You are on page 1of 25

Republika ng Pilipinas

Commission on Higher Education


BENGUET STATE UNIVERSITY
College of Arts and Sciences
KAGAWARAN NG HUMANIDADES
PAARALANG GRADWADO

PILIT AT PINIPILIT: KARANASAN NG MGA MAG-AARAL SA


PAGSASALITA NG FILIPINO

INIHARAP SA FAKULTI NG PAARALANG GRADWADO


NG BENGUET STATE UNIVERSITY, LA TRINIDAD
BENGUET BILANG BAHAGI NG KAHILINGAN
SA ASIGNATURANG
QUALITATIVE RESEARCH

Nina:

JOSE V. VALDEZ
GENELYN B. VILORIA
AUREA C. AROCO
MARTIN T. WAPAN

Oktubre 19, 2019


ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pagtukoy sa karanasan ng mga

mag-aaral sa Filipino sa pagsasalita ng Filipino. Ispesikong siniyasat ng

mananaliksik ang tingin ng mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino.

Batay sa mga nakalap na mga impormasyon na dumaan sa pagsusuri at

pagpapakahulugan ng mananaliksik ay natuklasan na ang tingin ng mag-aaral sa

pagsasalita ng Filipino ay isang 3k na Hamon. Katatasang Hamon,

Kalagayan/Situwasyunal na Hamon, at Kakulangang Hamon.

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Sa paglaki ng isang tao, lumalawak ang kanyang kasanayan sa

masalimuot na mga gawaing pangkomunikasyon. May malaking bahagi ang mga

gawaing ito sa pag-unlad ng kanyang katauhan sa pagkamit ng mga hangarin at

adhikain sa buhay. Kung ano siya sa kasalukuyan, kagagawan ito ng

komunikasyon dahil naisalin sa kanya ang kasanayan o kahusayan, pag-uugali

at paniniwala sa tulong ng proseso ng edukasyon. Ang pag-aangat niya sa

kanyang sarili ay sa pakikisalamuha niya sa kapwa sa kakayahan niyang

makinig, manood, magsalita, bumasa at sumulat nang epektibo at buong galing

(Constantino, 1997).

Ang pakikipagkomunikasyon ay kailangan sa pakikipag-unawaan at

pakikisalamuha sa lahat ng larangan ng buhay. Nakikipagkomunikasyon ang tao

sa kapwa sa pagbibigay ng mensahe.

Ang komunikasyon ay pakikipag-ugnayan ng mga tao sa ibang tao. Kapag

gusto nilang makisalamuha sa iba, sinisikap nilang gawin ang pakikiisa upang

makibahagi sa kanilang kaalaman, ideya o saloobin. Ayon naman sa mga ibang

manunulat, ang komunikasyon ay isang siklong binubuo ng tatlong elemento –

ang tagahatid o nagbibigay ng mensahe, mensahe at ang tagatanggap ng

mensahe (Garcia et al 2008). Ang komunikasyon ay isang pamamaraan ng


paghahatid at pagpapalitan ng impormasyon. Nagkakaroon ng komunikasyon sa

pamamagitan ng iba’t ibang paraan na may kaugnayan sa ating buhay (Lachica,

2006). Ayon kay Agree (sa aklat ni Garcia, 2008), ang komunikasyon ay paraan

ng pagbibigay o paghahatid ng impormasyon, ideya o kaasalan mula sa isang

tao tungo sa kanyang kapwa. Sinabi naman ni Dean (sa aklat ni Garcia 2008),

na ang komunikasyon ay isang proseso ng paghahatid ng iba-ibang konseptong

pangkaisipan at pang-emosyunal na nagmumula sa isang tao tungo sa iba sa

pamamagitan ng simbolo.

Ang wika ay midyum ng pakikipagkomunikasyon sapagkat ito’y

maituturing na tagapagdala ng ideya. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng

kaisipan, ideya, kuru-kuro, saloobin at damdamin kaya ang mabisang

pakikipagkomunikasyon ay sadyang mahalaga para sa lahat. Ang panahon ay

binabago ng oras at ang kaalaman sa mabisang pakikipagkomunikasyon ay

nararapat lamang na sumulong upang higit na maging epektibong maiparating

at maipaunawa sa ating kapwa ang ating kaisipan at ideya (Miguel, 2012).

Ginagamit din ang wika upang ipaabot ang kaisipan, damdamin at mga

hangarin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Sa pamamagitan ng wika

nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang

pulutong ng mga tao (Palazo et al, 2012). Sa aklat naman ni Resuma (2002),

ang wika ay kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at

episyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan.

Ang wika ay daan upang makisali at makibahagi ang tao sa gawain ng

lipunan upang matamo ang kanyang pangangailangan (Binaysan, 2014). Wika

ang pangunahing instrumento ng pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang

kapaligiran. Sadyang mahalaga ang wika sa pamumuhay ng tao. Wika rin ang

pangunahing kasangkapan ng tao tungo sa kanyang pagsulong at pag-unlad,

pangkabuhayan, panlipunan o pangkalinangan (Papa, 2006). Kailangang

maiangkop ang wikang Filipino sa panahong ito ng globalisasyon at makabagong

pamumuhay upang makaagapay sa modernisasyon.


Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa larangan ng

edukasyon. Ayon kina Cruz (2010), dahil sa wika nagiging mas mabilis at

malaganap ang paglinang ng kaalaman; lumalawak ang mga pinaghahanguan;

nagiging mabisa at pangmatagalan ang kaalaman; at nagkakaroon ng malaman

at maanyong karunungan. Sa madaling sabi, ito ang nagsisilbing pangunahing

instrumento upang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga kinakailangan nilang

matutuhan.

Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Kung

mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit

kailan at saan man magpunta. Hindi ito dapat ikahiya. Sabi ng marami na ang

Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang

Ingles ang pangunahing lingguwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan

man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong

mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo

sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa

kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning

Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay

higit pa sa hayop at malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong

puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang Filipino

sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang

maipagmamalaki ang mga Pilipino.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit

upang maiparating ang mga saloobin, ideya at damdamin ng isang tao. Hindi

lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito

upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon

at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at

pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at

higit lalo na sa bansa.


Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o

pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang

pagpapaliwanag ng guro ng mga aralin habang nakikinig ang mga estudyante at

pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung saan ang

guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang

pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang

transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o sa mga nagtatanong upang

magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan. Sa

tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente silang

kakausapin, ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang

pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw.

Marami ring nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating

sa pang-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles.

Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat

dito, nanatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang nangingibabaw

ay wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng

Filipino at Ingles.

Bagama’t hindi na madalas tinatangkilik ng karamihan lalo na sa mga

mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa masasamang ideya, at kuro-

kuro na namuno sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na

dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na magdesisyon

kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa ganitong bagay dahil tayo

lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. Dapat

malaman ng lahat lalo na sa mga Millenials na ang wikang Filipino ay

sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, at kung anong mayroon sila.

Kung mahalaga talaga ang Wikang Filipino, gagamitin natin ito kahit kailan at

saan man tayo magpunta. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng

isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at


pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o

uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa.

Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong

Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika

sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang

ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang

Ingles.

Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga

asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong

baitang ng paaralang primarya. Bukod pa rito, iniaatas ding gawing Ingles ang

pangunahing wikang-panturo sa paaralang sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210

na hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang oras ng pag-aaral sa

loob ng silid-aralan ang ilalaan sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles. Inilabas

din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36 noong Agosto 22, 2006

upang maipatupad ang nasabing utos.

Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang

pagpapatupad ng dalawang kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng

mga grupong nagsusulong sa wikang Filipino, sa pangunguna ng Wika ng

Kultura at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang

kautusan. Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV

Section 6 ng Saligang Batas, na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang

pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino

bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa

sistemang pang-edukasyon.”

Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang

paggamit ng wikang Ingles sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na

galing sa mahihirap na pamilya. Bunsod ng kahirapan, hindi sila nakakapag-aral

sa mga pribadong paaralan na kung saan higit na ginagamit ang Ingles bilang
wikang-panturo. Nahihirapan silang sumabay sa talakayan sa silid-aralan kapag

Ingles na ang midyum ng pagtuturo.

Ilang mahahalagang batas at kautusang may kinalaman sa pagtatadhana

sa wikang Filipino bilang wika ng pagtuturo. Unang-una dito ang tadhana ng

1987 Konstitusyon na makikita sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-9 na nagsasabing:

Sek.6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang

nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa

Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na

maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang

pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino

bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa

sistemang pang-edukasyon.

Sek.7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga

opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana

ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga

rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon.

Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabik.

Sek.8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at

dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik, at Kastila.

Sek.9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang

pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga

disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik

sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,

pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Batay sa mandatong ito ng Konstitusyon, malinaw nitong isinasaad na sa

larang ng pagtuturo, ang Filipino ay wikang opisyal at dapat itong ibunsod at

puspusang gamitin sa sistemang pang-edukasyon. Binibigyan tayo nito ng


dahilan na ang ating pagpupursiging gamitin ang Filipino para sa pagtuturo ng

mga asignaturang pangkompiyuter ay legal o de jure.

Sang-ayon sa atas na ito ng Konstitusyon, ilang mahahalagang kautusan

kaugnay sa Filipino ang inilabas tulad ng DECS Order No.54, s.1987

(Implementing Guidelines for the 1987 Policy on Bilingual Education) na may

tunguhin para sa modernisasyon, kultibasyon, at intelektuwalisasyon ng Filipino;

at ng DECS Order 54, s. 1987 na nagsasaad na pananatilihin ang Ingles bilang

di-eksklusibong wika ng siyensiya at teknolohiya (nasa Kartilya ng Wikang

Filipino bilang Wika ng Edukasyon, 2004, p.7).

Ipinakikita ng mga ito na may matitibay na batayan na isulong “natin” ang

paggamit ng Filipino sa ating mga larangan. Ang tunguhing ito ng pamahalaan sa

pamamagitan ng Komisyon ay hindi simpleng adbokasiya ng mga bantay-wika at

nagmamahal sa Filipino, kundi isang pangmalakihang plano ng gobyerno na

kailangan nating isulong.

Samantala, pinatutunayan ng mga pag-aaral na nagsuri sa karanasan ng

iba’t ibang mga propesor na gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng kanilang mga

kurso na mabisa ang Filipino upang matuto ang mga estudyante. Sa UP

Integrated School, napatunayan na mas epektibo ang paggamit ng Filipino sa

pagtuturo ng Pisika (Eusebio 2007, p. 102). Sa isinagawang Student’s

Assessment and Teaching Effectiveness sa naturang gawain, lumabas na

malinaw ang pagpapahayag at pagpapaliwanag sa mga paksa, gamit ang

Filipino. Napatunayan din ni Sevilla (2011) na mahusay gamitin ang Filipino sa

pagtuturo ng Kemistri sa kaniyang mga klase sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Gayundin, sa Dela Salle University, sinubukang ituro ang Matematika ng

Pamumuhunan at Pangkolehiyong Algebra sa Filipino. Lumabas dito na mas

naihahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga kuro-kuro sa wikang Filipino.

