Professional Documents
Culture Documents
Reviewer - Ap
Reviewer - Ap
Manoryalismo -
❖ Ang manoryalismo ay isang ekonomikong sistemang nagsilbing batayan ng
piyudalismo.
❖ Ang mga magsasakang nagtatrabaho sa manor ay maaring alipin o
mamamayang malaya.
❖ Ang mga lord ay may sariling hukbo na ginagamit upang protektahan ang
kanyang mga nasasakupan.
Ang mga Fair - Ang fair ay nagsisilbing tagpuan ngmga mangangalakal mula sa
iba’tibang lugar upang maibenta angkanilang produkto. Pangunahing pagkakaiba
nito sa ating barter ay ang simula ng paggamit ng salapi sa halip napalitan lamang
ng produkto.
Craft Guild - Ang bawat kasanayan ay may sariling guild. Karpintero, sastre, barbero at iba
pa. Ang sinumang hindi kasapi ng guild ay hindi pwede gumawa ng produkto.
Ang Apprentice - Hindi madaling maging kasapi ng guild. Nagsisimula sa gulang na 12 ang
isang lalaki (minsan isang babae) na nagnanais maging kasapi ng guild bilang
apprentice.Siya ay magsasanay sa ilalim ng isang mastercraftsman sa loob ng pitong taon.
Hindi naging kasiya-siya sa Simbahan ang sistemang pagkontrol ng hari tulad ni Otto sa
kaparian at kapapahan. Higit sa lahat tinanggihan ng Papa ang proseso ng lay investiture.
Noong 1075, hindi sinang-ayunan ni Gregory VII ang obispong itinalaga ni Henry IV at
ipinagbawal ang lay investiture.