You are on page 1of 11

1

ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________

Aralin
Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring nagbigay-daan sa
Aralin pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
35 PAGBABAGONG POLITIKAL SA EUROPA SA GITNANG PANAHON
Isinulat ni: Krizza Mae D. Eguac

KASANAYAN SA PAGKATUTO
*Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
 Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman mo ang pagbabagong naganap


sa Europa sa Gitnang Panahon partikular na sa politikal nitong aspeto – Ang Holy
Roman Empire at Sistemang Piyudalismo.

Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:


1. Naiisa-isa ang politikal na pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang
Panahon.
2. Naipapaliwanag ang politikal na pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang
Panahon.
3. Natataya ang katangiang dapat taglayin ng pinuno upang mapabuti ang
kanyang nasasakupan.

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian.
1. Anong grupo ng mga barbaro ang naghari sa Rome pagkatapos bumagsak
ang Imperyong Romano?
A. Aleman B. Huns C. Lombards D. Turks
2. Ano ang dinastiyang kinabibilangan ni Charlemagne?
A. Plantard B. Carolingian C. Merovingian D. Saint-Clair

8- AP- Qrt 2- Week 5


2
ARALING PANLIPUNAN 8
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa lipunang piyudal?
A. Lord at Lady C. Council of Elders
B. Vassals D. Alipin
4. Ano ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan noong Panahon ng
Piyudalismo?
A. Alahas B. Ginto C. Lupa D. Mineral
5. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: nobles,
klerigo, at pesante. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pesante?
A. Itinuturing silang natatanging sektor ng lipunan.
B. May karapatan ay kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng mga tao sa Panahong Medieval.
D. Malaya nilang mapapaunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya
6. Sino ang nagbuklod ng mga maliliit na kaharian sa Kanlurang Europe at
nagtatag ng Dinastiyang Merovingian?
A. Charles Martel C. Pepin the Short
B. Clovis D. Louis the Pious
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nagawa ni Charlemagne?
A. Pagtatayo ng mga aklatan at pagpapalawak ng kaalaman sa imperyo
B. Pagtatalaga ng mga tagapagsiyasat ng mga teritoryo bilang kinatawan
niya.
C. Pinasuko ang mga Lombards at winakasan ang pag-aalsa sa Santo Papa.
D. Pananakop ng mga teritoryo hanggang India.
8. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Dinastiyang Carolingian?
A. Pagkamatay ni Charles the Great
B. Hindi maayos na pamumuno ng mga anak ni Louis the Pious
C. Napabayaan ni Clovis ang kaharian
D. Sinakop ng mga barbaro ang kaharian
9. Ano ang tungkulin ng panginoong may-lupa sa mga pesante?
A. Walang tungkulin ang panginoong may-lupa sa pesante dahil sila ang
pinaglilingkuran ng mga ito.
B. Panatilihing mangmang ang mga pesante upang manatiling alipin.
C. Bigyan ng trabaho ang mga ito sa loob ng manor at panatilihing ligtas.
D. Turuan ang mga pesante na umangat ang antas sa lipunan.
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nobles noong panahon ng
Piyudalismo?
A. Panginoong may-lupa B. Hari C. Pari D. Basalyo

8- AP- Qrt 2- Week 5


3
ARALING PANLIPUNAN 8

Ang pagbagsak ng Imperyong Romano ang naging hudyat ng pagsisimula ng Gitnang


Panahon o Panahong Medieval. Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng
Imperyong Romano? Isulat ang mga ito sa tsart sa ibaba.

Pagbagsak ng Imperyong
Romano

ARALIN 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring nagbigay-


daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Pagbabagong Politikal sa Europa sa Gitnang Panahon

Ang pagbabago ng sistemang politikal o maging ng mga pinuno ay may


malaking impluwensiya sa kahihinatnan ng nasasakupan nito. Sa pagpasok ng
Gitnang Panahon, ang mga pagbabagong politikal partikular na ang pagkakatatag
ng Holy Roman Empire at Sistemang Piyudalismo ay nagdulot ng pagbabago sa
paraan ng pamumuhay ng mga tao sa Europa.
Ang pagbagsak ng Imperyong Romano ang nagbigay-daan sa bagong
pamumuhay at naging hudyat sa pagsisimula ng Gitnang Panahon o Panahong
Medieval. Ang Gitnang Panahon ay nagtagal mula ika-5 siglo hanggang ika-15 siglo
at naging panahon ng transisyon mula Sinaunang Panahon patungong Modernong
Panahon.

