You are on page 1of 6

Araling Panlipunan 8

Ikatlong Markahan –Modyul 3: Rebolusyong Siyentipiko,Enlightenment at Rebolusyong


Industriyal
Layunin :

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at


Industriyal

Rebolusyong Siyentipiko

Ang pagkakaunawa ng mga Europeo noong ika-15 na siglo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa
aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.Naging hudyat ng pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko noong ika-
16 at ika-17 siglo ng magsimula ang panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob.

Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at


paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay
nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas nakaalaman na pinatunayan ng “bagong
siyensiya.”
 Nicolaus Copernicus na isang Polish na nagpasimula ng kanyang propesyong
siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492.
 Pinaniniwalaan niya na ang mga ideyang itinuro at pinaniniwalaan ng mga tao noong
panahong iyon ukol sa Sansinukob ay may mga pagkakamali.
 Binigyan diin niya na ang mundo ay bilog di gaya ng paniniwala noon na ito ay patag
at kapag nakarating ang isang manlalakbay sa dulo nito ay posibleng mahulog siya.
 Inilahad ay ang ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito ay umiikot
sa araw.
 Ayon sa kanya, ang araw at hindi ang daigdig ang sentro ng sansinukob. Tinawag niya
ang kaisipang ito na Teoryang Heliocentric.
 Johannes Kepler – Isang Alemang Astronomer na sumunod sa pag-aaral at pagsusuri
sa Teoryang Heliocentric ni Copernicus.
 Bumuo siya ng isang pormula sa matematika upang mapatunayan ang pag-ikot ng
mga planeta sa araw.

 Galileo Galilei – isang Italiyanong Katoliko na nagkainteres na mag-aral at magsuri sa


teorya ni Copernicus.
 Noong 1609, naimbento ni Galileo Galilei ang kanyang teleskopyo na ginamit niya sa
pag-aaral sa kalangitan.
 Ang kanyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang
siya’y mapasailalim sa isang imbestigasyon.
 Pinasinungalingan niya at pinintasan ang mga kaisipan ni Ptolemy, na kung saan maging
ang Simbahan ay gumamit ng kaisipang ito sa mga katuruang Kristiyano.
 Noong 1633, ipinatawag si Galilei ni Papa Urban VIII sa Roma upang harapin ang
paglilitis sa Inquisition. Sa takot na mapahirapan at maparusahan ng pagsunog ng
buhay, napilitan si Galilei na bawiin ang kanyang mga pahayag at nanumpang
tatalikuran ang kaisipan ni Copernicus.

Sa larangan ng Medisina
 Hindi tinanggap ang mga pag-aaral ni Galen sapagkat ibinatay ito sa hayop at hindi sa
tao
 Inilathala ang kanyang aklat noong 1543, na may pamagat na “On the Fabric of the
Human Body.”
 Nagawa niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng katawan ng mga yumao para buksan at
pag-aralan, kung kaya’t mas tumpak ang kanyang mga pagsusuri sa katawan ng tao
Andreas Vesalius kumpara kay Galen.
 Nagpatunay na iisang dugo lamang ang dumadaloy sa ugat (vein) at artery
 Napatunayan din niya na ang puso at hindi ang atay ang nagpapadaloy ng dugo sa
katawan.Ang mga ito ay kanyang isinulat sa kanyang aklat na “On the Motion of the
Heart and Blood.”
William Harvey
Sa Larangan ng Chemistry
 Ipinakilala niya ang kanyang Boyle’s Gas Law na nagsasabi na binubuo ang
lahat ng bagay ng mas maliit na butil, na nagsasama-sama sa ibat-ibang
paraan.
 Tinagurian siyang “Ama ng Modernong Chemistry.”
Robert Boyle

 Nakaimbento sa pagpapangalan ng mga chemical elements na ginagamit pa rin natin


sa kasalukuyan.
 Nakilala siya bilang “Tagapagtatag ng Modernong Chemisty.”
Antoine Laurent
Lavoisier

Mga Pilosopong nanghikayat na gumamit ng pag-aaral ng siyensiya


Nagpakilala ng Scientific Method upang masagot at mabigyang linaw ang mga katanungan
sa ating mundo.

