Professional Documents
Culture Documents
PANGKALAHATANG IDEYA:
Kagamitan ng Kurso:
“SOCIAL MOVEMENTS”
Ano nga ba ang social movement? Para sa akin, ito ang pagsasama-sama ng iba’t ibang
mga taong may iisang hinaing, layunin o di kaya nama’y nais iparating sa mga nakaupo. Ito ay
ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang marinig ng mga nasa itaas ang nais na
pagbabago ng taong bayan. Malaki ang gampanin ng mga social movement saating bansa
‘pagkat pinasisimulan nito ang pagsaboy ng malamig na tubig sa gobyerno upang sila’y
magising at makita ang paghihirap na dinaranas ng mamamayan nito.
Paano kung walang social movement? Kung wala nito, marahil ay wala din ang mga bagay
bagay na tinatamasa natin ngayon. Marahil wala paring malakihang pagbabagong lubos na
nakatutulong sa taong bayan. Kung walang social mvements hindi na maipapaabot ng taong
bayan ang mga simpleng kahilingan na malaki ang maiaambag sa lipunan.
2
Ang mga halimbawang nabanggit sa teksto tulad ng Edsa Dos ay isang patunay na
napakalaki ng naitutulong ng pakikibaka ng mga tao upang sila’y marinig. Sa Edsa Dos, alam
nating napatalsik si Estrada sa pwesto hindi lamang dahil sa kanyang kaso kung hindi dahil ang
taong bayan ay lumaban at hindi tumgil hangga’t hindi nila nakakamit ang kanilang isnisigaw.
Maraming tao ang walang simpatya sa mga social movements o di kaya nama’y tingin sa
mga nagr-rally ay mga panggulo sa lipunan kaya naman tatanungin ko kayo, malibang taas
noon mong ipaglaban ang karapatan na dapat ay ibinibigay sa iyo ngunit hindi mo makamit
dahil sa mga mapangabusong kamay ng gobyerno o ng mga naghaharing uri?
Ang tekstong ito’y napakahalagang mabasa ng mga taong hindi marunong o may takot na
isigaw ang kanilang mga daing. Dapat ay malaman natin na ag mga social movement ay
maaaring magdigta ng kung ano ang hinaharap na naghihintay sa ating bayan. Kung baga’y
para itong kabataan na kung tawagin nila’y “pag-asa ng bayan”.
1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa? Paano tinalakay ng may akda ang nilalaman ng
nito hinggil sa pangyayari na nagaganap sa bansa.
Upang higit na mapalalim ang pagtalakay sa paksang aralin, buksan ang mga link sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong sa bawat link.
1.https://www.youtube.com/watch?v=rt6yrl5clqE
5. Patunayan na hindi mangmang ang mga Filipino bago dumating ang mga mananakop.
2.https://prezi.com/dmwnblg_3xys/pag-uulat-ng-unang-pangkat/?fallback=1
3. https://doku.pub/documents/epistemolohiya-ni-bayani-abadilla-30j8xpyx5vlw
MgaBabasahin/Sanggunian
1. L.O.L. (Learn On-Line). (2018, Oktubre 2). Propesor Christo Rey Albason: Konsepto ng
Filipinohiya [Video file]. mula sa https://www.youtube.com/watch?v=rt6yrl5clqE
2. Prezi. (2018, Hulyo 18). Ting, Gloria M. et al: Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at
uulat-ng-unang-pangkat
PANGKALAHATANG IDEYA:
Kagamitan ng Kurso:
Paksa 8- Laban para sa Wika ay Laban ng Bayan
Isang malaking insulto at kahihiyan ang naging desisyon ng Korte Suprema na katigan ang
utos ng Commission on Higher Education (CHEd) na gawing opsiyonal na lamang ang Filipino
at Panitikan bilang mga asignatura sa kurikulum sa kolehiyo.
Sa bansang ito lamang yata hindi priyoridad ang pagkatuto ng sariling mamamayan ng
kanilang wika. Ang naging pagpapasya na ito ay isang halimbawa ng ating neokolonyal at
imperyalistang pag-iisip.
6
Tanging sa Filipinas lang pangalawa ang sariling wika–ang kaluluwa ng isang bayan–at mas
tinitingala pa ang mga maalam sa wikang Ingles o Espanyol kaysa sa Filipino.
