You are on page 1of 21

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa

Filipino

Aralin 6

Mga Sitwasyong
Pangwika
Aralin 6
Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon o Pangwika
Introduksyon
Nakatuon ang kabanata na ito sa mga sitwasyong pangkomunikasyon na ginagamit ng
mga Pilipino. Kasabay ng pag-unlad ng lipunan kabilang ang edukasyon, transportasyon,
at teknolohiya. Inihahanay ang marapat na mga sitwasyong ituturo sa paaralan sa mabilis
na paglago ng mundo. Kasama ang wika at kultura.
Ang wikang Filipino sa mga sitwasyong pangkomunikasyon ang magpapaunawa sa mga
mag-aaral sa kahalagahan ng kritikal na pag-iisip tungo sa mas mataas na lebel na
pagkatuto.
Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan
 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstuwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino
Oras o Haba ng Pagtalakay
Kabanata 5: Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon = 14 na oras
o Pangwika (10 oras pagtalakay; 2 oras na
pagtataya)

Pagtalakay sa Aralin
Panimula ng Sitwasyon ng Wika
Ang buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wikang Pambansa kung saan
ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Filipino bilang pangunahing lenggwahe nito. Ang
selebrasyon ay binubuo at kinatatampukan ng iba’t ibang patimpalak at kaganapan tulad
ng pagbigkas ng tula, pagsulat ng sanaysay, pagkanta, balagtasan, sabayang pagbigkas,
paggawa ng poster at slogan, at iba pang mga kultural na kaganapan.

Taon-taon, ang Komisyon ng Wikang Filipino ay naglalabas ng tema para sa


selebrasyon, at ang tema para sa taong ito ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”na may layuning palawakin ang
paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

Ang Filipino at Iba pang Wika sa Pilipinas

Mayroong humigit kumulang 180 ang wika sa Pilipinas, walo dito ay itinuturing
na pangunahing wika – Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan,
Tagalog at Waray. Ang tatlong pangunahing diyalekto na ginagamit ng mga Pinoy sa
kanilang bahay ay Filipino, Cebuano, at Hiligaynon. Ayon sa Social Weather Survey.
37.8% ang populasyon ay gumagamit ng Filipino, 26.7% ng Cebuano na siyang
pangunahing wika sa Cebu at mga tao sa Davao, at 9.5% naman ng Hiligaynon sa
pakikipag-usap sa loob ng kanilang bahay.

Ang Filipino ay hango sa Tagalog na siyang gamit ng mga tao sa katagalugan at


lumalaganap sa buong pulo. Ang pagdedeklara sa Tagalog bilang pambansang wika ng
Pilipinas ay hindi naging maganda para sa mga taga-Cebu na ang wika ay itinuturing na
ikalawa sa pinakamalimit gamitin sa bansa. Nagkaroon ng pagsalungat at debate sa mga
nakalipas na taon ukol rito at hanggang ngayon ay may mga Cebuano pa rin na hindi
kinikilala ang Filipino bilang pambansang wika.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika ay nagpapatagal at nagpapahirap sa


pagpapalaganap ng wikang Filipino. Sa ngayon, bagamat ilang taon na mula ng
magkaroon tayo ng wikang pambansa, 85% pa lamang ng populasyon ang nakaiintindi at
nakababasa nito. 79% lamang ang kayang magsulat gamit ang Filipino at 45% lamang
ang gumagamit nito sa pang-araw-araw na gawin.

Ang Filipino Laban sa Ingles


Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng tao na
nagsasalita ng Ingles. Sa katunayan, 92.85% ng populasyon ay nakaiintindi at marunong
magsalita nito. Mas marami ring Pinoy ang pinipiling gamitin ang Ingles sa pang-araw-
araw na Gawain kumpara sa Filipino. Nagbigay daan din ang malawakang paggamit ng
lenggwahe sa “Taglish” o Tagalog English, o paghahalo ng dalawang wika sa isang
pangungusap.
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga Pilipino ay mas pinipiling pag-aralan ang
wikang Ingles kaysa sa Filipino. Isa sa mga kadahilanan nito ay ang pag-iisip na
nakatataas o mas superior ang Ingles sapagkat ito ang pangunahing wika ng buong
mundo. Marami ang naniniwala na upang makasabay sa globalisasyon, kinakailangang
maging mahusay muna ang isang tao sa pagsasalita ng ingles.

