging
midyum ng opisyal na komunikasyon at maging wika ng pagtuturo ng sistemang pang-
edukasyon ang Filipino.

2. Paano naging wikang opisyal ang wikang Filipino?

Answer: Noong Hulyo 4, 1946, isinaad sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Wikang
Pambansa ay itatatag bilang opisyal na wika ng Pilipinas. Samantala, sa Konstitusyon ng
1973, Artikulo XV, Sek. 3, isinaad na hanggang wala pang ibang itanadhana ang batas,
ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.
TASK 1.1.1

Ang pagmamahal sa ating sariling wika ay hindi ganon


kabigat sa ating mga sarili, mainam na alam natin ang ating
diyalekto para hindi natin makalimutan ang ating kultura at
kinagisnan na pamumuhay. Hindi naman masama ang
tumangkilik sa mga dayuhang lenggwahe bagkus mas maganda
kung lalo nating mamahalin ang sariling atin, para naman mas
lalo pang lumaganap ang wikang Filipino sa buong daigdig. Hindi
lamang dito sa Pilipinas ang makaka-alam sa ating sariling wika.
Ang pagkakaroon ng isang magandang wika ay nakakapagbigay
bighani sa ibang bansa, hindi lamang sa ating mga sarili kundi rin
sa iba. Ang alam ng lahat marunong din magsalita ng wikang
Ingles ang mga Pilipino kaya mas lalo pa silang tumatangkilik sa
ating bansa, may iba pa na gusto dito tumira sa ating sariling
bayan. Dahil alam nila na mababait, magpa-aruga at
mapagmahal ang mga pilipino sa kapwa nila mamamayan. Hindi
lamang dito kundi rin sa personalidad na pagiging masayahin
kahit maraming problema o delubyo na hinaharap at nararanasan
sa kanilang mga buhay. At higit sa lahat ang pagiging maka-
Diyos, dito mas lalong nakilala ang mga pilipino dahil sa ating
mga tradisyonal na gawain. Hindi man dito natatapos ang
paglalaganap ng wikang Filipino, darating ang araw na mas lalo
pa itong magagamit at mapalaganap sa ibang bansa para ipakita
ang galing ng mga pilipino sa paggamit ng wikang Filipino.
UNIT 2

Epekto ng Globalisasyon

G- obyerno. Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa at


nagkakaroon ng demokrasya sa mga komunistang bansa
L- angis. Dahil sa globalisasyon, lumiliit ang ating mundo. Kung kaya ang mas nagiging madali
ang palitan ng produkto, lalong lalo na sa langis.
O- ver—pricing. Isang problemang maaring masulusyonan ng globalisasyon ay ang over-
pricing. Ang ganitong pangyayari ay bunga ng monopoly na siyang maiiwasan dahil sa
globalisasyon.
B-ansa. Ang mga bansa sa mundo ay dapat magkaisa tungo sa pang-unlad.
A-gwat. Dahil sa globalisasyon, maaaring lumala ang kahirapan, at lalaki ang agwat ng
mayaman at mahirap.
L- imot. Isa sa mga hindi magandang epekto ng globalisasyon ay ang pagkalimot sa mga
nakasanayang tradisyon dahil mas tinatangkilik na ang dayuhang mga gawi.
I- ndustriya. Dahil sa globalisasyon, mapapalago ang mga industriya ng isang bansa.
S- erbisyo. Sa pamamagitan ng globalisasyon, hindi lamang produkto ang may layang makaikot
sa iba’t-ibang bansa, pati na rin ang mga serbisyo.
A-ksyon. Mabibigyan na ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa sa tulong ng
ibang bansa.
S-ama-sama. Dahil nagkakabuklod na ang mga bansa, sama-sama nilang matatamasa ang
tagumpay.
Y-aman. Dito natin, matutuklasan kung gaano kayaman ang mundo sa kultura, mga tao, at sa
kalikasan.
O-bligasyon. Bilang isang bayan, atin pa ring obligasyon na siguruhin ang pag-aalaga sa ating
kapaligiran at natural na yaman pagka’t isa ito sa naaabuso sa daan patungo sa globalisasyon.
N-egosyo. Malaki ang maitutulong ng globalisasyon sa negosyo ng mga mamamayan. Isang
halimbawa ay ang paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa at pagtaas ng
pamumuhunan (investment).
TASK 1.2.1

1. Batay sa nabasang sanaysay, magbigay ng limang magagandang dulot ng globalisasyon sa


isang bansa.

