You are on page 1of 9

13 KOLONYA NG BRITISH SA HILAGANG AMERIKA

1.NEW HAMPSHIRE
2.MASSACHUSETTS
3.CONNECTICUT
4.NEW YORK
5.PENNSYLVANIA
6.VIRGINIA
7.NORTH CAROLINA
8.SOUTH CAROLINA
9.GEORGIA
10.RHODE ISLAND
11.NEW JERSEY
12.DELAWARE
Absolute monarchy- Uri ng
monarkiya na ang kapangyarihan ng
hari ay hindi nalilimitahan ng
sinuman
Bourgeoisie- Panggitnang uri o
middle class na binubuo ng
negosyante, banker, may-ari ng
pantalan o daungan at mga kauri
nito
Enlightenment- Kilusang intelektuwal
na naglayong gamitin ang ‘agham’ sa
pagsagot sa mga suliraning
ekonomikal, politikal at maging kultural
French Revolution- Rebolusyong
pinasimulan ng mga Pranses na
naglayong magkaroon ng
pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at
kalayaan.
Geocentrism- Paniniwala noong panahong
Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang
sentro ng solar system
Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang
sentro ng solar system
Humanismo- Isang kilusang intelektuwal
noong Renaissance na naniniwalang dapat
pagtuunan ng pansin ang klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista
ang taong tumatangkilik sa ideyang ito
Imperyalismo- Pagpapalawig at
pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang
bansa sa pamamagitan ng pananakop,
pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang
pamamaraan upang maisakatuparan ang
layunin
Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-
ekonomiya na unang naranasan sa England
na gumamit ng mga makinarya kaya
nagkaroon ng mabilisang produksyon.
Kolonyalismo- Pananakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang
mahinang Bansa
Kontra-Repormasyon- Kilusang
pangrelihiyon ng Simbahang
Katoliko nannaglalayong
panumbalikin ang tiwala ng mga
mananampalataya sa Kristyanismo
partikular sa Katolisismo
Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito
ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi
nararapat na pakialaman ng pamahalaan
Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na
nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal
tulad ng ginto at tanso
Monarchy- Uri ng pamahalaang
pinamumunuan ng hari, reyna at mga kauri
nito
Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni
Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin
ang buong Europa
Nasyonalismo- Damdamin at paniniwalang
makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa
isang bansa o estadong kinabibilangan
Nation-state- Terminong pampolitika na
tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan
ng mga mamamayan na may magkakatulad na
wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at
napasasailalim sa isang pamahalaan.
Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa
panahon ng Enlightenment na naniniwalang
reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng
aspeto ng buhay
Physiocrats –Mga taong naniniwala at nagpalalaganap
ng ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng
yaman o nakatutulong sa pagpapayaman
Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at
radikal na pagbabago sa isang lipunan
Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth
ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang
Italya
Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong
manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay
katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa
Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon
na humantong sa pagkakahati ng simbahang
Kristiyano

You might also like