Bagamat ito rin ang dahilan kung bakit natatak sa isip ng mga Pilipino na ang
mga magagaling magsalita ng Ingles ay magagaling at matatalino kumpara sa mga hindi
masyadong bihasa rito. Marami ang humahanga sa mga marurunong magsalita ng diretso
sa Ingles at agad na iniisip na matalino ang mga ito; hindi na isinasama sa konsideresyon
ang laman ng mga salitang binibitawan nito. Hindi nagtagal ay nagkaroon din ng mga
taong nag-iisip na elitista ang Ingles samantalang ang Filipino ay lenggwahe ng
mahihirap. Naging resulta nito ang pagkakaroon ng negatibong konotasyon sa pagitan ng
dalawang wika kung saan mas pinipili ng mas maraming tao ang Ingles kumpara sa
Filipino.

Lektyur at Seminar

Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organize ng pagsasanay, nakatuon


ang lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 2o hanggang
70 na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong
inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal
mula isang buong maghapon, hanggang pitong araw depende sa layunin ng pagsasanay.
Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang mga pagsasanay sa makabagong
pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan, mga mandatory seminars sa mga bagong luklok
na opisyal na barangay, at iba pa.

Mabisang platform ang lektyur at seminar para ipakilala ang mga bagong
kaalaman, paraan uoang i-update ang dati nang nalalaman ng mga protektibong kalahok.
Upang lalong matiyak kung natamo ang mg layunin ng lektyur at seminar,
iminumungkahi na magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain. Hindi
iminumungkahi na gamitin ang balangkas na ito kung may inaasahang bagong output
mula sa dadalo.

Worksyap

Kadalasang nagtatagal nang anim hanggang walong oras sa magjapon, dahilan


upang hindi mabigyan ng pagkakataon sa tagapakinig o tagapanood upang malaya at
agarang makapagbigay ng puna at haka sa mga inilalahad na impormasyon ng
tagapanayam o host. Isa pa sa mga puna sa telebisyon at radio ay ang pagiging corporate-
driven ng mga ito. Dahil may mga pinapangalagaang interes ang mga estasyon, malimit
na nakakiling ang opinion ng mga tagapanayam.
Forum at Simposyum

Forum

Ang Forum ay isang masusing pag-uusaP tungkol sa isang paksa na humihingi ng


opinyon sa miyembro kasapi ng kapulungan. Ang ganitong pag-uusap ay naglilinaw sa
paksa, sa suliranin o sa iba pang bagay na inilatag ng kapulungan o tagapagsalita sa mga
kausap O tagapakinig, Ang paksa, usapin o bagay na pinag-uusapan ay nahihimay at
matalinong napag-uusapan sa pamamagitan ng kurokuro. Madalas, sa isang pormal na
pagpupulong ay Nagaganap ang “open-forum” o malayang talakayan (Austero, et al.,
2002). Ang forum ay talakayan ng grupo tungkol sa isang paksa. Madalas itong
nahahawig sa debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan.

Sang-ayon pa rin kina Austero, et al. (2002), may mga pamamaraan para makilahok sa
forum o talakayan.

Paano Nakikilahok sa Ganitong Pag-uusap?


1. Maghanda para sa talakayan.

2. Magbigay ng opinyon sa paraang may pagsasaalang-alang.

3. Magkaroon ng positibong kontribusyon. 4. Maging magalang.

5. Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon.

6. Magtala.

Bilang lider ng ganitong pag-uusap, ano ang kailangang gawin?

1. Maghandang mabuti,
2. Ihanda ang pasilidad.
3. Dumating nang maaga.
4. Kailangang maistablis ang isang atmosperang “business-like”.
5. Gabayan ang diskusyon.
6. Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo.
7. Kailangang nakapokus sa agenda o usapin.
8. Kailangang matutong magbigay ng konklusyon,
9. Batiin ang mga nagsipagdalo.
10.Humingi ng paumanhin sa mga ‘bagay oO insidenteng hindi inaasahan.
Simposyum
Ang Symposium o Simposyum ay pangkatang llakayan tungkol sa isang tiyak at
napapanahong isyu. Kadalasan, pormal ang anyo ng nito lalo na sa paaralan o
unibersidad.

Sa simposyum, maraming Inaasahang tagapagsalita ang magbabahagi ng mga


Impormasyon tungkol sa isang napapanahong usapin sa mga inimbitahang tapakinig 0
kalahok. Ito rin ay tinatawag na kumperensiya.

Ayon sa presentasyon ni Corpuz (2016), may mga ilang dapat tandaan sa pagsasagawa ng
simposyum.

1. Paghahanda sa Bulwagan
Ang lugar ay isa sa dapat isaalang-alang ng mga magsasagawa ng simposyum.
Dahil pormal ‘ang talakayan, kumportable dapat sa nakikinig ang pagdadausan 0 ng
bulwagan.

