You are on page 1of 3

1.

Paano nakakaapekto ang intelektwalisasyon sa iba`t ibang intendensiya sa paglaho ng


kahalagahan ng wika?
Dugo’t pawis ang isinangla patungo sa kalayaang inaasam patungkol sa wikang
pambansa. Ngunit sa paglipas ng panahon, modernisasyong teknolohiya at walang pigil na
pagbabago ang dulot ng pagkabansot ng sariling atin.

Ang intelektwalisasyon ay nagsisilbing ugat sa iba’t-ibang aspeto, ayon sa kontekstong


binasa pati na rin sa sariling ideya; ang kahalagahan ng wika ay parang bola na unti-
unting lumalaho kung walang halong pag-iingat.

Kawalan ng malalim na pag-iisip sa naturang sitwasyong kinakaharap, patuloy na


proseso sa pag-angat ng intelektwal ngunit kapabayaan sa wikang pambansa ay naging
resulta ng pagkababa ng pagkakakilanlan, sa aspeto ng edukasyon hindi binbigyang-diin
ang mga estudyante sa pagkakaroon ng kakayahang maimulat ang mata sa kaibahan ng
malalim at mababaw na kaisipan.

Iilan lamang itong epekto ng intelektwalisasyon sa iba’t-ibang intendensiya.

2. Sa tulong ng bidyong napanood, ipaliwanag ang ideya ng sangkap ng pagkakaisa.

“Sa madaling salita, Kasaysayan at Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa”, pamagat ng


bidyong nasaksihan. Mga taong may kasing-lalim ng karagatan ang kaalaman na ang
topiko at pokus ay wika. Sa 18 minutos, tayo ay nabigyang pagkakataon upang madama
ang kahalagahan at pangyayari ng kahapon
Ang sariling wika ang nagsisilbing gabay at kaagapay patungo sa daang pagkakaisa, sa
ibang wika at pag-unlad. Samakatuwid, tayo ay nagkakauunawaan kahit iisang aspeto ng
pagkatuto ay mayroong kaalaman. Tumutukoy ito sa wikang pambansa, kahit saan man
dalhin ng ihip ng hangin may baong nakalathala sa ating kaisipan na walang sinoman ang
makakaagaw sapagkat ito ay nakaukit sa ating puso’t isipan. Sa karagdagang ideya, ang
wikang tagalog ang sumasalim sa ating pagkatao bilang Pilipino na dulot ng pagkakaisa.
Kagaya ng puno, nagsimula sa buto hanggang sa bumunga at yumabong. Ang wika ay
isang puno, isang palantandaan na naisagawa ng aking malikhaing isip, kahit anong uri
ng paglalakbay sa buhay at walang tigil na pugso ng pagbabago, ang ugat ang
magsisilbing marka ng ating pagkakaisa at ito ay ang WIKA. Ika nga ni Eulalio R. Guieb
III, ang tagpuan ay wikang Filipino pa rin.
3. Magbigay ng katuwiran sa ideyang inilapat na ang paggamit ng wikang dayuhan sa
pagtutuo ay sagabal sa pag-iisip.
Wikang dayuhan, ito ang epekto nga pagkalimitado sa pag-iisip. Kung ating
matutunghayan ang pang-araw-araw na pamumuhay, mas pinipili ng tao ang
panandaliang sagot sa katanungan kesa sa malalimang pag-iisip.
Sa katotohanang hindi mabura ang sistemang kolonyal ang Ingles dahil sa
presensya nito sa buong daigdig, unti-unti naring lumulusaw ang wikang pambansa.
Mas binibigyang-pansin ang wikang banyaga kaysa sariling wika, sa kadahilanang ang
isang bansa ay magiging maunlad kung ito ang ginagamit. Huminto at isipin ang aking
ibig-sabihin, kung ating matutunghayan sa larangan ng edukasyon kalimitahan ang
ideyang binibigkas ng karamihan kung ang lenggwaheng gamit ay Ingles. Ngunit,
tambak at malikhaing salita ang mabubuo kung ang wikang Tagalog ang gamit.
Mapupuna ang kaibahan. Hindi batayan ang pagsasalita ng Ingles ang kaalaman, ang
punto ng diskusyong ito magkaroon ng balanse sa pagmanipula ng wika. Maaaring
maganda sa pandinig ang Ingles, pero nakakagalak kung mayroon ding sapat at
hustong kaalaman sa sariling atin. Huwag maging dayuhan sa sariling bansa.
Bago tumungo sa kabilang daan, itatak sa isipan na pag-aralang mahalin at
linangin ang kakayahan ang sariling atin bago ang iba. Tayo ay nakakulong sa wikang
dayuhan na naging resulta ng mabagal nap ag-unlad ng bansa. Dahil sa mekanikal na
paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang ang natututuhan ng lahat; hindi
nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-unawa.

