You are on page 1of 15

“Ang pagtatasa sa mga larong pinoy upang labanan ang academic stress ng

Grade 12 Thomas A”

Isang Konseptong Papel


Na Iniharap sa
Mga kaguruan ng Kagawaran ng Filipino
Senior High School Department
Pamantasan ng Xavier – Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Bahaging Katuparan


Sa mga pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 102
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nina:
Juneil C. Suarez
Flurneylle L. Tolleno
Faisah Taurac
Reiner Aaron M. Yap

April 2021
I. KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Ang papel na ito ay nagnanais na masuri kung mainam ba na gamitin ang mga
larong pinoy bilang isang aktibidades sa mga estudyante ng Grade 11 Secchi
A upang maibsan ang academic stress.

II. MGA PRELIMINARYONG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ang stress ay isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng
kahirapan, pagkabahala, labis na kapaguran at kawalan ng pagasa. Itinuturing ang
“Stress” bilang isa sa mga problema ng karaniwang tao. Ito ay nasa ikatlong pwesto
kasunod ang kamatayan (death) at buwis (tax) na nasa una at ikalawang pwesto.
(Bernstein, et al, 2008) Ito ay dulot ng isang matinding suliranin na dumating o
maaaring dumating sa buhay ng isang tao. Ito ay may iba’t ibang anyo depende sa
sitwasyon o pangyayari. Maaaring magmula ang stress sa mga problemang
pinansyal, di pagkakasundo sa pamilya at trabaho, mababang sahod, aksidente,
pagiging biktima ng karahasan o iba pang trauma, interaksyon sa kapwa (social
interaction) at iba pa. Ang stress ay nakakaapekto sa kahit na sino, mapabata man o
matanda, isa sa pinaka naaapektuhan nito ay ang mga estudyante.
Ang bawat mga mag-aaral ay nagdaranas ng isang malaking suliranin sa
kanilang pagaaral. Sila ay humaharap sa stress na nakukuha sa paaralan na
tinatawag na “Academic Stress”. Ito ay isang “mental distress” kung saan ay may
kinalaman ito sa mga gawaing pang eskwelahan na lubhang nakakapagdulot ng
kahirapan o kapaguran sa mga estudyante. Ito ay mga problema na kanilang
kinakaharap kaugnay sa mga gawaing pampaaralan na sadyang hindi maiiwasan.
Ayon kina Baltazar et al. (2010), karaniwang problema sa kolehiyo at hayskul ay
ang grado, pag-uulat, ang kanilang class standing sa klase, atbp. Dahil sa lubos
na stress na nararanasan ng mga estudyante, ito ay nakakaapekto sa
kanilang akademikong performance sa eskuwelahan.
Sila ay nawawalan ng pokus sa pag-aaral dulot ng lubos na stress na
nararanasan at ito ay ang pagkapuyat, pagkapagod, kalungkutan at iba pa. Mga
halimbawa nito ay ang pagkuha ng eksaminasyon (school examination), pagsagot
sa mga tanong ng guro (oral recitation), pagpapakita ng progreso ng pag-aaral sa
iba’t ibang asignatura sa paaralan, pagintindi sa mga leksyon, kompetisyon sa mga
kamag-aral at pagtupad o pagkuha ng matataas na grado base sa ekspektasyon ng
guro at magulang.
Ang mga pangangailangang ito ay maaaring labis sa kakayahan ng isang
pangkaraniwang estudyante at ang pagkalabis nito ay nagreresulta sa “Academic
Stress” o pagkapagod buhat sa pagtupad ng mga inaasahang gawain kaugnay ng
pagaaral. Ito ay sumasalamin sa persepsyon ng isang indibidwal na may
akademikong pagkabigo (Academic Frustration), akademikong problema (Academic
Conflict), akademikong kagipitan (Academic Pressure) at akademikong pagkabalisa
(Academic Anxiety). Ang Academic Frustration ay bunga ng maling gawi o pagtugon
sa mga academic goals o layunin sa isang sitwasyon. Ang pagsailalim sa mabigat
na pangangailangan ng oras at lakas upang matugunan ang mga layunin at gawain
ay nakakapagdulot ng Academic Pressure sa mga ito. At ang panghuli ay ang
Academic Anxiety nakungsaan ang bawat magaaral ay nakararanas ng matinding
pagkabalisa dulot ng paggawa ng mga layunin.
Sa kabilang dako, ayon kina Bressan & Merwe (1992) traditional games are
those games within a society that people have played for many years, because
participation gives them a chance to practice something that has meaning within
their society. Kaya napag desisyonan ng mga tagapagsaliksik na gamitin ang mga
larong naging parte ng tradisyong pinoy dahil ayon kay Lopa (2019) the best benefit
that contributes while playing sports for a teen is that it burst or reduce pressure and
stress. It maintains a healthy mood swing with pleasant emotion. Nakungsaan ay
mainam nitong ipinapaliwanag ang mga benepisyng dala sa paglalaro. Ang
Tradisyonal na laro ay tumutulong sa panlipunan, emosyonal na katatagan, mental
na pag-aaral at pisikal na kakayahan ng mga batang Pilipino. Na syang
pinapatunayan ng pahayag na “Filipinos really love playing games and this is
observed true”. Barbosa (2003).
Dagdag naman ni Prestoza (2020) the importance of Laro ng lahi can be
classified according to its benefit in terms of health, culture, social aspiration, and
values. Laro ng Lahi can be preserved employing continuous engagement in the
respective houses and classroom integration by considering the use of native
materials. Dagdag pa ni Campaner (2016) mahalaga ang ginagampanan ng isports
sa ating pang araw-araw na buhay, lalo na sa mga oras ng pagkabagot at
kalungkutan, dahil maliban sa nakalilibang ito, ang isports rin ay isang mabisang
pang tanggal ng stress at nakakatulong sa pagkakaroon ng malusog at malakas na
pangangatawan ng isang tao. Sinisuportahan naman ito sa pamamagitan ng
pahayag ni Asuncion (2019) na “traditional games are seen as the best platform for
“promoting peace, harmony, goodwill and camaraderie””. Dahil ang henerasyon
ngayon ay magkaiba kaysa sa dati, dahil karamihan sa mga bata ay nakatuon na sa
kanilang mga telepono, iPods, at PSP habang nakaupo sa isang sulok ngayon
habang nung dati ay naglalaro ang mga kabataan upang pawisan. Dahil ayon pa
kay Aguado (2013) Larong pinoy games are commonly played by children usually
using native materials or instruments. Kids usually come up fun ideas, inventing
games without the need of anything but the players themselves. With the flexibility of
a real human to think and act makes the game more interesting and challenging.
Nakungsaan ay, hindi na kailangan pang bumili ng mga mamahaling gamit o
manghingi ng pera upang sumaya dahil “Ang mga tradisyunal na larong Pinoy ay
sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing imahinasyon.”
LIFESTYLE (2012).
Ito ang mga dahilan na nag udyok sa mga mananaliksik upang malaman ang
mga magagandang benepisyo na maidudulot sa pagsali ng mga larong pinoy sa
paaralan upang maibsan ang academic stress sa mga estudyante na nasa seksyon
ng Grade 12 Thomas A sa Xavier University senior high school.
III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang konseptong papel na ito ay naglalayon na:

