You are on page 1of 6

Nicolaus Copernicus

Nicolaus Copernicus

Si Nicolaus Copernicus (Pebrero 19, 1473 Mayo 24, 1543) ay isang astronomo na nagbigay ng
unang makabagong pormulasyon ng teoriya ng heliosentrismo (nakasentro sa araw) ng sistemang
solar sa kanyang aklat, De revolutionibus orbium coelestium (Sa mga Rebolusyon ng mga Selestikal
na Esperiko). Ipinanganak si Copernicus noong 1473 sa lungsod ng Toru(Tinik), sa Makaharing
Prussia, isang awtonomong lalawigan sa Kaharian ng Poland. Nakakuha siya
ng edukasyon sa Poland at Italya, at ginugol ang karamihan ng kanyang mga gawa
sa Frombork (Frauenburg), Warmia, kung saan namatay siya noong 1543.

Hildegard ng Bingen

Iluminasyon mula sa Liber Scivias na pinapakita si Hildegard na tinatanggap ang isang pangitain at dinidikta sa
kanyang tagasulat at sekretarya

Si Hildegard ng Bingen (Aleman: Hildegard von Bingen; Latin: Hildegardis Bingensis; 1098 17 Setyembre 1179),
kilala din bilang Banal na Hildegard at Santa Hildegard, ay isang Alemang pryora, may-akda, konselor, dalubwika,
naturalista, siyentipiko, pilisopo, doktor, hebalista, manunula, bisyonaryo at kompositor. Nahalal siyang
isang magistra ng kapwa niyang mga madre noong 1136, tinatag ang monasteryo sa Rupertsberg noong 1150
at Eibingen noong 1165.
Isa siyang kompositor na may natitira pang talambuhay sa kanyang sariling panahon. Isa sa kanyang mga gawa,
ang Ordo Virtutum, ay isang naunang halimbawa ng dramang pang-liturhiya.[1]
Nagsulat siya ng mga tekstong teolohikal, botanikal at medisinal, at gayon din ang mga sulat, awiting pang-liturhiya,
mga tula at ang unang nakaligtas na teatrong pagganap na tungkol sa moralidad, at habang pinamamahalaanan ang
magaling na maliliit na mga Iluminasyon.

Johannes Kepler
Si Johannes Kepler (27 Disyembre 1571 15 Nobyembre 1630), isang mahalagang tao sa rebolusyong maka-
agham, ay isang Alemang matematiko, astrologo, astronomo, at isa sa mga unang manunulat ng mga
kuwentong gawa-gawang agham. Kilala siya sa kanyang mga batas ng paggalaw ng mga planeta, batay sa kanyang
mga gawa na Astronomia nova, Harmonice Mundi at ang tekstong aklat na Epitome of Copernican Astronomy.
Isaac Newton

Si Sir Isaac Newton, PRS (25 Disyembre 1642 (OS) 20 Marso 1727 (OS) / 4 Enero 1643 (NS) 31
Marso 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang
taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa
kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.
Ang kanyang monograpong Philosophi Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang
naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng mekanikang klasiko. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton
ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa
siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na
ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang pangkalawakan ay
pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-
ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis
ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng
rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na
isinulat.

GALILEO GALILEI

Galileo Galilei

Si Galileo Galilei[4] (15 Pebrero 1564 8 Enero 1642) ay


isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko[5] na malapit na inuugnay
sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't
ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw
(motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na
tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng
makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental
bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng
makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler.
Sa mga gawain din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.[4]

