Professional Documents
Culture Documents
…sa Edukasyon
Higit sa lahat mahalaga ang pananaliksik sa larangan ng edukasyon.
Mahalagang makapagtatag ng matibay na pundasyon ng karunungan sa isip ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamamaraang lalong
makapagpapaunawa sa mga mag-aaaral ng kanilang lektura. Ang inobasyon sa
pasilidad at kagamitang panturo ay nakasalalay din sa gagawing pagtuklas sa
pananaliksik ng mga implikasyon nito sa larangang akademiko.
…sa Politika
Dito higit na kailangan ng maingat na pag-aaral at pag-iimbestiga. Sa larangan
ito ay walang hanggan ang pagtuklas ng mga kaparaan sa pagpapatatag ng ekonomiya
at kalagayang pampulitika sa bansa. Sa pananaw kasi ng mga ekonomista, ang
pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at maaaring maging daan sa pagsasaayos ng
kalagayang pampulitika ng bansa.
Sa kalagayang higit isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa
bansa, Malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na
makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng etnolinggwistikong grupo. Malaki ang
pangangailangang tupdin ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang
isang wikang Pambansa, salig sa mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipinas.