You are on page 1of 4

Mga Sistemang Panlipunan sa Europa sa Gitnang Panahon

MANORYALISMO
Ang manoryalismo ay ang laganap na sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon. Ito ay nakabatay sa
pag-aari ng lupa o manor. Ang manor ay lupang karaniwang ginagamit sa mga agrikultural na gawain. Ito ay
pinangangasiwaan ng isang panginoon (landlord) at pinagyayaman naman ng mga serf.

Ayon sa mga historyador, ang manoryalismo ay nagsimula noong huling bahagi ng Imperyong Romano. Dahil
sa pananakop ng iba’t ibang tribo sa imperyo, bumuo ng ugnayan ang mga magsasaka sa mga nagmamay-ari
ng lupa para sa kanilang seguridad at proteksiyon. Ang kaganapang ito ay higit pang lumago noong Gitnang
Panahon dahil sa pananakop ng mga Magyar, Muslim, at Viking.

PIYUDALISMO
Kung ang manoryalismo ay sistemang pang-ekonomiya, ang piyudalismo naman ay isang sistemang pulitikal at
sosyal na nabuo bilang pagtugon sa mga problema ng paghina ng sentralisadong pamamahala at seguridad
noong Gitnang Panahon. Bilang sistema ng pamamahala, ang piyudalismo ay nagdala ng kaayusan, hustisya, at
seguridad sa panahon ng matitinding pagbabago sa Europa.

Ang mga Piyudal na Relasyon

Ang sistemang piyudal ay binuo ng relasyon sa pagitan ng mga panginoon (lords) at ng kanilang mga basalyo
(vassals), na nag-alay ng katapatan at serbisyong militar kapalit ng lupa o ari-arian at proteksiyon mula sa mga
panginoon. Ang tawag sa lupa o ari-ariang iginagawad ng panginoon sa kanilang basalyo ay fief. Ang relasyon
sa pagitan ng panginoon at basalyo ay nabubuo sa pamamagitan ng panunumpa ng basalyo ng kaniyang
katapatan sa panginoon.
Upang higit na maunawaan ang hirarkiya, narito ang payak na paliwanag:

• Ang hari ang pinakamakapangyarihan sa sistemang piyudalismo. Pagmamay-ari niya ang buong lupain sa
kaharian. May ganap siyang kontrol sa lahat ng lupain, at nasa kaniyang pasya kung gaano kalaki o kaliit ang
ipagkakatiwala sa mga panginoon. Sa anumang panahon, maaari din niya itong bawiin at ipagkaloob sa iba.

• Ang mga panginoon, na maaaring mga duke o konde (high nobles; lords), ay nanunumpa ng kanilang
katapatan sa hari bago nila tanggapin ang lupain mula sa hari. Sila ang ikalawa sa pinakamayayamang uri sa
sistemang sosyal ng piyudalismo. Maaari silang magpataw ng buwis sa kanilang manor. Bilang kapalit,
nagkakaloob ang mga panginoon ng mga kabalyero para sa hari, nagsisilbi sa konseho ng mga maharlika, at
nagbibigay ng pagkain sa hari at pamilya nito. Maaaring ipagkaloob o ipagkatiwala ng mga panginoon sa mga
basalyo ang bahagi ng kanilang lupain, at sila ay magiging panginoon ng mga basalyo.

• Nanunumpa ng katapatan ang mga basalyo (lesser nobles; vassals) sa mga panginoon. Kasama ng mga
kabalyero (knights), nangangako sila na susuportahan nila ang kanilang mga panginoon at hari sa anumang
sigalot at tutustusan o bibigyan ng hukbong sandatahan kung kinakailangan. Ang pangunahing tungkulin ng
mga kabalyero ay bigyan ng proteksiyon ang kanilang mga panginoon at hari.

• Ang mga serf ay nakatira sa lupain ng mga panginoon, bilang kapalit, nagtatrabaho sila at ibinibigay ang
bahagi ng ani sa kanilang panginoon. Hindi sila puwedeng umalis sa manor nang walang permiso. Kakaunti
lamang ang kanilang karapatan, at sila ang pinakamahirap na klase sa sistemang sosyal ng piyudalismo.

Ang Pag-Usbong ng Makbagong Europa sa Daigdig

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, nagkaroon ng muling paglakas ng ekonomiya na dulot ng pagtaas ng
produksiyong agrikultural, mas mapayapang kapaligiran, at pagbabalik ng kalakalan. Ang paglakas ng
ekonomiya ay nakasentro sa mga bagong lungsod at bayan na nabuo, at ang mga namalagi sa mga siyudad at
bayan na ito ang bumuo ng bagong klaseng panlipunan: ang bourgeoisie.

Ang Bourgeoisie
Noong panahong piyudalismo, maaaring hari, mga maharlika, o mga may mataas na katungkulan sa
Simbahan ang may control sa mga bayan. Ang kanilang interes ay magnegosyo kaysa makidigma. Tinawag sila
na burghers o bourgeoisie. Ang salitang bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa
Europe noong Panahong Midyebal.