Upang mas madaling maunawaan ang pagbabagong politikal sa Europa,


basahin at unawain ang pagkakasunod ng mga pangyayari.

8- AP- Qrt 2- Week 5


4
ARALING PANLIPUNAN 8

Pagbagsak ng Imperyong Romano

Nasakop at nagkawatak-watak ang mga


lugar na sakop ng Imperyong Romano.
Nakapasok ang mga barbaro at
kalaunan ay nagtayo ang mga pangkat-
etnikong Aleman ng maliliit na
kaharian. Naghari sila sa lugar sa loob
ng halos dalawang siglo.
"Barbarian-Invasions-Map" by History Maps is licensed under
CC BY-NC 2.0. Retrieved from
https://search.creativecommons.org/photos/f08d0376-a5e8-
4b62-b093-d11a386fbdb5

Pinag-isa ni Clovis ang maliliit na kahariang Aleman

 Ang Kaharian ng mga Franks ang isa sa mga naitatag na kaharian. Nang
mapag-isa ni Clovis ang maliliit na kahariang Aleman ay naitatag ang
Dinastiyang Merovingian.
 Naging Kristiyanong Hari si Clovis na suportado ng Simbahang Katoliko.
 Pagkamatay ni Clovis ay nagkagulo ang mga kaanak na papalit sa kanyang
trono. Napunta sa Alkalde ng Palasyo ang pamumuno at naging hari na
lamang sa pangalan ang haring Merovingian.

Pagsisimula ng Dinastiyang Carolingian

 Si Charles Martel, isang Alkalde ng Palasyo, ay nagtagumpay na talunin ang


mga Muslim na mananakop.
 Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ang nagmana ng posisyon
at kinilala ng Papa. Dito nagsimula ang Dinastiyang Carolingian.
 Ang mga teritoryong nakuha ni Pepin the Short mula sa mga Lombards ay
ibinigay niya sa Simbahan. Pinatalsik din niya ang huling haring
Merovingian.

ANG HOLY ROMAN EMPIRE

 Ang anak ni Pepin the Short na si Charles ang pumalit


bilang hari. Naging mahusay siyang pinuno kaya’t
kinilala siya bilang Charlemagne o Charles the Great.
 Prinotektahan ni Charlemagne ang kapakanan ng Papa
at Simbahan. Napasuko niya ang mga Lombards at
Charlemagne
winakasan ang mga pag-aalsa laban sa Santo Papa.

8- AP- Qrt 2- Week 5


5
ARALING PANLIPUNAN 8

 Dahil dito, kinoronahan siya ni Pope Leo III noong 800 CE bilang Emperador
ng Banal na Imperyong Roman (Holy Roman Empire).
 Ang mga Emperador ng Banal na Imperyong Roman ay itinuring na
“Protector of the Church” o “Tagapagtanggol ng Simbahang Katoliko”.
 Ang paglakas ng Holy Roman Empire ay nagdulot ng pagkalat ng
Kristiyanismo sa buong Europa.
 Paraan ng pamumuno ni Charlemagne:
 Ang kapangyarihang administratibo, militar at hudikatura ay ibinigay
niya sa maliliit na hari.
 Nagtalaga siya ng mga missi dominici o mga tagasiyasat sa bawat
teritoryo na nangangasiwa bilang kinatawan niya.
 Nagpatayo ng mga paaralan at aklatan sa kaharian. Ang mga iskolar ay
dinala sa kaharian upang magturo ng iba’t-ibang wika.

(Soriano, et al. 2017, 164)

Pamumuno ni Louis the Pious


 Pagkamatay ni Charlemagne ay humalili sa kanya ang anak niyang si Louis
the Pious o Louis the Religious. Ang mga maharlika ay lumaban sa kanyang
pamumuno kaya’t hindi siya nagtagumpay sa pagpapanatili ng imperyo.
 Nahati sa tatlo niyang anak ang imperyo sa kanyang pagkamatay.

Pagbagsak ng Dinastiyang Carolingian

 Hindi naging maganda ang pamamalakad ng mga anak ni Louis kaya’t


nagkawatak-watak ang imperyo. Muling lumusob ang mga mananakop.

Ang muling pagsugod ng mga mananakop ang isa sa mga dahilan ng pag-
usbong ng Sistemang Piyudalismo.

