You are on page 1of 3

ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ay malaon nang ginagamit ng mga Greek bilang
“scientia” na nangangahulugang “kaalaman “ subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang
kanilang sarili bilang siyentista.

Noong ika 15 na siglo, ang pag-unawa ng mga europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni
Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinukob.

Ang ika 16 at 17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko.Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa
pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.

Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrument sa pagkakaroon ng panibagong pananaw ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng
simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalahathala ng mga bagong tuklas na kaalaman
na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang
mga tradisyunal na ideya at nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan.

NICOLAUS COPERNICUS – Isang polish na nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Polang
noong 1492.Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkatuklas ni Christopher Columbus sa America.

Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa mga pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao.
Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong unang
panahon na iyon tungkol sa sansinukuban ay may pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog na taliwas sa naunang
paniniwala na ito ay patag at kapag narating na ng isang manlalakbay ang dulo nito ay possible siyang mahulog.

TEORYANG HELIOCENTRIC – Inilahad ni Copernicus na tungkol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito ay umiikot sa
araw. Ang teoryang ito ay ay ang paglalahad ni Copernicus na ang araw ang siyang sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng
Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban.

Ang kaisipang ito ni Copernicus ay hindi agad nailathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon, o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng inquisition.

MGA BAGONG TEORYA UKOL SA SANSINUKUBAN (UNIVERSE)

JOHANNES KEPLER – Isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng isang pormula
sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw na di gumagalaw sa gitna
ng kalawakan. Ito ay tinawag niyang ellipse.Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis ng kanilang paggalwa ngunit
bumibilis kung papalapit sa araw at bumabagal kung ito ay papalayo.

Nagkaroon ng pagtatanong si Kepler sa mga pinuno ng academics at simbahan ng panahon na iyon.Hindi siya nagkaroon ng pag-
aalinlangan sa kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa simbahan dahil siya ay kabilang sa kilusang nagprotesta
tungkol sa simbahan sa panahon na iyon.

GALILEO GALILEI – Isang Italyano at katoliko na nagkaroon ng malaking oposisyon sa simbahan. Taong 1609 nang nabuo niya ang
kaniyang imbesyon na teleskopyo na naging dahilan ng kaniyang pagka diskubre sa kalawakan.

Ang kaninga pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya ay mapasailalim sa isang imbestigasyon ng
simbahan. Ang pagdidiing ito sa kanya ng simbahahn ay naging daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-
aaral at upang hindi ito maging daan ng pagtitiwalag sa kaniya sa Simbahan. Matapos ang retraksyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga
siyentipiko na pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika.

ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT

Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa ibat-ibang aspekto ng buhay. Maraming nagmungkahi na gamitin
ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging edukasyon.
Tinawang itong panahon ng kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.

Bagamat ang panahong ito ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europa noong ika 18 na siglo, maari ding sabihing ito ay isang
kilusang intelekwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga skolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng
kawalan ng katwian at pamamayani ng mga pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.

Ang ambag ng mga intelektwal na ito ay nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,
demokrasya at maging sining. Ang mga intelektwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o pangkat ng mga intelektwal na humikayat
sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon
st tinuligsa ang kawalang ng katarungan sa lipunan.

ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA

Naging daan ng mga pagbabago sa siyensya upang mapag-isipan ng mga pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay
maaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maari ding maging gabay ang mga ito sa mga uganayang political,
pangkabuhayan, at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatwiran. Tunay na
Malaki ang impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampolitika.

ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES TUNGKOL SA PAMAHALAAN

Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng Natural Law upang isulong ang paniniwla na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na
pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong
pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na “Leviathan” noong 1651 ay
inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan niya ng
pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang
kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kaniyang
nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang mgrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatwiran ang pamamlakad.

PAGPAPAHAYAG NG BAGONG PANANAW NI LOCKE.

JOHN LOCKE – Isang pilosopo na nakilala sa England na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes na kinakailangang magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng mga tao at nang kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay
may karapatang mangatwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari.

Sinasabi niya na ang tao ay maaring sumira sa kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang
kaniyang mga natural na karapatan. Binigyang –diin niya na kung ang tao ay gumagamit ng pangangatwiran sila ay makararatng sa
pagbubuo ng isang pamahalaang may mabisang pakikipag-ugnayan na makatutulong sa kanila ng pinuno.

Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing “Two Treatises of Government”. Ang kaniyang
sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, Ang kolonyang Amerikano. Ang
ideya niya ang naging basehan ng mga amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain.

THOMAS JEFERSON – Sumulat ng “Deklarasyon ng Kalayaan “ .Ito ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga
Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng tao at ng pamahalaan.

BARON DE MONTESQUIEU – Isang Pranses na kinilala s larangan ng politika na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan
ng isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan; una ay ang lehislatibo – na ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo
ng batas. Pangalawa ay ang ehekutibo – na nagpapatupad ng batas. Pangatlo ay ang hukuman na siyang tumatayong tagahatol.

VOLTAIRE (FRANCOIS MARIE AROUET sa tunay na buhay) – isa ring Pranses na sumulat ng ilang lathalain laban sa Simbahan at
Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay pinatapon sa
England. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at binigyan niya ng pagpapahlaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensya ni
Isaac Newton.

ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Taong 1700 ay 1800 nang magkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United
States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan ito ng gawaing manwal sa mga
kabukiran ng mga bagong imbentong makinaryq. Nagbigay ito ng malaking produksyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng
kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga
industriya upang kumita ng Malaki.

ANG BAGONG URI NG REBOLUSYON

Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon
kung saan ang mga tao ay nagpasimula na gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksyon.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksyon at ito ay lumaki.
Naging daan ito upang sila ay magkaroon ng malaking kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhya. Nagsimula ito noong 1760 na kung
kailang nagkaroon ng mga bagong imbensyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.

ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng
mga makinarya at pabrika.Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang
kalakalan. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang
protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal.

Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko(domestic
System) ang trabaho sa pagpoprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang
trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan.
Ngunit ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong Sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad
na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang
sa panahon na iyon.

ELI WHITNEY – isang amerikanongnakaimbento ng cotton gin noong 1973. Ang cotton gin ay nakatulong upang mapadai ang
paghihiwalay ng buto at iba pang mga material na bulak na dati ay ginagawa ng halos 50 na mangagawa. Dahil dito naging mabilis na ang
nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksyon para sa pagagawa ng tela sa United States.

Cotton Gin Spinning Jenny


Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pag prodyus ng mga tela at naging mura ang mga bilihin. Ang
makinaryang Spinning Jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong mangagawa ay
maaring gawin na lamang ng isa sa tulong ng nabanggit na makinarya.

ANG PAGLAGO AT PAGLAKI NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

STEAM ENGINE – Ang pagkaimbento nito ay naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika.
Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid,
baril, sasakyang dumaraan sa mga riles. Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa ibat-ibang lugar at ugnayan sa
pamamagitan ng makabagong telekomunikasyon.

ALEXANDER GRAHAM BELL – Naging kilala dahil sa paglikha o imbentor ng unang telepono.

THOMAS ALVA EDISON – Nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad
ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang kanilang mga bagong kasangkapan.

SAMUEL B. MORSE – Ipinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan, at
kamag anakan sa ibang lugar.

NEWCOMEN STEAM ENGINE AT WATT STEAM ENGINE – Naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag pump ng tubig
na ginamit para makapag suplay ng tubig na magbibigay ng enerhiyang hydroelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa pabrika.

Ang rebolusyong Industriya din ay nakatulong sa pagbibigay rin ng maraming oportunidad sa paghahanap-buhay ng mga tao. Maraming
nagkaroon ngmalaking puhunan na nakapagpabago sa kanilang pamumuhay hanggang sa mabuo ang middle class o panggitnang uri ng
mga tao sa lipunan.

Steam Engine Unang Telepono Telegrapo

Newcomen Steam Engine Watt Steam Engine

EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo – Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga- probinsya. Nagdulot ito ng pagdami
ng mga tao sa lungod at naging squatter.sa kawalan ng hanap-buhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang
magtrabaho. Isa ito sa naging napaka bigat na suliraning panlipunan at ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin
ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle classsociety. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga union ng mga
mangagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika 19 na siglo.

Sa pag unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikpa ang mga kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan
nila ng mga hilaw na sankap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsilbing pamilihan ng kanilang mga produkto.

You might also like