Sir Francis Bacon

 Sumulat ng kanyang aklat na “Discourse on Method” noong 1637.


 Para sa kanya, sa halip na gumamit ng eksperimento sa pagbuo ng bagong kaalaman, higit
niyang binibigyang-halaga ang paggamit ng “Rationalismo” o katwiran o lohika. Kilala rin
siya sa pagbuo ng analytic geometry.
Rene Decartes

Panahon ng Pagkamulat o Enlightenment


Ang Enlightenment ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung saan sinikap ng mga pilosopo na isagawa ang mga
prinsipyo ng pangangatwiran at paraang siyentipiko sa lahat ng aspeto sa lipunan. Sila ay kinabibilangan ng ibat-
ibang uri ng tao, mga manunulat, propesor, ekonomista, mamamahayag, at mga taong nagnanais ng pagbabagong
panlipunan. Ang mga taong lumahok sa Enlightenment ay tinatawag na mga Pilosopo. Para sa mga Pilosopo, ang
layunin ng Pilosopiya ay makabuo ng isang lipunan na mabuti kaysa sa nauna.

Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may
kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala
bilang mga pilosopo o pangkat nang mga intelektuwal na humihikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at
edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa
ang kawalan ng katarungan sa lipunan.

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika


 Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law na ang absolutong monarkiya
ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
 Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito
ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari.
 Inilarawan niya sa kanyang aklat na “Leviathan” noong 1651 ang isang lipunan na
walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong
Thomas Hobbes lipunan.

 Ayon sa kanya, ang bawat tao ay isinilang na tabula rasa o mayroong blankong isipan.
Ang isipan ay malalagyan lamang ng laman batay sa impluwensya ng mga nakapaligid
dito at nararanasan ng isang tao, kung mababago ang kapaligiran at mapapalitan natin
ng mabubuting impluwensya ang nakapaligid sa lahat ng tao mas magiging mabuti ang
ating lipunan.
John Locke  May paniniwala siya na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang
mangatuwiran, may mataas na moral, at mayroong mga natural na karapatan ukol sa
buhay, kalayaan at pag-aari.
 May sinasabi siya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno
kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga
natural na karapatan.
 Binigyang diin din niya na kung ang tao ay gumagamit ng
pangangatuwiran sila ay makararating sa pagbubuo ng isang pamahalaang may
mabisang ugnayan na makatutulong sa kanilang pinuno.
 Noong 1689, isinulat niya ang kaniyang mga ideya sa pamamagitan ng lathalaing “Two
Treaties of Government”.

Baron de  Nakilala sa kanyang paniniwala sa paghahati ng kapangyarihan.


Montesquieu  Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na ang pangunahing
Gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas; at
ang hukuman na tumatayong tagahatol.
• Mas kilala sa tawag na Voltaire at pinakadakilang Pilosopo ng Enlightenment
• Para sa kanya ang lahat ng tao ay may karapatang magsalita.
• Ang kanyang pagpapahalaga sa kalayaan sa pagsasalita ay makikita sa kanyang
kasabihan na ”Hindi man ako sumasang-ayon sa iyong sinasabi, handa akong ipaglaban
ang iyong karapatan na sabihin ito.”
Francois Marie • Sumulat siya ng ilang lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng Pransya .
Arouet

Ang kanyang pinakamahalagang ambag ay ang “Classified Dictionary of Sciences, Arts


and Trades” o mas kilala sa tawag na “The Encyclopedia.

