You are on page 1of 6

PANDEMYANG COVID- 19: PAGSUBOK NG MGA MAG- AARAL NG NARSING SA

EDUKASYON NGAYONG NEW NORMAL

Isang Pananaliksik (Proposal)

MARK FINLEY A. BUYAGAN

RICH ANN REYSTER C. CABAONG

EDRIANNA KASSANDRA B. PINEDA

2021
KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang kakayahan ng mga nars ay nakabatay sa kaalaman at kasanayang itinuro sa kanila.

Ang pagsasanay sa narsing o Nursing training ay kombinasyon ng teoretikal at praktikal na mga

karanasan sa pag-aaral na nagbibigay daan sa mga mag-aaral sa narsing na makalap ang

kaalaman, kasanayan, at pag-uugali na kinakailangan sa pagbibigay ng pangangalaga bilang

isang nars. Ang pag-aaral sa narsing ay binubuo ng dalawang komplementaryong bahagi:

pagsasanay na panteorya at praktikal na pagsasanay. Malaking bahagi sa pag-aaral at pagsasanay

bilang nars ay isinasagawa sa mga klinikal na set up. Sa Iran at marami pang mga bansa sa

mundo, ang clinical education ang bumubuo ng higit sa kalahati ng pormal na edukasyunal na

kurso sa narsing. Samakatuwid, klinikal na edukasyon ay itinuturing na isang mahalagang bahagi

ng pag-aaral sa narsing. Dahil ang narsing ay isang propesyon na nakabatay sa pagganap o

performance- based na propesyon, ang klinikal na pag-aaral na isinasagawa sa face-to-face

classes ay may mahalagang papel sa pagkakaroon ng mga pangpropesyonal na kakayahan at

masanay ang mga mag-aaral ng narsing sa kanilang propesyon at maging isang rehistradong

nars.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglaang pinahinto ng nakamamatay at

nnkahahawan virus na “Corona” na kilala sa tawag na “CoVid-19” ang normal na paggalaw ng

mga tao sa mundo. Lubhang nakadulot ng masamang epekto ang pandemyang ito sa mga iba’t-

ibang industriya, sektor, at kagawaran sa ating bansa, pati na rin sa mga ibang bansa.

Naapektuhan nito ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa mga “protocols” na inilulunsad ng

gobyerno pati na rin sa sektor ng edukasyon kung saan ay nangailangan na pansamantalang

ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyunal na pagtuturo. Subalit hindi nais ng lahat na ang mga

mag-aaral ang matigil sa taong ito gayundin mga guro at iba pang tauhan na mawalan ng trabaho

ngunit imposible nang maipatupad ang napagkasanayang pag-aaral dahil sa pag-iingat na

madagdagan pa ang mga nahahawaan ng bayrus at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kaya

naman, ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang mainam lunas ay ang

pagpatupad ng learning online mode na sinang-ayunan naman ni Cathy Li (2020) ng World


Economic Forum, na mas epektibo ang online learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid

paaralan.

Dahil sa paglaganap ng pandaigdigang sakit na “Coronavirus Disease 2019” o (CoViD-

19), napilitan ang mga paaralan at unibersidad sa buong mundo na baguhin ang harapan na mga

aktibidad sa pag-aaral at pagtuturo o “Face-to-face teaching-learning activities” sa online,

distanced o remote na pag-aaral (Marsha’al et al., 2020). Noong 22 Enero 2021, mayroong 96,

267, 473 katao ang nahawaan ng CoViD-19, kabilang ang 2,082, 745 na namatay (World Health

Education, 2021). Sa Pilipinas, mayroong 509, 887 katao ang nahawaan at 10,136 ang namatay

sanhi ng CoViD-19 (Philippine Department of Health). Ang bilang ng mga kaso ng CoViD-19

ay patuloy na tumataas at natuklasan ang mga bagong strains. Kung kaya’t ang mga mag-aaral sa

narsing ay napilitang mag-aral at gawin ang kanilang mga aktibidad sa pag-aaral sa pamamagitan

ng online platform (Guven Ozdemir & Sonmez, 2020).