2. Pagpapaalam sa Madla ng mga Detalye ng Simposyum


Maaaring magpadala ng liham sa mga nais na dumalo o kabilang sa simposyum.
Isa pang paraan sa pagpapaalam sa madia ay ang pagkakabit ng poster at pagkakaroon ng
patalastas. Mainam na midyum ang social media sa pagpapakalat sa madia sa detalye ng
simposyum.

3. Pagbuo ng Programa para sa Simposyum


Nakalahad sa programa ng simposyum ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari o
magaganap na gawain. Marapat din na maipabatid sa mga taong magsasalita o
magpapakilala sa tagapagsalita sa simposyum. ‘

4, Pakikipag-usap sa Caterer
Mainam na maayos ang pakikipag-usap sa tagapangasiwa ng pagkain sa
simposyum upang Maiwasan ang pagkahuli o pagkasira ng pagkain. Kinakailangan ding
matukoy ang mga Pagkaing ihahanda ng caterer.

5. Kagamitan
Ihanda sa simposyum ang kakailanganing mga mesa, silya, rehistrasyon at
dokumentasyon. Kasama na rin ang LCD Projector at sound system.

Sa pangkalahatan, bago magsagawa ng simposyum, nangangailangan ito ng mainam na


pagpaplano sa mga gawain. Kasama sa pagpaplano ang mga dapat talakayin gaya ng
petsa at oras ng simposyum, lugar, mga komite para maiwasan ang maraming gawain sa
iisang tao, pagmumulan ng pondo, pagkakagastusan, paksang tatalakayin at tagapagsalita.
Roundtable at Small Group Discussion

Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion, na kalimitang


kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng kaalaman
tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin. Mainamn din itong venue upang
makapagmungkahi ng solusyon para mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay (disenyo,
proyekto, at iba pa). Upang maghing maayos ang pangangasiwa ng nasabing Gawain,
iminumungkahi ang sumusunod na mga padron:

 paglalahad ng layunin ng talakayan,


 pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at organisayson),
 pagtalakay sa paksa
 pagbibigay ng opinion, puna at mungkahi ng mga kalahok,
 paglalagom ng mga napag-usapan at napahkasunduan,
 pagtukoy ng susunod na mga hakbang.

Dapat ding gabayan ng paggalang at respeto sa ideya ng mga kasama ang


pagsasagawa ng ganitong uri ng Pgpupulong, upang maging mas epektibo ang pagdaos
nito. Mahalagang maunawaan na sa gawaing ito, pantay-pantay ang pagpapahalaga sa
inout ng mga kalahok.

Upang mapanindigan ang mga napag-usapan ng grupo, mahalagang magtakda rin


ng isang documenter na magtatala ng lahat ng napagkasunduhan. Maaaring sundin ang
format sa ibaba sa pagsulat ng dokumentasyon o minutes’ ng pagpupulong:

 Paksa ng pagpupulong
 Oras at lugar kung saan ginanap ang pagpupulong relasyon.

Madalas itong matunghayan sa pagitan ng mag-asawa, dalawang miyembro ng


pamilya, magkaibigan, amo at empleyado, at iba pa. ilan panghalimbawa nbg
interpersonal na komunikasyon ay ang interaksyon sa pagitan ng fitness coach at trainee,
doctor at kaniyang pasyente, consultant at isang opisyal ng gobyerno. Dahil madalas
itong gamitin sa antas personal, nangangailangan ito ng mataas na antas ng kakayahan sa
pakikinig at conflict management (Jones, 2008) upang maging lubusang maging epektibo.

Maaari ding gamiting estratehiya nag pagdaos ng roundtable at small group


discussion ang brainstorming. Nilalayon ng estratehiyang ito na mangalap ng iba’t ibang
tugon at mungkahi sa mga kalahok, na malimit ay may iba’t ibang perspektibo hinggil sa
paksang pinag-uusapan. Epektibong estratehiya rin ang pagpaskil ng mga katanungan na
isa-isang sasagutin ng mga kalahok, gaya ng ginagawa sa isang Focus Group Discussion
(FGD).
Isa rin sa maaaring gamiting mga pamamaraan sa maliliit sa pagpupulong sa
naglalayong magbigay ng solusyon sa probe ang Six Thinking Hats ni De Bono (1985).
Ang estratehiyang ito ay nagtatakda ng tiyak na tungkulin sa mga kabahagi ng gawain
depende sa sombrerong kanilang isinusuot upang mas maging maayos ang talakayan.
Ang bawat sombrero ay tumutukoy sa tungkulin na may suot:

 Puti – nagbabahagi ng mga impormasyon (facts) tungkol sa paksang


tinatalakay
 Dilaw – nakapokus sa positibong epekto ng mungkahi
 Itim – nakapokus sa pagpapalutang ng mga panganib sa dulot ng mungkahi
 Pula – nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama’t walang lohikal na
paliwanag, tungkol sa mungkahi
 Berde – nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at bagong ideya
 Asul – tagapagdaloy ng pagpupulong

Mainam itong estratehiya upang maging mas targeted ang mga tugon na nais
makalap mula sa mga participant.