Naging masigla din ang talakayan sa klase sapagkat naging malaya ang

pagtatanong at pagpapahayag ng mga mag-aaral (Soriano 2010, m.p.237-238).

Nagsagawa rin ng katulad na estratehiya ang Kolehiyo ng Inhenyeriya sa


Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga pangunahing asignatura sa inhenyeriya ay

itinuro sa Filipino at lumabas dito na mas naiintindihan at nabibigyang-halaga ng

mga mag-aaral ang pagpapaliwanag sa Filipino (Seva, 2007, p. 247). Lahat ng

mga ito ay nagpapakita ng higit na mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa kuwalitatibong pananaliksik ni Taeza (2012) ay sinubok niyang alamin

ang suliranin na kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng Filipino.

Lumabas sa pag-aaral at batay sa mga nakalap at nabigyang interpretasyong

mga datos, narito ang tatlong pangunahing konklusyong natuklasan ng mga

mananaliksik:

Una; ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga Kalinga sa

pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit-palit ng ilan sa mga tunog na

wala sa Kalinga na nagagamit sa wikang Filipino. Natukoy din bilang isa sa mga

suliranin ay ang pagdala ng mga Kaling sa intonasyon, diin at tono ng kanilang

unang wika sa pagsasalita ng Filipino.

Pangalawa; ang epekto na hatid ng mga suliraning nabanggit ay ang

pagkawala nila ng interes na pag-aralan ang wikang Filipino. Isang epekto din ay

ang hindi nila gaanong pagsasalita sa silid-aralan dahil sa takot silang

magkamali at mapagtawanan ng mga kaklase.

Pangatlo; sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral, naniniwala ang

nakakarami sa respondent na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng

Palatunugan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng mga Kalinga. Isang

solusyon din ay ang pagpapaigting ng binibigay na motibasyon ng guro sa

kanyang mga mag-aaral upang patuloy na pag-aralan ang wikang Filipino nang

sa ganitong paraan ay hindi mawala ang interes ng mga bata.

Inaasahan, kung gayon, na sa pagkakaalam sa mga batas at kautusang

ito, at sa pagpapatunay ng mga karanasang sinuri sa mga pag-aaral, malilinaw

sa ating isipan ang matibay na rasyonal sa tunguhin para sa intelektuwalisasyon

ng Filipino sa iba’t ibang dominyo kasama ang araling kompiyuter. Ang

pananaliksik na ito samakatwid ay naglalayong alamin at ilarawan ang


karanasan ng mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino. Layunin nitong mabigyan ng

kahulugan ang karanasan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa

pagsasalita ng Filipino sa iba’t ibang aspekto ng komunikasyon sa loob at labas

ng paaralan.

Paglalahad ng Suliranin

Nilayon ng pananaliksik na ito na alamin ang mga karanasan ng mga

mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino.

Hinangad din nitong sagutin ang katanungang:

1. Ano ang tingin ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino?

KABANATA II

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang karanasan

ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino kaya naman ang kuwalitatibong

metodo ng penomenolohiya ay ang siyang ginamit sa pag-aaral na ito dahil

nilalayon nitong maunawaan at bigyang kahulugan ang impormasyon at

damdamin na nagbibigay ng pang-araw-araw na pagkilos ng mga taong

apektado at kung paano ito nakakaapekto sa kanila lalo na ang mga karanasan

na ibinigay sa pagsasalita sa Filipino. Ang penomenolohiya ayon kay Husseri

(1970) na binanggit nina Wojnar at Swanson (2007) ay isang sistematikong

paraan ng pagsasaliksik na nakaugat sa palagay na binubuo ng mga bagay at

mga pangyayari ang katotohanan. Ipinapalagay din na batay sa karanasan at

pang-unawa ng ating kamalayan bilang tao ang katotohanan at walang

katotohanan kung hindi ito nakaugnay sa kamalayan. Ayon naman kay Smith

(2000) ang penomenolohiya ay ang pag-aaral ng kamalayan na naranasan mula

sa unang-taong pananaw.
Bilang metodong pampananaliksik, ang penomenolohiya ay may dulog na

naturalistiko na ginamit ng mananaliksik upang makuha ang “lived experience”

ng mga kalahok sa pag-aaral (Munhall and Olier, 1986). Kahit na mayroon pang

mga ilang pag-aaral kaugnay ng kasanayan sa pagsasalita ng wika ay iilan pa

lamang ang mga pag-aaral kaugnay ng karanasan naman sa pagsasalita ng

Filipino ng mag-aaral.

Kasangkot ng Pananaliksik

Ang mga kasangkot sa pag-aaral ay sinadyang piliin ng mga

mananaliksik. Ito ay binubuo ng ang labing-apat na piling mag-aaral mula sa

Ikalabing-isang Baitang at Ikalabindalawang Baitang ng Tadian School of Arts

and Trade, Tadian, Mountain Province. Ang mga respondente ay kusang

tumugon sa kahilingan ng mga mananaliksik na sila ay makapanayam.

