You are on page 1of 3

A.

Pag-usbong ng Bourgeoisie

Iniuugnay ang terminong bourgeoisie sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo
ng mga artisano at mangangalakal. Ang mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga
kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang ay tinatawag na artisano. Sa
uring panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord o panginoong may lupa. Bourgeoisie ang
termino na ginamit upang tukuyin ang gitnang uri ng mga tao sa France at ng iba pa pang mga bansa sa
Europe.

Ang bourgeoisie sa Europe ay naging isang makapangyarihang puwersa sa huling bahagi ng ika-17 siglo.
Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga ship owner
(nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing mamumuhunan at mga negosyante.

Sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural


right) laban sa banal na karapatan (divine right) sa ika-17 at ika-18 siglo. Halimbawa ng unibersal o likas
na karapatan ay ang karapatang mabuhay ng may kalayaan. Itinatakda ng banal na karapatan na ang hari
ay hindi napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling sa
diyos. Ang isang kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa
isinasaad ng konstitusyon o saligang batas ay tinatawag na konstitusyonalidad. Ang paniniwalang
liberalismo ay nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.

B. Pag-iral ng Merkantilismo

Isang sistema ang merkatilismo na ang pangunahing mga layunin ay politikal gaya ng magkaroon ng
malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, at mapondohan ang
kanyang hukbo. Ito din ay maging daan upang magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin
ng buong daigdig. Sentral sa teorya ng merkantilismo ang doktrina ng bullionism kung saan sa ilalim ng
doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng
hangganan nito.

Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang


tinatawag na nasyonalismong ekonomiko na ibig sabihin ay kayang tustusan ng isang bansa ang sarili
nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang konsepto ng paternalism na isang sistema ng
pamamahala kung saan ang pamahalaan ay namamahala na parang ama sa kanyang mamamayan.

Epekto ng Merkantilismo

Dahil sa kolonya nito sa Central at South America, yumaman ang Spain. Itinataas nito ang butaw at
dinagdagan ang mga produktong galing sa ibang bansa. Dahil ipinatupad ni Jean Baptiste Colbert ang
merkantilismo, umunlad ang komersyo sa France. Ang East India Company ay pinahintulutan ni Queen
Elizabeth I na palaganapin ang komersyo sa Asya at kalapit-bansa sa Silangan.
Ang Navigation Acts at iba pang batas ay ipinairal upang madagdagan ang salapi at kapangyarihan ng
bansa. Nililimitahan ng batas na ito ang pagbibili ng asukal at tabako sa England lamang na siyang
dahilan na mapupunta ang tubo nito sa mga mangangalakal na Ingles lamang.

C. Pagtatatag ng National Monarchy


Ang pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya ay may malaking
naitulong sa paglakas ng Europe. Magunita natin na sa panahon ng piyudalismo, walang
sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari dahil siya ay itinuturing lamang
na pangunahing panginoong may-lupa. Subalit sa tulong na mga
bourgeoisie nagbago ang katayuan ng monarkiya. Unti-unting namayagpag ang hari na dating
mahina ang kapangyarihan kaya ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa
panginoong may lupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Ang mga tao
ay handang magbayad ng buwis para sa proteksiyong
ito. Nagkaroon ng pondo ang hari, sa pamamagitan ng buwis, upang magbayad ng mga
sundalo kaya nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng
panginoong may-lupa.

Mga Dahilan ng Pagyabong ng Monarkiya


Unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng mga hari sa huling bahagi ng Kalagitnaang
Panahon habang ang mga panginoong may-lupa at ang mga maharlika ay nawalan ng
kapangyarihan.

May mga salik o dahilan sa paglakas ng monarkiyang nasyonal at paghina ng


panginoong may-lupa at ito ang mga sumusunod:

Una, ang krusada kung saan maraming mga panginoon ng may-lupa ang nahalina na
sumama sa krusada. Humina at nabawasan nang malaki ang kanilang bilang sa Europa nang
hindi na nakabalik ang mga ito sa kanilang mga estado.

Ikalawa, nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mga tagapamahala ng mga bayan at


lungsod dahil sa malawakang paggamit ng salapi at paggamit ng buwis na ibinabayad ng mga
mamamayan. Dahil dito, hindi na sila umaasa sa mga panginoong may-lupa sa pagtatanggol ng
kaharian.

Ikatlo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal at mga alipin na bumili ng


kalayaan ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may-lupa. Maliban dito, gusto ng
mga mangangalakal at ng mga alipin na mapasailalim at mapamunuan ng isang hari kaysa sa
isang panginoong may-lupa sapagkat binigyan sila ng hari ng proteksiyon, sistemang batas, at
pananalapi.

Ikaapat, ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar kung saan ang mga
mamamayan na may magkakatulad na wika ay nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging
matapat sa kanilang estado at sa hari nito.
Ang Renaissance at ang Pag-usbong
Ang renaissance ay isang salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “rebirth o revival” o
muling pagsilang, muling pag-usbong, muling pagkabuhay.

Ito ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan mula 1350 hanggang 1600 AD na ang


pangunahing katangian ay ang muling pagkapukaw ng interes sa mga klasikal na kultura ng
Greece at Rome.

Dahil sa pag-unlad sa agrkultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at


pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon as Europe noong Middle Ages. Dahil
dito, lumaki ang populasyon at dumami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan
naman ng maunlad na kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga
ito bilang sentrong pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-
estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at
Genoa. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong may-
lupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA-IBANG LARANGAN

You might also like