Kondukta ng Pulong

Ang Pulong o Miting ay isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng


isang anunsyo, panukala o mga gawain. Maaari ring nagsasagawa ng pagpupulong kapag
gustong hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon. Sa isang pulong o miting,
kinakailangang organisado ito upang maihatid nang wasto ang mga nais ipahayag ng
tagapagsalita at makamit ang layunin.

Ayon kay Anso (2011), ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay
maging epektibo at mabisa. Mayroong apat na elemento na dapat isaalang-alang sa isang
organisadong pulong.

1. PAGPAPLANO (PLANNING)
a. Mga tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:

• Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?


• Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?

Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: Ito ba ay


pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga
ito upang malinaw kung sino ang dapat na anyayahan sa pulong:

b. Magkaroon nang malinaw na jayunin kung bakit dapat may pagpupulong:


• Magpaplano para sa organisasyon (Planning)
• Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mgakasapi)
• Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang
miyembro lamang)
• Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)
• Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang Gawain 0 proyekto)

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)

Sa imbitasyon (liham, text o berbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat
dumalo sa pulong: kabilang ang petsa at oras, lugar ng pulong, at agenda o mga bagay na
paguusapan na tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga partikular na
tungkulin ng mga tao sa pulong.

• Chairman/President (presiding officer) kailangang alam niya ang agenda,


kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang
mga mahihirap at kontrobersiyal na mga isyu.
• Secretary (Kalihim)kailangan niyang ihanda ang katitikan ng pulong
(minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga
ulat at kasulatan ng organisasyon.
• Mga kasapi sa pulong (miyembro)kailangang pag-aralan nila ang agenda o
mga bagay na paguusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.
a. Sa imbitasyon, dapat ipaalam at isulat ang _mga pag-uusapan/tatalakayin

• (Agenda of the Meeting)

Pagbubukas ng pulong (petsa, araw, oras at lugar ng pagpupulong)


Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong Pagtatalakay ng ibang
paksa na may kinalaman na nakaraang Pulong Pinakamahalagang pag-uusapan
lIbang paksa Pagtatapos ng pulong
b. Mga Dapat Ihanda sa Pulong
• Ihanda ang lugar, (mesa, upuan, pagkain kung kinakailangan, palikuran,
kaligtasan 0 security at iba pa)
• Ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at iba pa)
• Pag-aralan ang mga paksang na tatalakayin, kung kinakailangan.
Magtalataga ng taong mas higit na nakaaalam sa usapin.

3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)

Ang pulong ay dapat mayroong mga panuntunan/patakaran o “standard


operating procedures” kung paano ito patatakbuhin. Kabilang dito ang ilang
mahahalagang panuntunan/patakaran (rules) at ang tungkol sa mga dumalo at
pagsasagawa ng desisyon.
a. Quorum -ito ang bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat
dumalo para maging Opisyal ang pulong. Dapat ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga
inaasahang dumalo upang magkaroon ng Quorum batay sa Parliamentary Rule.

b. Consensus — isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang


nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.

c. Simpleng mayorya. — isang proseso ng pagdedesisyon na


kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-
ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
d. 2/3 majority — isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan
ang .2/3 0 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang
opisyal na pulong. Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
Sikapin ding matapos ito sa itinakdang oras. Alalahanin ang ibang kasapi ay may
iba pang mga nakatakdang gagawin.

4. PAGTATALA (RECORDING)

Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong (minutes of the


meeting). Ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na tala ng mga desisyon at
paksang pinagusapan o tinalakay sa pulong. Maaari itong balikan ng =
organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap.
Dapat hindi lamang ang kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala
rin nang hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

1. Malabong layunin sa pulong — dapat malinaw ang fayunin sa pulong,


ang may iba’t ibang paksa na pinag-uusapan at walang direksyon ay
nakawawalang gana sa mga kasapi. ,

2. Bara-bara na pulong — walang sistema ang pulong, kung ang lahat ay


gustong magsalita nang sabaysabay kaya nagkakagulo. Isaalang-alang ang “house
rules”.

