You are on page 1of 2

REVIEWER FOR MIDTERM

Tanggol Wika- Isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika.
Labor Mobility- Ito ay Ideya na alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho
ng mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12.
ASEAN Integration- Ito naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa
ng organisasyon.
Tanggol Kasaysayan- Grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na
asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.
Hunyo 21, 2014- Kailan nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum.

Dr. Bienvenido Lumbera- Sino ang Pambansang Alagad ng Sining.

2015- Anong taon pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong
CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema.

Posisyong Papel -Isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang
napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba.
Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng
sumulat tungkol isang paksa.

Agosto 2014-Petsa kung kalian nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyon.

Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawar Lasalyano- Nakapaloob sa posisyong papel na


ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.

Mass Media o pangmadlang midya ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng


impormasyon at balita.
Mahalaga ang Pagtatasa,Pagtitimbang at Pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg taong
nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang
pinaguusapan.
Dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon ang konteksto ng
impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o pingmulang impormasyon.
Ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing
gabay sa interpretasyon nito .
Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-
aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham.
Ang tukoy na paksa at layon ay nakakawing sa dalawang bahagi .
Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o pagtutol sa patakaran depende
sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita.

Mga bagay na dapat isaalang alang ng isang mananaliksik


1. Kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik
2. Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon
kung saan ibabahagi ang bubuung kaalaman
3. Kailanghang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon.
Limang Hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng Pananaliksik mula sa at para sa
mga Pilipino
1. “Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
paano babasahin sa ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo.
2. “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-
portal.or ng Sweden.
3. “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass
translation projects.
4. “bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukason at ang mga programang
grdwado.
5. “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling
Pilipinas.

Ano ano ang 10 mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos?


1. Eksperimento
2. Interbyu
3. Focus Group Discussion
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa
5. Pagtatanong-tanong
6. Pakikipagkwentuhan
7. Pagdalaw-dalaw
8. Pakikipagpanuluyan
9. Pagbabahay bahay
10. Pagmamasid
Apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958)

1. Complete observer (ganap na tagamasid)


2. complete participant (ganap na kalahok)
3. observer as participant (tagamasid bilang kalahok)
4. participant observer (kalahok bilang taga masid)

You might also like