Ang pinakaunang encyclopedia ni Diderot ay naging isang mabisang instrumento upang


ipalaganap ang mga bagong kaisipan mula sa Renaissance, Scientific Revolution at maging
Repormasyon. Nagamit din ito upang labanan ang mga paniniwalang pangrelihiyon at mga
makalumang kaisipan. Ang mga encyclopedia ni Diderot ay nabasa at ipinagbili sa mga
Denis Diderot doctor, pari, guro at mga abogado

 Ipinakilala niya ang “Social Contract Theory.” Ayon sa “Social Contract Theory” ang
pamahalaan at mamamayan ay pumapasok sa isang kontrata.Ayon sa kontratang ito, ang
pamahalaan ay may obligasyong pangalagaan at pagsilbihan ang mga mamamayan. Ang
mga mamamayan naman ay may obligasyon na magbigay ng serbisyo at buwis sa
pamahalaan. Kinakailangan nilang sumunod sa mga batas na ipinatutupad ng
Jean Jacques pamahalaan. Sa pagkakataon kung saan nilabag ng mga mamamayan ang kontrata nito sa
Rousseau
pamahalaan, maaari siyang parusahan ng batas. Samantala, kung ang pamahalaan naman
ang lalabag sa kontrata, ang mga mamamayan ay may karapatang palitan ang
pamahalaan.

Rebolusyong Industriyal
Noong una, umaasa lang ang mga tao sa pagtatanim. Ito lang halos ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Ngunit noong huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo, pinasimulan ng Britanya ang
Rebolusyong Industriyal. Ano nga ba ang Rebolusyong Industriyal? Ito ang panahon na kung saan gumamit sila ng
mga makinarya upang makagawa pa ng iba pang produkto. Ito rin ang panahon na lumipat ang mga tao mula sa
simpleng ginagamitan ng kamay tungo sa paggamit ng mga komplikadong makinarya. Nagdulot ito ng mas mabilis at
maraming produktong nagagawa. Ang dating lipunang umaasa lamang sa pagsasaka ngayon ay nakadepende na sa
mga bagong kagamitan o teknolohiya. Taong 1760 na pasimulan ng Britanya ang Rebolusyong Industriyal dahil sa
mga sumusunod na kadahilanan:

 Likas na yaman – Ang Britanya ay sagana sa karbon at bakal na mahalaga sa pagtatayo ng industriya.
 Yamang tao - Maraming lakas paggawa sa Britanya dahil maraming manggagawa roon.

 Sapat na puhunan – May malaking silang kapital na magagamit sa pagtatatag ng mga bagong industriya.
 Suporta ng pamahalaan – Sinuportahan ng pamahalaan ang pag-unlad ng ekonomiya ng Britanya sa
pamamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat na sumuporta sa kanyang imperyo at
kalakalang panlabas.
 Kinalalagyan – Ang bansa ay may mainam na daungan. Ang paglalakbay sa tubig ng mga produkto at kalakal
ay mabilis na madadala sa kanyang destinasyon kaysa sa paglalakbay sa lupa.

Ang pag-unlad ng paggamit ng mga makabagong makinarya ay lubos na nakatulong sa mga bansa sa Europa,
hindi lang sa Europa kung hindi sa ibat ibang panig ng mundo.Kilalanin natin kung sino-sino ang mga taong nasa
likod ng imbensyong ito. Ano- ano ang mga makinaryang ito?
Dahil sa Rebolusyong Industriyal, may malaking naging epekto ito sa Europa at sa daigdig noon at ngayon.

IMBENTOR

1. JETHRO TULL Magsasakang Ingles nanakaimbento ng seedrill noong 1700 na ang


mga binhi ay itinanim nang nakahilera sa halip na ang
maaksayang pagsasaboy nito nang nakakalat.

2. JOHN KAY Inimbento niya noong 1733 ang makina na tinatawag na “flying
shuttle”Nagpabilis ito sa paghahabi nang doble sa maaring gawin ng
isang tao sa isang araw.

3. JAMES HARGREAVES Imbentor na Ingles. Nakaimbento siya noong 1764 na tinawag


niyang “spinning jenny” na kayang maghabi ang isang tao gamit
ang walong sinulid.

4. RICHARD ARKWRIGHT Imbentor na Ingles. Naimbento niya ang isang makina na tinawag
niyang “water frame,” noong 1769, na kung saan gumamit siya ng
water power na nagmumula sa mabilis na agos ng tubig sa
pagpapatakbo ng spinning wheel.

