You are on page 1of 2

Summary Reading - Module Week 6

Basahin at unawain ang Buod ng Module 6


👉🏻Ang Middle Ages ay yugto sa kasaysayan na nagsimula sa pagbagsak ng Imperyong
Romano at nagwakas sa pagsisimula ng Renaissance.
👉🏻Mga Yugto ng Middle Ages o Panahong Medieval
I. Early Middle Ages
1. Umiral ang Dark Ages sa Europe. Nandayuhan ang mga tribong Germanic. Ang Dark Ages
ay Panahon ng kaguluhan at kawalan ng kaseguruhan bunga ng pagbagsak ng Imperyong
Romano (nawalan ng pamahalaan).
2. Naitatag ang Kaharian ng mga Frank at namuno si Charlemagne. naitatag ang Holy
Roman Empire.
3. Paglakas ng Simbahan at paglaganap ng Kristiyanismo sa Europe.

II. High Middle Ages


1. Pamumulaklak ng Kulturang Medieval sa larangan ng panitikan, Tula At arkitektura
2. Pagtatayo ng mga katedral (estilong Gothic at Romanesque sa larangan ng arkitektura)
At unibersidad sa Europe
3. Paglulunsad ng Krusada - ang kruasada ay ekspedisyong militar na inilunsad ng mga
Kristiyano sa Europe upang mabawi ang Holy Land (Jerusalem at mga banal na lupain)
mula sa mga Seljuk Turks.
4. Rurok ng kapangyarihan ng Simbahan

III. Late Middle Ages


1. Paglaganap ng Black Death o bubonic plague - epidemic na lumaganap sa Europe
👉🏻Mga Pagbabago sa Middle Ages na Nagbigay-saan sa pagwawakas ng Piyudalismo
1. Pag-unlad ng kalakalan - nagsimulang lumaganap ang kalakalan sa tulong ng mga
Medieval fair (Perya). Ito ay pansamantalang pagpunta ng mga mangangalakal sa isang
lugar upang magbenta ng mga kalakal na isinasabay kadalasan sa mga pagdiriwang.
Mayroon mga palabas o pagtatanghal upang ma-engganyo ang mga tao na magpunta sa
mga fair.
2. Pag-unlad ng Agrikultura - tumaas ang produksyon ng pagkain ng natutuhan ang three
field system. Ito ay pagtatanim na hinahati ang lupain sa tatlong bahagi. Iniiwan ang isang
bahagi nito na nakatiwangwang(walang Tanim) upang makabawi ng sustansiya ang lupa.
3. Pag-unlad ng mga bayan At lungsod - Sa pag-unlad ng kalakalan ay dumami ang mga
bayan at lungsod na naging sentro ng komersiyo.
4. Paglitaw ng mga bourgeoisie - ang mga bourgeoisie ay mga panggitnang uri ng tao sa
lipunan (mga May kaya). Sila ay nanirahan sa mga bayan at lungsod. Ang kanilang
kabuhayan ay nasa kalakalan o komersiyo. Hindi sila kabilang sa lipi ng mga maharlika.
5. Pasibol ng mga guild - ito ay samahan ng mga artisano (mga manggagawa na May
espesyalisasyon gaya ng sapatero, at mananahi) at mangangalakal na sumibol sa mga
bayan at lungsod.
6. Paggamit ng salaping barya
7. Pagsisimula ng pagbabangko

You might also like