Answer: Ayon sa sanaysay, sa pamamagitan ng globalisasyon ay mapapalaganap ang


demoskrasya. Magkakaroon din ng paggalang at pagsasanggalang sa karapatang pantao
ng mahihina at walang kapangyarihan. Magkakaroon din ng pagtutulungan ng lahat ng
bansa upang panatilihing malinis at ligtas ang ating kapaligiran. Magkakaroon din ng
kapayapaan o sandaigdigan. At magkakaroon ng malayang kalakalan.

2. Pumili mula sa teksto ng dalawang negatibong epekto ng globalisasyon at ipaliwanag ang


sagot.

Answer: Ang dalawang negatibong epekto ng globalisasyon ay: (1) ang paglamon sa
lokal na kompetisyon ng mga Kanluran at (2) Ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog
upang tugunan ang pangangailangan ng mga multinasyonal. Waring ang globalisasyon ay
isang maskara lamang sa totoong mukha ng imperyalismo. Ang akala nating kaunlaran ay
isang huwad lamang pala na pangako.

3. Sa iyong palagay, sang-ayon ka o tutol ang awtor sa paglaganap ng globalisasyon dito sa


Pilipinas?

Answer: Para sa akin, tutol ang awtor sa paglaganap ng globalisasyon dito sa Pilipinas.
Ayon sa kanya, binabago tayo ng globalisasyon. Masasalamin ito sa ating pagtangkilik sa
mga produkto or kultura ng ibang bansa lalong lalo na sa mga Kanluranin. Gusto ng
awtor na panatilihin pa rin an gating identidad bilang mga Pilipino. Hindi masama ang
paggiging bukas sa mga pagbabago, ngunit hindi rin maganda na kalimutan na lang ang
kasaysayan at mga paghihirap bago nakamit ang kalayaan.
TASK 1.2.2

Paano naaapektuhan ng globalisasyon ang paggamit ng wikang pambansa sa henerasyon


ngayon?

Hindi lingid sa lahat na pinapalinang sa bawat paaralan ang pagiging “globally


competitive” ng mga estudyante. Isa sa mga pinatupad dito ay ang paggamit ng wikang Ingles.
Tinuturuan ang mga mag-aaral sa pagiging bihasa sa nasabing wika upang nang sa ganoon ay
maging handa sila sa mga kakaharapin nilang pagsubok lalong lalo na sa paghahanap ng trabaho.

Dahil dito, mas tinutuonan na ng pansin ng mga kabataan ngayon ang wikang Ingles
kumpara sa wikang pambansa. Madalas nga nagiging sukatan na ng kaalaman o talino kung
gaano kahusay magsalita ang isang tao ng wikang Ingles. Kaya naman, nagiging resulta ito ng
hindi na paggamit ng tuluyan ng wikang Filipino sa kadahilanang natatakot makutya o
mahusgahan.

And wikang pambansa natin ay hindi wika ng mangmang. Hindi ito dapat ikahiya bagkus
ay dapat itong pagyamanin at ipagmalaki. Ang kasaysayan ng wikang ito ay hindi ganap na
maganda, sa halip ay masalimuot at madugo ang naging biyahe nito. Kaya dapat tayong taas-noo
kapag wikang pambansa na ang pinag-uusapan. Sa kabilang banda, hindi masama ang
pagtangkilik sa wikang Ingles ngunit ating alalahanin na mas maganda pa ring paunlarin ang
sariling ating bago ang sa iba

You might also like