ANG PIYUDALISMO
 Lupa ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe mula ika-9
hanggang ika-14 na siglo. Ang pangunahing nagmamay-ari ng mga lupa ay
ang hari at tagapangalaga ng mga nasasakupan.
 Ang Piyudalismo ay isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europe
noong Gitnang Panahon. (Soriano, et al. 2017, 164)

8- AP- Qrt 2- Week 5


6
ARALING PANLIPUNAN 8

 Dahil sa kaguluhan, hindi kakayanin ng hari na protektahan ang lahat ng


kanyang nasasakupan kaya’t ibinigay niya ang pangangalaga ng mga ito sa
mga nobles o dugong bughaw. Kasama na rito ang proteksyon ng mga taong
nakatira sa mga lupaing ito.
 Ang mga nobles o dugong bughaw na nakatanggap ng lupa ay tinawag na
vassal o basalyo ng hari. Bilang kapalit ng lupa, ang mga basalyo ay susumpa
ng katapatan sa hari at magbibigay ng serbisyong militar. Sa panahon na
kailanganin ng hari ang tulong militar gaya ng panahon ng digmaan,
inaasahang handang tumulong ang kanyang mga basalyo.
 Lord o Panginoong may-lupa ang tawag sa mga nagmamay-ari ng lupa. Ang
hari ang pinakamataas na lord at ang mga basalyo niya ay maaari ring
tawaging lord. Sila ang pinakamataas na pinunong politikal sa kanilang
lupain.
 Ang mga lupain ay nabuoAngbilang maliliitsana
Lipunan pamayanan
Sistemang na pinamamahalaan
Piyudalismo
ng Lords o Panginoong may-lupa. Ang mga mamamayan sa panahong ito ay
(Soriano, et al. 2017, 164)
tapat na nagtatrabaho at nakatira sa loob ng manor ng kanilang Panginoong
 Ang mga nobles ay binubuo ng hari, mga lord
Nobles
may-lupa.
o panginoong may-lupa at mga basalyo.
Klerigo  Ang mga klerigo ay binubuo ng mga pari.
Ang matataas na obispo o pari ay mga
nakapag-aral at namumuhay ng kagaya ng
Pesante
panginoong may-lupa. Ang mga mahihirap
na naging klerigo ay naging pari sa mga
nayon na nakatira sa mga dampa.
 Kabilang sa mga pesante ang lahat ng uri ng manggagawa o magsasaka.
Mayroong iilang malalaya na nangungupahan sa lupa ng lord ngunit
karamihan sa mga ito ay mga alipin na pagmamay-ari ng lord.
 Bagamat hindi pantay o makatarungan ang relasyon sa sistemang piyudal,
naibigay nito ang pangangailangang pangseguridad at pangkabuhayan na
kailangan ng mamamayan sa panahong iyon.

Paghina ng Piyudalismo

Sa paghina ng piyudalismo ay muling naibalik sa mga hari ang


kapangyarihang mamuno.

8- AP- Qrt 2- Week 5


7
ARALING PANLIPUNAN 8
Mga Dahilan sa paghina ng Piyudalismo

 Marami sa Panginoong Piyudal ay sumama sa Krusada at hindi na


nakabalik. Parte ito ng serbisyong militar na kanilang ibinigay sa hari o
kapwa panginoong may-lupa. Dahil dito ay nawalan ng mamamahala sa
lupain o manor.
 Ang mga lupaing walang namamahala ay naibalik sa pangangalaga ng
hari at estado.
 Nagbukas ng rutang pangkalakalan ang Krusada. Ang mga tao ay
nanirahan sa mga bayan at iniwan ang sakahan. Nakalaya ang mga
alipin sa pagbili ng kanilang kalayaan.

Gawain A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang teksto.

1. Paano nagbago ang kalagayang politikal (pamamahala) sa Europe pagkatapos


bumagsak ng Imperyong Romano?
2. Batay sa mga naging pamumuno ng Holy Roman Emperors, paano
naiimpluwensiyahan ng pinuno ang kahihinatnan ng kanyang nasasakupan?
3. Paano namuhay ang mga tao sa Sistemang Piyudalismo?