3. Pagtalakay sa napakaraming bagay — hindi na nagiging epektibo ang


pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng
nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibiduwal — may mga kasama sa pulong na mahilig
umatake o pumuna sa pagkatao ng indibidwal. Nagiging personal ang talakayan,
dahil dito, nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.

5. Pag-iwas sa problema — posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga


kasama ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at
walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema na dapat
talakayin.

6.Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa ~walang ibubunga ang mga pulong


na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa't isa.

7. Masamang kapaligiran ng pulong — masyadong maingay O magulo


ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay
napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso mga nanonood,
nakikinig o - nakikisali, magkakalayo’ ang mga kinalalagyan ng mga kasamahan.
Dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ng lahat.

8. Hindi tamang oras ng pagpupulong — ang pulong ay hindi dapat


natatapat.sa alanganing oras tulad ng tanghaling tapat, sobrang gabi 0 sa oras ng
trabaho ng mga manggagawa.

Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat

Ang ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyin ay


napapabilang sa dalawang kategorya: maliit at malaking pangkat. Ano mang tiyak na
sitwasyon ang kinasasangkutan, mainam na sagutin ang sumusunod na mga katanungan
upang magabayan at matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa.
Pasalitang Pag-uulat

Pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming tao o panauhin ang


pasalitang pag-uulat. May mga ilang pagkakataon na nagsasagawa tayo ng ulat sa harap
ng klase kapag naiatas sa atin ang isang paksa. Bukod sa klase, may ilan din na
nagbibigay tayo ng pasalitang pag-uulat sa ginagawang proyekto o maging sa librong
nabasa natin. Kaya naman, napakahalaga sa pag-uulat ang kakayahan sa mabisang
pagsasalita.

Ayon kina Garcia et al. (2012), may mga salik sa mabisang pagsasalita. Ang mga
ito ay pagsasalitang nakapagpapasang-ayon, nakapagpapakilos tungo sa isang layunin.0
mithin, at/o nakapagpapabago ng isipan. Binibigyang-pansin dito ang kasalukuyan o
napapanahong kalagayan ng paksang Pag-uusapan, pananaw ang pagsasalita at intensiyon
ng nakikinig.

Gabay sa Pasalitang Pag-uulat ‘

1. Paggamit ng simple ngunit naaayong mga salita

Nauukol ito sa paggamit ng mga Salitang medaling maunawaan ng mga tagapakinig.


Hindi kailangang gumamit ng mga malalalim 0 mahirap unawaing mga salita upang
masabing matalino ang nagsasalita. Kadalasan, ang paggamit ng mga simpleng salita ay
higit na nakapag-iiwan ng kahulugan sa mga tagapakinig sapagkat higit itong nagiging
makabuluhan dahil sa kasimplehan. Tandaan lamang na sa pagpili ng gagamiting salita,
dapat bigyang-pansin ang paksa, okasyon at layunin sa pagsasalita.

2. Pagkontrol sa emosyon

'Sa pagtalakay ng anumang paksa, kailangang bigyang-pansin ang sariling emosyon at ng


iyong tagapakinig. Tandaan na maaaring mula sa iba’t ibang lahi. relihiyon, o pangkat
panlipunan ang iyong mga tagapakinig. Maaari ring magtaglay sila ng iba’t ibang
pilosopiya, persepsiyon, 0 tradisyon ukol sa lyong paksa. Ang pagkontrol sa iyong
emosyon ay maaaring maging daan sa ganap na pakikipag-unawaan sa iyong tagapakinig.
Maaari ring makaiwas Sa pagsisisi o pagkapahiya.

3. Pagiging epektibong tagapakinig

Ang pagsasalita ay kasinghalaga ng pakikinig. Upang maibigay sa tagapakinig ang


kailangan nilang kaalaman, nararapat na makinig sa kanila. Tandaang higit na maibibigay
ang kailangang impormasyon kung epektibong nakikinig.

4. Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig Kailangang matiyak ng tagapagsalita na


nauunawaan ng kaniyang mga tagapakinig ang talakay niya. Ito ay magagawa niya
kung laging kukunin ang atensiyon at interes ng kaniyang tagapakinig. Maaari niyang
tanungin ang mga tagapakinig; o kaya’'y magpatawa upang maging magaan ang
ginagawang pakikinig at higit na tumuon ang kabuluhan sa_ pinakikinggan, Mahalaga sa
isang pasalitang pag-uulat ay may maaayos na pagpaplano, masanay sa pagsasalita at
maihayag nang wasto ang mga impormasyon tungkol sa mahalagang paksa na tatalakayin.

