You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

EASTERN VISAYAS STATE UNIVERSITY


TANAUAN CAMPUS
Tanauan, Leyte

Akademiko
sa
Wikang Filipino
(Ponolohiya o Palatunugan)

Ipinasa ni:
Harjan M. Bingco
BSCE – 2A

Ipinasa kay:
Gng. Eugenia C. Petro
 Ano ang Ponolohiya?
 Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa espisipikong tinig at mga
kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.

 Ano ang Ponema?


 Ang ponema ang pinakamaliit nay unit ng tunog na nagpapaiba ng kahuugan.

 Ano ang Ponemang Segmental?


 Ang ponemang segmental ay nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag
nawawala ang isang ponema o nadaragdagan ito.
 Tinatalakay dito ang mga katinig, mga patinig, diptonggo, klaster, pares
minimal at ponemang malayang nagpapalitan.

 Ano ang Ponemang Suprasegmental?


 Ang ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o
intonasyon (pitch), at hinto at antala (juncture).

 Ano ang dalawang uri ng Ponema?


 Ang dalawang uri ng ponema ay Ponemang Segmental at Ponemang
Suprasegmental.

 Ibigay ang mga ponemang katinig ng Filipino.


 1. Punto ng Artikulasyon- inilalarawan sa limang (5) punto ng artikulasyon
kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa
papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. (Santiago at Tiangco,
1991).
 Panlabi – ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas. /p, b, m/
 Panggipin – ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng ng mga ngiping
itaas. /t, d, n/
 Panggilagid – ang ibaba ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa
punong gilagid. /s, l, r/
 Pangalangala
 Matigas (Palatal) – dumidikit sa matigas na bahagi ng ngalala
ang ibabaw ng punog dila. /y/
 Malambot (Velar) – dumidikit sa malambot na bahagi ng
ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /k, g, ng/
 Glottal – naglalapit ang kuwerdas ng pantinig at hinaharang ang
presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot
na tunog.

 2. Paraan ng Artikulasyon – inilalarawan kung paano gumagana ang


ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita.
 Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, ?, d, d, g/
 Pailong – ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulong dila sa itaas ng ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba
ng malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas.
/m, n, ng/
 Pasutsot – ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan
ng dila at ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig. /s, h/
 Paligid – ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang
dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid. / l/
 Pakatal – ang ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinabayaang
lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na paglapag sa dulo ng
maarkong dila. /r/
 Malapatinig – nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o
dila patungo sa ibang posisyon. /w, y/

PARAAN NG Labi Ngipin Gilagid Ngala – Ngala Lalamunan Glottal


ARTIKULASYON (Palatal) (Velar)
Pasara (Stop)
- walang P t k ‘
tinig
- may tinig b d g
Pailong (Nasal) ng
- may tinig m n
Pasutsot
(Fricative)
- walang s h
tinig
Pagilid (Lateral)
- may tinig
l
Pakatal (Trill)
- May tinig r
Malapatinig -
may tinig w y

 Ano ang Glottal?


 Ang glottal ay naglalapit ang kuwerdas ng pantinig at hinaharang ang presyon
ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog.

You might also like