You are on page 1of 4

Sintesis

Matapos ilahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, natuklasan ng

mga mananaliksik na mayroong pagkakapareho at pagkakaiba ang mga

literatura at pag-aaral na nakalap sa isinasagawang pag-aaral.

Ang usapin tungkol New Normal na Sistema ng Edukasyon ay naging

isang malaking katanungan para sa mga magulang na may mga anak na nag-

aaral. Inihain ni Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman

Senator Sherwin Gatchalian ang Senate Resolution No. 391 para masuri ng

Senado ang epekto ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon sa bansa (RMN

Networks, 2020). Ito ay naglalayong makapagbalangkas ng solusyon sa mga

problemang kinakaharap ngayon ng Sektor ng Edukasyon dahil sa pandemya.

Katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon, ang gobyerno ay gumagawa ng

paraan upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon. Sinabi ni Education

Undersecretary Diosdado San Antonio na naghahanda na silang hasain ang mga

guro sa paggamit ng iba’t ibang kagamitan at teknolohiya upang makapagturo sa

mga mag-aaral kahit wala ang mga ito sa paaralan (GMA News, 2020).

Binigyang tuon ni Uy (2020) sa artikulong kanyang isinulat ang sinabi ni

Pangulong Duterte na “ang kinabukasan ng ating bansa ay nakasalalay sa kung

paano natin turuan ang mga kabataan sa panahon ngayon.” Naniniwala ang

DepEd at ang gobyerno na kaya nilang harapin ang malaking hamon na ito sa

edukasyon. Ang blended learning ay magiging epektibo kung ito ay

mapagpaplanuhan ng maigi sapagkat maraming sitwasyon at konsiderasyon ang

kinakailangang gawin upang ito ay maging epektibo. Una na rito ay ang mga
estratehiya at metodolohiyang gagamitin (Embi, et al., 2015). Kinakailangan ang

malawak na pang-uanawa na ang pamamaraang ito ay ginawa upang

makatugon sa pangangailangang intelektwal ng mga mag-aaral at hindi upang

pahirapan sila (Steele, 2013). Ang paggamit ng blended learning ay hindi lamang

nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na makipagsabayan sa

globalisasyon. Nasusukat din dito ang kakayahan ng isang paaralan o institusyon

sa kung paano sila makakapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa mga

estudyante (Poon, 2013). Kinakailangang may sapat na pasilidad tungo sa

epektibong pagtuturo ang bawat paaralan at institusyon. Ang teknolohiya ay isa

sa may pinakamalaking ambag sa paggamit ng blended learning bilang

makabagong paraan ng pagtuturo (Merwe, et al., 2014). Ang paggamit ng ibang

kagamitang pampagtuturo at sa tulong ng teknolohiya ay mas naeengganyo ang

mga mag-aaral na makisali sa talakayan. Mas nahihimok ang mga mag-aaral na

tumuklas ng mga bagong pamamaraan upang matamo ang pagkatuto na

kanilang inaasam-asam (Perez, et al., 2011). Ayon naman sa pahayagang

Philippine Daily Inquirer (2020), naging daan ang paggamit ng FB Chat, Google

Classroom, Aral Muna App at DepEd Commons sa pagpapatuloy ng daloy ng

talakayan sa mga estudyante ng Alternative Learning System ng piling rehiyon

sa Mindanao. Ngunit hindi maikakailang ang ganitong uri ng pagtuturo ay hindi

makakayang maisagawa sa lahat ng paaralan at unibersidad sapagkat may mga

lugar pa ring walang malakas na signal o access sa internet. Dahil dito ay

pinaghahandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon ang pag gawa ng mga E-

books na gagamitin sa pagtuturo sa mga bata kahit na wala ang mga ito sa
paaralan (Andraca, 2020). Isa pa sa nakikitang pamamaraan ng Kagawaran ng

Edukasyon upang hindi tuluyang maantala ang klase ng mga estudyante ay ang

pagkakaroon ng mga aralin gamit ang telebisyon at radyo. Bukod sa internet,

ang TV at radyo raw ang maaring gamitin lalo na sa mga lugar na imposible pa

ring magklase sa mga klasrum (Gulferica, 2020). Kinokonsidera rin ang

tradisyunal na face-to-face na pamamaraan ng pagtuturo sa mga lugar na hindi

gaanong apektado ng pandemya. Kaakibat nito ang pagsunod sa mga

panuntunang pang-kalusugan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-

aaral at guro (Llego, 2020). Ang makabagong henerasyon ay nababalot na ng

teknolohiya kung kaya’t mainam na gamitin ang blended learning bilang

makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Sa paraang ito ay mapapataas ang

kalidad ng edukasyon na maihahatid sa bawat mag-aaral at makatutulong din ito

upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon (Okaz, 2014). Kaya nilang

matuto at makibahagi sa makabago at mataas na lebel ng pagkatuto.

Nakikibahagi na rin sila na subukin ang malawak na daigdig ng pagkatuto. Ang

kanilang kamalayan sa buhay ay nagaganap hindi na lamang sa loob ng silid-

aralan. Matatag rin ang kanilang interaksyong soyal kung kaya ay bukas sila sa

kolaborasyon. Kaya ang nararapat lamang ay subukin ang blended learning para

sa kapakanan na rin ng mga mag-aaral (Sison, 2016).

Ang pagkakapareho ng pag-aaral na ito sa iba pang pag-aaral ay

tinalakay rito ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo na magagamit upang

mahubog ang talino at kakayahan ng mga mag-aaral. Ang Blended Learning na

siyang sinasabing bagong sistema ng pagtuturo sa ating bansa ay ginamit na rin


sa ibang bansa at napatunayan na sa iba’t ibang pag-aaral ang pagiging

epektibo nito.

Ang pag-aaral na ito ay natatangi at naiiba sapagkat ang binigyan nito ng

tuon ay ang pananaw ng mga magulang tungkol sa New Normal na Sistema ng

Edukasyon. Ninanais na mabigyang linaw ng pag-aaral na ito ang paninindigan

at hinaing ng mga magulang sa inilabas na bagong panukala at mabigyan ng

solusyon ang mga suliraning kahaharapin ng Kagawaran ng Edukasyon sa

pagbubukas ng klase Taong-Panuruan 2020-2021.

You might also like