Hakbang sa Pasalitang Pag-uulat

1. Pagpaplano
• Tiyaking ang paksa na iuulat ay tiyak limitado at hindi malawak.
• Maghanda sa mga posibleng tanong tungkol sa paksa.
• Batay sa mga naihandang mga posibleng tanong, isulat ang mga sagot sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Magiging gabay ito upang mas makita ang
kahalagahan at sakop ng paksang iuulat.
• Gumawa ng balangkas (outline) ng iyong ulat.

2. Pagsasanay ng Presentasyon
• Gamit ang inihandang balangkas(outline), muling balikan ang paksa at mga
detalye ng iuulat.
• Tiyaking wasto ang gramatika.
• Bumuo ng kagamitang biswal sa pag-uulat gaya ng powerpoint presentation.
• Tiyaking makikita o mababasa ito ng mga tao kahit nasa likod na bahagi ng
lugar ng pagdadausan ng ulat.

3. Pagpapahayag ng Ulat
• Huwag basahin ang ginawang balangkas o mga tala.
• Sundin ang gabay sa mabisang pagsasalita
• Panatilihin ang ugnayan sa iyo ng tagapakinig.
• Maghanda sa mga posibleng katanungan ng mga tagapakinig.
Video Conferencing

Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na


nagbunga ng iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video
conferencing, o ang interaksyon sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa
magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na mag kasamang video.
Nangangailangan ito ng Internet connection at computer, o ‘di kaya’y tablet o
smartphone. Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kompanyang may mga satellite
sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng mga kompanya o maging ng mga kinatawan
ng mga bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at
iba pang pinagkukunan. Nagging daluyan rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng
komunikasyon, particular sa mga open universities. Pinapadali nito ang dating mas
mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong
ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang
OFW na tinatayang 23 milyon na noong 2017 (Philippine Statistics Authority).

Ngunit ilan sa mga maaaring maging hamon sa paggamit ng video conferencing


ay ang limitadong Internet connection sa Pilipinas at mahabang antas ng karunungan sa
nabanggit na pamamaraang pangkomunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya
pagitan ng mga eksperto ay ang limitasyon nito sa pagpapakita ng tunay na tugon ng mga
kalahok.

Komunikasyon sa Social Media


Kasabay ng mabilis nap ag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming
naiimbentong platform upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay Facebook, Twitter,
Instagram, Youtube, at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng mensahe
sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga larawan, magpahayag ng
mga sentimiyento, opinion o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa.
Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng management ng mga nasabing
online platforms ang usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang mga
ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan.

Parami rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing social media
sites “A profile of Internet users in the Philippines.” Sa katunayan ayon sa Rappler, sa
taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa
prehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang
pagiging online. Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook ay
propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango
sa pangalan ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan
ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas mapabilis ang
palitan ng impormasyon, panliligaw, pagbebenta ng produkto, at iba pa.

Bukod pa sa mga nabanggit, nauuso rin ngayon ang mga dating application gaya
ng Tinder at Grinder. Ang Tinder ay isang platform na nag-uugnay sa mga taong nais
makakilala ng ibang taong maari nilang maka-date o maging kasintahan. Malimit itong
ginagamnit ng mga straight o heterosexuals, dahil ang mga homosexual naman ay mas
pinipili ang Grinder. Ipinakikita ng app na ito ang mga miyembro na malapit sa iyong
lokasyon. Binibigyan ka nila ng pagkakataong ipakita ang iyong interes sa ibang iyembro
sa pamamagitan ng pag-swipe sa pakanan, at kawalan naman ng interes sa pamamagitan
ng pag-swipe pakaliwa. Mayroon din itong feature na gaya ng sa Facebook at iba na
magagamit upang makapagpadala ng mensahe sa iba.

Bagama’t pinadadali ng social media ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa,


pinalalabnaw naman nito ang kalidad ng mga relasyon. Sa kaso ng mga dating app, kung
gaano kabilis nabubuo ang relasyon sa platform na ito, ganoon din ito kabilis natatapos.
Nagiging disposable ang mga relasyon dahil sa availability ng iba pang posibleng
partner. Isang banta rin ng paggamit ng mga nasabing social media site ay ang mga
online predator na nananamantala sa bata at hindi gaanong aral na miyembro nito. Kung
walang gabay mula sa nakatatanda, maaari ring maging sanhi ng pagkakalantad sa mga
sensitibong paksa ang mga bata sa Internet. Talamak din ang pandaraya sa pagbebenta ng
mga gamit sa social media. Naging malaking salik din ito ng pakikipag-ugnayan sa
kapuwa sa puntong nakabase ang relasyon sa mga interaksyon sa mga app na ito, gaya ng
overhsaring na malimit ginagawa upang kumalap ng simpatya sa iba imbes na iresolba
ang problema sa mas pribadong pamamaraan. Dahil na rin sa demokrastisasyon ng
impormasyon sa social media, nagging madali at talamak ang pagpapakalat ng tinatawag
na fake news o misimpormasyon, dahilan upang lalong lumaganap ang pagkakahati0hati
ng mga tao pagdating sa opinion at paniniwala.

