You are on page 1of 1

Ang pag-angat ng mga burges sa pamamagitan ng kani-kanilang mga intelektwal na teorya ng mga likas

na karapatang pantao ang naging resulta sa pagkamit nila ng kapangyarihang pang-ekonomiya at


pampulitikal noong ika-17 hanggang ika-19 na siglo.

Ang pilosopiya ng Ancient Stoics ay nag-uugat sa isang relihiyosong batayan na mayroong paliliwanag na
may banal na plano sa mundo at ang lahat ng taong namumuhay sa mundo ay likha ng iisang diyos, at
samakatuwid ay pantay sa anumang aspeto. Gayunpaman, hindi narrating ng pilosopiyang ito ag masa
dahil ito ay nakulong bilang isa lamang kultura ng pag-aaral sa mga elite ng Gresya at Roma. Makikita
ang mga pinakatanyag na sulatin sa ilalim ng emperador ng Roma siglo 121-180 AD, Marcus Aurelius.

Ang teorya ng likas na karapatang pantao na muling binuhay noong ika-17 na siglo ay nagbigay
impluwensiya sa teorya ng liberalismo ni Thomas Hobbes. Habang itinaguyod ng mga pilosopong nauna
sakanya na mayroong diyos na batayan ang karapatang pantao, inalis ni Hobbes ang mga katwirang may
kinalaman sa relihiyon ukol dito. Idinagdag ni John Locke na kasama ang pag-aari ng isang indibidwal at
ang karapatang mabuhay at maging maligaya bilang karapatang pantao nito. Nang naipakilala ang teorya
ng liberalismo sa Europa, binigyang-diin ang karapatan ng mga mamamayan laban sa estado, na noon ay
nasa pamumuno at kontrol ng mga maharlika at pari. Ito ang naging pangunahing kaso sa unang
Rebolusyong Amerikano noong 1776 kung saan ang ugat ng paghihimagsik laban sa Britanya ay
patungkol sa hindi makatarungang koleksyon ng mga buwis.

Matapos ang matagumpay na rebolusyon ng masa laban a mga monarkiya ng Europa, ginamit ang mga
mamamayan at pinaniwalang sila rin ay makakatatamasa ng kalayaan sa pampulitika at pang-
ekonomiyang lebel pagkatapos ng naging gulo sa lipunan. Lahat ng ipinangako ng repormang iyon ay
kinalimutan. Ginawang paniwalain na ang Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao na ipinahayag
ng National Assembly noong 1789 ang maghahayag sakanila ng kalayaan mula sa mga kadena ng
pyudalismo, sa ilalim ng bagong rehimeng pangkalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran para sa
lahat ng “mamamayan o tao”, ang itinawag sakanila ng mga rebolusyonaryong Pranses. Ngunit ang
naturang tiwala sa kani-kanilang mga pinunong burges ay napatunayang hindi lubos makatotohanan.

Ang pagkakanulo sa mga kinikilalang mas babang uri ng tao ng mga libertarian ang nagtulak sa kanila na
kwestiyunin at manghingi paliwanag sa kanilang naging kapalaran, habang ang ilan sa kanilang mga
pinuno ay hinatulan ng kamatayan at ibinigti ng mga nagwaging burges. Sa katunayan, ang liberal na
pilosopiya ng burgesya ay nagpapakita lamang ng moralidad ng klaseng dominante sa ekonomiya at
pulitika sa Kanlurang Europa at Estados Unidos. Ang mga paraan ng pamumuhay ng matagumpay na
burges ang naging karapatan ng mga mamamayan.

Pagdating ng ika-20 na siglo, nagalit ang mga sosyalista sa Europa, lumaganap saAsya hanggang sa Timog
Amerika at Africa. Nabigla ang mga burgess a panandaliang kasiyahang kanilang nakamit sa panahon ng
maluwalhating pagtaas ng kapitalismo sa pananaw ng mga namumuno at hinikayat ang mga
intelekwalisado sa akademiko na bumalangkas ng argumento labas sa teorya ni Marx patungkol sa
kapitalismo na nagbabanta sa pundasyon ng pag-iral ng mga burges sa ekonomiya. Ipinakita ni Marx
kung paano ang kapitalistang sistema ng mga burges mismo ang nagdadala ng kaguluhan at marawal na
kalagayan ng sangkatauhan na estado sa mundo.

You might also like