Mabilis tanungin ng iilan: Ano naman kung gawing optional ang Filipino sa kolehiyo, gayong
aaralin din naman ito sa Senior High School?
Marahil ay hindi na nakagugulat na ang ganitong pagtingin ng mga lider ng bansa sa ating
wika ay naipapakita sa kung papaano nila tratuhin ang mga nagluklok sa kanila sa
kapangyarihang pinag-gaganid-ganiran nila: Imperyor sa banyaga at hindi inuuna ang
kapakanan ng sariling mamamayan.
Hindi na rin kataka-taka kung bakit ang mismong lider ng bansa ay bahag ang buntot
pagdating sa paglaban ng ating soberanya sa West Philippine Sea. Lahat ito ay binubuo ng
pag-iisip na bilang mga Filipinong kilala sa mundo bilang “hospitable,” dapat palaging mas
inuunang isipin ang kapakanan at karapatan ng dayuhan kaysa sa sariling kababayan.
Ano ang magiging epekto nito sa milyon-milyong Filipinong mag-aaral? Lalaki silang bawas
ang pagpapahalaga sa sariling wika dahil nga naman hindi na nila ito aaralin pagtungo sa
kolehiyo.
Ayos nang kabisaduhin at isapuso ang gramatiko at diksiyon sa wikang Ingles. Ayos nang
hindi alam ang pagkakaiba ng paggamit ng “ng” at “nang” o na ‘di kaya naman ay marami sa
ating mga diyalekto at lennguwahe ay unti-unting namamatay na. Tutal, tila ang layunin lang
naman ng edukasyon sa bansang ito ay pagtapusin ng kolehiyo ang mga mag-aaral ‘di para
matuto ngunit para maging “marketable” na empleyadong magre-remit ng dolyar mula sa ibang
bansa.
7
Kung mahina o mababa man ang tingin ng Filipino sa kaniyang sarili ay dahil hindi matibay
ang pundasyon ng kaniyang identidad–ang kultura niya ay pinaghalong Espanyol at Amerikano.
Nasaan ang pagiging Filipino? Kaninong responsibilidad ang paghubog sa kaniyang pagkatao,
pagka-Filipino? Hindi ba’t nasa sa mga kolehiyo at unibersidad din at sa mga ahensiya ng
pamahalaan tulad ng CHEd?
Ditosa Unibersidad, ayon sa huling ulat ay bagamat tuloy ang Filipino at Panitikan bilang
mga asignatura sa kolehiyo ay wala pang pinal na pasya ang Academic Senate na binubuo ng
mga dekano ng iba’t-ibang kolehiyo at iba pang opisyal ng UST.
Sa mga nakaraang taon, naipakita na ng Tomasino na kaya niyang labanan ang pagbabalik
ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps at ang patuloy na patayan sa kampanya ng
gobyerno laban sa droga. Marahil ay kaya niya ring tumindig para sa kaniyang wika, sa
kaniyang kultura at sa kinabukasan hindi lang niya ngunit ng sarili niyang bayan.
PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at
kaibuturan ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at
pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface
structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may
pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim ng wika. Ito
ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika
dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang
malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya,
adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa
8
ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na
level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang
kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang ba ang
lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang
ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!
a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang
nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,
PAIMBABAW NA WIKA
Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa
ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na
phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra sa
Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-aaral
ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay bibigkasing “bey-
hey”.
Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa
pangungusap.
Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang
Tagalog/Filipino component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit
nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita.
Re-ayos mo na yan!
Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa
dalawang wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na
magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa
mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.
10
Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng
iilan at uso ng panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala’t namamatay,
unti-unti nauungusan ng malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at
postmodernismo. Kung kaya’t sa ating bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang
nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing wikang ofisyal at panturo ang Ingles.
Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:
2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz
3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial
Tagalog; walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang
ibinigay sa lunsad-aklat ng Galaw ng Asoge, 2005)
4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t
ibang larang sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na
examplar ng kasalukuyang anyo ng wika
UBOD NG WIKA
Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na
taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na –
naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng
natural na wika. Kumbaga ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private
language” ni Wittgenstein, “archi-writing” ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may
nakalikha nang istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t
may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng
wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa
11
imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika… … …
Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na
wika,nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,ito ang precursor
ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng daynamikong kakanyahan
at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugannagiging transisyonal at transgenerational ang
pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa kung ano ang uso at
pinapausointralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng
internal na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa
lipunan at iba pang external factor.
Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung
magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa
daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang
pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal
na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay
dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika (prescriptive) at pre-grammar
(individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di maglalaon ang magiging
natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at
istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang
12
Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa sanga-
sangang dila ng gahum.
Nais kong buwagin ang matagal nang paniniwala na walang kakayahan ang ating wika—ang
wikang Filipino—na magamit sa larangan ng pagteteorya. Hindi pa raw ganap na
intelektwalisado ang wikang ito sa iba’t ibang larangang pang-akademya (liban na lamang daw
sa panitikan) kung kaya’t nananatiling lingua franca pa lamang ito sa kalye. Ganyan ba
kababaw ang tingin natin sa wikang Filipino? O dili kaya’y ganyan ang tingin nating nasa
akademya sa wika ng mamamayan natin.Tatlong sanaysay ni IRC ang magiging batayan sa
panayam na ito: una, Kung Bakit Mas Dato Gid ang Wikang Filipino Kaysa Wikang Langyaw;
ikalawa, Kung Bakit Hinihika ang Wika sa Kritika; ikatlo’t huli, Ang Wika bilang Ideolohiya o ang
Wika ng Teorya bilang Teorya ng Wika. Hindi ko nais rebyuhin ang tatlong sanaysay na ito,
bagkus magsisilbing pananda at tagapag-usad ang mga ito upang palitawin ko ang aking mga
argumento.
Unang argumento: Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino na magamit ito sa
pagdadalumat upang higit na mapayabong ang karunungang Filipino at Araling Filipino.
Ayon kay IRC, “Hanganrin kong ipakita na mas mayaman ang ating wika kaysa sa
banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa konseptong langyaw”
(2003: 84). Karugtong nito ang paglalagom ng kanyang sanaysay: “Sa madaling salita,
maraming salita tayong maaaring gamitin para pag-ibahin ang iba’t ibang kahulugan ng iisang
salitang langyaw” (93). Maraming nabigay na mga halimbawa si IRC sa sanaysay na ito: kritika,
teorya, kritisismo, pamumuna, panunuri, kasaysayang pampanitikan, buwis, daigdig at mundo.
Ngunit ihahaylayt ko lang ang isang salita: teorya. Ang teorya na galing sa literary theory o
theory ay ang “pag-aaral sa pangkalahatang isyung bumabalot sa literatura, sining, at kultura,
tulad ng papel ng literatura sa mundo, kung maaari ngang matuklasan ang kahulugan ng isang
likhang panliteratura, o ang relasyon ng literatura sa wika” (92) Ang teorya ay isang salitang
langyaw na inangkop sa baybay Filipino. Ngunit kung susundin ang premis ni IRC mas angkop
13
at mas wastong gamitin ang salitang “dalumat”. Mula sa etymology ng theory: Gk. theoria
“contemplation, speculation, a looking at, things looked at,” from theorein “to consider,
speculate, look at,” from theoros “spectator,” from thea “a view” + horan “to see.”
(http://www.etymonline.com/index.php?term=theory) Kay Panganiban (1973) ang salitang
“dalumat” ay kasingkahulugan ng “paglilirip” at “panghihiraya”. Sa Ingles na kahulugan, ayon
kay Panganiban (1973), ganito ang ibig sabihin: very deep thought, abstract conception. Ang
dinadalumat ay salita na may implikasyong abstrakto at pilosopikal. Ginagamit ang salita hindi
sa payak na paraan bagkus sa mataas na antas ng pag-iisip. Sa ganitong paliwanag,
samakatuwid, ginagamit ang salita bilang konsepto sa larangan ng pagteteorya. Humihiwalay
sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito sa antas ng interpretasyon.
Ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay upang maging malikhain ang isang palaisip o teorista
sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at kakanyahan ng salita bilang dalumat.
Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensiya ng isang iskolar o teorista na bumuo ng bagong
salita sa dinadalumat na teorya . Kung susuriin natin ang teorya batay sa etymology nito
nakatutok lamang ito tulad ng dalumat sa paglilirip o abstraktong konseptwalisasyon. Ikalawa,
ipinipahiwatig nito ang distansiya ng teorista bilang tagamasid, tagatanghod, tagasipat. Subalit,
wala rito ang kapangyarihan ng haraya at paghihiraya na nakasahog sa konotasyon ng salitang
dalumat. Samakatuwid, kung nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang
paglilirip, pagsisid sa kailaliman ng kahulugan/penomenon at paghihiraya nito. Ibig sabihin dahil
sa imahinasyon, tagakatha’t tagasuri siya sa pagdadalumat. Hindi lamang textual ito bagkus,
visual din ang saklaw ng pagdadalumat. Visual din naman ang ipinapahiwatig ng teorya ngunit
palabas ito, nakatanaw ito. Sa dalumat, sasabihin kong, internal ito’t nasasakop na ang
pagtanaw sa labas, dahil hiniharaya na ito sa kognitibong pagtakbo ng isip, sa loob, sa ating
kamalayan. Siyempre pa kailangang linawin din kung anong kontexto nakatali ang kahulugan
ng teorya dahil sa ngayon maraming kahulugan ito batay sa anumang disiplinang (siyensya,
agham panlipunan o humanidades) sumususo rito. Ikalawang argumento: Hindi na bansot ang
ating wika, hindi na kulang-kulang ang ating vocubularyo para sa talastasang teoretikal. Hindi
na totoong kailangan pa nating maghintay ng isandaang taon para maintelektuwalisa ang
wikang ito. Ang Pagdalumat-Salita Sa anumang binubuong teorya, mahalaga at
makapangyarihan ang wika. Bukod sa pagtingin na ang wika ay representasyon ng mundo ayon
sa mga nominalista, ang wika rin ay isang instrumento na maaaring makapagpabago ng isipan
ng mga tao at sa pagtagal ng panahon ng kilos ng tao. Subalit, mas tututukan ng panayam na
ito ang gamit ng wika bilang “wika ng teorya” (Cruz, 2003: 134). Mas tatalab ang hamon sa
intelektuwalisasyon ng wikang Filipino kung gagamitin ang wikang ito sa teoretikal o pilosopikal
14
na larangan ng mga iskolar. Ibig sabihin nararapat na sa wikang Filipino nag-iisip nang analitikal
at kritikal at sa wikang Filipino ito naipapahayag . Ganito rin ang paniniwala ng ibang iskolar
(Cruz 2003, Lumbera 2000, Salazar 2000, Covar 1998, Atienza 1996, Enriquez 1992, Torres-
Yu) na sila mismong nagtangka’t nagtagumpay sa masinop at mataas na paggamit ng Filipino
sa akademya. Sa ginawang paglilinaw ni I R. Cruz (2003: 134-135) sa Critical Practice ni Belsey
(1980), lumitaw ang apat na konsiderasyong ito. Ayon kay Cruz, maaari nating: 1. …linawin ang
bagong konsepto na nais ipaliwanag ng teorista, 2. …ituro ang mga bagong salita, kung
mayroon man, na nilikha ng teorista para maipaliwanag ang kanyang bagong konsepto; 3.
…ipaliwanag kung ano ang mga bagong palagay na naghahari sa diskors ng teorista, kung ano
samakatwid ang kanyang nais ipalit sa kababawan 4. …kung aling mga palagay na kasama sa
kababawan ang binabatikos ng diskors, hindi lamang ng nilalaman nito kundi pati na ang estilo
o estratehiya ng pagsulat nito. Isang punto lang naman ang hindi ako sang-ayon, ang salin ng
common-sense bilang kababawan. Ang wika ay isang ideolohiya, wika ni IRC (131). Sa tingin
ko ito ang diskurso ng balana. At dahil sinabing nakasahog ang kababawan sa wika, dahil wika
ang kongkretong manifestasyon nito, magiging kontradiksyon ang pagwaksi sa kababawan o
common sense upang linangin ang wika ng teorya sa wikang Filipino at pagdadalumat-salita.