Sa kadahilanang ito, nangailangan ang lahat na mag adyast sa new normal na nararanasan

natin. Malaking bahagi ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga narsing ngayon, nariyan ang iba’t-

ibang plataporma na ginagamit katulad ng Google Classroom, Google Meet, Zoom at marami

pang mga aplikasyon at sayts. Ginagamit ito sa pakikipagpalitan ng impormasyon upang

mapanatili ang mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral. Dito na rin

inilalagay ng mga guro ang mga talakayin, aralin, at ang mga aktibidad at proyekto na isusumite

rin online. Hindi maipagkakaila na malaki ang naiaambag at naitutulong nito upang

makapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa kaginhawan at katipiran sapagkat hindi na kailangang

gumastos ng pamasahe papuntang paaralan yamang kahit nasa bahay ka lang ay maari ka ng

dumalo sa klase. Subalit hindi rin maitatanggi ang mga kahirapan o desbentaha sa ibang mga

estudyante sa iba‟t ibang mga kadahilanan na ang kanilang sikolohikal na aspekto ay

naaapektuhan.

Sa online learning, koneksiyon sa internet at mga gadyet ang mga kailangan upang

mabilis ka na makibahagi sa mga talakayan sa klase. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang

Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Hindi rin

lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na koneksyon ng

internet at isa pang problema nito ay ang mga lugar na wala ring maayos na signal
ganoon na rin ang mga kagamitang teknolohiya para sa online learning mode. Sa parte ng

mga mag-aaral, nangangailangan ito ng sariling displina at katatagan ng loob dahil sa

maraming magiging balakid at istorbo sa kanilang pagpokus at maaring magdulot ng

karagdagang stress at iba pang mga bagay na makakaapekto sa kanilang sikolohikal na

aspekto. Kailangan pagtuunan ng pansin ang sikolohikal na aspect ng mag-aaral dahil ang

buhay ng isang mag-aaral lalo na sa mga kolehiya na dumadaan sa mga hamon na dapat

malagpasan hanggaang sila ay makapagtapos.

Ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso at pagkamatay sanhi ng COVID-19

pandemik ay nagdulot ng stress sa mga mag-aaral at maaaring magkaroon ng hindi kanais-nais

na epekto sa sikolohikal, kalusugan at pang akademikong kagalingan ng mga mag-aaral

(Hussien et al., 2020). Bago pa man ang pandemik, maraming mga pag-aaral ang nagsisiwalat ng

katamtaman hanggang sa mataas na antas ng pagkapagod sa mga undergraduate narsing na mag-

aaral sa Brazil (Mussi et al., 2020) at Spain (Onieva-Zafra et al., 2020). Sa panahon ng

pandemya, nagkaroon ng mga lock down na nakadagdag sa antas ng stress ng undergraduate na

mga mag-aaral (Gallego-Gómez et al., 2020). Karamihan sa mga undergraduate na mag-aaral sa

narsing sa Nepal (Subba et al., 2020) at India (Begam & Devi, 2020) ay nakaranas din ng antas

ng katamtamang stress. Ang isang katamtamang antas ng takot ng takot ay naranasan din ng mga

undergraduate nursing na mag-aaral sa Pilipinas (Oducado et al., 2021).