Dahil sa kagustuhan ng mga developer ng social media sites na ito na maabot ang
mas malaking audience, nananatili ring dominante ang wikang Ingles sa Facebook,
Twitter, Innstagram, Youtube, at iba pa. ito ay sa kabila ng ilang pagtatangka na bigyan
ng option ang mga gumagamit ng mga nasabing app na isalin ang content nito sa
Filipino.

Bunsod sa mga nabanggit at iba pang mali at abusadong paggamit sa social


media. Isinabata ang Republic Act 10175, o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law of
2012. Layon ng batas na ito hadlangan at patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng
krimen sa Internet. Bilang tugon sa hamon ng nagbabagong panahon, patuloy rin ang
ginagawang pagtuturo ng literasi sa midya sa mga paaralan at unibersidad sa Pilipinas. Sa
katunayan, bahagi ng kurikulum sa Senior High School ang Media at Information
Literacy.

Iba’t Ibang mga Tiyak na Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay


nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto ng
makabagong teknolohiya sa ating wika. ang mga sumusunod ay mga sitwasyon ng
wikang Filipino sa mga sumusunod na larangan:

 SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

 Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan


dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito.

 Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood


saan mang sulok ng bansa.

 Malakas ang impluwensya ng mga programang gumagamit ng wikang Filipino sa


mga nanonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa
mga wikang rehiyonal.

 Ang madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing
maraming mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan
ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na
hindi kabilang sa Katagalugan.
 Malakas ang impluwensya ng wikang ginagamit sa telebisyon sa mga iba’t ibang
probinsya.

 SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO

 Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM.

 Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa


pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino.

 Sa mga panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag
may kinapanyam ay gumagamit sila ng Tagalog.

 Sa diyaryo naman, Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Filipino sa Tabloid.

 Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit
na naiintindihan.

 Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang
karaniwang ginagamit sa broadsheet.

 Ang mga headlines ng tabloid ay malalaki at sumisigaw na nakakapang-akit ng


mga mambabasa.

 SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

 Mas maraming banyagang pelikula ang naipalalabas sa ating bansa, ngunit ang
lokal na mga pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay
tinangkilik din.

 Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014, lima sa mga ito ang lokal na


tinatampukan din ng lokal na mga artista. Iyon nga lang Ingles ang mga pamagat
ng mga pelikulang ito.

 Hindi na matatawarang Filipino ang wika ng telebison, diyaryo at pelikula.

 SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

 Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter,


Instagram, Pinterest, Tumblr atbp.

 Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga
netizen.
 Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal
sa buhay.
 Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga
nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm)
gamit ang mga ito.

 Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit


palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.

 May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga post o komento dito.

 Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita at pahayag bago i-post dahil mas
maraming tao ang maaaring makabasa at makapagbigay reaksyon.

 Sa post o komento ay madalas makita ang edited na ang ibig sabihin ay may
binago o inayos ang post o nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang
isinulat.

 Sa internet Ingles pa rin ang pangunahing wika ng mga impormasyong nababasa,


naririnig at mapapanood.

 Ang nilalaman ng internet ay ang mga sumusunod na nakasulat sa Filipino:


impormasyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, mga akdang pampanitikan,
mga awitin, mga resipe, rebyu ng pelikulang Filipino, mga impormasyong
pangwika, video at iba’t ibang artikulo at sulatin sa mga blog.

 SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT


 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilalang
text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.

 Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating


bansa sa araw araw na dahilan upang tayong ay kilalanin bilang “Text Capital of
the World”

 Higit na popular sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura ang


mag-text mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng
nakasulat kaysa sa sabihin ito ng harapan o gamit ang telepono.

 Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses na tumatanggap ng


mensahe.

 Nabibigyan ng pagkakataon na maedit ang mensahe at mas piliin ang angkop na


pahayag o salita kaysa sa aktwal itong sabihin ng harapan o sa telepono.
 Mas madalas ang paggamit ng code switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino
sa pagpapahayag.