 Malaman ang benepisyong dala ng mga larong pinoy sa mga estudyante ng G-


12 Thomas A.

 Mailahad ang mga pamamaraan ng mga larong pinoy bilang isang aktibidad
upang maibsan ang stress ng bawat mag-aaral.

 Mabigyang kaalaman ang bawat mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng mga


larong pinoy.

IV. PAMAMARAAN
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman at masuri ang mga
benepisyong dala ng mga larong pinoy sa mga estudyante. Dahil dito, napag
desisyunan ng mga tagapagsaliksik na gumawa ng sarbey sa seksyon ng Grade 12
Thomas A sa Xavier University senior high school sa strand ng STEM.
Gagamit ng isang phenomenological design ang mga manunuri dahil ayon kay
Donalek (2004), “this design focuses on obtaining descriptions of the subjects’ or
respondents’ lived experiences either in writing or through interviews”, nakung saan
ay magpapalaganap ang mga tagapagsaliksik ng mga katanungan ukol sa mga
karansan ng bawat estudyante mula sa Secchi A sa kanilang mga nararamdamang
tensyon o presyon sa pag-aaral. Isasagawa ang pagaaral sa Xavier University
senior high school na lalahukan ng 30 na magaaral na manggagaling sa Grade 12
Thomas A sa strand na STEM.

