You are on page 1of 8

Nangangahulugang “muling pagsilang” o “rebirth”.

Ang
Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-
17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at
ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na
kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang
kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang
Makabagong Panahon.

Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong


bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang
Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay”. Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika,
agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng
persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano
gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang
pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi
pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.
Ang Panahon ng Pagkamulat o Ang Paliwanag (Age of
Enlightenment) ay isang katawagan na ginagamit upang ilarawang ang
panahon sa Kanluraning pilosopiya at buhay pang-kultura na
nakasentro noong ika-18 siglo, kung saan sinusulong ang katuwiran
bilang ang pangunahing pinagmulan at pagkalehitimo ng may
kapangyarihan. Sumusulong na tuloy-tuloy sa Alemanya, Pransiya
Britanya, ang Olanda, Italya, Espanya, at Portugal, lumaganap ang
kilusan sa karamihan sa Europa, kabilang ang Komonwelt ng Polako-
Lituano, Rusya at Eskandinabya at gayon din ang Amerika.

 Ang Panahon ng kaliwanagan at pagtaliwas sa paniniwala ng walang


siyentipikong basehan.
 Nakasentro noong ika-18 siglo, kung saan sinusulong ang katuwiran
bilang ang pangunahing pinagmulan at pagkalehitimo ng may
kapangyarihan.
 Pagkakaroon ng kaliwanagan ng isipan sa pamamagitan ng pagkonsinti sa
pananaw ng nasasakupan.
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa
upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng mangongolonya. Ang kolonyalismo ay madalas na
naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong
pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang
kolonya". Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating
bayan.

Ang Kolonyalismo ay isang uri ng imperyalismo na tuwirang nananakop ng


bansa upang makakuha dito ng kanilang mga pangangailangan. Maaaring
maging pang-kalakal o pang-militar na base ang mga bansang nasakop.
Ang monarkiya ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang
kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang
indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o
hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng
kasapi ng estado." Tinatawag na monarko ang namumuno sa
monarkiya. Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaan sa mundo noong
luma at gitnang panahon.

Dating pangkaraniwang uri ng pamahalaan ang monarkiya hanggang sa


ika-19 dantaon, subalit hindi na laganap sa kasalukuyan. Kung saan naman
ito kasalukuyang ginagamit, kadalasang monarkiyang konstitusyunal ang
pinaiiral, kung saan ang napapanatili ang legal at seremonyal na papel ng
monarkiya, subalit limitado o walang kapangyarihang pampolitika: sa
ilalim ng nasusulat o hindi nasusulat na saligang batas, ang iba naman ay
may kapangyarihang mamahala.

Sa teorya, ang ganap na monarko ay may lubos na kapangyarihan sa


mga nasasakupan, ngunit sa katunayan ang monarko ay nalilimitahan
ng mga grupong politikal mula sa hanay ng mga uring panlipunan at
caste ng kaharian, gaya ng aristokrasya, kaparian, burges at proletario.
Ang industriyalisasyon, rebolusyong industriyal, rebolusyong pang-industriya,
himagsikang pang-industriya, o himagsikang industriyal ay isang prosesong
nangyayari sa ilang mga lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang lipunan
kung saan ito nagaganap. Habang nangyayari ang industriyalisasyon, ang
pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong bahagi
ng proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas mainam na teknolohiya,
nagiging maaaring makagawa ng mas maraming mabubuting mga daladalahin sa
loob ng mas maiksing dami ng panahon. Mas maraming magagawang produktong
bagay ang isang tao. Mas nakakagawa rin ng mas maraming natatanging mga
bagay ang tao.

Ang Rebolusyong Industriyal ay isang panahon noong huling bahagi ng ika-18


siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo nang nagkaroon ng marubdob na epekto
sa sosyo-ekonomika at pang-kulturang katayuan sa Britanya ang malaking
pagbabago sa agrikultura, paggawa ng produkto, pagmimina, at transportasyon.
Lumaganap sa kalaunan ang mga pagbabagong ito sa Europa, Hilagang Amerika
at sa buong mundo. Nagtatak ng isang malaking pag-inog sa lipunan ng tao ang
pagdating ng Rebolusyong Industriyal; halos naimpluwensiyahan ang lahat ng
aspeto ng buhay sa ilang paraan, mula sa manwal na paggawa at ekonomiyang
nakabatay sa paghila ng mga hayop patungo sa paggawa ng produkto sa makina.
Nagsimula ito sa mekanisasyon ng industriya ng Tela, ang pagsulong ng mga
kaparaanan sa paggawa ng bakal at ang pagdagdag ng gamit ng pinong uling.
Pinahintulutan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kanal ang paglawak ng
kalakalan.
Ang Panghihimagsik na Makaagham o Rebolusyong Siyentipiko (Ingles:
Scientific Revolution) ay isang uri ng pag-aalsang nangyari noong panahon
mailathala ni Nicolaus Copernicus ang De revolutionibus orbium coelestium o
"Mga Pag-inog ng Makalangit na mga Espero" (Revolutions of the Heavenly
Spheres sa Ingles) at ng malimbag din ni Andreas Vesalius ang kanyang De
Humani corporis fabrica o "Ang Kayarian ng Katawan ng Tao" (kilala sa Ingles
bilang The Fabric of the Human Body[1]). Dahil sa napakaraming paghahati sa
kasaysayan, maraming mga siyentipiko ang tumutol sa mga hangganan nito.
Iniuugnay sa ika-16 hanggang ika-17 mga daantaon ang kaganapang ito, bagaman
nahanap nito ang huling hakbang sa larangan ng kimika at biolohiya noong ika-18
hanggang ika-19 mga daantaon.
Ito ang namayaning kaisipan pang- ekonomiya na gumagabay sa mga
patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon.
Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay
nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon,
nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang
pinuno sa dami ng ginto at pilak.

 Nagkaroon ng MERKANTILISMO dahil sa paniniwala ng mga Europeo na


may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang mga
adhikain.
 Nagsimula ang Merkantilismo noong ika-16 hanggang ika- 18 siglo.Ito ay
batay sa konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami ng Ginto at Pilak.
 Kinailangan nila ng maraming magtatrabaho sa kanilang mga taniman na
halos isang pamayanan.

Ang bourgeoisie ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na
naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami
ang ganitong mga uri ng tao noong (Panahon ng
Eksplorasyon).Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga
kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapital, mga
namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal.

 Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga
proletaryo. Si Karl Heinrich Marx na pilosopo, ekonomista, sosyologo,
historyan, hornalista, at rebolusyonaryong sosyalista.
 Ang kanyang mga ideya ay gumampan ng isang malaking papel sa
pagkakatatag ng mga agham panlipunan at pagkakabuo ng kilusang
sosyalista.
 Itinuturing rin siyang isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa kasaysayan
lalo na ang mga bourgeoisie.

You might also like