You are on page 1of 6

Inihanda ni;

Bb. MARIE FE M. UICHANGCO


FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN

 Sa pagpapatupad ng K-12 inilabas ng CHED ang CHED Memorandum Order (CMO)


No. 03, series of 2013.

 Abril 2015, bunsod ng petisyon ng Tanggol Wika ay naglabas ng Temporary


Restraining Order (TRO)

 Abril 2018 inilabas ng CHED ang CMO No. 04, series of 2018 upang ipatupad ang
nasabing resolusyon ng Korte Suprema.

 FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

 Isinaad sa Artikulo XIV kontitusyong 1987 ang legal na batayan ng konsepto ng


Filipino bilang wikang pambasa.

 Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa Konstitusyon na primus inter pares o


nangunguna sa lahat ng magkakapantay.

 Ipinaliwanag ni Almario 2014, sa kanyang inilabas na pulyeto na “Madalas Itanong sa


Wikang Pambansa na inilabas ng (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
wikang pambansa.

 Ayon sa “Linguistic Atlas ng Filipinas (KWF, 2015) may humigit kumulang 149 na
buhay na wika sa bansa.

 Ibinuod ni Atienza (1994) sa artikulong “Drafting the 1987 Constitution the Politics of
Language” ang mga praktikal na kahalagahan ng Wikang Pambansa.

Ang Wikang Pambasa ay kahingian sa pagkintal ng nasyonalismo.

1. Pagbubuo ng Pambansang Pagkakaisa

2. Pagbubundos ng pambansang paglaya

3. Pagtataguyod ng demokrasya

4. Partisipasyon ng sambayan sa proseso ng pagbubuo ng pagpapaunlad sa bansa.

FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT/NG PANANALIKSIK

 Praktikal ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang panturo.

 Kung naiintindihan ng mga Pilipino ang mga programang primetime na popular sa


buong bansa, tiyak na kayang-kaya rin nilang gamitin ang Filipino bilang wika ng
pagkatuto at intelekwal na diskurso.

 Filipino ang wika ng 99% ng populasyon ng bansa, habang wala pang 1% ang
gumagamit sa Ingles bilang wika sa tahanan

 Ayon Gimenez Maceda (1997) ang wikang pambansa ang wikang higit na
makapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino.
 Kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong
diskurso ay makakapagpalawak sa kaalaman at makapag-aalis ng agwat na
namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.

 Batay naman kay Constantino (2015), ‘ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya.,

 Globalisasyon isang sistema ng malayang kalakalan o free trade.

 Homogenisasyon (ang paglamon ng kulturang Kanluranin sa lokal na kultural, ang


wika ng bayan, ang sariling atin).

 Ang Filipino ay wika ng ating pagkatao at ng ating kaluluwa.

Ang Wika at Panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at


kasaysayan.Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at kabatirang natamo sa
ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng dayuhan.
Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa
tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay hindi naisusuko nang
gayon-gayon lamang

-Lumbera-

 Sa pangkalahatan, mahalagang bahagi ng makabayang edukasyon ang pag-aaral


ng sariling wika at panitikan.

________________________________________________________________________
_

REBYU SA MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

 Mga BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

 Ayon kay Neuman ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa


mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.

 Mapabubuti ang pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang imbensyon.

 Malaki rin ang pakinabangan ng isang mananaliksik sa kaniyang isinasagawang pag-


aaral.

MGA KASANAYAN SA PANANALIKSIK

 Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t ibang yugto at proseso.

 Pagbasa

 Pagsulat

 PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK

 Paano natin makikita ang halaga ng isang pananaliksik?

 Isang malaking hamon sa isang Pilipinong Iskolar at Mananaliksik ang pagbuo ng


kalinangan sa pananaliksik.
KATANGIAN ng maka-pilipinong mananaliksik ni sicat-de laza (2016)

1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng Wikang Filipino at/o mga


katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at
isip ng mga mamamayan.

2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng


paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik

BATAYAN sa wastong pamimili at paglilimita ng paksa

1. May sapat bang sanggunian na batayan ang napiling paksa?

2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?

3. Makapag-ambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa?

4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?

 Pagpili ng batis ng impormasyon

 Kinakailangan ang iba’t ibang datos at impormasyon gaya ng estadistika, ilustrasyon,


pinara-phrase na impormasyon at mga tiyak na sipi sa pagbuo ng pananaliksik.

 Gabay kung paano namimili ng sanggunian ang isang mananaliksik

1. Tiyaking ito ay akademikong sangunian.

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian

3. Alamin kung ito ay primarya o sekondaryang sanggunian.

 PAGBABASA, PAGSULAT ng paraphrase, abstrak, at rebyu

 Ang kritikal na pagbabasa ay mahalagang kasanayan sa pananaliksik.

 Pagsulat ng parapreys

 Abstrak

 Rebyu

 Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa


ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa.

 Bakit mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik?

 Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000), Pamabansang Alagad ng Sining sa Panitikan,


mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging daluyan ng
mga aspirasyon at pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil
mas katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.
 Ang ABSTRAK naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis o kaya ay tala ng isang
komperensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan.
Nakakatulong ito upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag
ng pananaliksik, kabilang ang mga layunin t kinalabasan nito.

 Ang REBYU naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin
ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.

 PRESENTASYON AT PUBLIKASYON NG PANANALIKSIK

 Hindi sa mismong pagsulat natatapos ang proseso ng pananaliksik.

 Kasing -halaga ng pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi nito.

 Ayon kay Neal-barnett ang susi sa tagumpay ng pagkalathala ng isang pananaliksik


ay pagkakaroon ng dakilang bisyon o layunin.

 “Without Vision, the People will Perish”

AKADEMIKONG PUBLIKASYON

 Ang akademikong publikasyon ay tumutukoy sa paglalathala ng buod ng


pananaliksik, pinaikling bersiyon, o isang bahagi sa pahayagan o pamahayagan
pangkampus

 Conference Proceeding

 Monograph

 Aklat

 Refereed Research Journal.

 Peer Review isang proseso kung saan ang manuskrito o artikulo ay dumaraan sa
screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag sa mga journal.

 Tinatayang may 80,000 hanggang 100,000 journal sa buong mundo.

 May sistemang citation index ang mga Refereed Journal.

 Institute for Scientific Information (ISI)

 12,000 na journal at Scopus na may higit 16,500 journal.

 International Citation-indexed journal- kadalasang binabatay ang sosyo-ekonomikong


istatus ng isang bansa.

 Ayon kay Emerlinda Roman (2007), dating presidente ng UP, relatibong mahina pa
ang produksiyon ng mga refereed research journal sa mga lokal na universidad.

 Newcombe kailangan alamin din ang ilang batayang impormasyon tungkol sa


journal, lalong-lalo na ang politikal at teoretikal na pagkiling nito. Malaki ang
maitutulong kung magbabasa ng mga back isuue o mga nailathala nang pananaliksik
sa target na journal.
PRESENTASYON NG PANANALIKSIK

 Isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang presentasyon nito.

 Higit na dapat pang linangin ay ang pagpapalitan ng kaalaman.

 Mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip

 “Pampublikong Ispero” na ideya ni Habermas

You might also like