4. Magbigay ng 3 tatlong dahilan sa panghihina ng wikang Pambansa.

Mayroong dalawang epekto ang impluwensiya. Kagaya ng makabagong teknolohiya, sa


positibong bahagi, maaaring mapapadali ang buhay ng bawat isa. Sa kabilang banda,
magiging dulot ito ng pagkatamad at panandaliang pamumuhay na wala ng paghihirap na
karanasan.

Unang dahilan ang kolonyalismo; mas madaling matutunan ang wikang banyaga. Ano
ang rason sa likod nito? Ito ay ang kakulangan sa kaalaman at pokus na pag-aralan ang
sariling atin. Dulot ng walang diin at interes mas lumiliko ang landas sa ibang wika. Kung
tutuusin, mayroong nakakaaliw at kalawakan ng kaisipan kung ating bigyang-halaga ang
pantas sa pilosopiya at aghan panlipunan.
Pangalawa, kawalan ng bisa sa asignaturang Filipino. Tila ating nakaligtaan ang ugat ng
kalayaan at paghihirap na naranasan ng ating bayani upang makamit ang kalayaan. Anong
nangyari sa henerasyong kasalukuyan? Mayroong paaralan na walang presensya ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Dito nasaksihan ang unti-unting pagbulok ng wikang
pambansa kung sa paaralan mismo hindi na tinuturo. Ika nga, kabataan ang pag-asa ng
bayan; hindi ito makakamit kung ang sariling wika ay hindi maingat at nangingibabaw ang
hiram na wika. Habang tayo ay nag-aaral, ang kaalaman ay patuloy na lumalawak kung sa
maaagang paghinto o pagkawala ng asignatura, ito rin ang dahilan ng katapusan ng
pagkatuto sa wikang Filipino. Sa pamamagitan ng asignaturang ito, tayo ay may makabagong
kaalaman na malalanghap, maging mapamatyag sa pinagmulan ng kasalukuyan at
maipagmalaki ang wikang ipinaglaban.

Pangatlo, kawalan ng tradisyong intelektuwal. Nakaka-akit matutunan ang ibang


kultura, paniniwala, kasaysayan at ibp. ng ibang bansa. Pero ang tanong, tayo ba ay may
sapat na kaalaman ukol dito? Marami sa ating kababayan ang may ambag sa puntong ito
subalit kadalasan ito ay isiniwalang-bahala. Tunghayan ang pinapalabas sa telebisyon o
pelikula, naka pokus kung paano mapuksa ang lumitaw na problema ngunit kung idaan sa
kritiko hindi natin binibigyan ng pagkakataon ang manonood na magkaroon ng malawakang
kaisipan patungkol sa problemang panlipunan sapagkat paglutas ng mga problemang
personal ay may diin. Kung tayo ay may mababang intelektwal sa tradisyon, kahihiyan ang
matatamo kung may masasalamuhang iba.

Sa katapusan, kakulangan ng atensyon, pagkawalang-bisa sa simpleng kalagayan, at


pagkakikilanlan ang naging dahilan sa paghina ng wikang pambansa.

You might also like