You are on page 1of 4

Talasalitaan

I.
Ahimsa doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo
Caste pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic
Core pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos
1380 milya ang kapal ng outer core
Crust pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta
Dinastiya pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan
Hellenistic - nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang to imitate Greeks;
tumutukoy sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang
Greek pagkaraan ni Alexander the Great
Heograpiya pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa
kapaligiran
Heograpiyang pantao sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig
Hominid miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa
dalawang paa kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee at orangutan
Khanate estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa
sa gitnang Asya)
Klima kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o
lugar sa matagal na panahon
Kontinente pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig
Khyber Pass lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at
Pakistan na nag-uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya
Mantle binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya
Nome malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt
Nomarch pinuno ng nome
Oracle bone tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid
ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino
Pacific Ring of Fire rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga
aktibong bulkan
Plate malaking masa ng solidong bato
Satrap gobernador o pinuno ng satrapy
Satrapy lalawigan ng Imperyong Persian
Steppe - malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa
silangang Europe at Asya
Terra-cotta anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang
luwad
Vedas sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himong pandigma, ritwal
at mga salaysay.

II.
Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba
pang lungsod-estado ng Greece
Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda
o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Barter- pakikipagpalitan ng produkto
Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa
mga lipi ng maharlika at kaparian
Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay
Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal
Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar
sa hilagang-kanluran ng Greece
Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang
tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain
Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampulitika
bilang pinuno ng Estado ng Vatican
Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito
Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng
singsing at tauhan para sa kanyang opisina
Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo
Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng gitna, ang Mesoamerica ay
rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America.
Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa
Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo
Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America: nangangahulugan ang salitang
Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng
rubber o goma.
Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang
Athens
Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng
mga mandirigma
Piyudalismo- isang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na nakabase sa
pagmamay-ari ng lupa.
Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilasasyong nabuo sa Aegean na
nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.
Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na tirahan ng diyos at isa ito sa mga
unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tyrant- sa sinaunang Kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan
ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan
Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong
Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod
sa kanilang panginoong may lupa.

III.
Absolute monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi
nalilimitahan ng sinuman
Bourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng negosyante, banker, may-ari
ng pantalan o daungan at mga kauri nito
Enlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa pagsagot sa
mga suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural
French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon
ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at kalayaan.
Geocentrism- Paniniwala noong panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro
ng solar system
Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system
Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat
pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong
tumatangkilik sa ideyang ito.
Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa
pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang pamamaraan
upang maisakatuparan ang layunin
Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na
gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon.
Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang Bansa
Kontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong
panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo partikular sa
Katolisismo
Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi
nararapat na pakialaman ng pamahalaan
Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang
metal tulad ng ginto at tanso
Monarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna at mga kauri nito
Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na
naglayong pag-isahin ang buong Europa
Nasyonalismo- Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa
isang bansa o estadong kinabibilangan
Nation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan
ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at
napasasailalim sa isang pamahalaan.
Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang
reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay
Physiocrats Mga taong naniniwala at nagpalalaganap ng ideyang ang lup ang tanging
pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman
Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at radikal na pagbabago
sa isang lipunan
Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na
sumibol sa bansang Italya
Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa
Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa
Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng
simbahang Kristiyano.

IV.
Allied Powers mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis Powers.
Kabilang ditto ang United States, Great Britain, at Soviet Union
Alyansa pagbubuonggrupo o luponngmgamakapangyarihangbansasa Europe
Apollo 11 sasakyang panghimpapawid na mula sa United States, unang sasakyang
nakarating sa buwan
Armistice kasunduan na pansamantalang pagtigil ng labanan o digmaan
Axis Powers mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Kabilang ditto ang Germany, Italy, at Japan
Cold War labanan ng ideolohiya, labanan na hindi ginagamitan ng dahas
Death March - Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa
mga sumukongsundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan
Demokrasya uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga
mamamayan upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan
Fascism ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini, na tumututol sa anumang uri ng
oposisyon sa pamahalaan
Genocide Malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo
na laban sa mga Hudyo
Glasnost - openness o pagigingbukas, nangangahulugang malayang pag-usapan ang mga
suliranin ng bansa sapamamagitan ng malayang pamamahayag
Imperyalismo pagpapalawak ng teritoryo na isinagawa ng mga bansa sa Europe sa
pamamagitan ng pagtatatag ng kolonya
Kasunduan sa Versailles - kasunduang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang
Pandaigdig, naganap noong Hunyo 28, 1919 sapagitan ng Allies at Germany
Komunismo - ideolohiyang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan
sa lipunan
Liga ng mga Bansa (League of Nations) itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na
ang pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at
diplomasya
Marxism teoryang politikal at ekonomiko ni Karl Marx na nagsasaad na ang kilos ng tao
ay bunga ng kapaligiran at uri ng kanyang kinabibilangan
Mein Kampf - (My Struggle) akda ni Hitler na pinagbatayan ng ideolohiyang Nazism,
unang lumabas noong 1925
Militarismo pagpapalakas ng pwersang militar
Narzism ideolohiyang ipinalaganap ni Adolf Hitler na nagsasaad ng pagiging superyor ng
lahing Ayan, ang lahing kinabibilangan ng mga German
Nasyonalismo - pagmamalasakit at pagmamahal ng mga mamamayan sa sariling bansa
Perestroika - tumutukoy sa pagsasaayos ng ekonomiyang USSR upang manaig ang
pwersang pampamilihan
Sputnik - kauna-unahang space satellite sa kasaysayan na inilunsad ng USSR
Third Reich panahon sa Germany mula 1933-1945 kung saan na pasailalim ang bansa
sa kontrol ng ideolohiyang totalitarian
Third World mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas
Triple Alliance kilala sa tawag na Central Powers na kinabibilangan ng Germany,
Austria, Hungary at Italy
Triple Entente tawag sa alyansang France, Great Britain at Russia, kilalabila ng Allies
Tsar tawag sa pinuno ng Russia

You might also like