You are on page 1of 3

ANG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG.

Kontinente – ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw Daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay, may mga
kontinente namang napapalibutan ng mga karagatan.
Alfred Wegener - Isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory.
Continental Drift Theory - nagsasabing ang mga kontinente ay dating magkakaugnay.Ito lamang ay isang super continent
na tinatawag na Pangea at pinalilibutan lamang ng alawak na karagatan na tinatawag na Panthalassa Ocean. Dahil sa
paggalaw ng mga continental plates o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang mga kalupaan, nagkahiwa-hiwalay
ang Pangea at nabuo an gang kasalukuyang mga kontinente.
*IPALIWANAG ANG LARAWAN AYON SA MGA SUMUSUNOD:
* PANGEA – 240 milyong taon, may isang super continent na tinatawag na Pangea na pinaliligiran ng karagatan na
tinataawag na Phantalassa Ocean.
* LAURASIA AT GONDWANA -200 milyong taon, nagsimulang humiwalay ang kalupaan ng Pangea at nahati sa
dalawa.Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere.
* 65 milyong taon,nagpatuloya ang paggalaw at paghihiwalay ng mga kalupaan at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong
gumagalaw. Katunayan ay ang patuloy na paggalaw ng North America at Europe. 2.5 sentimetro kada taon.
ANG MAHAHALAGANG DATOS NG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG.
(ipaliwanag ito habang iniisa-isa ang mga kontinente sa Mapa )

 AFRICA -Dito nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante.Nandito rin ang pinakamahabang ilog sa
Daigdig na kilala sa pangalang Nile River at ang pinakamalaking disyerto sa Daigdig. Ito rin ang kontinente na
nagtataglay ng pinakamaraming mga bansa sa Daigdig.(54 na bansa.) Second largest continent
- Bakit maraming mahihirap na bansa sa Africa kung ito ay mayaman sa ginto at dyamante?
Sagot : Dahil sa Korapsyon,illegal trading ng mga yamang mineraltax evasion, at under reporting of production.
 ANTARTICA - Ito ang tanging kontinente na natatakpan ng yelo na may kapal na 2 kilometro.Walang taong
permanenteng naninirahan ditto maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammals ang karagatang nakapalibot ditto. fifth largest continent.
Africa in the present times : Malaki ang epekto ng tinatawag na climate change sa Africa sa kasalukuyang
panahon.Dahil sa pagtindi ng init ng panahon sa Daigdig, mabilis na natutunaw ang yelo sa Antarctica na magdudulot ng
pagtataas ng lebel ng tubig sa mga karagatan at ang unti-unting pagkawala ng lahi ng mga mammals(penguins).

 ASIA -Ang siyang piakamalakng kontinente sa Daigdig. Ang kabuuang sukat nito ay 1/3 ng kalupaan sa
Daigdig.Narito ang bansang may pinakamaraming populasyon ang China at ang pinakamataas na bundok sa
Daigdig, ang Mount Everest.
-Bakit Malaki?dahil geographically speaking, halos ang kabuuang bahagi ng Russia ay nasa Asia (77 %) 23 % ng bahagi
nito ay nasa Europe. Subalit ito ay nakabilang sa Europa sa usaping political. Ang Russia ay isang transcontinental
country, makikita hindi lamang sa isa ngunit sa dalawag kontinente alinsunod sa United Nation Classification.

 EUROPE – Ang Europa ay sangkapat lamang na bahagi ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente sa Daigdig.
Kaalaman tungkol sa Europa: Bagamat ito ang pinakamaliit na kontinente, Ang Europa ang pinakamayamang kontinente
sa Daigdig. Nasa Europa rin ang pinakamalaking bansa, Ang Russia at ang pinakamaliit, Ang Vatican City.

 NORTH AMERICA - Hugis malaking tatsulok subalit mistulang pinilsan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at
Gulf of Mexico.Dalawang mahahabang kabundukan ang matatagpuan ditto, ang Applachian Mountains sa silanganat
Rocky Mountains sa kanluran.
 SOUTH AMERICA - Hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging ekwador hanggang sa Cape
Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains ang pinakamahabang kabundukan sa kontinenteng ito.

 AUSTRALIA /OCEANIA - ang pinakamaliit na kontinente sa Daigdig.Napapalibutan ng Indian Ocean at Pacific


Ocean at inihihiwlay ng Arafura sea at Timor Sea. Dahil sa ilang milyong pagkakahiwalay bilang kontinente, may
mga bukod tanging species ng hayop at halaman na ditto lang matatagpuan tulad ng Kangaroo, Wombat, koala,
Tasmainian Devil at platypus.
Kaalaman tungkol sa Australia: considered as continent and country.ang ibang mga kontinente ay napagdurugtong ng mga
kalupaan sa isat-isa subalit ang Australia ay naihihiwalay ng malawak na anyong tubig.
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA KONTINENTE AYON SA LAKI.
1. Asya
2. Africa
3. North America
4. South America
5. Antarctica
6. Europe
7. Australia

 PACIFIC RING OF FIRE -Ang malawakang hangganan ng Asya, North America at South America ay
matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Tinatawag itong Pacific Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng mga bulkan
at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga Tectonic Plates o tipak ng Crust sa Daigdig kung saan
nakapatong ang mga kontinente.
 Sa kasaysayan,tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% dito ay nasa Pacific Ring of Fire.
MGA ANYONG LUPA AT TUBIG
TOPOGRAPIYA - Ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.
PINAKAMATATAAS NA BUNDOK SA DAIGDIG.
1. Everest
2. K-2
3. Kangchenjunga
4. Lhotse
5. Makalu
6. Cho Oyu
7. Daulagiri
8. Manaslu
9. Nanga Parbat
10. Annapurna
Halos lahat ng pinakamatataas na bundok sa Daigdig ay matatagpuan sa Asya.
MGA KARAGATAN SA DIGDIG.
MULA SA PINAKAMALAKI HANGGANG SA PINAKAMALIIT.
1. Pacific Ocean
2. Atlantic Ocean
3. Indian Ocean
4. Southern Ocean
5. Arctic Ocean
PINAKAMALALALIM NA BAHAGI NG DAIGDIG
1. Challenger Deep sa Mariana Trench
2. Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean
3. Java Trench sa Indian Ocean
4. Eurasia Basin sa Arctic Ocean

MGA MALALAKING DAGAT SA DAIGDIG

1. South China Sea


2. Caribbean Sea
3. Mediterranean Sea.

You might also like