V. Inaasahang Bunga
Sa pananaliksik na isasagawa ay inaasahan na mas magiging bukas ang isip ng
kapwa naming kamag-aral upang maging mas aktibo at produktibo araw-araw. Isa
pa rito ay inaasahan ng bawat mananaliksik na maiibsan ang bawat tension at
presyon ng bawat mag-aaral mula sa seksyon ng Grade 12 Thomas A sa Xavier
University senior high school. Sa mahahalagang datos na makakalap ay inaasahan
ng bawat mananaliksik na mas lubusan na maunawaan ng bawat mag-aaral ang
mabuti at masamang epekto ng akademikong tension at simulan na libangin ang
sarili sa mas malusog at aktibong aktibidades sa pamamagitan ng mga larong pinoy.
VI. MGA REPERENSIYA
Bernstein, D.A; Penner, L.A; Stewart, A.C and Roy, E.J (2008) Psychology (8th
edition). Houghton Mifflin Company Boston New York). Nakuha sa:
https://www.researchgate.net/publication/334835276_Stress_among_students_An_
emerging_issue. Na-access noong: March 4, 2021
Lopa (2019). 10 amazing benefits of playing sports for teen. Nakuha sa:
https://www.activemomsnetwork.com/benefits-of-playing-sports-for-
teen/#:~:text=The%20best%20benefit%20that%20contributes%20while%20playing
%20sports,responds%20to%20any%20kind%20of%20demand%20or%20threat..
Na-access noong: March 4, 2021
Baltazar et al. (2010). EPEKTO NG STRESS SA AKADEMIKONG
PERFORMANCENG MGA ESTUDYANTENG MEDICAL LABORATORY
SCIENCESNG NASA. Nakuha sa: https://www.coursehero.com/file/38697872/3docx/.
Na-access noong: March 4, 2021
Barbosa (2003). Why are traditional games important? Nakuha sa:
https://findanyanswer.com/why-are-traditional-games-important. Na-access noong:
March 4, 2021
Baltazar et al. (2010). Why are traditional games important? Nakuha sa:
https://findanyanswer.com/why-are-traditional-games-important. Na-access noong:
March 4, 2021
Donalek (2004). Phenomenology this design focuses on obtaining. Nakuha sa:
https://www.coursehero.com/file/p6lj25r8/Phenomenology-This-design-focuses-on-
obtaining-descriptions-of-the-subjects-or/. Na-access noong: March 4, 2021
Aguado (2013). The traditional Filipino street games are alive in the Philippines.
Nakuha sa: https://dickieaguado.wordpress.com/2013/10/03/the-traditional-filipino-
street-games-are-alive-in-in-the-philippines/. Na-access noong: April 15, 2021
Prestoza (2020). Perception of elementary school teachers on Laro ng lahi in
Quirino, Isabela. Nakuha sa:
https://sloap.org/journals/index.php/ijllc/article/view/876. Na-access noong: April 15,
2021
LIFESTYLE (2012). Sampung pinasikat na Larong Tradisyunal ng mga Pinoy.
Nakuha sa: https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/sampung-pinakasikat-na-larong-
tradisyunal-ng-mga-pinoy/. Na-access noong: April 15, 2021
Campaner (2016). BENEPISYO NG ISPORTS. Nakuha sa:
https://usepablanguage2016.wordpress.com/2016/11/18/benepisyo-sa-isports/. Na-
access noong: April 15, 2021
Asuncion (2019). The traditional Filipino games: Status check among Generation Z.
Nakuha sa:
https://www.researchgate.net/publication/336685466_THE_TRADITIONAL_FILIPIN
O_GAMES_STATUS_CHECK_AMONG_GENERATION_Z. Na-access noong:
March 15, 2021
Final scale result. Examining perceptions of academic stress and its sources among
university students: The Perception of Academic Stress Scale. Nakuha sa:
https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.1177/2055102915596714#:~:text=Majority
%20of%20students%20with%20stress,performance%20(Sohail%2C%202013). Na-
access noong: March 22, 2021