Kagamitan sa Pananaliksik

Interview guide o gabay sa pakikipanayam ay ang pangunahing

kagamitan sa paglikom ng mga kinakailangang datos. Ito ay listahan ng mga

tanong na kailangang mabigyang-tugon ng mga respondente sa pamamagitan

ng malinaw na pagtatanong ng mga mananaliksik. Naging pokus ng mga tanong

ang mga paksang may kaugnayan sa mga karanasan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan, gayon din ang mga paraang

ginawa nila upang masolusyunan ang mga hamon at mga problemang kinaharap

sa pagsasalita sa Filipino. Kabilang din sa mga ginamit ang rekorder. Ayon kay

Fox (2009), sa pakikipanayam mas mainam na gumamit ng rekorder kaysa sa

papel at bolpen upang mas mabigyang-tuon ang lahat ng sasabihin ng

kakapanayamin. Nakatulong ito para mairekord ang pag-uusap ng mga

mananaliksik at mga respondente.


Paraan ng Pangangalap ng Datos

Pakikipanayam ang ginamit sa pangangalap ng datos dahil ayon kay Fox

(2009), ang pakikipanayam ay isang mabisang teknik kaakibat nito ang berbal na

komunikasyon sa pagitan ng mananaliksik at respondente. Ginamit din ang

talatanungan ng mga mananaliksik bilang gabay sa pagtatanong sa mga

respondente. Ayon kay Phellas et.al (2011), ang talatanungan ay mabisang

gamitin sa pangangalap ng datos kung kailangan ng mga respondente ng oras

sa pangangalap ng impormasyon at kung may nais silang ibang ikonsidera.

May mga hakbang na sinunod ang pag-aaral na ito. Una ay ang pagbuo

ng mga gabay na tanong alinsunod kina Montera at Perez (2012) na nagsabing

bago makipanayam maghanda ng balangkas o mga gabay na tanong na sinang-

ayunan nina Arogante et.al. (1983). Pangalawa, ang pagbibigay ng liham sa

Punong Guro ng Tadian School of Arts and Trades para pahintulutan ang mga

mananaliksik na makipanayam sa mga napiling mag-aaral bilang respondente.

Pangatlo ay ang personal na pakikipag-usap sa mga respondente upang

pahintulutan at makipagtakda ng oras upang sila’y makapanayam ng mga

mananaliksik. Pang-apat, ang isahang pakikipanayam sa mga respondente

gamit ang wika kung saan sila komportabe. Isa-isang kinapanayam ang mga

mag-aaral dahil ayon kay Fox (2009), dapat maiwasang maimpluwensyahan ang

kasagutan ng mga respondente at may ilan ding pagkakataon na maaaring ayaw

ng mga respondenteng may makaalam sa kanilang karanasan. Umikot ang

pakikipanayam sa mga katanungang nakasulat sa interview guide o gabay sa

pakikipanayam ngunit kung kinakailangan ng paglilinaw at karagdagang

impormasyon ay malayang magtatanong ang mga mananaliksik. Ang

pakikipanayam sa bawat respondente ay tumagal ng mahigit-kumulang sa

apatnapu’t limang minuto. Pagkatapos makipanayam ang mga mananaliksik ay

humingi sila ng pahintulot sa mga respondente para maitranscribe ang naging

panayam sa mga ito.


Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Napakaraming mga penomenolohikal na teknik sa pagsusuri ng mga

datos na magkakatugma o magkakapareho sa mga hakbang at proseso. Ang

orihinal na pamamaraan ay nahahati sa iba’t ibang pahayag. Ang mga yunit

pagkatapos ay binabago at binubuo sa klaster ng mga kahulugan. Sa huli, ang

mga pagbabagong ito ay pinagsasama-sama upang makabuo ng

pangkalahatang deskripsiyon ng karanasan at ang pagsusuri sa karanasan ay

ibinabahagi sa mga kasangkot para sa beripikasyon ng kanilang mga karanasan.

Ang narekord na pakikipanayam ay itrinanscribe ng mga mananaliksik.

titiyakin ng mga mananaliksik ang kawastuan ng transkripsyon sa pamamagitan

ng spot-checking procedure (Maclean et al., 2004). Pagkatapos maiwasto ang

ilang mga kamalian, isasailalim ang mga datos sa Collaizi’s procedure.

Magsisimula ito sa pagbasa at muling pagbasa sa i-trinanscribe na

pakikipanayam upang maapuhap ang karanasan ng mga respondente. (Ayres

et.al., 2003). Mula sa transkripsiyon, idadaan ito sa cool and warm analysis.

Susuriin ng mga mananaliksik ang mga mahahalagang pahayag at pagsasama-

samahin ang magkakatulad upang makabuo ng kaukulang tema. (Ryan and

Bernard,2003).

KABANATA III

KINALABASAN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matuklasan ang tingin ng

mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino. Sinikap ng mananalikisk na kapanayamin

ang mga kasangkot na mag-aaral upang makuha ang mga kinkailangang datos.

Batay sa nalikom na mga datos mula sa resulta ng pakikipanayam ng mga

mananaliksik sa mga mag-aaral na kasangkot sa pag-aaral ay lumabas ang

sumusunod na pagpapakahulugan:

3K na HAMON
KATATASANG HAMON- ito ay ang kakayahang bumigkas at

magpahayag nang tuwid at maayos na pananalita. Ang mga mag-aaral ay may

katatasan sa pagsasalita ng Filipino sa loob ng klasrum dahilan sa komportable

sa pagsasalita, nakakatugon nang maayos kapag may katanungan ang guro.