Mga Salik sa Pag-Angat ng Bourgeoisie


• Ang Pagbabago sa Sining ng Pakikidigma ay Nagbigay Kahinaan sa Piyudalismo
• Ang Pagdami ng mga Mersenaryo (tao na bayarán o sundalong propesyonal na inuupahan upang
gumanap sa isang tiyak na tungkulin sa ibang lupain)

• Ang sistemang Guild ( Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanap buhay)

Kahalagahan ng Bourgeoisie
Ang pangunahing interes ng bourgeoisie ay ang pagpapayabong ng kanilang mga negosyo o ng kanilang
propesyon. Ang interes na ito ang nakatulong sa pagpapalakas ng komersiyo sa bawat bayan na nagdala ng
bagong kaunlaran sa mga bansa sa Europa. Bukod sa pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo, nagkaroon din
ng interes at nagbigay din ng suporta sa mga gumagawa ng sining ang mga miyembro ng bourgeoisie.
Nakatulong ang suporta nila sa panunumbalik ng sining sa Europa.

Ang buhay ng bourgeoisie ay nakasentro sa merkado, hindi sa simbahan o sa manor. Ang bourgeoisie ay
naging malaya sa impluwensiya ng mga aristokrata. Dahil sa kanilang tagumpay sa komersiyo at kanilang mga
propesyon, ang ilan sa kanila ay naging maimpluwensiya sa pulitika. Ang mga hari ay nagsimulang kumuha ng
mga ministro mula sa gitnang uri. Sa hinaharap, ang impluwensiyang bourgeoisie ang pagmumulan ng ilang
mga rebolusyon sa pulitika at lipunan.

Dahil sila ay nakapag-aral, naging kritikal din ang mga bourgeoisie sa mga paniniwala ng lipunan. Nagsimula
ang bourgeoisie na tutulan ang katiwalian sa Simbahan, at ang mga katangiang ito ng bourgeoisie ang nagdala
ng maraming pagbabago sa Europa noong panahong iyon.

Ang Merkantilismo
Ang merkantilismo ay isang patakarang pang-ekonomiya na umiral sa Europe noong ika-16, 17, at 18
siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan. Ayon sa teorya, ang kapangyarihan ng
isang bansa ay lumalakas kapag mas malaki ang pag-angkat (import) kaysa sa pagluluwas (export).

Ang merkantilismo ay may tatlong paniniwala: una, ang pagluluwas ay mainam sa kalakalan para sa
loob ng bansa at sa mga karatig bansa. Ikalawa, ang kayamanan ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong ginto
at pilak at ikatlo, ang pakikialam ng gobyerno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran, kapag pinairal ito
upang matamo ang kaunlaran ng bansa

Ang Renaissance
Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang.” Ang
Renaissance ay nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura.. Ang
Renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay.
Binigyang-daan nito ang pagbabago sa iba’t-ibang larangan. Nagkaroon ng kaunlaran sa ekonomiya.

Repormasyon
• ito ay isang kilusan na ibinunsod ng malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon.

• Ang layunin nito ay baguhin ang pamamalakad sa simbahan.

• Naganap ito noong ika-16 na siglo na itinuturing na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan na kung
saan iminumulat nito ang mga tao sa hindi maiwanang ugnayan ng estado at simbahan.

Sa panahon ng Renaissance, napasok ang Simbahang Katoliko sa isang magulong sitwasyon. Ang mga
Kristiyanismo mula sa iba’t-ibang antas ng tao sa lipunan ay nagging mulat sa naganap na katiwalaan at
makamundong Gawain sa Simbahan. Mula sa bibig ng isang pesante, winika niya ang ganito:” Instead of saving
the soul of the dead and sending them to heaven, the clergy gorge themselves at banquets after funerals.
They are wicked wolves! They would like to devour us all, dead or alive.
Unang Yugtong Imperyalismo at Kolonisasyon

Ang Kolonyalismo at Imperyalismo


Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa na ginagawa sa pamamagitan ng
sapilitang pananakop at pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar. Ang mga nasakop na
bansa ay itinuturing na pag-aari ng imperyong mananakop, kaya naman, ang lahat ng polisiya, patakaran, at
adbokasiya na ipinatutupad sa imperyo ay ipinatutupad rin sa mga nasakop.

Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo. Ito ay pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa
isang mahinang bansa upang gamitin ito para sa pulitikal at ekonomikong interes ng mananakop na bansa .
Palaging may hindi pantay na relasyon sa pagitan ng mananakop at kolonya. Sa maraming pagkakataon sa
kasaysayan, ang mga mananakop at kolonyang bansa ay magkakalayong bansa na may kaniya-kaniyang
prekolonyal na kultura at pamumuhay. Samakatuwid, ang pagkontol ay ginagawa ng mga dayuhan.

Pangunahin sa mga hinanapan ng paraan upang mapabilis ang produksiyon ay ang sektor ng agrikultura.
Napakahalaga na masustentuhan nang maayos at sapat ang pangangailangan sa pagkain ng mga tao. Kaya
sabay sa paglobo ng populasyon sa bansa ay kinakailangan din ang pagdami ng bilang ng pagkain na
pwedeng mabili sa pamilihan. Dahil dito, naimbento ang mga makabagong kagamitan at makinaryang
pansakahan.

You might also like