CHARLES DARWIN

Charles Darwin

Si Charles Robert Darwin FRS (12 Pebrero 1809 19 Abril 1882) ay


isang Ingles na naturalista.[I] Kanyang pinatunayan na ang lahat ng mga espesye ng buhay ay
nagmula sa loob ng maraming panahon mula sa karaniwang mga ninuno,[1] at nagmungkahi
ng teoriyang siyentipiko na ang sumasangay na paterno ng ebolusyon ay nagresulta mula sa
isang prosesong tinatawag na natural na seleksiyon.[2] Inilimbag ni Darwin ang kanyang teoriya
na may nakapipilit na ebidensiya para sa ebolusyon sa kanyang 1859 na aklat na On the Origin
of Species(Tungkol sa Pinagmulan ng Espesye) na nanaig sa siyentipikong pagtakwil ng mas
naunang mga konsepto ng transmutasyon ng mga espesye.[3][4] Nang mga 1870,
ang pamayanang siyentipiko at karamihan sa pangkahalatang publiko ay tumanggap
sa ebolusyon bilang isang katotohan. Gayunpaman, marami ang pumabor sa magkakalabang
mga paliwanag at hanggang sa paglitaw lamang ng modernong ebolusyonaryong sintesis mula
1930 hanggang 1950 nang ang isang malawak na kasunduan ay nabuo kung saan ang natural
na seleksiyon ang basiko o saligang mekanismo ng ebolusyon.[5][6] Sa binagong anyo, ang
pagkakatuklas siyentipiko ni Darwin ang nagsasamang teoriya ng mga agham ng buhay na
nagpapaliwanag sa dibersidad ng buhay.
Marie curie
Marie SkodowskaCurie

Si Marie Skodowska-Curie (ipinanganak bilang si Maria Salomea Skodowska, 7


Nobyembre 1867 4 Hulyo 1934) ay isang kimiko na kilala para sa kaniyang pagsasaliksik na
naging batayan ng radyoaktibidad at ng larangan ng radyolohiya. Siya ang unang babaeng
nakatanggap ng Gantimpalang Nobelsa kimika at sa pisika, ang unang babaeng propesor
sa Pamantasan ng Paris, at ang unang babaeng inilibing sa Panthon ng Paris dahil sa sariling
sikap.

Louis Pasteur

Louis Pasteur

Si Louis Pasteur[1] (27 Disyembre 1822 28 Setyembre 1895) ay


isang kimikong Pranses at mikrobiyologo na higit na kilala sa kaniyang mga natuklasan hinggil sa mga
sanhi ng at pag-iwas mula sa mga karamdaman. Tinangkilik ng kaniyang mga pagsubok ang panukalang
mikrobyo ng karamdaman (germ theory), ang pagpapababa ng bilang pagkamatay mula sa lagnat na
puwerperal (childbedsa Ingles), at siya ang lumikha ng unang bakuna laban sa rabies.

Albert Einstein
Albert Einstein

Si Albert Einstein[1] (14 Marso 187918 Abril 1955) ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong
teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa
pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang papel na
kanyang ginampanan sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang
pangkalahatang relatibidad. Sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoriyang
quantum at mekanikang estadistikal. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel sa kanyang
paliwanag sa epektong photoelektrika noong 1905.
Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoriyang
pangkalahatang relatibidad na ang sinag(light rays) ng malalayong bituin ay malilihis
ng grabidad ng araw. Ito ay napatunayan noong 7 Nobyembre 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga
inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Eklipseng solar na naganap nang taong iyon sa Aprika.

Aristoteles

Si Aristotle (sulat Griyego: ; Latin: Aristoteles) (384 BCEMarso 7, 322 BCE) ay


isang Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni Dakilang Alexander. Kasama ni Plato,
itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin. Nagsulat siya ng mga maraming aklat
sa physics, panulaan, zoology, lohika, pamahalaan, at biology. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa
kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa agham, inaral ni Aristotle
ang anatomiya, astronomiya, embriyolohiya, heograpiya, heolohiya, meteorolohiya, pisika, at soolohiya. Sa
pilosopiya, nagsulat siya sa estetika, ekonomiks, etika, pamahalaan, metapisika, politika, sikolohiya, sayusay,
at teolohiya. Naging paksa niya rin ang edukasyon, mga banyagang kaugalian, panitikan, at panulaan. Masasabing
bumubuo ang kaniyang mga pinagsamang mga akda ng isang encyclopedia ng sinaunang Gryegong kaalaman.

You might also like