Nauunawaang Mabuti ang paksang tinatalakay at naipapahayag nila ito nang

mabuti. Ginagamit ang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa kaklase at loob ng

klasrum.

‘ako ay komportable sa pagsasalita ng tagalog at nasasaad ko

lahat ng aking sasabihin…”

“Mabuti naman po ang pagsasalita ng wikang Filipino lalo na sa

pagsagot sa katanungan ng guro kasi man sanay po akong

magsalita sa Filipino para mas madaling maintindihan ng mga

kamag-aral…”

“… kung tinatanong ako ng guro ay nakakasagot naman ng mabilis

at maayos. Mas madali kasing mag-isip ng tagalog at

naipapahayag ko lahat ng gusto kong sabihin, kahit po sa ibang

subject gaya ng English”

Sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing katatasang mapanghamon

dahilan sa may kasanayan ang mga mag-aaral na magsalita sa Filipino,

naipapahayag nila ang kanilang sarili, at nauunawaan nila ang Filipino ngunit

hindi ganoong kahusay sa pagpahayag nang tuwid. Nariyan pa rin ang

pagkabulol paminsan-minsan. Kalimitan ang mga kasangkot ay nagko- code

switching.

Kaugnay nito patuloy naman ang pagpapatupad ng Kagawaran ng

Edukasyon sa Edukasyong Bilinggwal 1974, ang hiwalay na paggamit ng

dalawang wika bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura.

Nakabubuo ng mga mamamayan at nasyong bihasa sa komunikasyon sa


dalawang wika, ang Ingles at Filipino. Ang ilan sa mga tiyak na tunguhin ng

edukasyong bilinggwal ay ang pagpapahusay ng pagkatuto sa pamamagitan ng

dalawang wika upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng itinakda

ng Konstitusyon ng 1987. Paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang

panliterasi. Ang development ng Filipino bilang wika ay simbolo ng pambansang

pagkakaisa at identidad. Ang kultibasyon at elaborasyon ng Filipino bilang wika

ng pang-iskolarling diskurso ay nangangahulugan ng patuloy pagsasa-

intelektwalisasyon nito. Ang pagpapanatili ng Ingles bilang isang internasyonal

na wika para sa Pilipinas at bilang di eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.

Sa paggamit ng Filipino sa lahat ng level ng pag-aaral, hinihikayat na iangat ang

uri nito bilang isang wikang intelektwalisado, isang midyum sa pagkuha ng

karunungan sa matataas na antas ng komunikasyon.

Binanggit sa pag-aaral ni Abad (2009) na kahit na ang mga mag-aaral sa

elitistang paaralang pampribado ay gumagamit ng Taglish, lalo na sa kalakhang

Maynila. Pinatutunayan din sa pag-aaral na ito na hindi dapat magsagupaan ang

dalawang magkaibang wika sa oras ng talakayan sa klase. Nakatutulong pa ang

paggamit ng parehong wika sa interaksyong pangklase at sa pag-unawa sa

mahihirap at komplikadong konsepto. Ito ay oportunidad sa madaling pagkatuto.

Mas magiging aktibo at interaktibo ang mga magaaral sa klase kapag

pinahintulutan ang pagpapalit-koda sa pakikilahok dahil nababawasan ang

kanilang pangamba. Nahihikayat ang mga mag-aaral na sumagot ng tanong,

maglinaw ng aralin at magpahayag ng opinyon nang hindi sapilitan sa wikang

hindi sila komportable. Ang pagpapalit-koda rin ay nakalilikha ng positibong

pananaw sa pagtatamo ng wika.

KALAGAYAN/SITUWASYUNAL NA HAMON – Batay sa kinalabasan ng pag-

aaral ang mga kasangkot ay nakadepende sa kinalagyan ng pagsasalita ng


Filipino tulad na lamang sa loob ng Mall. Madalas ginagamit ang wikang Filipino

sa kadahilanang nasa siyudad ito, kung kayat puwersado rin ang mga kasangkot

na magsalita .

“ Ginagamit ko ang tagalog sa pagtatanong ng direksyon o

kapag ako ay bumibili”

“…kung nasa Baguio ako halos ng kausap ko ay nagsasalita ng

Filipino kaya nagsasalita na rin ako”

“ Taglish minsan ang ginagamit ko kapag umuorder ako,

halimbawa, 1box, 2 piece chicken, combo meal C, kasi puro

English ang nasa pagpipilian”

Napipiltang magsalita ng Filipino ang mga kasangkot sa loob ng tahanan

kapag may bisita, ayon sa kanila;

“ Pag may bisita na pupunta sa bahay na galling sa ibang lugar

gumagamit ako ng wikang Filipino sa pakikiyungo sa kanila para

siguraduhing naiintindihan nila ang aking sinasabi”

“Sa loob ng bahay Kankanaey ang gamit ko…pag may bisita

kami na galling sa siyudad dun lang kami gumagamit ng

Tagalog”

“… karamihang pag-aaproach sa mga bisita ay tagalog dahil

minsan doon sila mas sanya…”

Sa transaksyon sa tanggap, hindi malimit ginagamit ang Filipino sa

kadahilanang ang kanilang kausap ang nagsasalita ng English at tumutugon rin

sila sa English. Madalas ginagamit ang English sa kadahilanang mas pormal at

iyon na rin ang nakagawain


“kapag pumasok ako sa opisina gagamit ako ng English o

tagalog para formal…”

“kadalasan pong gamit ko ay wikang Ingles. Pero kapag may

hinahanap akong tao, Filipino po gamit ko”

‘pag sa tanggapan naman po gaya ng faculty office ditto sa

paaralan karamihan ko pong gamit ay ang salitang Ingles”.