Ang biglaang paglitaw ng COVID-19 ay binabago kung paano ang mga magiging nars ay

sinasanay at tinurtuuan, kung kaya’y kinakailangan ng mabilis na pansin mula sa mga pang-

akademikong institusyon ng narsing (Oducado, & Soriano, 2021). Ang mga karanasan ng mag-

aaral at akademikong perpormans sa bagong platform ng pag-aaral ay nangangailangan ng

pagsusuri. Ang akademiko perpormans ng mga mag-aaral ay isang pangunahing

tagapagpahiwatig ng kalidad ng edukasyon (Oducado et al., 2020). Sinusuri ang epekto ng pag-

aaral sa online sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral ay kritikal upang suriin ang

pagbabago sa kurikulum (Amir et al., 2020). Ang pagsusuri na nauugnay sa iba't ibang mga

karanasan ng mga mag- aaral ng narsing sa unang lebel sa Pamantasan ng Kahilagaang Pilipinas

o University of Northern Philippines na nauugnay sa kanilang edukasyon sa isang bagong

modalidad ng pagkatuto ay nilalayong pag-aralan, galugarin at sisiyasatin sa pag-aaral na ito.


Pagpapahayag ng Sulirahin

Ang pag-aaral na ito ay may kabuoang layuning malaman ang mga pagsubok na

nararanasan ng mga mag-aaral ng nursing ngayong new normal. Sisikaping sagutin ng pag-aaral

na ito ang mga sumusunod na espisipikong tanong:

1. Ano-ano ang mga pagsubok na nararanasan ng mga mag-aaral ng nursing ngayong

pandemya or new normal?

2. Ano-ano ang mga stratehiyang ginamit ng mga mag-aaral para magtagumpay sa

kanilang pag-aaral?

3. Ano-ano ang mga naging epekto ng pandemya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng

nursing?

Saklaw at delimitasyon

Ang pananaliksik na ito sumasaklaw lamang sa pagkalap ng mga datos tungkol sa mga

naging pagsubok ng mga mag-aaral ng nursing sa panahon ng pandemyang COVID-19. Saklaw

din ng pag-aaral na ito ang naging epekto nito at kung paano napagtagumpayan ng mga mag-

aaral ang kanilang pag-aaral ngayong pandemya. Nililimitahan lamang ito sa mga piling mag-

aaral ng unang level ng nursing sa Pamantasan ng Kahilagaang Pilipinas o University of

Northern Philippines ngayong school year 2020-2021.

Depenisyon at Terminolohiya

CoViD-19, akronim sa lumaganap na sakit na coronavirus disease 2019 na dahilan ng

pagkakaroon ng pagbabago sa buong mundo at sa pag-aaral ng mga respondante sa pananaliksit

na ito.

Distance Learning/ pag-aaral sa distansya ang uri ng pag-aaral na kung saan nag-aaral ang

estudyante na malayo sa paaralan.

E-learning- paraaan ng pag-aaral ng mga mag-aaral ng narsing kung saan ginagamit ang iba’t-

ibang plataporma na katulad ng Google Classroom, Google Meet, Zoom at marami pang mga

aplikasyon at sayts.
Face-to-face na pag-aaral ay pinapangahulugan bilang isang paraan ng pagtuturo at pag-aaral

kung saan harap-harap ang set-up o di kaya’y nasa loob sila ng silid-aralan. Ito ang

ipinagbabawal ng gobyerno upang hindi magkaroon ng malawak na hawaan.

Lock down, ipiinapatupad ng mga kinauukulan kung saan pinapayuhan ang mga residente na

huwag lumabas sa kanila-kanilang tahanan kung hindi naman kailangan.

Narsing - sila ang mga respondanteng mag-aaral ng narsing sa unang taon na nag-aaral sa

Pamantasan ng Kahilagaang Pilipinas o University of Northern Philippines

New Normal ang itinatawag sa kasalukuyang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang

pagkakaroon ng online classes at work from home ng mga empleyado ng Unibersidad.

Online na pag-aaral ay ang kasalukuyang paraan ng pag-aaral ng mga narsing at iba pang mga

kurso.

Pagsubok o ang mga kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa unang taon. Ito ang nais

tuklasin ng mga mag-aaral sa pananalaksik na ito.

Pandemya, ito ang pangmalawakang paglaganap ng sakit sa buong daigdig na nagresulta sa

pananatili ng mga mag-aaral sa narsing na dumalo sa klase online imbes na harap harapan.

You might also like