VII. MGA APENDIKS


Larawan ng Pinakapangunahing Batayan ng Pag-aaral

VIII. CURRICULUM VITAE


Ang seksyon ng Grade 11 Secchi A ay kabilang sa mga mag-aaral ng
Pamantasan ng Xavier Senior High School na kumukuha ng Science
Technology Engineering and Mathematics strand. Kabilang sa mga
estudyanteng nag-oonline class at nakakaranas ng academic stress.

KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito makikita ang mga kasagutan mula sa mga suliraning inilahad

ng mga mananaliksik. Ginamit dito ang survey questionnaire upang magkalap ng mga

datos mula sa G-12 Thomas A.

I. Malaman ang benepisyong dala ng mga larong pinoy sa mga estudyante ng

G-12 Thomas A.

Sa panahon ngayon ang Covid-19 outbreak ang naging dahilan sa

pagpapatupad ng lockdown sa buong Pilipinas. Dahil dito ang edukasyon ang isa sa

mga pinaka naapektuhan ng pandemya na kung saan ang noon ay face to face classes

ay naging online class na.

Base sa pagsusuri ni Bali (2020) “due to online classes, screen time has

increased much more than earlier. The children have to stay online for the

classes for long hours for studies. Thereafter they watch shows or play

online games for some leisure time. As they cannot go outside, their

dependence on electronic gadgets has increased manifold” na syang


nagbibigay ng patunay sa mga epektong dala ng online classes sa “physical

development” ng mga estudyante. Dahil dito ay napagdesisyunan ng mga

mananaliksik na pagtuunan ng pansin ang mga larong pinoy bilang isang

alternatibo para matukoy kung mabisa ba ito sa pagbawas ng atensyon sa

mga mag-aaral ng G-12 Thomas A sa mga masasamang epekto ng gadyets

at para malaman kung nakakapagbigay ba ito ng mga benepisyo sa kanilang

emosyonal at pisikal na kalusugan.

At base sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, walo lamang

sa kinseng mag-aaral ang sumang-ayon na sumagot sa sarbeyng inilahad at

mula sa walong kalahok na parehong nadaanan na ang paglalaro ng mga

larong pinoy ay may mabubuting epekto talaga sa paglalaro nito sakanilang

emosyonal at pisikal na kalusugan sapagkat base sa pisikal na aspeto ay pito

sa mga respondents ang sumisigla kung araw-araw silang napapawisan

kakalaro ng mga larong pinoy at isa lamang ang hindi (larawan 1.1), pito

naman sa mga kalahok ang maganda ang gising pagkatapos mag laro at (isa)

lang ang hindi (larawan 1.2).

Base naman sa emosyonal na aspeto ay walo ang sang-ayon na

Nakakatulong ang mga larong pinoy sa kanilang kalusugang pangkaisipan

(larawan 1.3) at dito pinapapatunayan ng walong mga kalahok na

nakakatulong ang mga larong ito upang mas lalo pang mapahusay ang

kanilang kaisipan at mas maging malikhain (larawan 1.4).

Sa pangkalahatan ay nakita ng mga mananaliksik na kabilang ang stress,

anxiety, at depression sa mga nababawasan sa pamamagitan ng mga larong pinoy. Sa


pamamagitan nito ay natutulungan din ang bawat mag-aaral na mabigyang sigla ang

bawat kaisipan sa pamamagitan ng pagdagdag atensyon nito sa mga bagay na

parehong nakakapagbigay saya at sigla sa bawat galaw.

(Larawan 1.1)

(Larawan 1.2)
(Larawan 1.3)

(Larawan 1.4)

II. Mailahad ang mga pamamaraan ng mga larong pinoy bilang isang aktibidad

upang maibsan ang stress ng bawat mag-aaral.