“..kapag papasok ak sa faculty room, naggi-greet po ako ng

Good morning Sir/Maám, may I enter?..

Nakadepende rin sa kausap ang paggamit ng Filipino sa loob ng

simbahan dahil kalimitan ang ginagamit ay Ilokano o Kankanaey. Ayon sa mga

kasangkot mas mainam nilang gamitin ang sarili nila wika na Kankanaey o

Ilokano para mas maintindihan nila nang Mabuti ang sermon ng pari.

“pag sa simbahan depende sa kausap ko dahil pag sa

matatanda kankanaey na ang gamit ko kasi kasi karaniwan sa

kanila ay hindi naiintindihan ang tagalog”

“Sa simbahan hindi madals ginagamit ang tagalog … palaging

ginagamit nila ay ang lengguwaheng kinagisnan nila tulad ng

Kankanaey at Ilokano”

Ang wika, pasalita man o pasulat ay isang instrumentng ginagamit ng mga

tao sa loob ng lipunan ay hindi iiral kung walang wika (Sapir, 1949 binanggit ni

Constantino 2002). Dagdag pa ni Sapir, ang pagkakaroon ng isang wika ay

nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng

nasabing wika. Ayon pa rin kay Saussure (1915) na binaggit ni Constantino

(2002), ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang magsalita at isang

koleksiyon ng mahahalagang kumbensiyon na binubuo at ginagamit ng isang

grupo para magamit ng mga indibidwal. Ang wika kung gayon ay isang
panlipunang pangyayari. Dahil ang anumang pahayag, pagkilos o salita ng isang

indibidwal ay nagiging makabuluhan lamang kung ito ay nakakonteksto sa loob

ng lipun at ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo ( Constatino, 2002).

Si Dell Hymes (Wood, 204) ang isa sa mga kauna-unahang nagbigay ng

depinisyon kung ano ang speech community. Ayon sa kanya, ito ay ang pangkat

ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan,

kundi, nababatid din nila ang mga patakaran at pamantayan kung paano

ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika. Sinundan ito ni Labov na

nagsasabing nagkakaroon ng isang speech community kung may isang pangkat

ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog, ekspresyon)

ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi

nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat. Ayon kay

Ocampo (2002) ang pananalita ay isang panlipunang pagkakakakilanlan,

Ginagamit ito, sadya man o hindi, para tukuyin ang pagkakabilang sa iba’t ibang

panlipunang pangkat o iba’t ibnag komunidad ng tagapagsalita o speech

community.

KAKULANGANG HAMON – Ilan sa mga kalahok ang nagsabing kulang

sa bokabularyo o kaalaman sa mga salita. Minsan rin ay nabubulol sa

pagsasalita ng Filipino.

“Kadalasan po sa klasrum kapag kami ay nag-uulat gaya ng maling

pagbigkas sa mga salita”

“Nahihirapan po akong mag-isip ng salitang tutugma sa aking

ginagawang talumpati at mahirap din pong mag-isip ng gagamiting

malalim na salita”

“Sa pagkakataon po na kapag nagsasalita o nagtatalumpati ako

gamit ang wikang Filipino. Nadadala rin po iyong pagbigkas ko sa

salitang Knkanaey lalo yong tono ng pananalita ko, nag-iiba,


minsan dahil medyo sanay sa English imbes na purong wikang

Filipino nagiging taglish”

Isa sa mga dahilan kung kaya’t kulang sa bokabularyo ng kalahok ay ang

impluwensya ng media. Kalimitan ang ginagamit nila sa pagpo- post sa social

media ay English. Sa panonood nila sa telebisyon.

“Eh nakikinig ako ng mga tagalog or Filipino, movie dramas parang

tapos ginagaya ko yung paraan ng pagsasalita nila tapos ayun

minsan pumupunta ako sa salamin tapos ayun ginagaya ko”.

Nakaiimpluwensya nang lubos ang media lalo’t madalas gamitin dito ang

Taglish. Mapapansin din sa mga tagalog na pelikula, teleserye, at iba pa na

marami pa rin ang salitang Ingles na inihahalo sa Wikang Filipino.

KABANATA IV

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Sa kabuuang pasya ng mga mananaliksik, ang wikang Filipino ay isang

HAMON, hindi natin maitatwa na ang isang wikang pansarilI, isang wikang taal at

di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self – identity o kakanyahan. Sa

gitna ng katotohanang marami na ang pag-aaral na naisagawa ng iba’t iibang

bansa, sa pamamagitan ng kani-kanilang mga paaralan, pamahalaan, mga

samahang pribado man o publiko ay nananatiling napakarami pa ring paksa

ukol sa wika ang patuloy na nangangailangan ng pagsasaliksik. Sapagkat,

bukod sa kadahilanang talagang napakaraming wika ang umiiral sa mundong

ibabaw at ginagamit ng mga taong kabilang sa iba-ibang pangkat at lipi ay

masasabi pa ring masalimuot at marami pang aspeto ang dapat pag-aralan ukol

sa wika. Isa rito ay ang kaso ng pagkakaroon ng maraming wika sa iisang bansa

lamang-- gaya ng kalagayan ng Pilipinas-- isang bansa, iisang lahi ang mga

mamamayan subalit mayroong humigit kumulang sa isandaan at limampu’t

limang wika (155) .