5.SAMUEL CROMPTON Imbentor na Ingles. Siya ang nakaimbento ng “spinning mule”


noong 1779 na isang makinang nakabubuo ng mas matibay,
dekalidad at pinong mga sinulid.

6. EDMUND CARTWRIGHT Imbentor na Ingles na nakatuklas ng higit pang pinabilis na


paghahabi ng tela sa naimbento niyang “power loom” noong 1787.

7.ELI WHITNEY Amerikanong imbentor. Noong 1793, naimbento niya ang “cotton
gin” na nagpabilis nang ilang beses sa pagtatanggal ng buto mula sa
bulak.

8. JAMES WATT Imbentor na Scottish. Siya ang nakaimbento ng “steam engine” na


isang makinang pinatatakbo ng isang mainit na singaw o steam.
Ginagamit ito noon upang mapatakbo ang isang pabrika o tren.

9. GEORGE STEPHENSON Inhinyerong Ingles. Siya ang nakaimbento ng “steam power train” o
daang bakal na ginagamitan ng “steam engine”

  Binago ng Rebolusyong Industriyal ang bawat bahagi ng pamumuhay ng mga bansang naging aktibo sa
industriyalisasyon.
 Matinding pananamantala at paghihirap ang naranasan ng mga manggagawa sa mga pabrika at industriya.
 Lumaki ang pangangailangan sa mga hilaw na sangkap.
 Umunlad ang transportasyon, agrikultura at pakikipagtalastasan.
 Nagbigay ito ng maraming trabaho dulot ng industriyalisasyon na nagbunga rin ng panganib sa kalusugan ng
mga tao.
 Nagdulot din ito ng mataas na pag-angat ng kahalagahan ng pangangalakal.
 Lumago ang pamumuhay ilang mga tao.
 Nagbunga ang Rebolusyong Industriyal ng pagdami ng bilang ng populasyon s a Europa lalo na ang mga sentro
ng kalakalan at komersiyo.
 Nagdulot ng polusyon, pagsisiksikan sa mga marurumi at madidilim na mga kabahayan na nagdulot ng
paglaganap ng sakit at epidemya sa mga lugar na tirahan ng mga mahihirap.
 Paglaki ng agwat katayuan sa buhay ng mahihirap na manggagawa at mayayamang may ari ng lupa at
pagawaan.
 Mabilis na lumago at nagsulputan ang mga lungsod.
 Nagdulot din ito ng pagkabuo ng mga samahan para sa pagbabago ng kalagayan ng mga manggagawa, gayun
din ang pagkakaroon ng mga batas para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga ito.
 Nabuo rin ang kilusang nagsusulong sa pag-aalis ng pang-aalipin. Kasabay rin nito ang pagkakaroon ng mga
karapatan ng mga kababaihan.
SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8
(MODULE 3)

PANUTO: Piliin ang titk ng tamang sagot

Hanay A Hanay B

1. Nicolaus Copernicus A. Cotton Gin


2. Galileo Galilei B. On the Fabric of the Human Body
3. Denis Diderot C. Ama ng Modernong Chemistry
4. Jean Jacques Rousseau D. Leviathan
5. John Kay E. Steam Power Train
6. Eli Whitney F. Spinning Mule
7. Andreas Vesalius G. Tagapagtatag ng Modernong Chemistry
8. Robert Boyle H. Flying Shuttle
9. Thomas Hobbes I. Social Contract Theory
10.George stephenson J. The Encyclopedia
K. Teleskopyo
L. Teoryang Heliocentric

PERFORMANCE TASK
(MODULE 3)

PANUTO: Sa tulong ng kaalamang nakuha sa tekstong nabasa sa modyul na ito,isulat ang mahahalagang
impormasyon
sa talahanayan

KAGANAPAN PERSONALIDAD KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN

REBOLUSYONG
SIYENTIPIKO 1.

2.

3.
1.
ENLIGHTENMENT

2.

3.

REBOUSYONG 1.
INDUSTRIYAL

2.

3.

You might also like