Sa layuning ito ay walo ang sumasang-ayon na nabibigyan sila nito ng

magandang tanawin sa buhay (larawan 1.5). at walo din ang nagsasabing


nagkakaroon sila ng maraming kaibigan tuwing nakakapaglaro sila (larawan

1.6). Base sa mga datos na nakalap ay nalaman ng mga mananaliksik na isa

ang mga larong pinoy sa mga paraan upang maturuan ang bawat mag-aaral

kung paano makibaka sa kapwa at magsilbi bilang koneksyon sa

pagkakaunawaan sa isa’t isa. Isa rin ito sa mga paraan na nabibigyan ang

bawat mag-aaral ng malinaw at malawak na tanawin sa buhay upang ma

promote at makapagbigay inspirasyon sa iilan na nalulugmok na sa mundo

ng gadgets.

(larawan 1.5)
(larawan 1.6)

III. Mabigyang kaalaman ang bawat mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng mga

larong pinoy.

Sa layuning ito ay nais nang mga mananaliksik na makapagbigay ng kaalaman

tungkol sa kahalagahan ng mga mga larong pinoy sa pang-araw-araw na aktibidad at

base sa datos mula sa walong kalahok na nagsasabing maipagmamalaki nila

ang larong pinoy sa mga susunod na henerasyon, (larawan 1.7) ay nagsilbi

ito bilang isa sa mga batayan ng mga mananaliksik upang masukat ang

kaalamang dala nila patungkol sa mga larong pinoy. At dahil sa mataas na

porsyentong nakuha mula sa G-12 Thomas A ay hindi maipagkakait ng mga

mananaliksik ang kapasidad na intelektuwal ng bawat mag-aaral upang

maipagmalaki ang magagandang benepisyo para sa susunod na henerasyon.

(larawan 1.7)
KABANATA 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

I. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa sa layuning maditermina ang mga benepisyong

dala ng mga larong pinoy sa mga mag-aaral ng G-12 Thomas A sa Xavier University

Ateneo de Cagayan. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib at

disenyong phenomenological na sarbey naman ang ginamit sa pangangalap ng mga

datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang kwestyoneyr na

ginamit na instrument sa pangangalap ng mga datos mula sa walong mga respondent.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2021-2022.

II. Kongklusyon
Sa kabuuan, ang mga pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay

pumapatungkol sa kabuuang aktibidades ng mga larong pinoy. Kasama sa pag-aaral

ang mga benepisyong dala nito at ang mga masasamang epekto sa bawat mag-aaral

kapag naibuod nito ang atensyon sa gadyets lamang. Tinalakay rin dito ang mga

posibilidad sa pag-aydentipika sa pagiging isang alternatibo nito upang maibsan ang

atensyon sa mga gadyets at mapunta sa mga aktibidad na siyang makakabenepisyo sa

bawat mag-aaral habang patuloy ang pandemya.

At batay sa mga nakalap na datos at impormasyon sa walong kalahok na

sumagot sa sarbey mula sa seksyon ng Grade 12 Thomas A, ang mga mananaliksik ay

humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

 Ang mga larong pinoy ay nakakatulong sa mental at pisikal na

kalusugan ng mga mag-aaral.

 Ang mga larong pinoy ay naging isang mabisang solusyon sa

bawat mag-aaral upang mabawasan ang stress, anxiety, at

depression.

 Ang mga larong pinoy ay naging isang mabisang alternatibo upang

mailayo ang atensiyon ng bawat mag-aaral sa sobrang radyason

mula sa mga gadyets.

III. Rekomendasyon
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang iminungkahi ng

mga mananaliksik sa susunod na magsasagawa ng katulad na pag-aaral hinggil sa

ibang asignatura o sa ibang lokalidad upang mahanapan ng mga posibleng solusyon

ang iba pang matutukoy na suliraning pang-edukasyon ang mga sumusunod na

rekomendasyon:

 Lawakan ang mga sasaling kalahok sa sarbey.

 Ang mga nasagutang sarbey ay dapat na e organisa sa kung saang seksyon ito

naggaling.

 Limitahan lamang ang sarbey sa mga mag-aaral mula hayskul hanggang sa

kolehiyo.

You might also like