You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 7

PANGKAT-ETNIKO SA ASYA
(NGALOPS NG BHUTAN)

Isinumite ni:

Piolo L. Sarroca

Grade 7
Napili ko ang pangkat-etnikong Ngalops ng Bhutan dahil ang kabuhayan at kultura
nila ay halos kaparareho lang ng pangkat-etniko dito sa Pilipinas. Ang Ngalops ay
isa sa tatlong pangkat-etniko sa Bhutan kung saan kabilang dito ang Sharchops at
Lhotsampas. Ang Ngalops ang bumubuo sa malaking bahagdan ng populasyon ng
Bhutan, pinaniniwalaang nagmula sa Tibet na nakarating sa Bhutan nuong ika
walo (8) hanggang siyam (9) na siglo. Kilala ang mga Ngalops bilang “Bhote”
(mamamayan ng Bhotia/Bhutia o Tibet). Wikang Dzongkha ang pambansang wika
sa Bhutan. Ang Ngalops ang nagdala ng kulturang Tibetan at Buddhismo sa
Bhutan na hanggang sa kasalukuyang panahon ay umiiral sa bansa. Sinusuot pa rin
ng mga Ngalops ang kanilang tradisyonal na kasuotan sa paaralan, opisina at mga
pampublikong lugar. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng Gho, hanggang tuhod
na damit na nakatupi sa likod at tinatalian sa baywang ng sinturon na tinatawag na
kera. Mayroon din sila scarf o kabney na may iba’t ibang kulay depende sa
katatayuan sa lipunan. Samantalang ang mga kababaihan ay nagsusuot ng kira
(kapirasong tela na hugis rektangular) na hanggang sakong ang haba na nilalagay
ng sinturon. Nagsusuot din sila ng scarf na tinatawag na rachu. Ang hari ng Bhutan
at karamihan ng mga pinuno ng pamahalaan ay kabilang sa Ngalops. Kontrolado
nila ang pamahalaan, maging ang kanilang kultura at tradisyon ay sinusunod ng
lahat ng mga Bhutanese si King Jigme Khesar Namgyel Wangchuck. Kilala din
ang mga Ngalops sa pagtatayo ng mga malalaking templo na tinatawag na dzongs.
Ang mga dzongs ang ginagamit na tanggapan ng pamahalaan. Ang tahanan ng
mga Ngalops ay yari sa table, bato, putik at luwad. Iniangkop ng mga ngalops ang
kanilang kabuhayan sa kanilang kapaligiran. Sa kapatagan at lambak karaniwang
pag-aalaga ng baka at pagsasaka ang hanapbuhay.. Pangunahing pananim nila ay
palay, patatas at barley. Ang kanilang kultura ay patuloy na umiiral sa bansang
Bhutan.

You might also like