Mapanghamon sa kadahilanang ang mga kasangkot ay may kahusayan

sa wikang Filipino ngunit may kakulangan sa bokabularyo, at hindi laging

ginagamit ang Filipino sa pakikipagtalastasan kundi dahil mayroong puwersa na

nagtatakda sa kanilang paggamit. Palasak din ang paggamit ng mga mag-aaral

ng Taglish. Bunga na rin ng edukasyong kanluranin na kinalakhan natin, ang

pagturing sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wikang pang-akademiko sa iba

pang mga larang ay naglalagay ngayon dito sa isang pagkakataong kailangan pa

ng pagpapatunay.

Ayon kay Dr. Liwanag “kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang

wikang may sariling kakanyahan upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang

sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na

pangalawang wika ng mga mag-aaral. Isa rin sa layunin ng K-12 Program sa

pagtuturo ng Filipino ay kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-

iisip, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang

makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Patunay sa kinalabasan ng pag-aaral na mahina talaga ang mga

kasangkot sa bokabularyo, kailangang pag-ibayuhin at malinang ng husto ang

kanilang talasalitaaan. Sa pakikipanayam sa mga kasangkot nakapagpapahayag

nga naman sila ng kanilang sarili sa wikang Filipino ngunit kitang kita ang

patunay na karamihan sa kanila ay may halong Ingles at Filipino. Kailangan

lamang ang pagpapaigting nito dahilan sa may batas naman tayo na nagtatakda

ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng larang.

Nagsimula ang pormal na mga hakbang sa paglinang ng wikang

pambansa sa bisa ng Konstitusyon ng 1935 Artikulo XIV section 3 na

nagtatadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang Pambansang

Asemblea tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na


mababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Kaugnay nito, nanawagan

ang Pangulong Manuel L. Quezon sa Pambansang Asemblea na magtatag ng

isang ahensya na magsasagawa ng mga hakbang para sa paglinang ng wikang

pambansa. Bilang tugon sa nasabing panawagan, pinagtibay ng Pambansang

Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 na

nagtatatag sa Surian ng Wikang Pambansa na ang isa sa mga pangunahing

tungkulin ay pumili ng isang katutubong wika na gagamiting batayan sa

paglinang at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas, na pangunahing

isaalang-alang ang wika na higit na maunlad sa kayarian nito, mekanismo at

panitikan at tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararaming Pilipino.

1990 (Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon Kultura

at Isports ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin

ang Filipino sa pagbigkas ng Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa

bayan natin.

Ang mga Kapangyarihan, Gawain at Tungkulin ng Komisyon ng Wikang

Filipino (KWF) section 14 Republic Act No. 7104

a. Magbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa

upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman,

pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa

Pilipinas.

b. Maglagda ng mga tuntunin at regulasyon at mga patnubay upang

isakatuparan ang mga patakaran mga plano at mga programang ito.

c. Magsasagawa o makikontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang

mga pag-aaral upang isulong ang evolusyon, pagpapaunlad,

pagpapayaman at sa dakong huli'y istandardisasyon ng Filipino at iba

pang mga wika ng Pilipinas


d. Magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga layuning

linggwistiko at mga expresyon sa lahat ng ofisyal na mga komunikasyon,

publikasyon, textbuk at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo.

e. Ganyakin at at itaguyod sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo,

mga grant at award ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang

mga wika sa Pilipinas, ng mga obrang original, pati na mga textbuk at

mga materyales na referensya sa iba't ibang disiplina.

f. Lumikha at magpanatili sa komisyon ng isang divisyon division ng

pagsasaling-wika na gagaganyak sa pagitan ng insentivo, magsasagawa

at masiglang magtataguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga

wika sa Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong

kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at ang

mga akda ng lehislatibo at iba pa.

g. Tawagan ang alinmang department, byuru, opisina, ahensya sa

alinmang sektor ng pamahalaan o alinmang pribadong entiti, institution,

organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagpapatupad ng mga

gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito.

h. Mangasiwa sa antas nasyunal, rehiyunal at lokal ng mga pandinig

publiko, mga komprehensya, mga seminar at iba pang mga talakayang

pang grupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at

mga isyung may kaugnayan sa pagpapalaganap at preserbasyon ng

Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas.

Maganda ang pagsusuring inihayag ni Zues Salazar (1997) isang

dalubwika at historyador

“Sa kadalasan, ang nagsasabing di sapat ang Pilipino bilang wikang

pangkalinangan ay nagpapahiwatig lamang na siya ang talagang kapos. O dili

kayaÿ, kulang ang kaniyang kasanayan sa wikang ito sa larangan ng kultura at


karunungan, sa kitang-kitang dahilan na ang mga huli’y kaniyang natutunan sa

Ingles na pinag-uukulan ng panahong kasintagal ng panahong ipinagkait sa

Pilipino (Salazar 1997)

Totoo ring dahil ang wikang sarili ay higit na abot-kamay ng karaniwang

tao, nagmumukha itong walang class sapagkat hindi na kinakailangan pang

mag-aral ang isang tao sa pormal na eskwelahan para matutunan ito. Mababa

talaga ang tingin sa wikang Filipino bilang wikang akademiko. Pakaisipin natin,

pinagtatalunan ba ang kakayahan ng wikang Ingles at wikang Filipino? Hindi

dapat nating itakwil ang wikang Ingles o anumang wika. Wala namang dapat

ipagkumpetensya sap ag-aaral ng wika. Mainam ngang mapag-aralan ang lahat

ng ito upang mapalwak natin ang ating pagkatuto sa iba’t ibang uri ng kabuhayan

at kabihasnang nalinang ng mga mamayan sa daigdig. Hindi nga lamang dapat

ituring na lamang ang isa kaysa sa isa dahil higit itong popular kaysa sa isa.

