You are on page 1of 3

Paano at bakit ang Filipino ay naging disiplina? Ano ang istatus ng Filipino bilang isang disiplina?

Ano-
ano ang mga patunay nito?

Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan.
Ang papel ay kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, samantalang
iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12.

Ang kasanayan sa komunikasyon ay hindi matatawaran bago pa ang internet kahit pinadali nito ang
ugnayan ng tao at mga bansa. Sa buhay at karera angkakayahang sumuot, sumakay, magsimula,
mamuno, at managot hanggang sa maghalukay ng pinakamalalim sa saritli tagos hanggang kaluluwa
kahit wala sa kumpisalan, ay pinatitingkad sa kolehiyo, may kompyuter o wala, may Internet o wala,
salamat sa panitikan. Bagama ptinapansin ko rin at,tinatanong, ang kakayahang sumakay (adaptability)
ay makokompormiso kung sumasabit dito ang kakayahang sumagasa ng karapatan at dignidad ng tao.
Natutunan ko ng malalim ang karapatan at dignidad at kalayaan sa prehuwisyo dahil sa pnitikan at hindi
gaanong mahalaga para sa akin ang kakayahang sumakay kung makakapaglakad; hindi ko ikararangal
kung malayo ang mararating ko (implied sa adaptability para maka-survive), kug may bubulagta bigla sa
harapan dahil sa pagmamadali.

Gaano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Syensya, Matematika, Inhenyera at iba pang
kaugnay na larangan? Ano-ano ang mga patunay nito?

Sa Siyensya tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo. Ito ang nagturo sa atin kung
paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa ating kapaligiran. Ito rin ang ating gamit
upang maghanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap ng ating bayan sa mithiin na umunlad
ang estado ng buhay ng bawat mamamayan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang asignaturang Agham
ay mahirap unawain sapagkat ito ay komplikado. Ang asignaturang ito ay gumagamit ng mga
terminolohiya na kung hindi bibigyan ng maayos na pagpapaliwanag, ay hindi maiintindihan.

Mahalaga ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag- aaral na magamit ang wikang Ingles at Filipino sa
kanilang pagkatuto. Kung pagtutuunan ng pansin ang asignaturang Matematika, higit na nakatutulong sa
pag-unawa ng mga konsepto at pagsagot ng pasalitang suliranin ang pagpoproseso ng mga Filipino sa
Matematika mag-aaral gamit ang pormula o solusyong natutuhan nila sa pagtalakay ng guro. Sa kanilang
pagpoproseso, kailangang isaalang-alang ang wikang komportableng gamitin upang ito ay mapagaan.
Ilan sa hamon at suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika ay kung paano
sila magpapahayag ng kanilang sagot.

Sa kurso ng mga diskusyon, karaniwang Ingles pa rin ang kanilang ginagamit para sa mga
terminolohiyang pang -inhenyeriya. Sa katunayan, ang mga propesor na panig sa paggamit ng Filipino sa
inhenyeriya ay nagmumungkahing Ingles ang gamitin sa mga sumusunod na Filipino sa Inhenyeriya
Adiabatic – adyabatik Chemical reaksyon – reaksyong kemikal Combustion – kombustyon Engine –
makina o engine Enthalphy – entalpi Entrophy – entropi Equilibrium – eqwilibryum Fluid – fluwid Filipino
sa Inhenyeriya Free energy – free energy Liquefaction – liquefaction Pipe line – payplayn Pressure –
presyur or presyon Pump – pamp Refrigeration – refrigerasyon Reversible process – reversible proseso o
reversibol na proseso Turbine – turbayn o turbine.
Gaano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang
kaugnay na larangan? Ano-ano ang mga patunay nito?

Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao, pagkatao o mga pagkatao ng tao. Mga disiplinang
akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang
pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali. Ang layon ng Humanidades ay ang gawin
tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan.

Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng namamahala (ang pamahalaan) at


ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa komunikasyon ng
bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, ang daloy o proseso ng komunikasyon ay dalawa:
paghahatid ng mensahe o atas (ayon sa nasa batas) at ang tugon o sagot ng bayan.

Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat ding maging lengguwahe ng
hukuman ang wikang ito. Tandaan nating habang mangmang ang bayan sa batas, hindi mangingimi ang
mga tao sa paggawa ng kabuktutan at katiwalian—mga bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.

Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng batas, sa pagpapalaganap ng katarungan, at


pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa administrasyon ng batas at politika. Ang layuning magkaisa ang
ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang mahango ang mga nabubuhay sa karalitaan, kawalang-
muwang, at kawalan ng pagkakataon upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang
pampolitika ay magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa wikang Filipino at ang
wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa mga batasan kung saan ginagawa ang batas

Paano pa mapapalaganap at mapapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan?

Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino. Ito’y magagawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

Kailangan may sarili kang diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon, pwede ka ring magsaliksik at
magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.

Magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga “research papers” na gumagamit ng wikang
Filipino.

Mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino

Mataas na pagpupugay at paggalang sa mga lumikha ng Batas Pambansa Blg. 7104 at Proklamasyon Blg.
1041, sa mga mananaliksik o sa mga taong tumutulong sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng kasanayan
sa paggamit ng wikang Filipino.

Makilahok sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang


pambansa.
Sa araw-araw na panangalangin mo sa Diyos, kay Bathala, kay Allah, kay Buddha, o sa sinumang
sinasamba mo, maaari monggamitin ang wikang Filipino. Ito ay napakabisang paraan upang lalong
malinang ang iyong paggamit ng wikang Filipino.

Paglikha nga mga nakakatuwang tula, mga kinapupulutan ng aral na mga sanaysay, kwento, o anumang
artikulo gamit ang wikang pambansa.

Paghubog ng isang sining; “drawing, iskultura, sand animation o anumang uri ng sining” na may
kinalaman sa papapahalaga ng ating wikang pambansa.

You might also like