 Madalas din na binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas
mabilis itong mabuo.
 Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung
Ingles o Filipino ang gagamitin basta maipadala ang mensahe sa pinakamaikli,
pinakamadali at kahit paano’y naiintindihang paraan.

 SITWASYONG PANGWIKA SA FLIPTOP

 Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat


sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.

 Kung ano ang paksang sisimulan ng unang kalahok ay siyang sasagutin ng


katunggali.

 Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang


ang mga salitang binabato ay balbal at impormal.

 Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa


kalaban.

 Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking samahan na


nagsasagawa ng kompetisyon na tinatawag na “Battle League”.

 Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at


ang panalo ay dinedesisyunan ng mga hurado.

 Ito ay isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang


Ingles lalo na sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle.

 Sa ngayon maraming paaralan na ang nagsasagawa ng fliptop lalo na sa paggunita


sa Buwan ng Wika.

 Magkaroon ka naman ng balat! Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa


alamat.

 Huwag mong piliting lumipad, di ka pa marunong maglakad.

 Studyante ka pala ng Accountancy pero katangahan mo sa math ay


legendary.
 Yung rapping skills mo ay square root of negative 1, imaginary.

 Sikat na sikat ka raw pero sa aking palagay sikat ka lang kasi wanted ka sa
maraming barangay.

 "Tingnan mo naman kase yung itsura, no choice na pero chossy pa, may
pulso pa pero nangangamoy na, kase pinsan mo si aklas di ba? Cousin mo
siya, pano ko nalaman? Kase mag cousing amoy kayong dalawa!"

 "Kaya sa lupa nating tinubuan mula norte hanggang timog malayo ako
sayo, di ka pa pambato sa inyo pangdayo na ko, kaya kahit pilitin mo pa
raffy ng husto pagdikitin ang ating magkabilang mundo, mapasa ayaw
mo't sa gusto di pa sayo ang cavite matagal ng akin ang tondo".

 SITWASYONG PANGWIKA SA PICK-UP LINES

 Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang


bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.

 Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais


magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa babaeng nililigawan nito.

 Kung may mga salitang makapaglalarawan sa mga pick-up lines masasabing ito
ay nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy at masasabi ring
corny.

 Madalas na marinig sa mga kabataang magkakaibigan at nagkakaibigan.

 Nakikita din ito sa mga facebook wall, Twitter at iba pang social networking sites.

 Ang wikang ginagamit dito ay karaniwang Filipino subalit may pagkakataon na


nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang kadalasang
nagpapalitan ng mga ito.

 Kailangang ang taong nagbibigay ng pick up line ay mabilis mag-isip at


malikhain para sa ilang sandali lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang
tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.

 Are you a camera? Because every time I look at you, I smile.

 Sana ang ang Sabado at ikaw ang araw ng Linggo. Bakit? Para ikaw ang
kinabukasan ko.
 Maglaro tayo ng kahit ano, wag lang taguan. Bakit? Kasi a girl like you is
hard to find.

 Wag kang kiligin sa love life ng iba. Dahil mangyayari din yan sayo kapag
naging akin ka na!

 Multo ka aba? Kasi pag nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko eh.
 Para kang wine, habang tumatagal lalong sumasarap.

 SITWASYONG PANGWIKA SA HUGOT LINES

 Tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy o


minsa’y nakaiinis.

 Tinatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika nga ay
malikhain.

 Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na


nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood.

 May mga pagkakataon na nakagagawa rin ang isang tao ng hugot line depende sa
damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.

 Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish o pinaghalong Filipino


at Ingles ang gamit ng salita sa mga ito.

 Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. ‘wag mong hintaying may
magtulak sa kanya pabalik sayo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag
kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh.

 Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya


mahal mo ako? – Claudine Barretto, Milan (2004)

 She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo


lang ang lahat… And you chose to break my heart. – John Lloyd Cruz,
One More Chance (2007)

 I was willing to wait. Kaya lang napagod ako – napagod ang puso ko
na maghintay, magtanong, magalit. – Piolo Pascual, Starting Over
Again
 Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako…And I’m so stupid to
make the biggest mistake of falling in love with my best friend. –
Jolina Magdangal, labs Kita. Okay ka lang?

 “Gusto na kitang iwan ngayon Poy. Gustong gusto ko na. Pero hindi ko
gagawin, kasi nangako ako na kahit ang hirap mong mahalin,
mamahalin kita. Kahit na nasasaktan ako, susubukan ko pa. Kasi
nangako ako. I promised to love you even if it hurts and love you more
when it hurts.” – Bea Alonzo, A second Chance.

You might also like