Kilalanin nating pantay ang kakayahan ng mga wika bilang pantay na pagkilala

sa pantay na halaga ng mga kultura at karanasang panlipunang nagbibigay-daan

sa paglinang ng mga wikang ito.

KABANATA V

KONKLUSYON

Batay sa mga nakalap at nabigyang interpretsyong mga datos, narito ang

tatlong pangunahing konklusyong natuklasan ng mga mananaliksik kaugnay ng

kung ano nga ba ang tingin ng mag-aaral sa pagsasalita ng Filipino:

3K

KATATASANG HAMON: Ang mga kasangkot sa pag-aaral ay

nakararanas ng hamon sa pagsasalita ng Filipino partikular na sa tuwid na

pagsasalita. Ang hamon sa pagkabulol sa pagsasalita at ang alanganin sa

pagkakamali ay ang mga dahilan kung bakit inuturing ng mga mananaliksik na

ang katatasan sa pagsasalita ay isang hamon sa pagsasalita ng Filipino ng mag-

aaral.
KALAGAYANG/SITUWASYUNAL NA HAMON: Ang pagsasalita ng

Filipino ng mga kasangkot na mag-aaral ay nakabatay sa situwasyung kaniyang

kinakaharap. Tinitignan ng mga mananaliksik (batay sa nakalap na datos) na

hamon para sa mag-aaral ang sitwasyon kung kalian gagamitin ng mag-aaral

ang Filipino sa pakikipagkomunikasyon.

KAKULANGANG HAMON: Batay sa pagpapakahulugan sa mga nakalap

na datos mula sa mga kasangkot na mag-aaral ay itinutuing na hamon sa

pagsasalita nf Filipino ang kanilang kakulangan sa mga salitang gagamitin at

aangkop sa kanilang pakikipagtalastasan. Sa madaling salita ay mayroon silang

kakulangan sa bokabolaryo.

TALASANGGUNIAN

Arrogante, J. A. 2007. Retorika Sa Mabisang Pagpapahayag.


Mandaluyong City: National Booksore.

Arrogante, et.al. (1983). Hakbangin sa Pormal na Interbyu. Mula sa aklat ni


Bernales, et.al. (2009). Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik pp203.

Ayres L.,Kavanaugh K and Knafi k (2003) Within-case and across-case


approaches to qualitative data analysis. Qualitative Research 13(6):871-
883.

Binaysan, V. B. 2004. Ugnayan Ng Estilo Ng Pagkatuto Ng Mga Mag-


aaral Sa Kakayahan Sa Kasanayang Makro. Unpublished Master
Thesis. Benguet State University, La Trinidad, Benguet.

Constantino, E. 1997. Filipino o Pilipino? Pambansang Wika


at Literatura. Manila: Rex Bookstore.

Colaizzi, P. (1978). Psychological research as a phenomenologist view it.


In:Valle, R. S. & King M. (1978). Exeistential Phenomenological
Alternatives for Psychology. Open University Press: New York.

Cruz C. et al. (2010). Fililpino 2 sa Pagbasa at Pagsulat sa Masining na


Pananaliksik sa Antas Tersaryo. Manila: Minshapers Company.

Fox, N. (2009).Using Interviews. Retrieved October 14, 2019


from http://www.rds- astmidlands.nihr.ac.uk/resources/doc_download/14-
using-interviews-in-a-research-project.html

Garcia, L. C. 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa


Pananaliksik. Cabanatuan City: JIMCY Pub. Co.
Lachica, V. S. 2006. Lingas Sa Komunikasyon Sa Akademikong
Komunikasyon. Quezon City: GMK Pub. Co.

Maclean L. Meyer M and Estable A (2004) Improving accuracy of transcripts in


qualitative research. Qualitative Health Research 14(1): 113-123.

Montera, G. at Perez, A. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. ALPS


Publications 177 Araneta Center Cubao Quezon City, Philippines 1135.
Pinnock, H. Children’s schooling:movingfrom‘Why multilingual education’
to ‘How?’.CfBt Education Trust. Retrieved July 29,2013 from
www.cfbt.com.

Palazo, M. Z., Dines, E. G., Estimada, et al. 2012. Pagbasa at Pagsulat Tungo
Sa
Pananaliksik. Quezon City: IPM Pub. Co.

Papa, N. 2006. Guro: mula Tsok Hanggang Internet. Quezon City: PSLF.

Phellas, C. et.al. (2011).Structure Methods: Interviews, Questionnaires and


Observation. Retrieved from http://www.sagepub.com/upm-
data/47370_Seale_Chapter_11.pdf

Resuma, V. M. 2002. Komunikasyon sa Filipino. (Tuon sa Makrong


Kasanayang Pangwika). Quezon City: JMC Press Inc.

Ryan G and Bernard H(2003) Techniques to identify themes. Field Methods


15(1):85-109.

You might also like