Dalawa ang paliwanag ko rito: Una, ang common-sense, ang balon ng kaalaman at kamalayan
ng mga tao upang sila’y kumilos at makipagdiskurso sa pang-araw-araw nilang buhay. Ito ang
kasangkapan nila sa pag-unawa ng mga ordinaryo at maski mga komplikadong bagay-bagay sa
buhay nila. Dito nanggagaling ang sumatotal ng makabuluhang pagkilos nila batay sa nabuong
paniniwala at hinuha bunsod ng pagdanas o karanasan nila. Common-sense na umiyak tayo sa
palabas na madrama. Siyempre dahil common-sense nga ito. Tumawa kung talagang
nakatatawa. Magdala ng payong kung makulimlim ang langit. Sa normal at normatibong takbo
ng buhay natin, napakahalaga ng pagkakaroon nito. Di nga ba’t ang kulang sa ganito’y
nababansagang mahina ang pag-iisip. Natatanging kaloob sa atin ito dahil ito ang dahilan kung
bakit nagbreakdown ang mga riserts tungkol sa Artificial Intelligence dahil ang kaya lang
iproseso ng kompyuter o computational system ang impormasyon ngunit hindi ang common-
sense na tulad sa isang tao. Ikalawa, ang gusto kong sabihin ay ganito. Mahalaga ang
balanang pananaw dahil nakasandig dito ang pagdadalumat. Totoo ngang sa artikulasyon at
presentasyon ng dalumat/teorya pinahihirap ng mga teorista/palaisip ang kanilang isinusulat,
dahil common-sense din naman, para mag-isip ang babasa nito at lalo pang paghusayan ang
pag-unawa rito. Ika nga’y winiwindang tayo para ang hindi obvious ang lumabas, kundi ang iba
pang maaaring kahulugan. Kung kaya’t ang function ng pagdadalumat ay hindi para idikonstrak
ang balanang pananaw, kundi bukod pa sana sa pagkakaroon ng ganitong pananaw,
15
mabuksan ang iba pang posibilidad ng pag-unawa. Hindi maaaring maging kababawan ang
common-sense dahil sa halos lahat ng pagkakataon, ito ang nakalitaw at nakalutang sa
inaaakala nilang paraan ng pag-unawa sa praktikal na pamumuhay nila. Ang tungkulin ng
teorista’t palaisip ay palawakin pa ang palaisipan ng buhay at realidad. Para sa karaniwang tao
hadlang nga ang balanang pananaw para usisain pa ang ibang kaisipan at palaisipan. Ito rin
ang kapangyarihan ng wika at ito nga ang layunin ng panayam kung bakit kailangang nasa
wikang Filipino ang pagdadalumat dahil sa wikang balana manggagaling ang dalumat.
Nakasanayan na kasi na ang wikang Filipino ay wika lamang sa komunikasyon ng mga
karaniwang tao, wika ng midya at showbiz, at wika lamang sa kababawan. Subalit kailangang
maging wika ito ng ating diwa, sa mataas na antas ng pag-iisip ng mga Filipino. Hindi rin naman
inosente ang wika ng teorya. Ang lahat ng wika ay may pinagbubukalang ideolohiya. Ang wika
ng teorista/palaisip ay nagpapahiwatig ng posisyon ng kapangyarihan. Ika nga’y bunga ito ng
social capital ayon kay Bourdieu na taglay ng isang nakapag-aral, titulado, at kahit paano
mataas ang katayuan sa buhay kumpara sa iba. Kung kaya’t dahil dito, natural din na magkaiba
talaga ang kayarian ng wika ng balana at wika ng akademya. Tunghayan natin kung ano ang
pagdadalumat-salita. Ang pagtatangkang teoretikal, alinsunod sa paglikha ng bagong salita at
katuturan nito, ay tatawaging pagdadalumat-salita. Ano ang pagdadalumat salita? Tinatawag na
dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi,
masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at
kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa paraang
ito ang ugnayan ng salitang ugat at ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na
nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167). Ganito ang
ilang paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko, teorista, at palaisip sa iba’t ibang disiplina.
1. Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto: Pilipinolohiya ni Covar, Pantayong
Pananaw ni Zeus Salazar, Pamathalaan ni Consolacion Alaras, Sarilaysay ni Rosario Torres-
Yu. 2. Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan: kritika, anda, at gahum ni IRC, loob at labas 3.
Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez, kasaysayan
bilang “salaysay na may saysay” at “pag-uulat sa sarili”; Dating bilang pagdadalumat sa
estetikang Filipino ni Lumbera. Dagdag pa natin ang naging ilang kontribusyon ko sa
pagdadalumat-salita. Kaakuhan-pag-ako ng sarili (ako) sa kanyang pagkatao, pagkakakilanlan
Pantawang pananaw-kapangyarihan ng tawa na tumuligsa at mang-uyam sa mga nasa
kapangyarihan; ang tawa bilang kritika Sangandiwa (kasama ang aking asawa sa pagkatha
nito)-kalikasan ng Araling Filipino bilang multidisiplinari ang lapit, multikultural at multilinggwal
ang mga konsiderasyon sa pag-aaral nito. Pagsasanga-sanga ng mga talastasang
16
pangkalinangan sa loob at labas ng bansa na may lalim at lawak. Kaisahan ito ng pagkakaiba-
iba ng diwa at kabuuan din ng maramihang pakikisangkot tungo sa mapanaklaw at malawakang
kapilipinuhan ng sarili’t bansa (2004: 167). Ikatlong argumeto: Nasa atin mismong kalinangan o
kultura, sa balanang pananaw, at makaFilipinong diskurso sa tulong ng ating wika ang
pagbubukulan ng wika ng dalumat/teorya natin. Sa bahaging ito, nais kong talakayin ang
pagdadalumat-salita ng “sanghiyang” upang ipakita sa inyo ang detalye at kabuluhan nito sa
kasalukuyang panahon, sa penomenon ng internet. Sisimulan ko ito sa hambingan ng
morpolohiya at pagdadalumat-salita. Maaaring sabihin na magkahawig ang morpolohiya at ang
pagdadalumat-salita. Ang morpolohiya ay isang sangay ng pag-aaral sa linggwistiks. Ayon kina
Santiago at Tiangco (1991) pag-aaral ito sa mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-
sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Ang bawat salita ay maaaring binubuo ng salitang-
ugat at ng mga panlapi. Binanggit din nina Santiago at Tiangco (1991:108) na ang panlapi
bilang yunit ng salita ay tinatawag ding “di malayang mga morpema”, sapagkat walang sariling
katuturan ang mga salitang ito kung hindi idudugtong o ilalapi sa ibang mga yunit salita na
tinatawag bilang mga morpema. Katulad halimbawa ng salitang magbasa; binubuo ito ng
dalawang yunit morperma: mag+ (unlapi, unang yunit morpema) at basa (salitang ugat,
ikalawang yunit morpema). Ang mag+ ay hindi nakakatayong-sariling salita (sa ponolohiya,
ponema ito na tinatawag ding pantig), walang sariling katuturan kung hindi ilalapi sa ibang
salita. Sa ganitong mabusising pagtanaw sa wika, bubuksan ang binubuong pagteteorya sa
wika. Magkahawig man sa proseso, hindi magkatulad sa maraming bagay ang morpolohiya at
pagdadalumat-salita.
natatali sa istruktura ng wika o sa mga batas nito lamang ang pagpapakahulugan, bagkus
winawari ito batay sa partikular at kabuuang signifikasyon nito sa ibang usapin. Imbis na textual
(panloob-suri sa wika), intertextual (panlabas-suri) ang nagiging hantungan ng pagdadalumat-
salita. Ang panloob-suri ay tinatawag na linggwistikong analisis, samantalang ang panlabas-
suri’y diskors analisis (Tannen 1993, Fairclough 1995, Van Dijk 1997, Georgakopoulou at
Goutsos 1997). Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin ng mga
iskolar na magkatambal ang wika at kalinangan. Sa isang banda, tama ito sa dahilang
binubuhay ng bawat isa ang isa’t isa. Nasa kalinangan mismo mahihinuha ang konteksto ng
wika, kung papaano binibigyang lalim at salaysay ang salita sa partikular na gamit, at ang wika
sa kabuuang signifikasyon nito. Hindi masalimuot na relasyon ito. Ika nga’y kung gusto mong
matutunan ang isang buhay na banyagang wika o lokal na wika, nangangailangang mamalagi
sa sisidlan nitong kalinangan. Kailangang makibagay, makibahay at makipamuhay. Sa
fanksyonal na pagtingin, ang wika ang ginagamit para sa transmisyon ng kultura, para
manatiling buhay ito. Ang wika sa isang kalinangan o kultura ay kumbensyonal na ginagamit at
nauunawaan. Napag-alaman at alam ito ng mga kabahagi ng kulturang iyon dahil na rin sa
mahabang panahong paggamit nito at dahil sa nakasahog ito sa aktibong ritwalisasyon ng
kultura.
