You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 1 REVIEWER

WEEK 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


 Heograpiya - tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa lahat ng bagay sa ibabaw ng daigdig
 Kontinente - pinakamalawak na masa ng lupa
 Araw - pinagkukunan ng enerhiya ng lahat ng may buhay sa daigdig
 Pacific - pinakamalawak na karagatan sa daigdig
 Daigdig - isa sa walong planeta na umiinog sa isang malaking bituin ang araw, may apat na
hating globo ang Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran
 Continental Drift - teoryang isinusulong ni Alfred Wegner

WEEK 2-3: Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig


 Heograpiyang Pantao
- Tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig
- Mahalaga upang malaman ang iba’t ibang kultura, kinaugalian at pinanggalingan ng
tao, magkaroon ng pagkakakilanlan in indibidwal o pangkat ng tao at mabuo ang
malalim na pang-unawa sa ibang pangkat ng tao

4 SAKLAW SA PAG-AARAL NG HEOGRAPIYANG PANTAO

1. WIKA
- Susi ng pagkakaintindihan
- Itinuturing na kaluluwa at nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat
- Dapat ginagamit at lalong pinagyayaman, hindi ikinahihiyang gamitin at ginagamit ng
wasto, pinag-aaralan pa ring mabuti kahit unang wika o laging ginagamit
 Sino-Tibetan, Afro-Asiatic, Niger-Congo, Indo-European, Austronesian - kabilang sa
pamilya ng wika
 Austronesian - Ito ay tumutukoy sa pamilya ng wikang Filipino
 Etnolinggwistiko – may pagkakapareho at pagkakaiba ng wika ng mga tao sa isang
bansa

2. LAHI
 Caucasoid – may mataas na ilong, mapuputi at manipis na mga labi.

3. RELIHIYON
- Tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat.
- Nakakaimpluwensya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paminsan-minsang boses sa
usaping political, nakakabuo ng mga simbahan, iskultura at maging ang magagarbong
pagdiriwang o pista, nahihikayat ang mga tao na hindi maging makasarili at laging
maging mabuti sa kanilang kapwa.
 Kristiyanismo - relihiyon sa daigdig ang may pinakamaraming bilang ng taong
sumasamba

4. PANGKAT-ETNIKO
- Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon.

1
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 REVIEWER

WEEK 4-5: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko


PANAHONG PALEOLITIKO
 Pangangaso at pangangalap ng pagkain – paraan kung saan namuhay ang mga pre-
historikong tao
 Mga nahukay na fossils at artifacts - higit na dapat maging batayan upang malaman ang
naging pamumuhay ng mga prehistorikong tao
 Able man o handy man - kahulugan ng Homo Habilis
 Homo Sapiens
- Matalino sapagkat higit na malaki ng kanilang utak kung ikukumpara sa mga naunang
species
- Isa sa mga tanyag na prehistorikong tao at ang pinakahuling species sa ebolusyon ng
tao.

PANAHONG MESOLITIKO
 Cro Magnon – napatunayan ang pagiging masining sa pamamagitan ng pagpipinta sa kuweba

PANAHONG NEOLITIKO
- Nagtayo ng permanenteng pamayanan sapagkat kinailangan nilang manatili na sa
pamayanan upang mabantayan ang kanilang mga itinanim.
- Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato at
permanenteng paninirahan sa pamayanan, Sa panahong ito naganap ang rebolusyong
agrikultural kung saan natustusan na ang pangangailangan sa pagkain
 Bagong Bato - panahon kung saan tinatawag din itong panahong Neolitiko
 Pamayanang sakahan - uri ng pamayanan ng Catal Huyuk

PANAHONG METAL
- Natutunan ng tao ang pakikipagkalakalan sa mga karatig -pook
 Kanlurang Asya - nagmula ang mga Hittite na nakatuklas ng bakal

2
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 REVIEWER

WEEK 6-8: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


MESOPOTAMIA
 Ziggurat, Cuneiform, Code of Hammurabi - kabilang sa mga ambag ng kabihasnang
Mesopotamia
 Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Persian - kabilang sa mga imperyo na
naitatag sa kabihasnang Mesopotamia

INDUS
 Sewerage System, Decimal System - kabilang sa mga ambag ng kabihasnang Indus
 Wala ni isa mang pinuno ng kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan dahil hindi pa
nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng kanilang pagsulat.
 Mayroong pagpapangkat-pangkat sa pamumuhay ng mga tao sa lipunang Indus
 Maaaring naging dahilan ng pagkawala ng kabihasnang Indus ang pagkakaroon ng lindol
o pagsabog ng bulkan, pagkaubos ng puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima,
at paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya

TSINA
 Great Wall of China – ipinatayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga nomadikong
tribo sa hilagang bahagi ng Tsina
 Civil service examination – isinasagawa upang pumili ng mga magiging iskolar ng
pamahalaan
 Dinastiyang Yuan ng Tsina – ang nagtatag at namuno sa Tsina ay nagmula sa dayuhang
bansa
 Taoism, Legalism, Confucianism – mga kaisipang umusbong sa Tsina
 Kadalasang dahilan ng pagbagsak ng mga sinaunang dinastiya ng Egypt ay dahil sa
mahinang pamamahala ng isang pinuno
 Natatangi ang kabihasnan ng Tsina sa lahat ng sinaunang kabihasnan sa daigdig dahil ito
ang kabihasnan na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan

EGYPT
 Egypt - bansang ito ang pinagmulan ng mga Sinaunang Kaharian sa Africa
 Nile - ang sagradong ilog na pinagmulan ng sinaunang Egypt
 Mummification - ito ay nagsimula sa bansang Egypt, dumadaan sa proseso ng
pagpapatuyo ang katawan ng yumao, pinipintahan at pinapalamutian ng alahas ang
katawan ng yumao.
 Hieroglyphics - sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Egypt na nangangahulugang
“sagradong ukit”.
 Nome - nangangahulugang malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong
lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt

You might also like