Gawain B. PAGSUNOD-SUNURIN: Pagsunod-sunurin ang mga pagbabagong


politikal sa Europa noong Gitnang Panahon mula sa mga pagpipilian at isulat ang
maikling paglalarawan sa paraan ng pamumuno dito. Gawing gabay ang unang
halimbawa at ang pormat sa ibaba.

Dinastiyang Carolingian Holy Roman Empire

Sistemang Piyudalismo Dinastiyang Merovingian

Pinamunuan ng mahuhusay
ng mga emperador ngunit sa
pagkakaroon ng mahihinang
emperador ay bumagsak ito.

Pagbagsak ng Imperyong
Romano

1 2 3

8- AP- Qrt 2- Week 5


8
ARALING PANLIPUNAN 8

 Pagkatapos bumagsak ng Imperyong Romano, ang nagkawatak-watak na kaharian


ay napamunuan ng mga pangkat-etnikong Aleman.
 Ang Holy Roman Empire ay pinamumunuan ng mga haring kinilala at binasbasan
ng Simbahan bilang tagapagtanggol ng Simbahang Katoliko.
 Si Charlemagne ang pinakadakilang emperador ng Holy Roman Empire.
 Ang Sistemang Piyudalismo ay umiral dahil sa muling pagkakawatak-watak ng
mga kaharian at kawalan ng kakayahan ng haring pamunuan ang buong lupain.
 Binubuo ng nobles, klerigo at pesante ang lipunan sa Sistemang Piyudalismo.

Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapakita ng iyong kahusayan sa


pagsasagawa ng kasanayan at pag-unawa sa mga paksa sa aralin.

Kraytirya:

3 – Naintindihan ko nang lubos at kaya kong ibahagi ang aralin sa iba.

2 – Naintindihan ko ngunit hindi ko kayang intindihin nang mag-isa.

1 – Naiintindihan ko ang ilang bahagi ngunit mayroon pa ring mga


katanungan.

0 – Hindi ko naintindihan. Kailangan ko pa ng ibayong pagsasanay.

Gaano ka kabihasa sa mga kasanayan at paksang ito? 3 2 1 0

Nasusuri ang mga politikal na pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang


Panahon.

Nasuri ko ang mga kaganapan sa Europa pagkatapos bumagsak


ang Imperyong Romano.

Naunawaan ko ang dahilan ng pagsisimula ng Holy Roman Empire


at ang papel na ginampanan ng mga pinuno nito.

Naipaliwanag ko ang dahilan ng pagsisimula ng Sistemang


Piyudalismo at ang paraan ng pamumuno dito.

8- AP- Qrt 2- Week 5


9
ARALING PANLIPUNAN 8

ANONG KLASENG LIDER AKO? Isipin na ikaw ay pinuno sa Gitnang Panahon at


gumawa ng iyong sariling profile. Gamiting gabay ang sumusunod:

a. Pangalan/Kilala bilang.... d. Kalakasan bilang pinuno


b. Pangalan ng Kaharian/Imperyo e. Kahinaan bilang pinuno
c. Mga batas at patakaran para sa
nasasakupan (3)
Mamarkahan ayon sa sumusunod na pamantayan:

Mahusay Sapat Kailangan ng pag- Puntos


unlad

Nilalaman Higit sa inaasahan May isa hanggang Mayroong apat


o kumpleto at tatlong kulang o hanggang limang
malinaw ang lahat hindi malinaw sa kulang o hindi
ng impormasyon impormasyong malinaw sa
na inilagay inilagay. impromasyong
inilagay
(7-8 puntos) (4-6 puntos)
(2-3 puntos)

Pagkamali Maayos at kaaya- Maayos at kaaya- Sapat ang


khain aya ang kabuuang aya ang kabuuang kabuuang itsura
itsura ng output. itsura ng output. ng output. Walang
Mayroong mga Mayroong sapat na sapat na disenyo.
angkop na disenyo. disenyo.
(1-2 puntos)
(5-6 puntos) (3-4 puntos)

Takdang Naipasa ang output


Oras sa itinakdang
deadline.

(1 puntos)

Kabuuan (15 puntos)

Ano-ano ang dapat taglayin ng isang pinuno upang mapanatili ang kaayusan
ng kanyang nasasakupan? Taglay mo ba ang mga katangiang ito?

8- AP- Qrt 2- Week 5


10
ARALING PANLIPUNAN 8

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang watsong sagot mula sa mga
pagpipilian. Malaking titik lamang ng sagot ang isulat.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo sa Sistemang Piyudalismo?


A. Piyudalismo ang sistemang politikal sa Panahong Medieval.
B. Ang hari at panginoon ang tanging nagmamay-ari ng mga lupain
C. Kasunduan sa pagitan ng panginoon at basalyo
D. Ang mga alipin ay may karapatang mag may-ari ng lupa
2. Sino ang anak ni Pepin the Short na tinaguriang pinakamahusay na hari sa
Medieval Period?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Papa Gregory
3. Bakit mahalaga ang lupa sa panahong Piyudal?
A. Ang lupa ay pambayad utang C. Ang lupa ay tanda ng kapangyarihan
B. Ang lupa ay pamalit sa serbisyo D. Ang lupa ay simbolo ng kadakilaan.
4. Napalawak ni Charlemagne ang katanyagan ng Holy Roman Empire. Sa kanyang
pagkamatay, hinati ang imperyo sa kanyang tatlong anak at hindi naglaon ay
tuluyang bumagsak. Samakatuwid, ang mga anak ni Charlemagne ay:
A. Nagmana sa kanilang ama bilang magaling na pinuno.
B. Mahihina ang ipinatupad na batas sa mga teritoryong sakop.
C. Nag-away ang magkakapatid at nakipagdigmaan sa bawat isa.
D. Walang sapat na kakayahan na mamuno at hindi sinuportahan ng mga
maharlika.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng paghina ng
Sistemang Piyudalismo?
A. Pagbubukas ng rutang pangkalakalan dahil sa Krusada.
B. Paglaki ng populasyon at pagbuo ng mga bayan at lungsod.
C. Kahinaan ng mga anak ng panginoong may-lupa sa pamumuno ng kanilang
lupain.
D. Pagsama ng mga panginoong may-lupa sa Krusada at hindi na nakabalik.
6. Bakit kinilala si Charlemagne bilang unang Holy Roman Emperor at Protector of
the Church?
A. Naging masunurin siya sa mga naisin ng Simbahan.
B. Nakuha nya ang mga teritoryo ng Banal na Lupain.

8- AP- Qrt 2- Week 5


11
ARALING PANLIPUNAN 8
C. Napasuko niya ang mga Lombards na kalaban ng Simbahan at nawakasan ang
pag-aalsa laban sa Santo Papa.
D. Ipinalaganap ang Kristiyanismo hanggang Asya.
7. Sino ang Santo Papa na nagtalaga at nagputong ng korona kay Charlemagne
bilang Emperador ng Holy Roman Empire?
A. Papa Leo III B. Papa Leo II C. Papa Gregory D. Papa Constantine
8. Bakit lumakas ang Sistemang Piyudalismo sa Gitnang Panahon?
A. Dahil ayaw nang pamahalaan ng hari ang kanyang teritoryo kaya’t ipinasa sa
mga panginoong may-lupa.
B. Dahil nalaman ng buong Europa na matagumpay ang pamumuno ng mga
maharlika.
C. Dahil binoto ng mga mamamayan ang kanilang mga panginoong may-lupa
upang mamuno sa kanila.
D. Dahil ibinigay ng hari ang kapangyarihang mamuno ng maliliit na teritoryo sa
mga panginoong may-lupa kapalit ng kanilang katapatan.
9. Ano ang relasyon ng Panginoong may-lupa at basalyo?
A. Ang basalyo ay dapat na magbigay ng makakain sa kanyang panginoong may-
lupa. Ang panginoong may-lupa ay babayaran ang kanyang basalyo kapalit
ng ibinigay na pagkain.
B. Ang Panginoong may-lupa ang nagkaloob ng lupa sa kanyang basalyo. Ang
basalyo ay tapat sa kanyang panginoong may-lupa at tutulong sa panahong
kailanganin ang kanyang serbisyong militar.
C. Ang basalyo ang naghahanap ng mga alipin para sa kanyang panginoong may-
lupa. Ang panginoong may-lupa ay bibigyan ng lupa ang kanyang basalyo
kapalit nito.
D. Ang basalyo ang namumuno sa nasasakupang lupain ng kanyang panginoong
may-lupa habang ito’y nananakop ng iba pang lupain.
10. Sino ang pinakamataas sa lipunan ng Sistemang Piyudalismo?
A. Panginoong may-lupa B. Hari C. Klerigo D. Maharlika

8- AP- Qrt 2- Week 5

You might also like