(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-
Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMorales-Nuncio)
May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa
simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang
kamalayan ng mga edukadong nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung
may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo
marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap ang
radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka
para sa karapatan ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista
na ibigay ang wika nila sa mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga
kolonyalista na panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling alipin
(Lumbera 2000: 91).
19
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang
nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito
naisafilipino at naging komedya at sarswela ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng
Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba
pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.
American rule and the atrocities committed by the American army to crush that resistance”
(1978: 68).
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang
palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge
Antonio Quirino ang gumawa ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at
patok na patok sa Amerika noong dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa
kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng
telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung hindi naman nagtagumpay sa unang
sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari sa
21
Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na
kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o
ng pareho. Pumasok na ang moda ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa
simula ang distribusyon ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan
para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay
negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito. Subalit
babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng
komukunsumong masa.
Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa
ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass media. Lahat
ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema
at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang galaw, isip at damdamin ng tao ay
22
Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang
hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass
media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang
nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan,
sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging mistulang normal
at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng mga tao.
Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap
mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang
naghahari ang makabago, mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay
pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao
na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at
higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano? Dapat munang
isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni
Tolentino na:
ginamit para mapanatili pa lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng
mga kapitalista. Ang pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung
kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na
rin dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na
pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para
sa higit na nakakaraming tao—ang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999) binaha ng
mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito
nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit na hindi sila natutong lahat ng
Ingles o nakapag-aral.
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor:
ang una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at
mentalidad ng tao. “Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of
everyday life. While culture is concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter
of creativity and change” (Barker, 2000: 35).
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan
ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa
katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at
kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na
gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o
nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba
pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay
nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang
nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na
nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin).
Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung
maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa
isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus
(“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang
pag-aangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng
masa at masasabing dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang
mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga
kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan sa isang produkto ang isang
negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng konsumer? “Judgments
25
about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value (good or bad
taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker,
2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga
kapitalista ay dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at
produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng
teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang popular ay
maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay
naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at
pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit
makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto
sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na tape, cd, at dvd;
suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa
ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng
batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa
pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit
mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo at produkto—lahat ito ay mura kumpara
sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang
popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo
ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang
gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa
lipunan sa kabuuan. Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at
pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa
ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa
kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa
pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang
katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa
produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan
upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang
popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit. Sa bahagdan ng pagbubuo ng
kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang punto ng
kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas
o produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at
pagtangkilik ng mga komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa
26
pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung
hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang
nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans.
Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay
sa mga tao.
Pag-unawasaPaksa
Babasahin 1
1. Sino sapalagaymo ang dapat sisihin sa pagiging utak-kolonyal ng mga Filipino? Bakit?
2. Paanoipinakita ng awtor ang pagpapahalaganiyasawikang Filipino?
Babasahin 2
5. Paano ginamit ng mga kastila ang maskara, krus at espada para sapanlulupigsamga
Filipino?
Gawain 1
Magtala ng 5 dahilan base sa inyong pananaliksik kung bakit dapat manatili ang asignaturang
Filipino sa kolehiyo.
Gawain 2
MgaBabasahin:
1. L.O.L. (Learn On-Line). (2018, Oktubre 2). Propesor Christo Rey Albason: Konsepto ng
Filipinohiya [Video file]. Mulasahttps://www.youtube.com/watch?v=rt6yrl5clqE
2. Prezi. (2018, Hulyo 18). Ting, Gloria M. et al: Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at
Kasaysayan ng Kamalayang Bayan [Video file]. Mulasahttps://prezi.com/dmwnblg_3xys/pag-
uulat-ng-unang-pangkat
4. Online Editor. (2019 Setyembre 3). Laban Para saWika ay Laban ng Bayan. The Varsitarian.
Mulasahttps://varsitarian.net/editorial/20190903/laban-para-sa-wika-ay-laban-ng-bayan
5. Dr. Rhod V. Nuncio. (2010, Marso 28). PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika. Kritikasatabitabi.
Mulasahttps://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/pilipinolohiya/