You are on page 1of 1

LECTURE #3

PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA


Ngalops ng Bhutan (TIMOG ASYA)
-ang Bhutan ay may tatlong pangkat etniko: Sharchops, Lhotsampas at Ngalops. Dzongkha ang kanilang
pambansang wika.
-kilala rin sa tawag na BHOTE na nangangahulugang mamamayan ng Bhutan.
-pinaniniwalaang nagmula sa Tibet noong ika 8 ika 9 naa siglo.
-sila ang nagdala ng kulturang Tibet at Buddhismo sa Bhutan.
-pagsasaka at pagpapastol ng yak ang pangunahing ikinabubuhay.
-sa hilagang bahagi ng bansa matatagpuan ang Himalaya.
-yari sa table, putik, bato at luwad ang kanilang tahanan.
-Gho ang tawag sa kasuotan ng lalake na nilalagyan ng sinturon na tinatawag na Kera. Mayroon din silang
scarf na kung tawagin ay Kabney.
-Kira ang tawag sa kapirasong tela na hugis rektanggular na isinusuot ng mga babae. Nagsusuot din sila ng
scarf na tinatawag na Rachu.
Balinese ng Indonesia (TIMOG SILANGANG ASYA)
-matatagpuan sa kapuluan ng Bali, Lombok at Sumbawa.
-Hinduismo ang pangunahing relihiyon
-nag-uugat ang kanilang kultura sa relihiyon
-pagtatanim t pangisdaan ang pangunahingikinabubuhay.
-may 2 mahalagang samahan : 1. SUBAK- pang-irigasyon 2. BANJAR- pangpamayanan.
Manchu ng China (SILANGANG ASYA)
-ang China ay mayroong 56 na pangkat etnolinggwistiko.
-kilala rin ang mga Manchus bilang Jurced, Jurchen at Juchen noong ika- 17 siglo.
-nagmula sila sa probinsy ng Liaoning.
-naninirahan sa pocket house.
-bihasa sa pangangabayo at pagpana.
-pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay.
Tajik ng Hilagang Asya (HILAGANG ASYA)
-isa sa mga sinaunang tao ng daigdig noon pang panahon ng paleolitiko.
-pagtatanim at pagpapastol ng hayop ang pangunahing ikinabubuhay.
-may matibay na samahan ng pamilya at magiliw sa panauhin.
-makapal at makulay ang kasuotan ng mga kabababihan.
-rumol ang tawag sa scarf ng mga lalake na isinusuot sa bewang.
-Chaikhanas ang tawag sa teahouse o lugar kung saan nagkikita- kita ang mga kalalakihan.
Arab ng KANLURANG ASYA
-Arabic ang tawag sa wikang kanilang ginagamit.
-Islam ang relihiyon.
-pagpapastol ang pangunahing ikinabubuhay.
-ang ilan ay nomadic samantalang ang iba ay may peermanenteng tirahan.
-mayaman sila sa langis.
-ang kultura at tradisyon ay nakabatay sa mga aral ng relihiyong ISLAM.

You might also like