You are on page 1of 4

Filipinolohiya at Pambansang

Kaunalaran
Virla Limbo
Sir Ricardo Carpio
BAJ 1-2N

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Pilipino?

Nagdulot ng malaking pagbabago sa mga Pilipino ang edukasyong ipinakilala ng

mga mananakop, hindi lang sa ating buhay kundi gayon din sa ating isipan. Nasusukat ang

pag-unlad ng bansa sa edukasyon kaya ito ay napakahalaga na pagtuunan natin ng pansin.

Isa rin itong instrumento upang hindi makalimutan ang kultura ng ating bansa. Ngunit, ang

edukasyong kolonyal ay nagkaroon ng maganda at hindi magandang epekto sa pag-iisip at

gawi nating mga Pilipino.

Sa aking pagkakaintindi sa Lisyang Edukasyon, ang isa sa pinakamabisang paraan

ng pananakop ay ang paghubog sa kaisipan ng mga tao. Kaya naman naging matagumpay

ang mga dayuhan na ito na sakupin tayo gamit ang kanilang paraan ng edukasyon. Naging

sunud-sunuran at nahubog ang kanilang gawa na naayon sa kaisipang pang-Amerikano.

Ingles ang naging wikang panturo at naging wikang kaalaman noong panahon ng

pananakop. Ang kolonyalismo pagdating sa edukasyon ay naganap at lalong yumabong sa

pagtagal ng panahon. Naitanim sa ating puso at isipan na mas maganda ang kultura ng

mga banyaga kumpara sa sariling atin.

Sa kabila ng lahat, hindi ibig sabihin ay nawalan ng saysay ang pagkatuto natin ng

Ingles. Dahil dito, natuto tayong sumulat at bumasa ng Ingles, natuto din tayong

makipagtalastasan sa ibang bansa. Naging masigasig tayo sa pagiging dalubhasa sa

iba’t-ibang larangan. Naging susi ito upang mamulat ang bawat Pilipino kung gaano

kahalaga ang edukasyon sa pag-unlad ng isang tao at bansa nito.


Filipinolohiya at Pambansang
Kaunalaran
2. Magbigay ng halimbawa ng epektong nabanggit na sistemang pang -edukasyon

mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag.

''Ingles ang naging wikang panturo at awtomatikong naging wika ng kaalaman”

Sa paglipas ng panahon ang paggamit ng ingles bilang panturo ay naging ganap at

nadarama ang epekto nito. Nananatili sa ating bansa ang impluwensya ng mga amerikano

maging sa kasalukuyang panahon lalo na sa ating sistema ng edukasyon. ang sistemang

pang-edukasyong itinuro sa atin ng mga Amerikano ay nagdulot ng kalituhan at paglimot sa

sariling pagkakakilanlan. Gaya na lamang ng paggamit ng wikang ingles bilang panturo sa

mataas na antas ng edukasyon.Mapapansin natin na halos wala nang mga asignaturang

Filipino na itinuturo sa kolehiyo at puro nasa Wikang Ingles na lamang. ung kaya’t mas

marami ang pinipili na gumamit ng wikang Ingles kaysa sa Filipino. At dahil nga halos wala

nang asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi na rin ito nabibigyang pansin sa kadahilanang

mas pinapahalagahan natin ang ingles dahil mas ginagamit ito sa paaralan, sa sektor ng

industriya, medisina at batas. Tila lahat ng ating asignatura sa kolehiyo ay puro nasa wikang

ingles kaya nagreresulta ito sa paglimot ng kaalaman sa sariling wika at pagkakakilanlan.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang

edukasyon ng mga Filipino?

● Pagpapalit sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng


pagbibigay ng prayoridad sa mga asignaturang Filipino mula sa mababa
hanggang sa mataas na antas ng edukasyon.
Filipinolohiya at Pambansang
Kaunalaran
● Pagtaguyod ng tunay na makabayang edukasyon at wikang Filipino.

Batay sa kontekstong aking nabasa, tinatalakay ng Lisyang Edukasyon ang paksang

nakatuon sa kung paanong ang edukasyon sa Pilipinas ay nakabatay sa adhikain at

pangangailangan ng ibang bansa kumpara sa pangangailangan ng mga Pilipino. Dapat ay

alam natin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa Pilipinas. Ang edukasyon sa Pilipinas

ay hindi dapat nakahihigit ang dayuhang kaalaman bagkus ay dapat makadagdag lamang

ito sa ating kaalaman, pag-unawa,at pag-aaral ng sariling atin nang sa gayon ay maitaguyod

natin ang tunay na makabayang edukasyon at wikang Filipino. Ito ang mag sisilbing

pinakaepektibong daluyan ng mga makabayang damdamin at adhikain ng isang bansang

matagal na panahon na alila ng dayuhang kaisipan.

Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:

1. Pilipinolohiya – ito ay isang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham

na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura,

lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino,

gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig

ng mga karunungan.

2. Pantayong Pananaw – buod nito ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at

pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaaalaman, karunungan, hangarin,

kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan.

3. Sikolohiyang Pilipino – Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng kaisipan,

karanasan at oryentasyong Pilipino. Ito ay tumutukoy sa karnalayan, kaisipan, diwa,

ugali, kalooban, damdamin, at marami pang iba. Ang pag-aaral tungkol sa

Sikolohiyang Pilipino ay nagsimula sa mga unang taon ng dekada 70 bunga ng


Filipinolohiya at Pambansang
Kaunalaran
pag-aalinlangan ng mga sikolohista hinggil sa maraming teoryang mula sa kanluran

na hindi angkop sa pag-unawa sa sikolohiya ng mga Pilipino.

4. Filipinolohiya – Ang Filipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Filipino at lohiya

(logos), na ang ibig sabihin ay pag-aaral. Samakatuwid, ito ay isang

masistematikong pag-aaral: una, Pilipinong kasipian at, ikalawa, Pilipinong kultura at

Pilipinong lipunan. Ang layuninniyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat

larangan na meron ang kultura ng Pilipinas.Disiplina ng karunungan na nakasalig sa

maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan,

kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang

Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa

daigdig ng mga karunungan.

You might also like